Wednesday, June 21, 2006

Biyaheng Litu-lito

Unang araw ko na bumiyahe mag-isa ay nung Monday... Ang galing... Nakarating ako sa school na mag-isa at nakauwi rin na mag-isa. Hindi ko nga inakala na makakauwi ako ng mag-isa kasi medyo lampa ako pagdating sa pakikipag-agawan ng sasakyan.

Nasa Santolan Station na ako ng LRT2 at ang daming tao. Rush hour kasi yung uwian ko kapag Monday kaya inaasahan ko na standing ovation na naman ako sa LRT at mala-sardinas na ang sitwasyon sa jeep.

Pagkatapos kong ma-brain freeze sa ininom kong gulaman ay lumarga na ako upang makauwi.

Bangungot ata ito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Puro papuntang Santa Lucia at Robinson ang biyahe ng jeep kung meron mang iba ay Cogeo iyon. Sa wakas! Bago ako lamunin ng kinatatayuan ko ay may Tikling na! Pero puno.

Sumakay ako sa FX na biyaheng Angono pero napababa ako. Mali ang sinakyan ko! Muntik na akong mapunta ng Floodway. Whew. Mga 4:30 pm ako nasa Santolan Station at yung layo ng biyahe sa amin ay 30 minutes na lang pero nakarating ako sa amin ng 7:00 pm. Nakauwi na rin ako... Yehey!

PS
May nagtanong pa sa akin na dalawang estudayente kung ano raw yung pinipilahan ko at kung dadaan raw ba yun sa Valley Golf. Galing nga eh kasi nasagot ko sila ng tama pero aaminin ko na litung-lito ako sa sarili ko nung araw na iyon. Sana nakarating sila sa paroroonan nila.