Blog blog blog
Sabi ni Jeff, binasa raw nila yung blog ko. Halos hindi na nga toh updated dahil sa wala pa rin kaming Internet connection sa bahay. Nakakalimutan ko na rin mag-blog minsan. Pero at least, binigyan nila ng oras ang blog ko. Hehe. Ü
Travel Mart
Napunta kami ni ate kahapon sa Travel Mart sa Megamall. Kung may prize nga lang yung may pinakamaraming flyers na kinuha, siguro panalo na kami. Ang saya din kasi ang daming free. May ballpen, notepad, playing cards, posters at maraming pagkain. Hehe. Lagi nga akong bumabalik sa booth ng Cotabato para kumuha nung food nila dun. Tapos buti na lang kahit medyo late na, may natira pa ring suman para sa amin na galing Antipolo. Hehe. Mukha lang talaga akong pagkain kahapon. Kasi ba naman, sobrang busy ni ate sa paghahanap ng gusto niyang hanapin. Eh ako wala naman talaga akong gagawin dun kundi sundan siya kung saan siya pupunta. Nakikita ko tuloy lahat ng libreng pagkain at pati yung mga "Drop a card, Win a Prize."
Anyways, salamat sa free food at hindi namin naramdaman na hindi pala kami nag-lunch.
Hay... Gusto kong makapunta sa maraming places... Pero ayaw kong mag-travel, napapagod kasi ako. Uhm... Magulo...
Weird
May mga bagay na biglang darating na hindi talaga expected. Ang weird niya talaga kahapon. Hindi ko siya maintindihan. Kung may gusto siyang sabihin, sana hindi niya ako i-text, sabihin niya personally. Basta...nabigla lang talaga ako kahapon.
Truth and Lies
Minsan hindi ko na alam kung alin ang totoo sa mga naririnig ko. Hindi kasi consistent. Ang hirap tuloy maniwala minsan.
Uncertainty
Bigla akong naging certain sa isang bagay na iniisip kong lagi akong uncertain. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nangyari na lang yung mga bagay na dapat mangyari.
Blank
Wala akong maisip na matino. Yung ipo-post ko sana nasa computer pa rin namin (na nasira yung monitor kaninang umaga). Hindi ko man lang na-save sa USB ko.
***
Ang ginaw. Parang nakatapat sa akin yung aircon nung shop...
Sunday, September 06, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)