Thursday, October 11, 2007

Debut at mga 18-18 sa debut...

It will be Noekka's debut on Saturday (Oct. 13). I am preparing for it now. Wala pa nga akong regalo tapos kasama pa ako sa 18 gifts. Hay. Buti nga naka-recover ako kaagad dun sa pagkanakaw ng wallet at coin purse ko.

Ngayon... Nagpagupit ako at mukha na naman akong mangkok. Ang ikli pala ng shoulder-length na buhok. Akala ko mahaba pa rin kahit ganon.

Change topic. Nahihirapan akong pumili ng pangregalo. T_T

Mga isang buwan ko na ngang iniisip kung ano yung ireregalo ko at hanggang ngayon ay parang lost pa rin ako kung ano yung ibibigay ko sa kanya.

Sabi sa akin libro na lang ang ibigay ko sa kanya pero ang wish naman ni Noekka ay mp3. Ok... Libro na nga lang... Hehehe...

Maganda raw yung "How To" books... Muntik ko nang i-make up ang mind ko sa pagbili ng "How to understand your man" na libro pero... Uhm... May entity na bumubulong sa akin na huwag na lang raw yun at yung inspirational na book na lang ang ibibigay ko sa kanya. Well... Hindi ko naman talaga alam kung inspirational yung book na yun. Ang cute kasi. Maliban sa colorful yung book ay madaling pang basahin kasi hindi s'ya bombarded with text.

Hay. I am looking forward to that day. Iba pala yung may special participation ka sa debut ng close friend mo. Ang saya talaga.

Hay... Wala pa akong speech kapag ibibigay ko na yung gift ko sa kanya. Ü
Sana makagawa na ako... Yung makabagbag-damdaming speech para maiyak siya... Nyek. Ü

***

Monday, October 01, 2007

Nag-blog ulit ang manlalakbay.

Sa wakas nakapag-blog na rin ulit ako. Hindi na nga ako masyadong magaling mag-type na gamit ang home keys sa tagal kong hindi nakakita ng computer.

***

Intorduction lang yun...

***

Isang buwan...
Sa loob ng isang buwan ay dalawang beses akong nanakawan. Ok... Malas ang unang beses at yung pangalawa ay kaengotan na lang. Well... Uhm... Php300++ ang nawala sa akin in total. Tapos yung unang beses na nawalan ako ay todo iyak pa ako. Dramatic actress nga ang dating ko, eh. Kasi naman... Ang iniiyikan ko ay yung dahilan na hindi ko alam ang dahilan ng pagkawala ng pera ko (pera na nasa wallet). Naghirap talaga ako nung week na yun.

Regrets...
Hindi ko alam kung bakit kagabi habang nagtu-toothrush ako ay biglang nag-flashback sa akin ang mga bagay na ginawa ko at mga hindi ko man lang ginawa. Nakakalungkot. Kasi pinagsisisihan ko yung mga bagay na kaya ko namang gawin pero hindi ko man lang ginawa. Uhm... Tungkol yun sa studies ko. Kaya ko naman mag-aral pero pinili ko na lang manood ng Meteor Garden (kahit ilang ulit ko nang napanood yun). Kaya kong gawin ng maaga ang assignment ko pero pinili ko munang makipagkwentuhan sa ate ko tungkol sa mga bagay na ginawa niya nung araw na yun kahit ang totoo ay alam ko naman talaga ang ginagawa niya sa bahay. Lagi lang naman siya sa bahay, eh.

Love, love and love all around...
Universal topic ba ang love? Tinatanong mo kung may boyfriend o girlfriend na yung kausap mo kung wala ka ng maitanong. Pwede rin naman kung saan siya nakatira at kung ilan sila sa pamilya. Uhm. Pero maliban dun. Hindi kasi ako expressive na tao at hindi ko sinasabi na mahal ko ang isang tao. Yung tipong... Basta!!! Hindi ako expressive at period no erase!

MoDem
Wala pa rin kaming modem hanggang ngayon. Malungkot nga, eh. Gumagastos tuloy ako para makapag-rent ng computer.

***

Na-miss ko ang pag-ba-blog. Ang late-night blog hopping para lang manggulo nang blog nang may blog. Na-miss ko ang pagiging virtual manlalakbay ko sa mundo ng Internet. Na-miss ko ang Internet. Na-miss ko ang Friendster. Na-miss ko ang maraming bagay na nasa Internet maliban na lang sa worms. viruses, Trojans at mga kung anu-ano pa na naninira ng computer. Hay...

***

To be continued ang buhay ni manlalakbay... Abangan na lang ang susunod na kabanata. :D