Linggo nun. Kakagaling lang namin sa ortho para papalitan yung wire ng braces ko na naputol. Magtetext sana ako ngunit biglang… *TOOT* Check operator sevices… Huwat! May 20 pesos pa akong extra load! Hindi ko man nagamit. (o_o)
Ilan sa mga naipong messages sa inbox ko ay ang mga sumusunod:
“They say things don’t happen accidentally. If they are bound to happen they surely will. You’re not just an accident, I was meant to know you for a reason.” >Aw. Ü
“Everyday I soak myself with reasons to forget them. Everyday I lie. Everyday I try to find strength to get me through... And yet everyday I die...” >Paki-explain… (?_?)
Syempre kung may seryoso may joke din. No offense to Chinese…
New born Chinese names:
Born secretly: Tina Go
Born swindled: Lino Co
Born alternately: Sally Tan
Born accused: Macy Sy
Born honest: Uma Ming
Born dark: Andy Lim
Born fat: Lucky Chan
Born fatter: Bob Uy
Born evil: Daemon Yu
Born flirt: Alan Dy
Born smelly: Kelly Kay Lee
Born different: Eva Yan
Born incomplete: Cole Ang
Born sick: Hatch Cheng
Born cute: Eddy Mi
Meron din talagang... Uhmm… Basta maganda kaya speechless ako.
“There are two greatest days in your life… The day you were born and the day you discover why.”
Meron ding mga panloloko at akala ko ay seryoso talaga.
“If you have deposits in Pan-Asia, Banco De Oro and Cocobank withdraw it ASAP! Rumors say they’re in trouble and will soon merge to become Pan-De-Coco!”
Syempre. Andyan din yung about love.
“One day a girl asked her boyfriend, “Ilan na ang minahal mo?” The boy was confused. He then looked back at the girl and said, “Bakit ilan ka ba?””
“It is really very sad to let go someone you loved with your whole being… But sometimes letting go is the bet way out and the most sensible thing to do… Love conquers all but not everybody wins the battle. Conceding does not mean you’re weak but it shows that you’re brave enough to face reality.” >Yung last line sana dito yung ise-send ko, eh! Tapos bigla na akong check-op.
At hinding-hindi mawawala ang quotable quotes from movies… Yung isa ‘di ko alam kung san galing.
“People will adore and love you for all the things you’ve done for them, but will hate you for a single mistake. That’s the irony of life.” – Uncle Ben, Spiderman
“You know you’re in love when you can’t fall asleep because reality is finally better than your dreams.” – Dr. Seuss
Hindi rin mawawala ang Erap Jokes. >Pero hindi na ito na-trap sa inbox ko. Share lang.
Erap calling
Erap: Miss. Gusto kong malaman kung gaano katagal ang biyahe mula sa Pilipinas papuntang San Francisco
Telephone Operator: Just a minute, sir.
Erap: Ok. Thank you. (At binaba na ang phone)
At syempre. Hindi mawawala ang text ng ever-loyal kong textmate.
“Your Account Balance as of 10/31/2006 10:02:07 is 0.00
You also have 0 remaining free texts.”
Tuesday, October 31, 2006
Saturday, October 28, 2006
Enrolment
Tapos na rin ang enrolment para sa second sem. Tapos na nga ba? Ay hindi pa pala. Isa ako sa mga naunang nakatapos. Yung iba eh magpapakahirap pa. Hay… Kawawa naman sila.
Hay! Wala namang nangyari nung first day of enrolment namin. Ayun. Nasayang ang ilang oras ng buhay namin kahihintay. Muntik pa kaming mapalusong ni Jep sa maitim na baha. Buti na lang nandyan ang pedicab para iligtas kami mula sa paglusong.
Ano nga bang meron nung second day? Hindi ko masyadong maalala. Basta nag-Chowking kami. Umuwi ulit kami ng maaga. At… At last nadama ko rin ang 25 pesos na binayad ko para sa dyaryo ng College namin. Nakakuha na rin ako ng kopya. Ang P.E. pa pala namin ay social dance. Hala! Nag-tango na kami nung 4th year high school at hindi naging madali ang mga pangyayari.
Third day… Sa wakas! Nakabayad na rin ako. Naupuan pa nga kami ng mga nakapila sa validation! Nakaupo kasi yung pila ng sa cashier tapos yung sa validation nakatayo. Hay! Napipe pa kami ni Jeda.
Nasa loob na ako nun pero wala akong ibabayad. Tapos pinalabas pa kami tapos pinapasok ulit. Ayun! Nakuha ko na yung enrolment slip ko kaya makakapagbayad na ako. Dumating ang isang kaklase namin. Mukha na siyang haggard kaya nagprisinta akong ibayad siya. Tapos dumating na ang kontra bida. Dandananandanan! Tinatanong yung pangalan ko tapos pinagsisigawan pa ako. Kesyo lalaki raw yung ibabayad ko at masyado raw akong mabait. Hindi niya alam may sungay ako!
Kukunin daw ako agad ni Lord. Sabi ko naman eh dadalawin ko siya. Marami raw talaga bumabastos sa kanya at nasama na ako sa black list niya. (-_-) Sina Froilan, Hyde, Hazel, Gibson and many more na yung naglakad ng validation ng OR ko at ng registration card ko. Take note, ha! Abot hanggang 4th floor ang pila sa validation. Thank goodness natapos ako kahapon kahit gabi na ako nakauwi!

Monday, October 23, 2006
Alay-lakad
Breast cancer... Ang alam ko pati lalake eh tinatamaan nito. Isa ito sa major causes of death lalo na sa mga kababaihan. (-_-) Aw.
Nag-alay-lakad kami kahapon sa Mall of Asia… Uhm… Walk for a cause yun. Fund raising. I have had a scarce idea about the event. Basta ang alam ko kailangan kong pumunta doon, mag-register at maglakad. Period! Kanina ko nga lang nalaman na 3 km pala ang nilakad namin.
Sa jeep pa lang may 2 nang taga-PUP. Uhm… Tapos kasabay rin namin sila pagsakay ng bus. Ahehehe… Field trip nga ang naging dating. Puro kami PUPians sa bus! Tibak pa ata yung nakatabi ko. Hindi ko lang alam kung oo nga.
Buti na lang nakita ko yung mga kaklase ko at ayun. Nag-start na ang program pero tyan-pababa lang ni Regine Tolentino ang nakita ko. (-_-) Ayun… Lakad lakad. Nag-shortcut kami ni Vera. Dun kami dumaan sa may bagong tambak na lupa. At syempre! Lumubog ang mga paa namin pero hindi yung eksaheradong pagkalubog.
Isang baso lang ng Milo yung nadama ko sa freebies na ibibigay sa amin. Lasa pang paper cup. (-_-)
Syempre andun na kami kaya naghintay na kami sa pagbukas ng mall. Bankrupt nga ako, eh! Nagpagawa kasi ako ng keypad ng cellphone ko. Yehey! Hindi na ako gagamit ng letter Z kapalit ng letter S!
Hindi ko alam kung nakatulong nga ba talaga ako sa ginawang fund raising. Hay. Hindi ko alam kung anong naging silbi ng pangalan at pirma ko sa kapirasong papel na sinulatan ko. Sana nga nakatulong yung pagpirma at paglakad ko. Kasi ayun lang kaya kong i-contribute.

Friday, October 20, 2006
Sa may LRT2
Lagi akong sumasakay sa LRT2 at hindi maipagkakaila na naging parte na iyon ng buhay estudyante ko. Aba! Syempre ayun ang gamit ko para mabilis ang biyahe ko.
Recruiter
Dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin ng umaga at dahan-dahan akong naglalakad pababa ng overpass. May isang lumapit sa akin at pinagtatanong ako. Medyo hesitant akong sumagot, puro oo, hindi at tawa lang ang binibigay ko sa kanya. Tapos bago kami maghiwalay sinabi niya ang pakay niya sa akin… At ayun ang i-recruit ako bilang staff sa Jollibee.
Siopao
Anim kaming magkakasama noon. Standing ovation ang drama namin. Yung isa naming kasama eh busy sa kakaaral kami naman kwentuhan. At biglang… Dandananandanan! Huminto ang tren! At ayun! Napaatras yung kasama naming nag-aaral at nakaapak siya ng plastic na kulay red and white na stripes. Tapos *boog*! Kala namin styro yung naapakan niya ngunit dalawang plastic pala ng siopao.
Platform
Ilang araw bago tumangay ng bubong si Milenyo eh naranasan na naming ang pre-hagupit niya. Ang tindi! Umuulan sa mismong platform ng LRT! Ayun. Basa kami. Parang ang laki-laki naman kasi ng payong ko, eh! Kahit nga butas yun eh lagi ko namang dala! Ü
Speechless
Palabas na kami noon at pinasok ko na yung ticket ko after ipasok ng sinusundan ko yung ticket niya. Aba! May dalang sako yung sinusundan ko. Dumaan siya at dumaan ang sako niya. Nung turn ko na eh hindi na ako makalabas! Help! Ayun. Buti hindi na ako ininterrogate nung lumabas ako sa gate sa gilid. Whew! Hindi na nga ako nakapagsalita nun, eh! Nagulat ako sa mga pangyayari.
Safety Handrails
Dahil nga laging standing ovation ang drama namin kailangan namin humawak sa sinasabi nilang safety handrails. Naman! Ang lagkit ng mga poles na yun, ‘no! ‘Pag bibitiw ka na eh parang dumikit na yung buong palad mo. (-_-)
Ilang kwento pa lang ito mula sa first sem ko sa first year ng college life ko. Ayan lang ang tanda ko, eh. Ü

Thursday, October 19, 2006
Class Card Adventures
Ayan! Sembreak na… Makakapagpahinga na muna ang mga estudyante… Ay. Hindi pa pala. Kailangan pa namin kunin ang aming class cards mula sa aming mga Prof.
Nagpunta kami kahapon sa PUP. Kasabay ko uli si Jep at 7am palang ay nandun na agad kami. Excited daw kasi siyang pumunta ng maaga. Tuwang-tuwa naman kami sa pagsagot ng Sudoku at ng crossword. At kamuntik pa kaming lumagpas ng Pureza dahil sa sobrang pag-enjoy kahit mala-sardinas ang sitwasyon namin sa loob ng tren.
Punta agad kami ng HQ (Headquarters) ng ROTC at doon umupo, nagpakasaya at nagsagot ng crossword puzzle. Aba! Syempre hindi kami nag-iisa. May mga gigantic bangaw kaming kasama. (-_-) Sobrang gigantic talaga na maa-identify mo na yung parts ng body nila kahit walang microscope.
Sa wakas! Nagkita rin kami ni Vera at kasama niya si Alvin. Galing silang 6th floor at nalaman kong nag-elevator sila. Tama! Akala ko walang elevator sa amin pero nagkakamali pala ako. Kaso kapag gagamitin eh parang bibigay dahil sobrang luma na. Kailangan mo pa ng piso para mapindot yung up-down buttons. At kapag gipit ang ilang estudyante eh kinukuha nila yung pisong nakasiksik doon. Ayon iyon sa aking sources, ha!
Hindi pa namin mahanap yung faculty ng Profs namin. (-_-) Bawal kasing magtanong. May nakapaskil na botice sa may pinto na nagsasabing,
“Ang inyong mga guro ay abala kung kayat huwag silang istorbohin sa pamamagitang ng ‘pagtatanong.’ Kung wala ang inyong hinahanap eh di wala siya.” >>> Basta parang ganito…
Nakakatakot rin sa South Wing. Parang pang-horror ang dating eh. Kahit umaga eh mangangatog tuhod mo dahil kakaiba ang ambience doon.
Ang tagal ng class cards sa ROTC. Hindi ko na mahintay si Jep kaya umuna na ako. May lakad pa kasi ako, eh.
PS
Akala mo ba maaksyon at ma-drama ang naging araw ko kahapon?
Uhm... Yung mga bangaw na siguro yun!

Sunday, October 08, 2006
Epekto ng kaunting usok at pagiging absent-minded
May departmental exam uli kami sa Accounting. Yehey! Finals na namin yun! Huling exam for first sem!
Nagkandaligaw-ligaw pa ako sa kakahanap sa room ko! Tapos habang naglalakad sa corridor eh parang may nakita akong salamin na nakadikit sa pader. Naintriga ako kaya tiningnan ko. Ay! Bakit hindi ko nakita yung sarili ko? Butas pala yun sa dingding. Tagusan ang view nga magkabilang sections!
Grabe ang exam room namin! Parang nawala sa sibilisasyon! Hindi nga conducive, eh! Walang kuryente, walang electric fan at pinapausukan pa kami! May nagsusunog ata ng dahon sa ground floor. At dahil doon napuno din ng usok ang utak ko. Eh may ubo nga rin pala ako ngayon. Yung ubo ko yung nakakahiyang ubo! Yung unstoppable! Gaya nga ng sa Pringles, “Once I cough, I cannot stop.” Ü Nakakatakot din buksan yung switch ng ilaw kasi hindi mo alam baka ikaw yung umilaw dahil nakuryente ka. Yung isang switch ata sa electric fan eh parang dumi na lang na nakadikit sa dingding. Ay! Kahit pala may switch wala din naman palang fans. (-_-)
Tapos sobrang broadcasted ang feelings ng proctor namin. Inis na inis daw siya. Hindi ko na alam kung bakit. Nayamot din siya sa amin nung napansin niyang madilim yung kwarto namin. Naglakas loob siyang buksan yung ilaw. Hehe… Hindi effective! Kung saan-saan na rin siya naghanap ng switch. Pati sa kasuluk-sulukan ng pinto eh nagtingin siya.
Yung assistant naman ng proctor namin eh cellphone naman ang pinagkakaabalahan kaya kahit todo text yung isa kong ka-room eh deadma silang dalawa.
Sige uwi na kami. Bibili naman si Jep ng CD ng Hale sa Sta. Lucia. Ayos! Mall uli! Hehe! Aba! Totoo nga atang napasukan ng usok ang utak ko. Pumila ako sa pila ng lalaki! Wahahahaha!!! Nagulantang na lang ako kung bakit yung mag-iinspect na guard ay lalaki at hindi babae! Kaya ayun. Kunwari walang nangyari kaya lipat agad ako ng pila. (o_o)
Pag-uwi ko pa sa bahay eh natinga lang ako sa kinain kong Chicken Curry! Inubusan nila ako ng pagkain… Huhu! Buti na lang may nakain pa akong hopia na lasang piyaya.

Monday, October 02, 2006
Ang Pagiging Single... *bow*
Ayan… Pangalawang post ko na ito tungkol sa pagiging single ko. Ike-kwento ko lang yung experiences ko ngayong araw…
“Ganyan talaga kapag NBSB (No Boyfriend Since Birth)… Maraming nili-link sa’yo.”
Showbiz ba ito?!
May (mga) kaklase ako na ang tingin yata ay may namamagitang relasyon (as in yung tipong more than friends na relasyon) sa amin ng isa kong friend. (-_-) Hay nako! Gulay! Ewan ko ba… Lagi lang naman kami magkasama pero hindi kami… Ok? Friends lang… (Wow! Ang showbiz ko na!)
Bumili kami kanina ni Friend ng inumin mula sa canteen sa ground floor at pagbalik sa room ay…
“Oh! *name ni Friend* may Bebe ka na may Gretch ka pa! Hindi ka na makuntento kay Gretch!”
HALA! Hindi ko na pinansin. Gutom ako eh! Sige kain na lang ako ng Tokyo San na pabaon sa akin.
Umuwi na kami dahil ininjan naman kami ng mga prof namin. AY! Foundation Day nga pala ng PUP kaya todo celebrate sila. Inamag na kami sa kakahintay, ah!
Sabay na naman kami ni Friend umuwi. Taga-Angono siya at dumadaan naman yung jeep na papuntang Angono sa lugar namin kaya isang jeep na lang yung sinakyan namin. Sa tabi kami ng driver umupo. Siya yung unang pumasok at dahil d’yan obligado ako na isara ang pinto sa tabi ko. TEKA! Hindi ako sibilisado! Hindi ko masara! (-_-) Tinulungan niya ako. Ayan! Sumasama na pala ang utak ni manong driver! Ehem! Ehem!
Nagbayad na agad ako dahil ayoko ng hawakan yung barya at mag-aamoy barya yung kamay ko. Binigay ko kay Friend yung bayad ko at inabot niya kay manong driver at sinabi kung saan ako bababa. Tapos kinuha na rin niya yung pamasahe niya at nagbayad siya.
“Oh! Magkagalit ba kayo? Bakit hindi iisa yung bayad niyo?”
HALA! Showbiz din pala si manong driver!
Hay! Hindi naman porket laging magkasama ang isang babae at isang lalake ay may more-than-friends relationship na sila… (-_-) Okie?

Sunday, October 01, 2006
Isang Tipak ng Kanin
Isang araw nang late ang delivery ng bigas namin kaya no choice kami kung hindi bumili sa suking tindahan sa may kanto namin.
Unang saing
Akala ko sumobra lang ang lagay ng tubig kaya parang naging lugaw ang kanin namin. May natira-tira pang kaunting tubig.
Kakainin ko na… Tinrato ko nalang na sabaw yung natirang tubig…
Pangalawang Saing
Aba! Panglugaw nga ata yung nabiling bigas!
Parang nag-swimming yung dahon ng pandan na nilagay sa kanin. (-_-) May tubig na naman kasi pero masmatindi na ngayon! Isang tipak ng kanin ang naging resulta! Hindi mo na ma-identify yung bawat butil ng kanin sa sobrang pagkakadikit nila.
Kapag tumigas ng kaunti pwede ng clay na puti. Wahahaha!!! Pwedeng-pwede kang mag-molde ng star o kaya bola o kahit anong gusto mong shape.
Hay! Buti na lang sa hapunan iba na yung bigas na gagamitin namin. Dumating na kasi yung magde-deliver. Yehey!

Subscribe to:
Posts (Atom)