Monday, January 30, 2006

Student Teacher

“Kamukha niya si Roxy sa Mr. Bean na cartoon series.”
“Ay oo nga! HAHAHAHA!”

Nagalit si Ms. Roxy (fictitious name) sa amin kasi medyo hindi namin siya sinusunod. Medyo pasaway talaga ang klase namin at kailangan mong matutunang maki-ride para tumino kami sa klase. Dumating na ang CL teacher namin, the discussion was smooth kasi marunong maki-ride yung teacher namin. Ü Si Ms. Roxy naman walang ka-imik-imik sa sulok.

2nd day with Ms. Roxy
May discussion. Natutunan niya na rin kung pano sumakay sa amin. E di naging matino ang discussion. Pero syempre hindi siya nakaligtas sa mga classmates.

“Can you imagine … ?” Mmm… “I can’t…” Hehe… Paborito niya ata itong sabihin.

Medyo nagkainitan kami dahil sa dolphins. Nakakaawa nga naman ang dolphins na hinuhuli at kinakatay pero ginagawa pa sa illegal na paraan. Tinutulad pa niya ang tao sa dolphins. Ehem… Mammals nga ang dolphin at ang tao pero iba tayo sa kanila. Gusto pa niya ata ng spot the difference eh.

Maybe she’s a vegetarian. Siguro hindi siya kumakain ng baboy o kaya baka. Ayaw niya ata sa mammals na pwede at legal na kainin.

3rd day: hindi na siya dumating

Ms. Dolphin

Ms. Dolphin a.k.a. teacher namin sa A.P. IV. Medyo mapanghinala siya at bastos in many ways. Hindi siya marunong makinig sa sinasabi ng students. Tapos hindi ata siya nagbabasa ng libro.

Favorite expressions niya ang:
Okay (more than a hundred times niya to nasasabi sa isang discussion)
Soooo (mga 2 seconds niya to sinasabi)
Aaaand oothers (may kakaiba sa kanya pag sinasabi niya to)

Mapanghinala:
“Nako ha, baka kung ano na ginawa ninyo.” – late kasi yung mag-on kong classmates kasi pumunta sila sa principal’s office.
“Bakit mo chine-checkan yung papel niya?” – hawak kasi ni girl yung test paper ni boy.
“Sino yung may pointer (aka LASER) dyan? Baka naman pag nakatalikod ang teacher eh tinututok niyo sa kanila.” – kasi sa hindi sinasadyang pagkakataon napindot yung pointer aka LASER tapos tumama sa screen para sa projector.

Bionic ears:
“Uy gagamitin, gagamitin.” – pabulong lang to sinabi pero narinig niya. Nang-confiscate kasi siya ng earphones eh.
“Nakakainis talaga tong si ******* (secret ang name eh)!” – akala ko maririnig niya ako, ang lakas kasi ng boses ko nung sinabi ko yun eh. Ibig sabihin minsan lang siya may bionic ears.
Yung tingin ng iba kong classmates mukha siyang dolphin kaya naging Ms. Dolphin. Mala-walis tingting din yung plantsado niyang buhok. Malaki ang mata at nakakatawa ang facial expressions. Mabagal niya talaga sinasabi yung fave expressions niya. Minsan nga tina-tally namin kung gano niya na karami nabanggit yung mga yun. Medyo kawawa lang siya kasi hindi niya alam na siya na pala yung tinitira nung classmates ko pero nakikitawa pa siya. Hay. Isa lang ang sure ako, “She never earned most of my classmates’ respect.”

Wednesday, January 25, 2006

Kwento tungkol sa kwento

May quiz kami kanina. Gawa raw kami ng sequel ng El Filibusterismo. Ang title ng akin ay “Nacion.” Hindi ko alam kung bakit pero ayun ang naisip ko, meron pang “Ang Huling Pagsibol ng Damong Ligaw.”

Kung mababasa mo ang kwento mas magulo ang plot ko kaysa sa panahon ng Kastila.

Tinapos ko ang story sa sunog. Wala akong maisip. Muntik ko pang isunod yung istorya sa isang series sa TV. Hehe… May cook tapos nilason yung isang opisyal. Hehe… Wala talaga akong maisip. Magulo ang istorya at iniisip ko ang magiging reaksyon ng magbabasa noon. Baka mapa-kamot ng ulo.

Hmmm...

CO (cadet officer) o RCY (Red Cross Youth)? Alin nga ba? Naka-lista na ako sa COLT at binalak kong mag-quit para maging RCY. Nahiya ako sa battalion commander kaya itinuloy ko ang pag-c-CO ko. Masaya ako sa pagiging CO. Iba ang pakiramdam. Yung ibang classmates kong nag-quit sa COLT na nag-RCY ay naging CO uli. Mataas ang posisyon nila. Yung isa 2nd Battalion Commander at yung isa 3rd Battalion Ex-o.

It was a decision to make. Sinabi rin ng kapatid ko na pina-aga ko lang ang training. I still continued. Inisip ko na lang, “At least tapos na nung 3rd year pa lang ako.”

Ito ang gusto kong sabihin.
“Hindi ako nahirapan. Hindi ako nahihirapan sa isang bagay na gusto ko. Nag-enjoy ako. Natuwa ako kahit may ilang pagkakataon na ako ang naging source ng katuwaan at ka-ewanan. Naglakad ako sa bayan namin dahil parade noon. Nag-ipon ng pera para sa gala naming libo ang halaga. Nag-shine ng brass na gamit. Napatakbo. Halos tumalsik ang sword. Sumakit ang balikat. Nag-suot ng hindi nilabhang gala. Tumayo sa arawan. Kinulayang ang rifle ng permanent marker para gumanda. Nagtatali ng buhok kahit basa pa. Pumapasok tuwing Sabado. Gabi na umuwi tuwing Martes. Sumigaw. Nag-rap. Kumanta. Nag-dasal. Kinabahan. Naghanap. Masaya ako. Ito kasi ang desisyon ko at pinanindigan ko ito. Masaya ako sa ginawa ko. Natagalan ko ang isang taon ng hamon at ngayon ako naman ang mang-hahamon.”

*Habang tina-type ko ito nangingilid ang luha ko. Bumalik ang alaala. Hinalungkat ko ang iba sa utak ko.
“Pano na lang kung nag-quit ako. Wala sanang ganitong klase ng alaala. Ayaw ko. Iba ito. Minahal ko ito. Kahit ‘di ako masyadong nag-re-review para sa exams ginawa ko naman ang kaya ko para sa COLT. Salamat sa facial reaction na iyon at dahil doon hindi ako nag-quit.”

Major

Time warp
March 2005 (graduation of 4th year batch 2004-2005)
“Pwede bang tumalikod, ang sakit na nang paa ko.”
“Pwede siguro.”
“Pero tingnan mo sila, walang gumagalaw sa kanila.” Pero tumalikod pa rin ako.

“Nakalimutan na ata nila tayo. Isang oras na tayo dito.”

“Anong posisyon mo?”
“Uy, si Blaine Deputy!”
“Anong posisyon mo?”
“Basta.”
“Ako kaya? Hindi ako magiging Lieutenant Colonel baka Major ako o First Lieutenant.”
“Cruz? O, eto”
“Major? Yes! Major! 1st battalion S2? Uhhh… Sige ayus na ito kesa naman sa iba pa at least parehong posisyon ibang battalion nga lang.”

Iba’t ibang emosyon ang makikita mo, naglabasan na ang graduates, officers na kami, I rendered my last salute, may umiiyak, may natutuwa, may hindi mo alam kung ano ang emosyon, may ibang gusto nang umuwi. Ako naman sa excitement balut-balot pa rin ako ng maroon naming gala. Take note: “Complete uniform” ako nung umalis ako sa school at pagdating sa bahay ganon pa rin. My happiness mixed with some dismay. May na-achieve ako. Hindi masyadong achievement ang grade school graduation ko. Masaya ako dahil sa pag-akyat ko sa punong hindi ko kilala ay may masarap na prutas akong napitas.

Kweno tungkol sa pagiging late

I belong to the CAT I-Unit. I have never imagined myself wearing a green uniform and a sword hanging beside. Hehe…

Time warp…
January 2005

“Ma’am, permission to join the group ma’am”
“Kolektahin ang clearance nila.” At hiniwalay sa ibang clearance.

I reported late in our formation because I tried to complete my clearance. Pinaulit sa akin yung Army Dozen a.ka. exercise. I was late and I knew it but I continued to recite the Army Dozen. The memory was quite fresh, I can even feel the heat of the sun, the frustration, the feeling of the last element in the platoon and sadness. Naaalala ko pa yung tumatakbo ako, tumatakbo ang segundo, naglalakad ang minuto, gumagapang ang oras at kumakaripas ang panahon. I was defeated by something insubstantial. Time and will are very powerful. Hindi ko naman sinisisi ang oras kasi kasalanan ko naman talaga, I can’t do anything and I can’t resist the thought of achieving something. I did but I still lost in the end. Hindi ako nanisi. One hundred and one percent (101%) alam ko ang ginagawa ko at ang maidudulot ng ginagawa ko.
*Wala akong sinisi kahit ang nagtanong sa akin hindi ko sinisisi. May natutunan naman ako. Time is not gold. Mas mahalaga pa ito sa lahat ng mineral at batong makikita mo.

Tic-tac-tic. Dismissal time.

Common na maririnig sa class namin ‘pag dismissal na:
Ano assignment?
Tapos ka na sa lecture? (pag oo ang sagot…)
Pahiram naman, pa-over night ha.
Pasama naman, punta lang ako sa [lugar].
Nakita mo ba si [pangalan]?
Nasan po si Ma’am/Sir [pangalan]?
Ba-bye.
Maputi? (nagpupulbos kasi)
Hahahahaha!!! (mga tawa ng taong tuwang-tuwa sa pinag-uusapan)

When asked, “What’s your favorite subject?” Ang sagot ng iba ay break. Mas masaya pa rin para sa iba ang uwian kasi wala ng susunod na subject, bukas naman. Iba pa rin ang ambience na meron ang dismissal sa klase namin.
Ang puntahan ng mga estudyante sa class namin ang San Lorenzo Hall. Ayus. Doon mo makikita ang mga magka-klase na gustong magpa-gabi, naghihintay, nakatunganga, nagpapalipas ng oras, kumakain, naglalaro, at marami pang iba.

Iba pa rin talaga ang dismissal time.

Friendship

Kasama ang ilan kong classmates, nakipag-usap kami sa isang cadet sa COLT (ambush interview ata iyon). Ang usapan namin napunta sa kung saan-saan. May biglang nabanggit.

“Wala po kasing respeto yung mga kaibigan ko sa akin.”

Hindi ko alam kung natanong ko sa kanya kung friends ba talaga sila o hindi. FRIENDS ba sila? Hindi ata. Respeto ang isa sa cornerstones ng isang magandang relasyon.

Nagtanong naman siya. “Nagawa niyo na po bang mag-sakripisyo para sa kaibigan niyo?”

Ako ang unang pinasagot. Umoo ako at nagdugtong na, “Halos hindi ako natulog matapos lang yung pabor sa akin eh at kahit gutom na ako naghihintay pa rin ako para sa kanya.” Yung pabor? May maganda naman siyang rason para gawin ko iyon at alam ko ang sitwasyon nang magloko ang pc niyo sa bahay.

Having friends is like building a house. You should choose the right materials and start building together.

Saturday, January 14, 2006

Tic-tac-tic. Dismissal time.

Common na maririnig sa class namin ‘pag dismissal na:
Ano assignment?
Tapos ka na sa lecture? (pag oo ang sagot…)
Pahiram naman, pa-over night ha.
Pasama naman, punta lang ako sa [lugar].
Nakita mo ba si [pangalan]?
Nasan po si Ma’am/Sir [pangalan]?
Ba-bye.
Maputi? (nagpupulbos kasi)
Hahahahaha!!! (mga tawa ng taong tuwang-tuwa sa pinag-uusapan)

“What’s your favorite subject?” Ang sagot ng iba ay break. Mas masaya pa rin para sa iba ang uwian kasi wala ng susunod na subject, bukas naman. Iba pa rin ang ambience na meron ang dismissal sa klase namin.

Ang puntahan ng mga estudyante sa class namin ang San Lorenzo Hall. Ayus. Doon mo makikita ang mga magka-klase na gustong magpa-gabi, naghihintay, nakatunganga, nagpapalipas ng oras, kumakain, naglalaro, at marami pang iba.

Iba pa rin talaga ang dismissal.

Wednesday, January 11, 2006

“Minsan kailangan ng lakas para sabihin na mahina ka.”

Mahina pa rin ba ‘yon? Magaling nga at inamin. May ilang tao na hindi maamin na mahina sila.

Thursday, January 05, 2006

Dogs

Scrappy, Duffy, Dustin, Chucky, Boom, Dimples and a lot more. Yung iba namatay nung tuta pa lang..

Scrappy died 2 days ago, January 3, at around 3 am.

He was with us for 8 years. Fifty-six years for the dogs.

Mukha siyang pinaghalu-halong breed. He cannot eat if he knows someone will be leaving. He knows the word “ligo” and he gets angry every time he hears it. He will lie down and wants his tummy to be scratched or touched, he loves it. He loves ice cream. He loves to run. He loves jump and we love him. Kapag naglalaro kami ng bola, ibabalik niya yung bola sa kung sino yung nagbato. Ang laruan pa niya dati ay tinatawag naming “hamburger”, I really think he likes it. It was crumpled newspaper shaped like a thick hamburger patty and wrapped with lots of sticky tape.

Before he died... I even told myself that I would buy a treat for him. Pero sabi ko na nga ba eh... Mamamatay na siya kasi mahina na siya. Bago pa siya mamatay tumahol siya. It was a hoarse bark, last bark na pala niya iyon.

Scrappy-dooks, Scrampy, Scrampy-dooks, Scrapu-dil, Scrappy… Hay... Death...

Tests and Exams

It’s the first day of our exam. Bago umuwi sa bahay at muntikang mabangga ng isang van... Nagre-review ako. I was trying hard to stick some useful knowledge in my head… Then… One of my classmates exclaimed: “Si G-chen nga eh,” looking at me, “hindi alam na may test!” It’s true. It was a few months ago when my classmate called at our house asking for the schedule of the exam. Hindi ko naman akalain na yung may pinaka mahabang exam namin eh ayun pa yung hindi ko mare-review. The exam included the three maps of Paul’s journeys, the emperors who persecuted Christians, and many more. Waaahhh… Fifteen minutes lang ata ako nag-review pero pasang-awa naman ako. I got half of the test items correct. Ako yata ang lowest. Proud pa rin ako, at least hindi bagsak.

Hindi ako kinakabahan nang dumating ako sa school. Kumalat na pala sa klase namin na hindi ko alam na may test. They were smiling at me and one of my classmates approached me and said, “Bakit hindi ka kinakabahan? Kung ako ikaw umiiyak na ako.” Napa-ngiti na lang ako at nagsabi na, “Uubusin ko pa ba ang oras ko sa pag-iyak at pag-aalala. E di sana nag-review na lang ako non.”

Poverty

Person1: Ito nga ho…
Person2: Hindi po kami tumatanggap ng ganyan eh. Pasensya na po.
P1: Aba! Award ito ng apo ko! Tsaka ginto naman ito oh!
P2: Hindi po talaga pwede eh.

“Ano ang click na negosyo ngayon?”
“Pawnshop po.”
“Bakit naman?”
“Habang naghihirap kasi ang tao lalo silang magsasanla ng gamit.”

Totoo nga naman. Kung ayun na lang ba ang naiisip mong paraan eh, e di dun ka na kakapit. Kanya-kanyang diskarte. Kaya nga naman may negosyo para kumita. Itatayo mo ba iyon para malugi ka at maubusan ng kwarta?

Joke
Q: Sino ang pinaka mayamang tao sa buong mundo?
A: Ang duling.
Q: Bakit?
A: Kasi sila ang doble-kita.

People Learn

“People learn.”

Kahit hindi tinuturuan natututo tayo. Ang umasa ay innate na sa atin. Masakit, masaya o libre, ayan ang pag-asa. Sure ako na may at least isang tao na umaasa ngayon.

Umaasang:
Pumasa sa test
Sagutin nang nililigawan
Huwag pagalitan ng magulang
Huwag ma-late sa papasukan
Matanggap sa trabaho
At marami pang iba…

Kung puno ang “PAG-ASA” wala na itong chance para matumba pa. Dito sumisilong ang mga taong kailangan nang bubong sa maulan na panahon.

Maraming dumepende sa pag-asa, syempre tax free na, libre pa. Hindi na kailangan ng voucher o coupon na i-re-redeem pa sa redemption booth.

Kahit ano pa man tingin natin sa salitang iyon, hindi natin ‘yun pwedeng hugutin sa buhay natin. Kumabaga ayun ang swelas sa sapatos, ang numero sa kalendaryo, ang dial tone sa telepono.