Saturday, April 28, 2007
Blog... Blog... Blog...
Hindi man fresh ang look dahil sa mahigit isang taon ko ng gamit ang layout ko, gusto kong iperme ang pagka-blog ng blog ko sa isang bagay na makukuntento ako.
Mukhang nahahanap ko na ngayon Hindi ko na gustong baguhin ang address ko. Tama na ‘yan. Masyado nang perwisyo sa mga nag-link sa akin kung babaguhin ko pa. Nakakahiya na ngang ipabago, eh. Pang-apat na beses ko nang binago ang blog address ko at promise hindi ko na babaguhin. PROMISE!
Kung may mangyayari mang kakaiba sa akin ay ayun ang nag-transform na ako bilang isang full-time superhero. Este… Baka gumawa lang ako ng bagong blog na tipong ayaw kong gawin dahil masyado na akong busy sa pagiging tagapag-ligtas ko.
Blog Wish List:
New Layout
Drop-down box for Archives and Links
Bagong quotable quote
Maayos ko na ‘to ASAP
Ano pa ba? Uhm… Ayun muna. Sana mag-tino na ang blog ko.
Friday, April 27, 2007
Do not leave your valuables unattended
Hindi ako isang henyo sa mga lugar. Madali akong mataranta kapag hindi ko na alam ang kinalalagyan ko. Ayokong maligaw kasi may isang kotong officer lang ang manghuhuli sa akin at masusuhulan ng singkwenta pesos. Este! Back to business tayo. Uhm… Pero nangyari talaga sa amin yun nung naligaw kami sa Marikina.
Marunong akong mag-bike at lampa ako sa roller blades. Hanggang bike lang ang powers ko. Dati pinapatakbo ko pa nang super bilis yung bike ko at nagfi-feeling akong isang super hero na lumilipad kasama ang aking bike na DragonBall Z pa ang design. (ET na yata yung scene na yun)
Ang pinakamalayo nang napuntahan ko ay Baguio. Tama! Baguio… Susunod doon ang Zambales na probinsya naman namin. Ayokong pumunta sa Baguio dahil ang haba ng biyahe! Nakahiga lang ako lagi sa sasakyan namin at nagmumuni-muni kung nasan na ba kami. *Pangasinan pa lang? Oh, sige! Manaoag break muna tayo!*
Gusto ko nang magkaroon nang passport. As in, now na! Uhmf… Demanding… Gusto kong pumunta ng ibang bansa sakay sa isang eroplano. *swoosh* Pero takot ako sa airplane kasi baka bumagsak ito tapos itapon na lang ako sa isang isla na ako lang mag-isa tapos gagawa ako ng isang volleyball friend na may pangalang “Wilson.” Wah! Don’t want to think of it! Nakakakilabot. Baka mag-breakdown ako agad kapag nangyari yun.
Serious mode:
Ang sinasabi kong paglalakbay ay ang paglalakbay sa panahon, sa oras, sa time (OK! In-english ko lang). Lahat naman tayo naglalakbay sa oras at mali ka kung ang iniisip mo ay isa akong super genius na gumawa ako ng Time Machine. Ayun lang. Wahahaha!
More serious mode:
*isip isip*
Most serious mode:
Gusto kong maging immortal! MWEHEHEHEHEHE! It’s a lie. (Dapat serious pa rin). Ayoko nga maging immortal. Gusto ko ma-experience ang heaven. Teka… Sa heaven ba makakapaglakbay pa rin ako tulad ng sinasabi kong paglalakbay sa panahon? *swoosh* Parang heaven ang point of destination ko, noh! Parang ang bait ko. Ehem! No effect! Hindi pa rin ako seryoso.
***
Thursday, April 26, 2007
Trabaho kayo d'yan
Ok! Get set. Ready. Go!
Maraming Pinoy ang unemployed at underemployed. Pero sabi nga sa akin, “Maraming trabaho sa Pilipinas. Hindi nga nauubusan ng trabaho kaso nga lang hindi qualified ang applicant kaya hindi sila matanggap.”
Sa bagay… Mag-a-apply ka nga sa call center tapos kung ang English mo naman eh ganito, “Gud apternun.” Eh aba! Rejected ka na raw agad.
Si Lola Cela namin rejected sa isang radio station company dahil sa kanyang… Dandananandanan! HEIGHT! Kapos siya sa height. Less than 5 feet tall siya kaya rejected ang lola ko. Hindi ko ma-gets! Malalaman ba ng tao na ganito ang height ng nagsasalita. No idea nga ako sa height ni Nicole-hiyala at ni Chris-tsuper kahit lagi ko silang naririnig sa radio!
Meron namang company na masnagha-hire lang ng magagandang call center agents. Isa pa ‘to! Parang malalaman kong maganda o gwapo yung kausap ko, ah. Matatanggap ko pa kung naghahanap sila ng pang-model na receptionist. Diskriminasyon na ‘to! Tsk tsk!
Meron ding mga kumpanya na pinag-i-skirt ang applicants. Tsk! Hindi nag-apply si ate dito kasi ayaw niyang mag-palda.
May success story naman tayo rito. May isang kargador turned supervisor ng mga kargador na na-promote ng na-promote hanggang maging president ng kumpanya. Huwaw! Parang ang haba ng kwento, eh noh!
Meron namang baliktad na situation. May classified ad na, “I am looking for a _____ job. Contact me at _____.” Success naman yata siya at nagtext ulit sa Xpress na nagpapasalamat siya kasi nakakuha siya ng trabaho.
Hindi naman ako hustler sa paghahanap ng trabaho. Naku-kwentuhan lang ako at yung iba nakikita ko. Alam kong mahirap maghanap ng trabahong mamahalin ka at trabahong mamahalin mo. Hindi na rin ako nakapag-hanap ng summer job ko. HUHU! Sabi ko pa naman last year makakahanap ako ngayon. Nag-apply naman ako kaso walang trabaho ngayon sa inapplyan ko. Uhm… Basta ganon!
Pwede niyo akong i-hire kahit minimum salary ko! Hehe! Joke lang.
***
PS
Belated Happy Birthday kay Zino! Ü April 24 ang birthday niya.
Saturday, April 21, 2007
Ang araw na nagkulang nang pamasahe ang manlalakbay
Kulang ang pamasahe ko. Sa katunayan ay kaunti lang ang hiningi kong pamasahe dahil alam kong wala nang maibibigay sa akin dahil ang isa pang maghahanap ay binigyan ng tiket sa Lufthansa. Kaya ako hanggang jeep lang. Doon ay mayroong stewardess at sa sasakyan ko ay mayroon namang barker.
Pinara ko ang Fx na dumating ngunit hindi ako hinintuan. May dumating na taxi at pinara ko at sabay sakay. Bago pa man malaman ng driver na nakiki-angkas lang ako ay walang anu-ano na pinahinto ko ang sasakyan, bumaba at nagpanggap na walang nangyari. Tinanaw ko ang taxi na aking sinakyan. Nanghihinayang ako. Mabilis naman akong nakahanap ng panibagong sasakyan, ang jeep, pero ang problema ay puno ito. Nakipag-siksikan ako. Ayoko man sa mainit at masikip ay pilit ko pa rin hinanapan ng pwesto ang sarili ko. Tumingin ako sa labas ng sasakyan na aking lulan at tinanaw ang nanlilimahid na anyo ng bagong-lumang kaisipan, parang pagkain na laging nire-reheat. Nakarating na ako sa aking patutunguhan. Hindi na ako nagulat nung nadatnan kong marumi ang lugar na aking pinuntahan dahil inihanda ko na ang aking murang kaisipan sa ganitong kalalang tanawin. Masikip din doon ngunit wala akong magagawa dahil hanggang doon lang ang abot ng aking dalang pamasahe.
Dito sa lugar na ito pilit kong hahanapin ang gusto kong makita. Dito ay mainit, masikip, may ilang lugar na mabaho at may ilang lugar na masangsang. Dito sa lugar na ito ako naitapon ng kakarampot kong pamasahe at dito ko rin isiniksik ang sarili ko. Ngayon ay napag-isip-isip ko na dumarating sa buhay ng tao na ginusto niya ang isang bagay na alam naman niyang ayaw niya. Hindi ko nga malaman kung makakaalis pa ako na nakakabit pa rin sa akin ang aking ulo, kung makakaalis ako ng walang pilay o pasa, kung hindi ba kakapit sa akin ang kahit anong masamang amoy ng lugar na ito, at kung makalalabas ba ako rito na yakap-yakap na ang hinahanap ko.
Samu’t saring tao ang nakita ko. Ang karamihan sa kanila ay iba ang pananalita sa akin ngunit kahit ano pa man ay lubusan kong nawawari ang nais nilang ipakahulugan. Pero ayaw kong matutunan ang kanilang pananalita dahil ito ay mabaho sa hininga. May iilan din na parang nagsasayaw kung kumilos ngunit may iilan na parang nagwawala, ako naman ay nawawala na yata ngunit nagpapanggap na alam ko pa rin kung nasaan ako.
Napapatanong na tuloy ako kung tama bang kakarampot na pamasahe lang ang hiningi ko kung ang kasabay ko ay nakayanang bigyan ng pamasahe sa eroplano. Bakit ako hindi hinintuan ng Fx na pinara ko? Bakit ako bumaba sa taxi na lulan ako? Pero pilit na bumabalik sa akin ang tanong, “Bakit ayon lang ang hiningi kong pamasahe?” Dapat ko pa rin unawain, nauna sa akin ang sumakay sa eroplano at ayon na lamang ang kanyang mapag-pipilian na sasakyan. Pero…pero…bakit ngayon pa naimbento ang kaisipan ng jeep? Bakit sa akin pa natapat ang pagka-uso ng mga amoy ng kabahuan at kasangsangan? Bakit ngayon pa ang kasagkasagan ng kaguluhan? Bakit napaka-init ng panahon ngayon habang may unos? Bakit sa ganito pang panahon sa ganitong pagkakataon? Bakit nawala sa akin ang karapatang manghingi, ang karapatang umasa sa magagandang bagay? Bakit ngayon pa ipanasawalang-bisa ang mga batas na naglalayong ipatupad ang mga karapatan ko? Bakit? Bakit? BAKIT???
Nakapag-usap kami ng sumakay sa eroplano. Nai-kwento niya na naamoy niya ang lugar na pinuntahan ko. Nai-salaysay niya ang mga pangyayari. Nahiya ako ngunit may dapat ba akong ikahiya? Hindi naman ako ang bida sa kwento niya. Pero malaki ang pangamba kong sumunod ang amoy ko sa kahit anong masamang amoy ng lugar na iyon at baka bumaho rin ang hininga ko tulad ng mga hininga ng ilan sa mga tao roon. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na may maamoy sa akin dahil nalaman ng ibang tao na nakipag-buno ako sa lugar na iyon. Natatakot akong mangyari sa akin ang pagbabagong iniiwasan at kinatatakutan ko. Pero yung kasama kong iyon ay tumutulong upang panatilihin ang bango ko.
Nakita na niya ang hanap niya, ang tangi na lang na gagawin niya ay tanggalin ito sa pagkakabalot sa gift wrapper. Ako kaya? Tila sa putik pa nakatago ang aking hinahanap at hindi sa ilalim ng Christmas tree.
Biglang lumabas ang karamutan at pagiging makasarili sa puso ko dahil naaawa ako sa sarili ko at kinakawawa ko ang sitwasyon ko. Alam ko naman na mali ang ginagawa ko. Pilit naman akong tumitingin sa paligid ko at hindi lang sa sarili ko, at pilit kong inuunawa ang mga pangyayari kahit ako rin ay lubusang nahihirapan. Minsan hindi na nga ako makahinga. Mahirap pero ganito talaga. Pero nabanaag ko sa mismong sarili ko na hindi naman talaga ganon sukdulang pangit ang lugar na ito, hahanapin ko na lang ang maganda rito at hindi ang kung ano ang wala dahil wala akong mahahanap kung ganon.
***
Ang kwentong aking isinalaysay ay hango sa aking malikot na isipan.
Wednesday, April 18, 2007
Blue print
Anim na araw na lang at eksaktong isang taon na nung unang balewalain ko ang sinasabi kong mga pangarap ko. Isinantabi muna ang aking mga pansariling plano, inihain sa akin ang bagong blue print ng buhay ko. Sayang raw kasi ang grade na nakuha ko sa entrance exam, mataas raw ang grade ko kaya dapat yung premium course sa university na papasukan ko ang kunin ko. Nauto naman ako kaya kinuha ko ang BS Accountancy.
Natapos ang isang buong academic year na pilit kong minamahal ang Accountancy. Pilit kong bine-brainwash ang sarili ko na mahal ko iyon na iyon ang ginusto ko. Sa bagay binigyan nila ako ng kalayaan pumili ng gusto ko kaso pinipilit pa rin nila sa akin kung ano ang gusto nila.
Binalak kong mag-shift ng course pero sinira ko ang una kong plano. Napaka-irrational man nang dahilan ko pero ang nagpabago sa isip ko na huwag na lang mag-shift ay ayaw kong maging irregular student, ayaw ko ng mga mahahabang pagproseso sa papers ko at hindi ko rin alam kung paano ilalagay sa resumé ko ang paglipat ko ng course. Parang sinuntok ang puso ko noong sinabihan ako ni mommy na mag-shift ako sa IT o Computer Science. Isa kasi siya sa nagpilit sa akin, pero ang sabi ko ayaw ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako ng mga sandaling iyon.
Hindi lahat ng taong nangangarap may nararating pero kailangang-kailangan mo ng kahit isa mang pangarap para may makamit ka sa buhay mo. Ang pangarap mo ang blue print ng buhay mo. Kailangan may plano kang susundin hindi pwedeng wala.
***
Monday, April 16, 2007
Sa mall
Abenson
Nag-canvass kami ng magagandang TV. Wala lang… Nag-canvass lang kami kahit hindi talaga bibili. Tapos biglang dumiretso si ate si keyboards' area at pinapatugtog sa akin yung “The Entertainer” pero hindi ko naman ginawa. Ayan na. Nagtanong na si ate tungkol sa keyboards tapos nag-uusap na sila. Aba! Si ate biglang naging taga-Libis at isang nagpapatayo ng isang restaurant. Malapit na magdugo ang ilong ko at ubos na rin ang attention span ko. Sinubukan ko na lang tumugtog pero wala akong marinig! Hmf… Naka-touch response pala kasi yung keyboard nila dun.
Roller coaster
Nag-roller coaster kami ni ate tapos nagkuhaan pa kami ng picture habang nasa ride kami. Abnormal nga kami. Mukha kaming mga turistang walang alam sa mundo.
Train
Sumakay kami sa horror train. Napapa-isip nga kami kung nakakatakot na yun ngayon. Dati kasi hindi naman kami natakot. Ayan! Mukha naman atang nakakatakot kasi yung mga naunang sumakay sa amin eh sigawan nang sigawan tapos meron pang naiiyak. Ayan. Turn na namin. Hinihintay ko ng matakot ako. Hintay… Hintay… Hintay… Wala namang nangyari. Yung isang nagbalak manakot sa amin eh sinabihan ko lang ng “Apir tayo” eh nilayasan na ako tapos yung isa naman kukuhaan namin ng picture eh nilayasan din kami. Yung mga kasama namin sa tren parang mapuputulan na ng vocal chords kung maka-sigaw… Nagkakalampagan pa nga, eh. In the end, nagtatawanan lang kami ni ate habang nanghihinayang kasi hindi kami nakakuha ng magandang picture.
Shawarlet… Shawarmalet… Shawarma na lang
Na-miss ko ang shawarma. Mmm… Ang sarap. Bumili kami ni ate pero pero yung mini version lang.
Bicho-bicho
Ang sarap talaga ng confectioner’s sugar kaso ang sakit sa ngipin. Marinig ko lang feeling ko nangingilo na yung pagitan ng mga ngipin ko.
Tinapay
Bumili kami ni ate ng pesto bread at garlic bread. Este, ako lang pala yung bumili ng garlic bread dahil ayaw na ayaw niya ng garlic. Ang sarap pa naman nung garlic bread. Hindi ko naman naramdaman na nakakain na ako ng garlic kahit meron nga akong nakitang garlic sa tinapay ko.
California Maki
Diretso kaming Tokyo Tokyo. Sabi ni ate California Maki raw ang bilin ko so eto naman ako nagpa-uto. Masarap naman kahit yung nalasahan ko lang eh yung kanin at yung mangga… Nadurog pa yung isa nung sinawsaw ko sa Worcestershire sauce. Sinubukan ko rin lagyan ng wasabe kaso hindi ko matiis. Nung dumampi na sa dila ko feeling ko merong karayom na tumusok. Inom agad ako, eh. Ayun. Nabusog naman ako sa kinain ko. First time ko rin mag-chopsticks ng hindi nasa bahay. Ang sarap talaga ng red tea nila. Ü
Cabalen
Sayang yung eat-all-you-can ng merienda sa Cabalen… Php95 per person tapos buffet na ng merienda…masnapili ko pa ang ibang pagkain. Siguro dpat nag-buffet na lang kami… Parang may nakita kasi akong palitaw, eh tapos gusto ko rin kumain nun nung araw nay un.
Sine
Nagyaya si ate manood ng sine pero hindi kami natuloy kasi wala na sa budget namin. Php100-120 ang sine doon at naisip ko pa na manood na lang ng IndiSine sa Galleria kasi mura talaga yun tapos nasuportahan ko pa ang indie films.
Hay!
Umuwi na kami. Inabot na kami ng gabi sa daan ni ate. Pagod na rin kami sa kakaikot. Hindi man lang namin nakita ang Hale na guest sa Sta. Lucia. Nakita naman namin si Faith Cuneta sa BigR Metro East. Wahaha. Wala lang. Gusto ko lang sila makita sa personal.
Tuesday, April 10, 2007
Truth
Truth is something that always haunts us.
Truth is the simplest reason you can think of.
Our class cards in Marketing are being held by our prof. She scolded us about what had happened. She really got angry when our student instructor still pushed through with the outing to Pansol, Laguna. I was looking straight to her eyes when she was scolding us because I just love the feeling of looking straight to someone’s eyes during those kinds of situations and she looked straight to my eyes also.
I really want to tell what had really happened when she was talking to (or scolding) us (me and Vera) just for the sake of clearing things out. There is no time for lying now and lying was not even in the list of my options.
Vera explained to our prof that that outing is for camaraderie purposes which only involve us and our student instructor. She still got angry. She has every human right in the world to get angry. We lied to her. Okay! I am including myself because my former school taught me a saying, “A member’s mistake is a group mistake.” And we are a group… Our lies just squeezed us in into more tightly packed container that has the higher possibility for great explosions.
Okay… It already happened and we cannot undo what had happened and correct what we did. All we can do now is to patch things up and find the best remedy for that and that is…the truth…the whole truth and nothing but the truth. Blaming one another is a very time-consuming event that should not happen.
We were contacting our student instructor but unfortunately we were not able to talk to him. He must help us get out with this situation for he is also the one who helped us get into this.
Sunday, April 08, 2007
Anatomy of a Game
Kung dumaan ka sa tradisyunal na pagkabata tulad ko malamang na alam mo ang kantang ito…
“Jack en Poy hale-hale hoy sinong matalo siyang unggoy…”
For the record ay wala pa namang napapatunayan na genuine na unggoy siya dahil naglaro siya at natalo sa Jack en Poy.
Siguro dahil sa haba ng kanta eh hindi masyadong ginagamit ang kantang ‘yan… Well… Nung bata kasi ako hindi ako masyadong “in” sa paggamit ng kantang ‘yan… Mas trip namin gamitin ang
“Bato bato pick…”
Ayan! Kahit ata sinong Pilipino na dumaan ang kabataan dito sa Pilipinas alam ang game na ‘yan pati ang rules at mechanics… Mas simple nga naman kasi kantahin at masmabilis ang game…
Ano nga ba ang “Bato bato pick?”
Ito ay:
>Pastime ng mga magboyfriend na nagpapaka-isip bata
>Ang ginagamit upang malaman kung sino ang una sa isang laro
>Gumagamit ng papel, gunting at bato bilang mga simbolo… Minsan nagsasama pa ang mga bata ng pako, ulan, kidlat (na surely ay talo ang lahat ng nabanggit) at kahit anong maisip nila na pwedeng gawin sa mga daliri nila…
>Meron din ditong black magic. Ito yung pandaraya kung saan hinihintay mo munang maunang tumira yung kalaban mo tapos tsaka ka titira ng ikakatalo nung kalaban mo. Uhm… Gets ba? Hindi ako magaling mag-explain, eh
>Karaniwang up to 5 o 10 lang ang labanan dito kasi mahirap nang bilangin kapag masmalaking numero at kung magde-dare kayo na maglaro ng up to 100 eh kailangan mo na ng assistant taga-bilang
>May masmaikling version nito kung saan ang salitang “pick” lang ang gagamitin mo
Hmmm… Bigla lang sumagi sa utak ko na pag-usapan ang larong ito…
Ilang araw na rin kasi kaming nagtatalo ni ate kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan at lagi akong talo kasi “bato bato pick” ang laro namin. Hirap na hirap na akong mag-isip ng teknik para matalo si ate. Minsan nga naisip ko kung sino manalo siya ang maghuhugas kasi siya naman ang laging panalo… Akala ko panahon ko na ‘yon para hindi makapaghugas ng pinagkainan… Pero… For the first time in this year! Ako ang nanalo sa amin! URGH! Lagi na lang… Pero ako na naman ang naghugas ng pinagkainan… Hayst!
Ayon sa aking obserbasyon hindi pa nagbabago ang “bato bato pick.” Isang classic na laro na nga iyon. Galing naman ng nag-imbento nun. Sino kaya siya? At kailan kaya nagsimula ang larong ‘yon? Hmmm???