Friday, March 31, 2006

...

We have cobwebs in the four corners of our classroom. We have a fossilized cockroach in our wall. A side of our classroom cries every time it rains. The bookshelf is a total mess. The blackboard is a message board for those who lost their things. The room is not properly cleaned. The air conditioning unit produces more water than cooled air. There are a lot of things you could tell about our room. Well, that’s the room of 4-S.
You’ll find some of us eating, sending text messages, chatting with his/her friends and sleeping. We give our teachers new names like JuZa, PetiCap, JuFran and Dolphin. We learnt how to value time and that you could prepare your things in less than a minute. We fight. We love to take pictures of ourselves. There are a lot of things that you could tell about us. Well, that’s 4-S.
Sa unang pagkakataon may sinend sa aking letter pero nainis talaga ako nung may nauna pang magbasa kesa sa akin. Hindi man siya nagpaalam.

Tumawa lang siya kasi akala niya sa kanya. (magbasa nga) Nakakairita talaga. Ang daming letters sa cabinet ko pero kahit isa dun wala akong pinakealaman kasi hindi sa akin naka-address. All I want to say is:

“Hindi sa’yo iyon. May mga mata ka naman kaya magbasa ka nga! Nakakainis. Sa akin pinadala yung letter. Ang panget pa ng pag-open sa letter. Disrespect yun! Hindi mo man naisip na kawalang-modo yun. Nakakainis.”

Medyo mahaba ito...

June – Pasukan blues! Hindi kagandahan ang classroom, aircon at chairs… Uuuhhh… Nabawasan lang kami ng isang kaklase. Pumunta na kasi siya sa London.

August – Retreat! Pumunta kaming Baguio tapos may sakit pa ako. First time kong maranasan ang mahilo. Dumoble ang paningin ko.

September – Marami akong nakilala. Mga 3… Ü Marami na rin yun… Yung isa ay CO… College Fair kasi namin noon at kailangan nilang manghuli ng mga estudyante para sa Jail booth, para magka-merits at para kumita ang CAT. Ayun, nalaman kong nawala ang index card niya kaya sabi ko ‘pag hindi pa niya nakita papahuli uli ako. Yung 2 ay kapwa ko officers. Nandoon kami sa lungga ng mga COs habang nagpapahinga sila sa panghuhuli. Ligtas ka sa Jail booth ‘pag nandon ka, kung may manghuhuli hindi sapilitan kasi yung mga nandon pagod na rin. Asaran kaming tatlo doon. Ü Masaya, pero ngayon hanggang batian na lang kami… Ewan… Nagkakahiyaan na ata kaming 4.

October – Family Rosary Crusade aka FRC. Nag-novena kami for 9 days tapos procession. Dito rin naganap ang general assembly ng mga paganong college students sa amin. Hehe… Ü

November – Nagkaroon nang silbi ang mga agiw sa amin. Ü Tapos na ang sem break. Hehe. At isang buwan na lang Pasko na. Ay, onga pala nag-field trip kami. Outing ata ang better term. Nagpunta kami ng Island Cove tapos hindi ako nagswimming kasi dagdag lang yun sa mga dalahin ko. Naging instant photographer din ako.

December – Alitan kung ano ang gagawin sa Christmas Party. Akala ko walang food, akala ko failure pero isang malaking KAMALIAN ang inisip ko. Maraming food at naging matino ang party namin kahit walang sounds, games at kung anu-ano pa. Yung sounds namin galing sa kabilang room na kung magpatugtog eh parang mauubusan ng kuryente. (All smiles pa ang classmates ko sa picture. Sayang wala ako sa picture, busy ata ako sa pagkuha ng pagkain diyan eh. Ayan ang Christmas Party ng 4-S)

January – Pirmahan ng clearance para sa COs. Pinaka mahirap ko na atang pinagawa yung song interpretation. Bakit? Kasi mag so-song interpretation ako sa Filipino namin ng mag-isa. Kumukuha lang ng ilang moves mula sa kanila. Meron pa pala, army dozen. Ü Isa lang naman yung gumawa noon pero hindi ko napirmahan/pinirmahan yung clearance niya. Sportd fest din pala namin. Yihee…

February – Habang naglalakad sa lobby ay naiisip ko ito, “Wala bang day-off and OD? Valentine’s Day naman eh.” Punung-puno ang post namin ni Athena ng mga lalakeng naghihintay sa kanilang iniirog. Tapos pinalipat ako ng post at dahil sa wala akong magawa binabati ko ang mga nagdaraan ng “Happy Hearts’ Day.”
– Pinalipat ako ng post at nagpababa ng mga estudyante. Bumaba ako sa 4th floor at doon ko nakita ang taong nakilala ko nung College Fair namin. Ayun, nagkahiyaan pero nagbatian naman kami. Ang tahimik namin. Wala kaming masabi sa isa’t-isa. Sana ininterview ko pala siya.

March – *Aida* plays. Graduation na (sa CAT at yung academic graduation). Yung academic graduation namin hindi masyadong emotional, hindi tulad ng iniisip ko. Nauna pa ngang umiyak yung CO na nagbabantay dun kanina. Medyo nakakatawa pa nga yung ibang mga litratong nilagay sa video presentation… Hehe…

It has been a beautiful life…

Thursday, March 30, 2006


Hindi ako yung tipo ng tao na magbibigay ng pangalan sa grupo ng kaibigan ko.
January noon at si Noekka ay wala sigurong magawa sa buhay niya.

Ang PaDaNoGreChe ay nabuo.

Pero kulang, kasi wala si Mineng at si Cy. Kaya dinugtong na lang.. Ang produkto ay ang…

PaDaNoGreCheMinCy (Pamela, Daryll, Noekka, Gretchen, Cheska, Miñezka and Cyrisse)

Somehow, it helped me to define my circle of friends. Syempre hindi lang sila ang friends ko sa school may iba rin pero sila ang kabungguang balikat ko at kakwentuhan.
Masaya ako kapag kasama ko sila.

Sorry sa mga kamalditahan ko at salamat sa pagiging mabuting niyong kaibigan.

Wednesday, March 29, 2006

Sa...

*Grava Land – lugar kung saan may batu-bato na tinatawag na grava/graba. Ngayon, puro lupa na rito at may ilang patay na damo. Dito naglalaro ang mga pinagpalang estudyante ng soccer.
*Grotto – nasa grava land ito at pinamumugaran ang fountain nito ng sangkatutak na butete na akala ng grade school students ay isda.
*Oval – dito ginagawa ang flag ceremonies. May parang hollow blocks na ewan na deadly para sa mga heeled na sapatos lalo sa mga sapatos na stiletto. May sand storms dito.
*Bagong Canteen – ang canteen na magaganda ang tables at mabibigat ang chairs. Ang exhaust fans ay pwede na ring tratuhin bilang electric fans. May better facilities dito.
*Lumang Canteen – nasa ibaba ng St. Dominic Building. Mainit kapag maraming tao.
*Gym (St. Catherine Audi-Gym) – dito dinadaos ang activities na maraming tao ang kasali. Libre lang ata ang renta sa Gym.
*Audi (Mo. Francisca Hall) – de aircon ang lugar na ito, parang oven ‘pag di bukas ang aircon. Mahal ang renta sa lugar na ito.
*Swimming Pool – tirahan dati ito ng mga palaka at ngayon ay languyan na ng mga tao. Maaamoy ang chlorine sa layong 15-20 meters (kung malakas ang pang-amoy mo). Kalimitang walang tubig ang kada cubicle na banyo pero yung banyong pang-maramihan laging meron kasi konektado agad sa tanke ng tubig. May renta ang kada gamit sa pool at hindi ko alam kung magkano.
*Chapel (Holy Rosary Chapel) – may dalawang malalaking chandeliers dito at color yellow ang ilaw. Hindi masarap umupo kasi maliit lang ang mismong uupuan mo. Pang nine na tao ang pews dito kapag medium sized kayong uupo.
*SATL (Subject Area Team Leader) – pwedeng tao o pwede ring lugar. Ang SATL ay mas nirerefer bilang isang kwarto kung saan namumugad ang mga SATL.
*YLL (Year Level Leader) – parang SATL din, pwedeng tao o lugar pero mas kilala ito bilang opisina ng mga gurong namumuno sa buong year level. Ü
*Prefect (Prefect of Discipline) – lugar lang ito. Hindi naman namin tinatawag na Prefect yung prefect of discipline namin.
*Pub (Publications Office) – dito ang lungga ng members ng Writers’ Guild lalung-lalo na ang editors.
*Guidance (Guidance Counselors’ Office) –seclude ang area na ito.
*San Lo (San Lorenzo Hall) – isa ito sa mga pinaka kilalang lugar sa amin kasi dito ang karaniwang meeting place ng mga tao. Kapag mainit, dito mo makikita ang mga tao na nakaupo, ‘pag umuulan dito mo matatagpuan ang mga taong naghihintay.
* Cashier, Registrar’s at Finance Office – Hindi ko alam ang pinagkaiba-iba ng mga ito kaya pinagsama-sama ko na. Basta ang alam ko lahat yan ay opisina kung saan ka magbabayad ng mga bayarin.
*Lobby – tapat lang ito ng nabanggit na mga opisina. Madulas ang tiles dito (mirrorized daw). Nakakadulas kaya beware, maganda ang lugar na ito kasi nirenovate.
*IMC (Integrated Media Center) – hiraman ng kung anu-anong gamit na pang-media at lugar kung saan ka pwedeng manood. Libre lang ang renta dito (yung mismong lugar), may LCD Projector ka na, may computer na at may aircon ka pa! Wait there’s more! May malambot pang mga upuan. Conducive for sleeping nga eh.
*St. Catherine (St. Catherine Building) – ang building na may stained glass. Magaganda rin ang chairs dito pero sa grade school na lang ata yun. Ito yung building na nasunog nung 2002 ata. Akala ko nga wala na ako papasukan na school noon eh.
*St. Dominic (St. Dominic Building) – ang lumang building. Nandito ang room namin. Ito yung building na maraming koneksyon at maraming gates. Konektado ito sa Chapel at sa St. Catherine Building (hehe… marami na yun).
*Lib[layb] (Library o Integrated Learning Center) – may Internet dito. Pugad ng mga taong walang magawa kundi magpa-aircon at mag-Internet. May matitino rin dito.
*Integrated, Biology at Physics Lab/Laboratory – hindi ko masyadong alam ang pagkakaiba-iba nila. Hindi ko sigurado kung ito na lahat yung lab sa amin.
*Faculty – maraming faculties sa amin. May left at may right. Bahala ka ng hanapin kung saan ang table ng teacher na hinahanap mo. Yung nasa kanan nandoon ang CL, TLE, AP at MAPEH teachers (ata). Yung nasa kaliwa nandoon ang mga hindi ko nabanggit. Hehe… Yung teachers ng major subjects ata sa kaliwang faculty.
*CR (Comfort Room) – hindi namin sila tinatawag na wash room, powder room o kung ano mang room. Basta CR pwede na sa amin. Lungga ng mga taong gustong magpaganda at magpagwapo.
*Principal/Principal’s (Principal’s Office) – kaunti lang ang mga batang pumupunta dito. Para sa akin dreaded ang lugar na iyon. Karaniwang pumupunta rito ang mga may salang malala o seniors na nangangailangan ng credentials.
*Cyber (Cyber Siena) – ang computer shop ng mga estudyanteng hapit, walang magawa, nakikinood o nagpapa-aircon lang. Mahal ang renta ng pc dito. Kailangan ng cyber chits para makapag-rent pero pwede mo ring idahilan na sarado ang Finace Office kaya hindi ka nakapagpapalit. Ü
*In between – sa harap lang ng San Lo. Pwedeng meeting place, sikat na lugar ito para sa weekday formation ng CAT-I Unit at RCY Division (officers).

Tuesday, March 28, 2006

It is nothing until...

"A bell is no bell until you ring it.
A song is no song until you sing it.
The love in your heart was not put there to stay.
Love is no love until you give it away."

Friday, March 03, 2006

No Wounds and Lethargy

Hehe… It made me laugh for some time. I just do not know what’s wrong about it. Maybe it is the effect of cramming for several days.

She literally translated “Walang Sugat (a title of a literary work)” to “No Wounds.”
How did I discover it?
I was searching for an answer in an analogy item. The answer should be a famous work of a writer. I do not know what came to her mind. Hehe… Her answer: “Walang Sugat/No Wounds.” I never thought that the answer would circulate our room. We were laughing about it. Hehe…

Another effect of cramming is “Lethargy”
Maybe we’re all lethargic by that time.
We were asked to make a clue about the meaning of ‘Lethargy.” I know the word but I was not able to recall what it is. Hmmm… Think…
My classmate called her friend and asked its meaning.

She said:
J*: R* ano ba ang lethargy?
R*: Ewan ko.
J*: Sabi kasi ni E* “Lethargy is after letter f. Parang ewan.”
R*: Oo! Tama yun. Pwede yun.

Natawa na lang ako at natawa rin yung mga naka-gets…
*Note: Lahat ng mga kinwento ko ay sagot ng mga nasa top 10 or top 5 sa buong batch namin.

Wednesday, March 01, 2006

Yehey!

Ngarag... Yan... My hardwork finally paid off… Exempted ako sa finals namin sa Visual Basic. Yehey…

*Just sharing my happy moments…