Wednesday, November 29, 2006

I love you... I love you... I love you...

Hindi ako sanay na sabihan ng “I love you…”

I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you…
Hmmm… Wah! Hindi effective… May pagka-windang effect pa rin talaga… Bakit ko nga ba ito sinasabi? Nabasa ko kasi sa isang blog ang “Luvshu. Mwah.” Ahem! Hindi naman sa assuming ako, ha! Ako yung sinasabihan! Pero hindi someone special ang nagsabi. Pero special pa rin! Pano yun? Uhm… Hindi yung someone showbiz… Friend ko siya! Ayun!

Ilang tao na rin ang nagsabi sa akin ng “I love you.” Pero hindi lahat English! Yung iba kasi Filipino… Uhm… Yung “Mahal kita.”

Nandyan si Noka, si *toot*, si *toot the second*, sarili ko… Basta! Many to mention… Sana nga many… Hoho!

Minsan talaga kinikilabutan ako kapag sinasabihan ako ng ganon. What’s the problem with me?!

Lumaki naman ako sa mundong may pagmamahalan.

(o_o) Naiinis ako. O_o Sasabihan ka ng ganon pero wala namang ginagawa. O kaya sasabihan ka tapos biglang mawawala… O kaya naman kahit simpleng kumusta eh hindi magawa. Pero taken na BUSY nga kasi siya. T_T Oh, ‘di ba! Kaloka! Pero that’s life. Naman! LAHAT NG PROBLEMA EH KONEKTADO SA “THAT IS LIFE!”

Pero hindi ata normal yung ugali ko! Tulong…

Medyo matipid lang talaga ako sa pagsabi nun. Minsan nahihiya akong sabihin kasi may windang effect din sa kanila yun. Hindi sila sanay na marinig sa akin yun. May pagka-sungit effect kasi ako.

Wednesday, November 22, 2006

Sosyalerang ewan

Kausap ko yung 2 kong kaklase kahapon. Yung isa nagbibigay ng beauty tips sa akin tapos yung naman eh nakikipag-usap sa akin tungkol sa love life (hindi love life ko) at kung anu-ano pa.

Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ko lang ng pantalon, t-shirt at rubber shoes/sandals. Simpleng-simple lang talaga ako. Hindi naman kasi ako yung tipo ng todo japorms. Tinatanong din nila kung marunong ba akong mag-ayos ng sarili ko. Well… It shows… Hindi ko talaga hobby ang magsuklay at ang palitadahan ng pulbo ang muka ko. Parang lagi akong dinadaanan ng Super Typhoon eh. Ü Uy! Teka muna! Nag-ayos na pala ako nung grad ball namin! Oh, ‘di ba?!

Mukha raw akong soyalerang ewan. What’s sosyalerang ewan? Do you mean it’s the pa-sosyal pero hindi really sosyal? Oh, my goshy! Ahem! Nagbagong anyo ata ako. Hindi naman ako pasosyal. Mukha raw akong nage-fx pero sa katunayan hanggang jeep lang ang kaya ng budget ko. May nagsabi pa nga sa akin ng ganito eh… Ehem ehem…

“Sa tingin ko mayaman ka. Hindi mo naman makikita sa pananamit yun, eh.”

Nyay! Compliment ba yun o insult? Mukha ba akong gusgusing bata?
Dahil ba sa kulay ng balat kaya ko? Dahil ba sa mga piraso ng bakal na nakasemento sa mga ngipin ko? Dahil ba sa bag na gamit ko sa school kahit napunit-punit na ‘yon? Bakit ganon ang tingin nila sa akin?!?! Well… Well… Well… Hindi po ako mayaman at higit sa lahat hindi ako sosyalerang ewan. Hindi nga ako magaling gumamit ng fork and knife sa restaurants! Solid ako sa spoon and fork! Hindi nga finesse ang pagkilos ko, eh!

Hay… (-_-)

Monday, November 20, 2006

I can’t believe that my eyes were teary before we went home. It was due to some uncontrollable variables in the environment.

Yesterday I was narrating an event. I was very serious when the person I was talking to suddenly said something about being funny. My vision seemed to dim. I felt so much frustration.

I really have a hard time expressing myself through words because I am rhetorically perplexed. My vocabulary seems to narrow every time I want to say something and things always get jumbled in my head.

And I just continued chatting with him/her.

It’s a tough task for me to express my emotions and they just end up tightly packed in my chest… Maybe that’s why I can hardly breathe every time I get angry. To every one who’s involved in this entry and to anyone who thinks they are involved… Just read the following…

Please try to understand me.
I can hardly conform with some of your ideas. Give me time...
I may not be really expressive but I am sensitive enough to know what’s happening.
Stop thinking that I am always happy. I do smile a lot but that does not mean that everything is in their place.
I became like this, partly, because there are people who don’t take me seriously.
It may be a text away but it is not enough to show how I really feel. Stop making me feel that everything’s funny every time I am burdened with these kinds of stuffs!
I have had hurt many people. I am human. I err. I fail. I am sorry.
Not everything is here. Well… As what I have said... I have problems with expressing myself through words. Words are weak in containing man's desires and emotions.

I can’t believe I almost cried for you.

How divine is it to forgive?

“Life does not cease to be funny when one cries and it does not cease to be serious when one laughs.”

Friday, November 03, 2006

Ang Musical na LRT2 at ang First Day

52 days before Christmas… Nov. 3 yun! Ngayon yun! At ngayon din ang first day ng 2nd sem namin. Gamit ko pa yung leather kong backpack na medyo dyahe dalin dahil matigas!

Akala ko eh nananaginip ulit ako. Aba! Musical na ngayon ang LRT2! Umaasenso! Dati kasi yung akala kong music sa loob ng tren eh galing lang pala sa isang pasaherong nagsa-sound trip. Christmas songs na yung pinapatugtog syempre.

Ayan! School na kami! Yehey! Konti lang yung tao siguro dahil medyo alanganin nga naman na ngayon ang first day ng klase at may kumakalat na mga balita na sa Nov. 6 pa ang totoong start ng klase.

Ayun! Inindyan kami ng profs. Yung prof lang namin sa Accounting yung dumating! Huhu! Ang galing niya talagang manakot! Mahirap i-explain, eh! Ganito pa nga yung pagkakaintindi ko sa mga sinabi niya,

“Tres na ang pinakamataas kong binibigay. Hindi ako mahilig magturo kaya dapat kayong mag-aral. Marami rin akong ipapagawa sa inyo kaya kailangan niyo ng at least isang pad ng 6-column worksheet. At magdudugo ang mga utak niyo sa puro computations na ipapagawa ko. Mahilig din ako sa penalties.”

(-_-)
Dos ang kailangan namin! Pambihira naman. At take note… “At least” isang pad ng 6-column worksheet yun, ah.

Ayun. Dahil sa inindyan kami ng profs namin eh lumayas na rin kami. Nasa bakasyon pa ata yung iba, eh. At syempre LRT2 ulit! Aba… Musical pa rin at kahit sa mismong platform eh may music na rin. Ahihihi… Pagkatapos kaya ng Pasko meron pa ring ganon?

Wednesday, November 01, 2006

Childhood

Tumawag sa akin kagabi ang isang childhood friend. Medyo may pagkamalabo sa akin ang kwento ng childhood ko.

Malambing na boses ang unang bumungad sa akin. Hindi siya nagpakilala at nagpapahula pa kung sino siya. Aba! Hindi naman ako manghuhula pero alam kong siya si Kadija hindi ko lang sinabi.

Hindi ko matandaan kung close ba kami nung mga bata palang kami. Binalitaan din niya ako sa whereabouts ng dati naming mga kalaro. (o_o) My gulay! Hanggang pangalan na lang ang alam ko! Hindi ko rin matandaan ang edad nila!

Kumustahan at balitaan ang maikling pag-uusap namin. Medyo na-excite din akong maka-usap siya kasi syempre! Naging parte rin siya ng slightly forgotten childhood ko. First year Economics student siya sa UST. Uhm… Baka makita niyo rin siya sa Starstruck4. Sumali raw siya roon! Tapos… Baka nagkikita na pala kami sa LRT2 tapos hindi ko alam. Basta ang alam ko kulot siya and she’s 5’6” tall. Whoooh!!! 5’1” ata ako, eh. Ang tangkad niya! (-_-)

Tinatanong rin niya kung ano hitsura ko. Nako po! Speechless ako! Ang sinabi ko lang, “Ito maliit pa rin pero masmatangkad ako kay ate!” Hehe! Talagang binida ko yung height ko, noh!

Ayun. Nagyaya siya na magkita naman kami minsan. Sa piyesta raw o kaya sa debut niya. Ü Nako… Nasha-shy ako. Ahehehe! Pero gusto kong pumunta, ah!