Friday, June 15, 2007

Pasukan disasters...

Unang araw ng pasukan namin kahapon at hindi naman masyadong maganda ang mga nangyari. Pero may maganda pa rin...

Una
Nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay. Nasa Valley Golf (assuming na alam niyo kung saan ito) na ako nung bumaba ako sa jeep na sinakyan ko. Hindi pa ako nagbabayad non... Obviously, kasi nga wala ang wallet ko. Hindi ako marunong tumawid ng kalsada kaya hindi na ako nag-dare na sumakay ng jeep pabalik sa Singer (assuming "ulit" na alam niyo kung saan ito...basta magkalayo silang dalawa). Ang aking last resort... Ang paglalakad. Actually hindi naman talaga ako naglakad. Tumakbo pala ako. 5:15 am ako umalis ng bahay at 6:00am ako nakarating "uli."

Pangalawa
Sumakay na ako sa LRT2. Nakita kong nandon si Jep at si Ayie (assuming na kilala niyo sila) at sila ay naghihintay sa akin. Ayun. Hindi naman super disaster ang nangyari. Huminto lang naman bigla ang tren at muntik-muntikan lang naman ako/kami tumumba.

Pangatlo
Kumain kami sa university canteen, oh sige canteen na lang for short. Mainit, masikip at malagkit. In short, not my ideal place. Mahal pa pala ang pagkain. Nalagas ang P42 ko para sa large juice, 4 na pirasong shanghai at isang cup ng kanin. Ayoko nang kumain don, ang mahal kasi, eh. Except lang kapag no choice na. (-_-)

Hindi na disaster ang kasunod...
Nilibre ako ni ate sa Worlds of Fun. Nag-gallery shooting kami at proud naman ako dahil naka-2 points naman ako at ang premyo ko ay limang piraso ng Mentos. Ayos na rin kaysa sa wala.

Masaya naman ag first day kahit medyo nakakahiya ang pagka-iwan ko sa wallet ko. Hay!

Update lang... (assuming na interesado kayo sa nangyari sa mga tahimik kong paglalakbay)
= Tinulak ako ni Ayie kahapon. Normal na ulit kami. Hahahaha!
= Binigyan ko si ate ng chocolate at hindi ako nanghingi.
= Nagbabasa na ako ng libro yung "Word Power Made Easy" by Norman Lewis. Nako! Hina-haunt na ako ng etymological roots ng words. My gulay! 'Pag pikit ko sa gabi, imbis na mga tupa ang bilangin ko mga words na ako nakikita ko. Hahay! Pati pala yung "Amityville Horror" binabasa ko na rin. Masaya at madaling intindihin.
= Sira ang modem namin kaya pa-rent-rent muna ako ng pc ngayon.