Saturday, May 27, 2006
Gusto lang pala ni Manong ng pang-merienda...
Nahuli kami sa may Marikina dahil sa counter flowing. Medyo naguguluhan ako sa nangyayari kasi hindi naman kami tineketan. Tapos lagi lang binabanggit ni Manong na nag-violate kami ng rule. Hay… Ayon pala gusto niya lang ng lagay… Suhol… Bribe… Magkano? 50 Pesos… Pang-merienda raw... Ayos na siya doon at pinalagpas na kami na parang tinuruan lang kung saan pupunta. Hay…
Tuesday, May 16, 2006
Paano ba didikit ang upuan sa pwet mo?
Siguro mga 9 o 10 oras kaming umupo at naghihintay.
Hindi ko naimagine ang sarili kong naghintay ng ganoon katagal at guess what… Naka-upo kami. Aaammm… Kasi masakit sa pwet.
Tanaw na tanaw mo ang puno ng eucalyptus (daw) sa labas ng building. Ang puno ay sumasayaw sa himig ng hangin. Ang ganda nga eh. Ang sarap ng hangin. Nagtaka ako kung paano nagkaroon ng sariwang hangin sa isang lugar na may daanan ng tren, bus, trak, dyip at iba pa. Pati tao parang tambutso kasi bumubuga ng usok. Tanging ang tribike lang ang friendly sa hangin. Siguro maliban na lang kung may nilabas na himala ang driver.
Balita ko rin nga pala nag-enrol ang isa kong kaibigan sa isang kilalang unibersidad (sobrang kilala iyon na magtanggal ka lang ng isang word sa unibersidad na pinapasukan ko ay ayun na ‘yon… Blind item?) At kinwento ko kay Zino (pagbigkas = zay-no) aka batchmate turned classmate.
A: Sabi ng kaibigan ko nung nag-enrol siya sa ***** 7 am to 3 pm ang enrolment nila.
Z: (Tingin sa relo…) *toot* malalagpasan natin ‘yon…
A: Hahaha!!!
Akala ko kasama ko na ang kinauupuan ko pagtayo ko. Sa kabutihang palad, hindi naman.

Saturday, May 13, 2006
Acid Rain = Umuulan ng Basura?

---> Epekto ng acid rain... Kaya alagaan ang kapaligiran.
Tag-ulan na naman at may mga nakikita na naman akong mga batang naliligo sa ulan. Sila yung mga kapit-bahay namin at yung iba galing doon sa kabilang ibayo pa.
Syempre noong bata ako naliligo rin ako sa ulan at nangingisda pa kami dati sa baha sa may amin pero wala kaming nahuhuling isda. Masakit pa ang patak ng tubig ulan sa likuran ko kasi bata pa ako noon at maliit pa (kahit hanggang ngayon).
Naalala ko tuloy kasi lagi akong napapagalitan kapag naliligo sa tubig ulan. Marumi raw ‘yon, parang Acid Rain. Wahahaha… Dahil sa makipot kong pag-iisip noong bata at ang alam kong madumi noon ay ang basura e di inakala kong...
…umuulan ng basura kapag may acid rain. WOOH!!! Hahahahaha!!!
Noong high school na ako nalinawan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Acid Rain…
Friday, May 12, 2006
Gay Lingo... Keri mo ba itets?
May nag-send sa akin nang message. Ang laman ng message ay ang sumusunod.
KUNG NAG GAY LANGUAGE sana sila GMA at GARCI, e di walang SCAM!
GMA: hallo gracia!
GARCI: plangush mother! Na chenilyn de kimberlyn ko na po yong mga chuva ek ek!
GMA: bonggacious! eh yong mga chenes chenes, carry na ba?
GARCI: Winnie santos mama, wiz na wori eclavou na ever! Na ch0rva na!
GMA: ang tarush! malditah ka talagah. Eh di windra na2man watashi!?
GARCI: anufi ate…
GMA: oshah babush na… ra2mpa pa ang lola.
Aaaa----no raw? Hindi ko nagets…

Thursday, May 11, 2006
Gaano karami ang earwax sa tainga mo? Pang-Guinness na ba?

Ano kaya kung mag-break o mag-set ako ng panibagong world record? Hahaha… Ano naman kaya yun?
Nung 1st year kami dati sabi nung isa kong kaklase magtatala siya ng panibagong record sa Guinness World Records na may pinaka maraming ear wax sa loob ng tainga niya. Nyaks! Ayaw ko naman ng ganon… Ano kaya? “Corniest Person?” Hhmm… Masyado atang brutal iyon para sa akin…
*Picture from www.livemarketing.no
Tuesday, May 09, 2006
Ano ang burol? Ano ang pagkakaintindi mo sa salitang ito?
Burol – ang paglalagak ng katawan ng namatay (Tama ba?).
Para pa sa mas malawak na pag-bi-bigay ng kahulugan sa burol…
- Maraming sugal na nagaganap dito tulad ng tong-its, sakla, bingo,
at color game.
- Maliban sa mga nabanggit maaari ka ring makakita ng mga taong seryosong nagche-chess at nag-i-scrabble.
- Ang iba naman ay nandito para sa mga pagkain na libreng pinapamigay, syempre pati may juice. Kung maluwag ang budget ng namatayan ay may sopas at pansit pa itong ihahanda. Kung hindi naman, ay makuntento na lang sa mani at kornik.
*Ito ay ayon lamang sa aking mga naoobserbahan.

Monday, May 08, 2006
Parang kambal na magkaboses pa
May mga tumatawag dito sa amin at syempre ang iba doon ay tawag para sa ate ko. Minsan ako ang nakakasagot at minsan… Hehehe… Iku-kwento ko…
Ako: Hello?
Caller: Oh, Geralyn!!!
Ako: Hindi ito si Geralyn, teka tatawagin ko s’ya
*Ito yung pinaka common sa lahat.
Ako: Hello?
Caller: Kumusta ka na? Oh, naka-enrol ka na ba?
Ako: Aahmm… Opo… (akala ko kasi ako)
Caller: Kumusta na inaanak ko?
Ako: (Ha? Eh ako yung inaanak mo eh!) Ayos lang po.
Caller: Naka-enrol na ba siya?
Ako: Opo…
*Natapos ang pag-uusap namin na akala niya ako si ate. Hindi ako nakaimik kasi ang bilis niya magsalita.
Ako: Good afternoon!
Caller: Hello. Pwede po kay Zsheraldine? (Sino siya? Walang Zsheraldine, sa amin, Geralyn lang)
Ako: Teka lang… (after few seconds)
: Hello?
Caller: Oh! Zsheraldine! Naistorbo ba kita? (with matching pacute na boses)
Ako: Ah… Hindi ito si Geralyn. Tulog siya eh.
Ako: Good evening
Caller: Pwede po kay Ate Gretchen?
Ako: Oh, bakit?
Caller: Ikaw na po ba ‘yan ma’am? (tinatawag niya akong ma’am kasi CAT officer nila ako dati)
Ako: Oh? Bakit nga?
Caller: Teka naguguluhan ako. Ma’am?
*Tapos niloko-loko ko na siya kasi nakakatawa siya.

Saturday, May 06, 2006
Yung parang dikya
Hindi ko maalala ang ginagawa ko noong napatingin ako sa kalangitan. Aking napansin ang kulay dilaw na bagay na lumilipad, nagulat ako at napatingin uli… Isa pala iyong saranggola na mukhang dikya.
Hindi ako marunong magpalipad ng saranggola. Siguro dahil ito sa lugar na tinitirhan namin na puro kable ng kuryente ang bubungad sa saranggola mong nais sumakay sa malakas na hangin. Hehe… Ilang saranggola na rin ang natepok at nabuhol sa mga kable ng kuryente dito. Hindi ko rin natutunan kung paano gumawa ng bula gamit ang gumamela. Hindi ko rin kayang gumawa ng himig gamit ang dahon. Hay… Marami akong hindi natutunan noong ako ay bata.
Napa-isip ako tungkol sa kabataan ko.
Noong lumipat kami dito sa kasalukuyan tinitirhan namin medyo hindi na ako nakikipag-salamuha sa mga kapwa bata ko. Hindi na ako nakikipag-karerahan sa bisikleta(dahil wala na rin akong bisikleta noon), wala na akong kalarong nanghuhuli ng butiki, wala ng role-playing sa gitna ng kalye, hindi na umaakyat sa puno ng makopa, hindi na nakakapaglambitin sa dyip at hindi na ginagawang slide ang bench ni Tatang. Mas naging interesado ako sa pagdidilig ng orchids ni Tutu kesa sa pakikipaglaro. Masarap maging bata pero nakalimutan ko ito noong lumipat kami rito. Nakukuntento na ako sa pakikipaglaro sa sarili ko, sa ate ko at sa mga alaga naming aso. Hay… Iba talaga ‘pag bata…

Friday, May 05, 2006
Ayan kasi!!!
Habang nagmumuni-muni sa harap ng computer bigla ko na lamang nakita uli ang bote ng lotion. Wow! Lotion! At last may lotion at hindi baby oil ang gagamitin ko. Okay! Masosolb din ako.
Pagkakuha ko sa bote ay kakaiba ang bigat nito. Binuksan ko na ang bote ng lotion at may konting residue ng natuyot na ewan. Binuhos ko na sa aking palad at mga daliri pero may kakaibang lapot ang nasabing lotion. O sige! Pahid dito. Kuskos doon… Wow… Ano itong kakaibang feeling na ito? Parang sobrang lagkit ata at parang kakaiba itong matuyo.
AYOS! Napeyk ako ng pambihirang glue ni ate. Bakit kasi iyon nasa bote ng lotion kung may sarili naman itong dispenser?
Pagka-uwi ni ate ay tinanong ko siya. Tama… Panlinlang niya iyon sa mga taong gumagamit ng pampaganda niya na hindi nagpapaalam.
*Para hindi magaya sa akin, amuyin muna at suriing mabuti ang iyong gagamitin. Oo nga pala, huwag makialam ng hindi sa’yo upang hindi mapahamak. Ayos lang din ang baby oil kung walang lotion. Ü

Subscribe to:
Posts (Atom)