Tuesday, November 03, 2009

Sensitive

Paulit-ulit kong binasa yung previous post ko...at may naisip lang ako...

Sensitive pala ako... Hindi ko lang pinapakita at hindi ko lang sinasabi...

PS
Sa mga nagtetext sa akin na feeling niyo sinusungitan ko kayo at feeling niyo galit ako... Lagi kayong nagkakamali... Ganon lang talaga ako magtext.

F R I E N D S

I am not perfect. I screw up sometimes or maybe more often than that. I know I am weird...atypical may be fitter.

Hay... Ang hirap nang ganito... Hindi nila ako kinakausap kasi hindi ako sumama sa kanila sa Batangas. May dahilan naman ako hindi lang dahil sa thesis na yan. At isa pa, kung sasama naman talaga ako...sana nagdala ako ng gamit papuntang school. Ang hirap mag-explain lalo na kapag may iba na silang naiisip. Feeling ko kasi nagpapalusot na lang ako. Feeling ko sinasabi ko na lang yung mga bagay na yun para mag-defend nang sarili ko at hindi dahil sa gusto kong maging malinaw ang lahat.

Kalokohan.
Feeling ko pinapalala ko lang lalo ang sitwasyon. Hindi ako nagsasalita. Hindi nila ako kinakausap at hindi ko rin sila kinakausap. May part sa akin na parang ayaw ko nang ipaalam sa kanila yung dahilan ng hindi ko pagsama.

Iyak.
Naiinis ako tuwing umiiyak ako...maliban sa namamaga yung mga mata ko, feeling ko unnecessary talaga ang pag-iyak. Pero iyakin talaga ako, eh. Minsan nga naiisip kong OA na ako kapag umiyak pa ako.

Masakit.
Alam kong may possibility na magalit sila sa akin...pero hindi ko inasahan na masyadong negative ang reaction nila sa ginawa ko. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanila nang hindi umiiyak na hindi ako sasama sa kanila.

Excitement.
Excited pa naman akong sumama nun. Gustung-gusto ko talaga sumama. Nag-iipon na nga ako ng gamit ko for that kasi gusto ko talaga. Pero... Naiinis ako! Hindi ko matanggap sa sarili kong hindi nila ako inintindi/naintindihan. Alam kong may karapatan silang magalit sa akin pero naisip ko hindi naman todo-todo kasi nga siguro kahit papaano susubukan nilang hintayin yung pagkakataon na magkausap kami ulit. Sinabihan ko na siya nun na hindi lang naman ayun ang dahilan ko. Nagkamali pala ako sa inisip ko. Maling-mali yata ako. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon. In denial pa ako.

Isa pa...

Bossy.
Alam kong nagiging bossy ako over my groupmates. Actually, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila yung ine-expect kong gawa nila. Sinubukan kong makiusap, walang nangyari. Sinabihan pa ako na wag daw akong makiusap, mag-utos daw ako. Sinubukan kong maging bossy, ganon pa rin. Hindi ko alam. At please lang...wag mo na ulit sasabihin sa akin na ipakita ko sa'yo yung part na ginawa ko... Nakaka-hurt ka... Kaya nga pinapasa ko na sa inyo lahat ng pwede ko namang gawin kasi feeling ko kahit gumawa ako, maiisip mo pa ring wala akong ginawa.

Misunderstood.
Ang hirap pag hindi ka nila naiintindihan...at mas mahirap kapag hinahayaan mong hindi ka nila maintindihan. Nagkamali pala ako ng sabi sa sarili ko. Hindi naman ako ganon ka-irrational tulad ng iniisip ko. May dahilan sa mga ginawa ko.

May dahilan ako...hindi niyo lang alam kung ano...

Isa pa...next time na hindi ako magsasabi sa inyo...gusto ko lang malaman niyo na kaya hindi ako nagsasabi kasi hindi ko pa kayang pagtawanan ang sarili ko at yung mga problema ko... I hate extreme emotions. At kung sakaling hindi niyo ito malaman/mabasa...someday...I will let you understand...