Tuesday, January 29, 2008
Music
I Wanna Be Your Underwear
by Bryan Adams
>> Yung guy dito gustong maging most important thing sa buhay ng girl na gusto niya. Pati ba naman maging underwear at hot sauce gusto niyang maging.
Bette Davis Eyes
by Gwyneth Paltrow
>> Tuwing pinapakinggan ko ito hindi ko mapigilan mag-emote at kumanta kahit hindi ko alam ang lyrics. Hindi ko kasi alam ang hitsura ng mata ni Bette Davis kaya hindi ko ma-explain ang isang ‘to.
Les Fleurs
by 4Hero
>> Tungkol ito sa isang bulaklak na bumuka na (siguro). Hindi ko gets ‘tong kanta na ‘to pero ang masasabi ko lang ay masmatagal pa yata yung instrumental kaysa sa dun sa may kanta pero maganda.
The Barracuda
by The 5, 6, 7, 8’s
>> Gusto kong tumalun-talon at mag-cheer habang tumutugtog ‘to. Lalo na dun sa part na nag-i-spell na ng BARRACUDA.
Dying Inside to Hold You
by Timmy Thomas
>> Si ate ang may pakana kung bakit kami may ganitong kanta. Sikat na kanta ‘to sa sikat na sayaw ng UMD… Uhm… Thinking thinking ka pa rin ba kung ano ang UMD? Kung alam mo na ang meaning noon… Malamang alam mo yung sayaw nila…sila ang Universal Motion Dancers.
Walking On Sun Shine
by KC and the Sunshine Band
>> Nakakaisip ako rito nang isang mainit na panahon habang papauwi ako. Nakakapawis ang kantang ‘to kasi ang init kaya sa Pilipinas, ‘di ba? Pero gusto ko itong kinakanta kapag naglalakad ako sa arawan. Saya nga, eh. Ginagawa kong musical ang paglalakad ko sa arawan habang tagaktak ang pawis at mantika sa mukha ko.
Magic Moments
by Perry Como
>> Hindi ito applicable sa Pilipinas kasi wala namang football dito. Dito ko naiisip na magical ang love. Para bang Enteng Kabisote… Magical… HAHA! Wala lang!
Isn’t She Lovely
by Stevie Wonder
>> Nakaka-imagine ako rito nang babaeng naglalakad papalayo sa isang guy tapos yung guy ay nakakatitig dun sa girl na papalayo.
Pretty Woman
by Roy Orbison
>> Ang sarap maglakad sa kalsada kapag ito ang tugtog. Parang feeling ko ang ganda-ganda ko. Hahaha!!!
Shakespeare In Love
by Layla Kaylif
>> Isa pa itong “emote song” ko lalo na kapag malakas ang volume.
On ne S’aimera Plus Jamais
by Larusso
>> Hindi ko maintindihan ang kantang ito kasi French. Next song!
Boston
by Augustana
>> Dahil sa kantang ito ay bigla akong nag-emote at naluha. Haha! Kasi naman naalala ko yung problema ko tungkol sa friends ko. May line kasi dyan na, “You don’t know me. You don’t care.” Basta sila na ‘yon.
Suddenly
by Soraya
>> Para rin itong Magic Moments pero ito naman ay hindi magical kung hindi ay enchanting. Ü
It Must Have Been Love
by Roxette
>> It must have been love nga siguro… Hehe! Ü
To be with You
by (guy singer)
>> I don’t know the singer’s name. Ayun… Wala akong masyadong masabi kasi hindi ko pa masyadong pinapakinggan masyado ‘to.
Your Call
by Secondhand Serenade
>> Sweet ang kantang ito pero may pagka-demanding.
Somewhere Over the Rainbow
by Harry Nilson
>> Gusto kong matugtog ito sa keyboard ko.
Marami pa kaming kanta at marami pa rin akong pinapakinggan. Yung mga nilagay ko ay yung mga kantang kinakanta ko, sinasayaw ko, ginagawan ko nang interpretative dance, na-i-imagine kong kakantahin ko sa singing contest (as if magaling ako kumanta, noh) at mga kanta ko sa buhay ko kapag ginawa itong musical. Pero kulang pa ‘yang listahan na ‘yan.
Monday, January 28, 2008
Friends... Friends... Friends
January 24 noon nung tumawag ako kay Miñezka. Nataranta talaga ako noon kasi akala ko birthday niya nung nakaraang araw (Jan. 23). Pagsagot niya sa phone niya ay binati ko agad siya nang “Belated.” Tumahimik siya. Akala ko hindi niya ako na-gets pero ang totoo pala ay nagulat lang siya kasi sa Jan. 28 pa ang birthday niya at binati ko na siya. Oh my gulay! Napahiya ako! Nag-pretend na lang ako na hindi ko siya marinig at mahina ang signal sa kinalulugaran ko (kahit malakas naman talaga ang reception). Ang sabi ko pa, “Hello??? Hello Mineng? Hindi kita marinig.” Tapos, sabay cancel sa call ko. Haha! Pahiya ako!
Nahihilo ako
Lima kaming nanood sa sinehan. Halos walang laman yung buong area. Nagdilim na ang paligid at bago pa man din mag-start ang movie ay nag-wash room muna ako. Nung pabalik na ako sinehan ay nalilito ako dun sa neon lights sa sahig. Buti yung usherette ay nag-ilaw ng flashlight. Nahilo ako noon sa mga ilaw. Tapos nung paupo na ako, sinasabi ko dun sa kasama ko na, “Nahihilo ako.” Paghawak ko sa chair, nagulat ako kasi wala yung bag ko. May nakita rin akong plastic ng pagkain, eh hindi naman kami bumili ng food at drinks. Nung medyo nag-reflect yung ilaw mula sa screen ng sinehan…nakita kong hindi pala sila yung kasama ko! Mali!!! Pahiya ako! Nakita ko yung pagkagulat nung girl at yung pagbuka ng bibig niya sa pagtataka. Natawa ako nang malakas at sabay takbo. Haha! Yung mga kasama ko nakaupo dun sa row sa likod nila. Haha! Pahiya talaga ako!
Surprise!
Nag-treat si Ches nung Friday kasi birthday niya nung Jan. 19. Ang usap ay 3:30 pm sa BigR. Medyo na-late ako nang dating kasi medyo late kaming na-dismiss. Ang balak namin ni Noka ay bibili kami ng cake for Ches. Eh nauna silang dalawa! Wala na! Ang surprise namin ay hindi na talaga surprise. Pati yung pagpili namin ng cake at yung pagsulat sa ilalagay sa cake ay nakita na agad ni Ches.
Max’s
Ang dami naming kinain sa Max’s. Masaya! Ang lalakas nga nang tawanan namin. Busug na busog talaga ako noon. Ang sarap nilang kasama sa kainan.
Friends
Nung nag-treat si Ches, present si Daryll, si Noka at si Carlo (BF ni Noka). Ay, teka. Pati pala ako present din! Absent si Pam at Min noon. Super na-miss ko sila. Ang saya namin. Ang sarap tumawa nang malakas. Parang walang pumipigil sa akin. Ang sarap mag-kwento. Ang sarap makinig sa kwento. Ang sarap nilang kasama. The best. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila ang wala sa iba. Gusto ko kung ano sila. Nagbabago man sila pero kahit magkaganon ay kilala ko pa rin sila. Friends ko sila kung may pera man ako o wala (hindi tulad nang iba). Friends ko pa rin sila kahit hindi ko sila masyadong nakikita. Friends ko sila kahit ano pa man. Hindi sila perfect pero kabilang sila sa best people na na-meet ko na. Love you guys!
PS
Ches, dalin mo sa birthday ko yung kandila mo. Hehehe!
Noka, Amazona ka talaga. Hehe! Ang brutal mo.
Daryll, nasaan na yung panyo mo?
Carlo, huwag kang masyadong naniniwala sa joke ni Daryll tungkol sa ilong! Hihi!
Mineng, sorry. Nataranta kasi ako. Mali kasi nakalagay sa calendar ko. Hehe. Happy birthday!
Pam, sama ka naman sa galaan. Ü Para makumpleto naman tayo.
Tuesday, January 15, 2008
Welcome 2008!
+++
The Kiddie Felony
“Hey kid! Do you know what you just did? You stole from that truck! Bring it back!” I wanted to scream but I could not. I just sat bedazzled by what he had done. He was just a kid! He may be younger than a 10-year old child. Hello! Values check!
Have Some Love
Many people are really engrossed about their love lives and I am not one of them. Entering into a relationship is really costly. Admit it. You have to spend on dates, on gifts, on sweet somethings. You even tend to lose the other half of yourself and your normal brain functions (i.e. to discern wisely). You, then, feel so immersed into something that you always describe positively. Love is… Love is blah blah blah…
Ambivalent Incident
Sometimes I like them and sometimes I don’t. Sometimes shameful and sometimes typical. Sometimes thoughtful and sometimes not. Urgh. What is happening!?
When Other Shoes Stink
I know a little of the misery you feel, if ever you feel any misery. I know how it feels to be alone. I know how embarrassing it is to look for your friends and learn that they already left. It feels so bad to look at them from behind. No one notices who walks at the back. No one ever empathized. No one knows. No one cares.
Molly Molly Guacamole Peep Pop Molly Molly

She is our pet dog. She died last December 26, 2007 because of unknown reason. Her death was really sudden. I miss her. I miss the way she runs around the house, the way she pees at the bathroom even if she wasn’t trained to do that, the way she bites, the way she barks, the way she eats, the way she pushes herself from the wall, the way she plays with the stones, the way she tears the rags, the way she opens the screen door, the way she jumps… I cannot sing to her anymore our song for her. I miss everything about Molly. Anyways, all dogs go to heaven. I know she is better off there.
Saturday, December 22, 2007
My Christmas List
1. I put vinegar in my ham (the popular ham during Christmas).
2. I cut papers and glue them together again.
3. I like crushing pancit canton noodles before cooking them.
4. I do not eat if there is no available water.
5. I do not drink carbonated drinks (except for extreme cases).
6. I usually open the wash room doors using my little fingers (except for door knobs).
7. I close my eyes while walking in our subdivision.
8. I run when I get out of the train just to be the first person to get out of the station.
9. I use pure calamansi juice as a dip for hard boiled egg. Yum… And I would drink the remaining juice afterwards.
10. I usually put my water container in the freezer because I like drinking almost iced water.
11. I seldom use our chopping board when chopping tomatoes.
12. My clocks are usually 25 minutes advanced.
13. I have a hammer with screw driver in my study desk.
14. I talk to myself (sometimes my voice gets too loud that others can hear it).
15. I enjoy sliding down the stairs.
My Dream and Wish List
1. High grades
2. Original 3x3x3 Rubik’s cube and solve it in less than a minute
3. Original 5x5x5 Rubik’s cube and solve it in less than a day (hahaha!)
4. My phone to be fixed
5. Internet connection (again!)
6. Type faster
7. Explain things better
8. See a meteor rain (too bad it’s over)
9. Super high heels… A pair of stilettos maybe… (I hope I can walk while they are on) Hehe!
10. Win a prize
11. Accessories for my keyboard
12. Write Lola Cela a letter
13. Rice cakes, Chocolate cake, Chocolate… In short… Food… Lots of it…
14. New computer mouse
15. Learn to play lawn tennis
16. Be part of the Philippine team (even if I am not sporty)
17. Do a magic trick
18. I want to float in the air… I want to fly too…
19. Have a bike
20. Learn to play Dance Maniax
21. World Peace! Ü
My “I want to go there” List
1. Cabangan, Zambales… It’s my province.
2. Batanes
3. Spratley Islands
4. Puregold Taytay (Hehehe)
5. Star City (I haven’t been there)
6. Around the Philippines (just to make my list shorter)
7. Barcelona and then to Cadiz, Spain
8. London
9. Around the world (just to make my list shorter)
10. Outer space (but not very far from Earth)
11. I also want to go to museums
12. Heaven… (Hahaha! I should be nice starting now… Hehehe…)
***
Christmas is just three days away from the Philippines.
***
Tuesday, December 18, 2007
Traipse
It was a sudden decision for my classmates to celebrate our Christmas party at SM Mall of Asia. I do not know what they did there but I was pretty sure that I do not like to go there for some reasons. First, it is too far from our house (or maybe I just think so). Second, I only have a few hundreds to spend… Well, in fact I just have a hundred to spend. Third, I do not want to stress myself by thinking what to buy with my money. The fourth and the gravest reason that I thought of that made me not go there was I just like and I think that I am going to enjoy myself…alone…
I went to Metro East just to stroll around and to bore myself. After much dullness, I decided to head to SM. I spent my more than two/three hours walking around the newly opened mall. I even thought of finding myself a nice dress to buy (in my sweetest dreams) so when we go Christmas shopping (I hope) I will know what to buy. But I was too shy to look at the girly dresses so I just went to the toy and children’s apparel section. I also went to a keyboards’ store and my main agendum is just to touch the keys of the keyboard so that I would still appreciate my old keyboard and to tell myself that mine is still better than those being sold. I was pretending that I am canvassing but I was really not. The worst thing I did there was to embarrass myself by playing Fur Elise. Wah! I forgot the notes to play and my hands were trembling badly. After that, I never passed that store again. I was greatly embarrassed! But at least I discovered that I really have stage fright. Well, after that I have nothing to tell myself but “That was so humiliating! I should have not done that! I hope they don’t remember me!”
I got so tired so I was already thinking where to eat and where I could sit for an hour. Taddah! Fiorgelato was the answer. It was the best place to spend my hour because there was this big big Samsung TV which I can watch on. I did not enjoy the movie being played but I had enjoyed watching on that TV.
I got my first sip of my coffee and it was very hot and I think all of my taste buds just died out. After finishing my coffee I bought a green ice cream in Fiorgelato. I don’t know its name but it is…cool and cool…I mean minty and cold (obviously because it’s ice cream). I was freezing to death after I ate it. (Uhm… What a combination… Coffee and ice cream…) I also bought a choco chip [cookie] which reminded me of Chunkee, and a walnut [bar] which reminded me of a Blackforest cake.
***
I ambled aimlessly but that was very calming for me. I felt so worry-free, so peaceful. It was as if I was walking on my own planet without any nuisance. It was so good.
***…And that was my solitary Christmas party…
Saturday, December 08, 2007
Mga Linyang Hindi ko Nasabi at Masabi...
So, ito yung listahan nang ilan sa mga bagay na hindi ko lang talaga masabi sa taong gusto kong pagsabihan."
"Magdudusa ka."
"Will you just shut up?"
"Wala ka nang masabi, ano?"
"Feeling close ka?"
"Alam ko naman talaga ang sasabihin mo pero sabihin mo pa rin ang sasabihin mo."
"Babalik ka pa ba? Ok lang naman kahit hindi na."
"Masyado ka naman harsh sa akin."
"Ang gentleman naman."
"You will see."
"Ganyan pala ang gusto mo."
"Hindi na natin nakuha yung inaasam nating scholarship."
"Nape-pressure ako. Wah!"
"Miss na kita. Sana magkita ulit tayo. Hahaha!"
"Friends ba tayo?"
"Bakit nakakaramdam ako ng hostility sa'yo?"
"Bakit masyado kang involved sa mga ganyang bagay? Hindi ayan ang nagpapa-ikot sa Earth."
"Tama na!"
"Yuck. You are so gross."
"Liar... You are a liar... A psychopathic liar."
"Sana malaman mo kung gaano kalala yang ugali mo."
"Sorry."
"Thank you."
"Bakit ka ganyan?"
"Pinagbabayad mo pa ako? Samantalang parang dial-up ang connection ng Internet niyo. Hindi ko ng ma-load yung Yahoo!"
"Ang dark naman ng place na 'to. Parang pwede akong kidnap-in sa shop na 'to."
"You will be burned."
"Sinong kinakausap mo? Ako ba?"
"Hindi mo ako kilala."
"Bakit lagi mong sinasabing nagbago na ako?"
"Alam mo ba ang Kokoy Kit?"
"Nakakainis ka."
"Galit ako sa'yo."
"Ikaw yung kwinento ko sa isang post sa blog ko."
"Wala kang pina-prioritize."
"Ang goal mo ba sa buhay ay ipalaganap ang genes mo?"
Yung mga ibang bagay ay hindi ko na masabi kasi talagang hindi ko lang talaga kayang sabihin. Ang gulo, noh. Basta... Ayun...
Saturday, November 17, 2007
Memories
Masaya nga naman magkaroon ng mga magagandang alaala... Obvious ba? Kapag bata ka pa ang ginagawa mo ay magagandang memories pero kapag matanda ka na ang ginagawa mo na lang ay alalahanin ang memories na ginawa mo nung bata ka pa. Hindi ko lang kung tamang-tama ako sa mga sinabi ko at mayroon pang mga pwedeng magsabi na ako ay fallacious pero kasi ayun ang naiisip ko.
Ehem! May mga bangungot na nangyayari sa amin. Inuulit ko... Sa "amin." May dysfunctional sa amin. Uhm... Blind item muna. Hindi pa pwedeng sabihin baka magkaroon ng problema. Next time na lang kapag all is clear, ika nga.
Kapag nag-blog din ako ay mayroong sandali na ang mundo ay nagbibigay ng oras sa akin. Pinababayaan muna akong magsalita at tsaka na lang magsasalita. In short, pinagsasalita muna ako. Ang blog ko ang kalahati ng alaala ko. Nandito ang mga bagay na hindi ko minsan sinasabi sa ibang tao at mga bagay na minsan ay hindi ko rin masabi sa mismo kong sarili. Gets? May mga bagay na ayaw mo lang talagang isipin kasi nakakainis. Hay.
Sana magka-Internet na talaga kami. Masyadong malungkot ang buhay kapag malayo ako sa Internet. Ang lagkit pa ng keyboard at mouse kapag sa computer shop lang ako nag-Internet.
Ang saya ng nang araw na ito. Ayun! Sana maulit ito. Ü
Thursday, October 11, 2007
Debut at mga 18-18 sa debut...
Ngayon... Nagpagupit ako at mukha na naman akong mangkok. Ang ikli pala ng shoulder-length na buhok. Akala ko mahaba pa rin kahit ganon.
Change topic. Nahihirapan akong pumili ng pangregalo. T_T
Mga isang buwan ko na ngang iniisip kung ano yung ireregalo ko at hanggang ngayon ay parang lost pa rin ako kung ano yung ibibigay ko sa kanya.
Sabi sa akin libro na lang ang ibigay ko sa kanya pero ang wish naman ni Noekka ay mp3. Ok... Libro na nga lang... Hehehe...
Maganda raw yung "How To" books... Muntik ko nang i-make up ang mind ko sa pagbili ng "How to understand your man" na libro pero... Uhm... May entity na bumubulong sa akin na huwag na lang raw yun at yung inspirational na book na lang ang ibibigay ko sa kanya. Well... Hindi ko naman talaga alam kung inspirational yung book na yun. Ang cute kasi. Maliban sa colorful yung book ay madaling pang basahin kasi hindi s'ya bombarded with text.
Hay. I am looking forward to that day. Iba pala yung may special participation ka sa debut ng close friend mo. Ang saya talaga.
Hay... Wala pa akong speech kapag ibibigay ko na yung gift ko sa kanya. Ü
Sana makagawa na ako... Yung makabagbag-damdaming speech para maiyak siya... Nyek. Ü
***
Monday, October 01, 2007
Nag-blog ulit ang manlalakbay.
***
Intorduction lang yun...
***
Isang buwan...
Sa loob ng isang buwan ay dalawang beses akong nanakawan. Ok... Malas ang unang beses at yung pangalawa ay kaengotan na lang. Well... Uhm... Php300++ ang nawala sa akin in total. Tapos yung unang beses na nawalan ako ay todo iyak pa ako. Dramatic actress nga ang dating ko, eh. Kasi naman... Ang iniiyikan ko ay yung dahilan na hindi ko alam ang dahilan ng pagkawala ng pera ko (pera na nasa wallet). Naghirap talaga ako nung week na yun.
Regrets...
Hindi ko alam kung bakit kagabi habang nagtu-toothrush ako ay biglang nag-flashback sa akin ang mga bagay na ginawa ko at mga hindi ko man lang ginawa. Nakakalungkot. Kasi pinagsisisihan ko yung mga bagay na kaya ko namang gawin pero hindi ko man lang ginawa. Uhm... Tungkol yun sa studies ko. Kaya ko naman mag-aral pero pinili ko na lang manood ng Meteor Garden (kahit ilang ulit ko nang napanood yun). Kaya kong gawin ng maaga ang assignment ko pero pinili ko munang makipagkwentuhan sa ate ko tungkol sa mga bagay na ginawa niya nung araw na yun kahit ang totoo ay alam ko naman talaga ang ginagawa niya sa bahay. Lagi lang naman siya sa bahay, eh.
Love, love and love all around...
Universal topic ba ang love? Tinatanong mo kung may boyfriend o girlfriend na yung kausap mo kung wala ka ng maitanong. Pwede rin naman kung saan siya nakatira at kung ilan sila sa pamilya. Uhm. Pero maliban dun. Hindi kasi ako expressive na tao at hindi ko sinasabi na mahal ko ang isang tao. Yung tipong... Basta!!! Hindi ako expressive at period no erase!
MoDem
Wala pa rin kaming modem hanggang ngayon. Malungkot nga, eh. Gumagastos tuloy ako para makapag-rent ng computer.
***
Na-miss ko ang pag-ba-blog. Ang late-night blog hopping para lang manggulo nang blog nang may blog. Na-miss ko ang pagiging virtual manlalakbay ko sa mundo ng Internet. Na-miss ko ang Internet. Na-miss ko ang Friendster. Na-miss ko ang maraming bagay na nasa Internet maliban na lang sa worms. viruses, Trojans at mga kung anu-ano pa na naninira ng computer. Hay...
***
To be continued ang buhay ni manlalakbay... Abangan na lang ang susunod na kabanata. :D
Wednesday, July 25, 2007
Nitong mga araw
Impromptu Speaking Contest
Sinali ako ni Victor (kaklase ko) sa impromptu speaking contest. Ito naman ako na si todo kaba. Hindi ko nga maintindihan talaga ang sarili ko kung gusto ko ba talaga o ayaw ko ba dahil sa parang ayaw kong maniwala sa kakayahan ko. Ehem ehem... Hindi ko naman minamaliit ang sarili ko pero feeling ko hindi ako makakapagsalita kapag turn ko na. Muntik na akong um-oo pero umalis pa rin ako sa contest.
G.I. Quiz Bowl
Mahilig ako sa general information. Sayang. Hindi ko kasi alam na meron naman palang quiz bee para sa mga taong nilulunod ang sarili sa pagkahilig sa general information. Ayun. Hindi ako nakasali kasi meron nang ibang kasali para sa team namin. Ang lungkot. Ok... Wala talaga akong chance... Hay...
Pagkayamot
These past few days lagi na lang akong nayayamot. I mean... Masungit. Well... Masungit naman talaga ako pero iba ang level ng kasungitan ko. Hehe... Ewan ko ba... :D
Muni-muni
Napagmumuni-muni na ako nitong mga nakaraang araw. Minsan talaga masarap mag-isip ng mga bagay na hindi ko masyadong iniisip...
> Ayoko nang masyadong magsalita. Magpapaka-tahimik na ako. Uhm... Ok. Ang aking primary intention ay magkaroon ng matahimik na buhay. (ngek)
> Mag-isip. Isipin ang mga bagay na kailangan pagtuunan ng pansin. Tulad ng panggagaya (as in yung malapit na sa pagiging hardcore, ha). Nakakainis 'di ba?
> P agbibigay ng privacy sa ibang tao. Do not invade my private bubble. Ok. Binibigyan ko naman ng privacy ang ibang tao pero minsan yung private bubble ko ay ini-invade na ng ibang tao. Sasabihin ko naman sa'yo ang mga bagay na gusto kong sabihin pati yung mga kailangan kong sabihin. Tsk tsk.
> Undesirables. Hindi ako magaling magtaboy ng tao. Uhm. Ayun... Minsan talaga hindi mo laging magugustuhan ang taong gusto mo. Gets? Na-feel mo na ba 'yon?
> Lowering expectations. Ang hirap kapag ang taas ng expectataions sa'yo at nakaka-hurt naman kung walang nag-e-expect sa'yo nang kahit ano. Basta lower expectations at hayaan mo na lang silang magulat na mali sila ng iniisip dahil talagang magaling ka. Mwehehehe... :D
> Your world is not really my world. Wushu. May sarili akong mundo at ikaw rin ganon. Ok. Minsan masaya akong mapag-isa sa sarili kong mundo. Masaya kayang mag-enjoy nang mag-isa.
Iba pang bagay...
Masayang mag-aral. Nagpupuyat na ako ngayon para makapag-aral ng Accounting. Hindi tulad noon na come what may ang drama ko. Sayang nga naman ang pagkakataon kong mag-aral habang bata. Minsan lang 'to. Masasayang ang buhay ko kung sasayangin ko ang oras ko sa ibang bagay na hindi naman magdudulot ng long-term effects sa akin (yung good effects at special effects lang).
Masayang mag-aral... Mag-aral na tayo. Hehe. Pero hindi pa rin ako yung subsob sa aral. Subsob lang sa libro kapag inaantok na ako. Hehe. Inuunanan ko kasi mga libro ko (hinahigaan na rin pala) kapag natutulog ako.
PS
Ang sarap ng Skyflakes. Kahit kulang na yung pang-tricycle ko bumibili pa rin ako noon. Hehehe. :D
Be happy... (sabi nga ni ate)
Belated happy birthday nga pala kay Vera Christy. Hehe... 71 years old na siya... :D Joke lang. 17 pa lang siya. :D
Monday, July 02, 2007
I am back
***
DEBUT ni Khadija
Actually, dapat bukas pa 'yon pero nag-celebrate na kahapon.
Masaya naman ang kainan. Iniisip nga rin namin na merong pukpok palayok pero hindi nga pala children's party ang pinuntahan namin. OK OK??? Debut. Supposedly, fomal ang gathering.
Ayun. Andun si Khadija (obvious naman kasi siya ang may birthday), Tita Nits (nanay ng debutante), si Lee (ang aming kalaro dati), si Tatang (ang may-ari nang puno ng papaya, si Aling Cely (anak ni Tatang) and many more (hindi niyo naman kasi kilala kung babanggatin ko pa.
Ops
Nandon nga pala si ate.
UHM...
Wala naman akong masyadong ginawa. Tumahimik lang naman ako. Kumain ng lechon, chicken curry, buto na may konting beef, puto, ice cream, crispy pata, menudo and many more.
***
Muli akong nagbalik mula sa aking pagkakaligaw. Muntik ko nang maiwanan ang sarili ko sa kawalan. Muntik ko nang makalimutang may blog nga pala ako. Buti na lang walang barya ang carinderiang kinainan namin kaya nakapag-Internet na naman ako. Buti na lang... Buti na lang hindi pa ako nagpa-barya kay Vera kaya ito ako ngayon nagta-type at nagpapakatamad sa harap ng PC. Ito ako ngayon. Hindi gumagawa ng feasibility study namin, hindi inaasikaso ang assignments sa Accounting, hindi nag-aaral sa Economics at uhm... In short, tamad. OK???
Pahinga muna. Masyado akong napagod sa kakahiga sa kama ko, sa pag-upo sa sofa namin at paghandusay sa sahig ng kwarto ng Tita namin. Ayun. Sige. Back to normal life ulit. Estudyante mode muna ako.
***
Kunware lang yun. Mag-fe-friendster muna ako. Ü Tapos seryosong aral na, ha! (Ü)
Friday, June 15, 2007
Pasukan disasters...
Una
Nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay. Nasa Valley Golf (assuming na alam niyo kung saan ito) na ako nung bumaba ako sa jeep na sinakyan ko. Hindi pa ako nagbabayad non... Obviously, kasi nga wala ang wallet ko. Hindi ako marunong tumawid ng kalsada kaya hindi na ako nag-dare na sumakay ng jeep pabalik sa Singer (assuming "ulit" na alam niyo kung saan ito...basta magkalayo silang dalawa). Ang aking last resort... Ang paglalakad. Actually hindi naman talaga ako naglakad. Tumakbo pala ako. 5:15 am ako umalis ng bahay at 6:00am ako nakarating "uli."
Pangalawa
Sumakay na ako sa LRT2. Nakita kong nandon si Jep at si Ayie (assuming na kilala niyo sila) at sila ay naghihintay sa akin. Ayun. Hindi naman super disaster ang nangyari. Huminto lang naman bigla ang tren at muntik-muntikan lang naman ako/kami tumumba.
Pangatlo
Kumain kami sa university canteen, oh sige canteen na lang for short. Mainit, masikip at malagkit. In short, not my ideal place. Mahal pa pala ang pagkain. Nalagas ang P42 ko para sa large juice, 4 na pirasong shanghai at isang cup ng kanin. Ayoko nang kumain don, ang mahal kasi, eh. Except lang kapag no choice na. (-_-)
Hindi na disaster ang kasunod...
Nilibre ako ni ate sa Worlds of Fun. Nag-gallery shooting kami at proud naman ako dahil naka-2 points naman ako at ang premyo ko ay limang piraso ng Mentos. Ayos na rin kaysa sa wala.
Masaya naman ag first day kahit medyo nakakahiya ang pagka-iwan ko sa wallet ko. Hay!
Update lang... (assuming na interesado kayo sa nangyari sa mga tahimik kong paglalakbay)
= Tinulak ako ni Ayie kahapon. Normal na ulit kami. Hahahaha!
= Binigyan ko si ate ng chocolate at hindi ako nanghingi.
= Nagbabasa na ako ng libro yung "Word Power Made Easy" by Norman Lewis. Nako! Hina-haunt na ako ng etymological roots ng words. My gulay! 'Pag pikit ko sa gabi, imbis na mga tupa ang bilangin ko mga words na ako nakikita ko. Hahay! Pati pala yung "Amityville Horror" binabasa ko na rin. Masaya at madaling intindihin.
= Sira ang modem namin kaya pa-rent-rent muna ako ng pc ngayon.
Saturday, May 05, 2007
Nagagalit ako
Tama. Nagalit nga ako. Hindi ako kuntentong sabihin na naiinis lang ako. Nagagalit ako. Hindi ko siya naintindihan. Ayaw ko siyang intindihin. Kahit gusto ko sa mga paliwanag hindi ngayon ang pagkakataon upang magpaliwanag siya. Ayaw kong tanggapin ang paliwanag niya. Not now…
NAGAGALIT AKO!!!
Nasaktan ako sa ginawa niya.
Ano nga ba kasi ang nangyari?
Nanghingi ako ng papel. Sinabi niya ibibigay niya sa akin pero hindi ko muna kinuha. Tapos may nanghingi ulit sa kanya tapos binigay niya sa iba yung papel na hiningi ko. Wala na. Wala nang papel. Sa harapan ko niya ibinigay yung papel na ‘yon.
Ang babaw ba? Hindi ko rin alam kung bakit ako nakaramdam ng ganoong galit. Hindi ko rin makalimutan yung pangyayari. Pakiramdam ko trinaydor ako. Ang lalim ng naramdaman ko pero ang babaw ng dahilan. Hindi pala mababaw. Simpleng pangako lang yun ng pagbigay ng papel sa akin. Naisip ko tuloy ang salitang priority. Priority. PRIORITY! Nauna ako. Binibigyan ko ng priority ang mga kaibigan ko. PRIORITY! Sana alam mo ang ibig sabihin ng salitang priority pati ang konsepto nito.
NAGAGALIT AKO!!!
Nasaktan din ako.
Fresh pa rin yung galit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko yung nangyari. Masakit pa rin para sa akin kahit ilang buwan na ang nakalipas.
Hindi ko pa sinasabi na galit ako sa kanya. Ayoko lang. Kaya hanggang ngayon nagagalit pa rin ako.
*ang sama ko*
*pero naglalabas lang ako nang galit*
T_T
Thursday, May 03, 2007
Facts 101
.:. The human brain is 80 percent water, more watery than our blood.
.:. In ancient China people committed suicide by eating a pound of salt.
.:. Cabbage is 91 percent water.
.:. The caterpillar has more than 2,000 muscles.
.:. The original name for the butterfly was “flutterby.”
.:. Humans are susceptible to a disease called the “laughing sickness.” People stricken with this disease literally laugh themselves to death. The disease is known in one place in the world, among the Kuru tribe of New Guinea.
.:. The color black absorbs heat. White reflects it.
.:. Men laugh longer, more loudly, and more often than women.
.:. A person who is lost in the woods and starving can obtain nourishment by chewing on his shoes. Leather has enough nutritional value to sustain life for a short time.
.:. The sun is 3 million miles closer to the earth during winter than summer.
.:. A thousand tons of meteor dust fall to earth every day.
.:. Clouds fly higher during the day than during the night.
.:. Rubber is one of the ingredients of bubble gum. It is the substance that allows the chewer to blow a bubble.
.:. A horse can sleep standing up.
.:. Up to the age of six or seven months a child can breathe and swallow at the same time. An adult cannot do this. (Try it.)
Source: David Louis. “Fascinating Facts.” Ridge Press/Crown Publishers, Inc.:New York, 1977.
Wednesday, May 02, 2007
Life isn't just another thing
I even told Ayie, “I am going sleep. I might sleep forever.” I was half-serious that it would happen and half-nervous that it might will.
I put a serrated knife over my wrist thinking to slash it. I covered my head with plastic. I tried to strangle myself. I tried to hold my breath for quite sometime until I feel pain from my chest. When I was a kid, 5 years old or so, I thought of committing a crime so the government will put me in death row. And it was my dumbest idea and I never did it or planned it. But I am not suicidal. I still want to live because I still dream.
I am thinking of how it feels to be dead. I won’t feel hungry anymore. No more sweat. No tears. No peeing. I do not have to cut my nails. No more earwax. No more snot to be pulled. No more counting of days to my next period.
I can’t close my eyes when I tried to sleep. I felt extreme nervousness that I might die when I fell asleep. I felt my heart beating hard. I was afraid that time that I cannot fulfill the things that I have thought of for many years.
I fell asleep. Four hours later I woke up and “I am alive.” YES! I AM ALIVE! I thanked God for that. My life isn’t that almost perfect but it is fine. I still get to eat three times a day or more. I still drink potable water. I get to study. I have a bed. We have a happy dog.
I was born into this world to make others happy, to love, to dream, to make a move and to find the happiness I can’t give to myself. Living is such a brave thing to do. Being brave is facing your fears and finding the strength inside you thought you never have. Life isn’t just another thing.
Saturday, April 28, 2007
Blog... Blog... Blog...
Hindi man fresh ang look dahil sa mahigit isang taon ko ng gamit ang layout ko, gusto kong iperme ang pagka-blog ng blog ko sa isang bagay na makukuntento ako.
Mukhang nahahanap ko na ngayon Hindi ko na gustong baguhin ang address ko. Tama na ‘yan. Masyado nang perwisyo sa mga nag-link sa akin kung babaguhin ko pa. Nakakahiya na ngang ipabago, eh. Pang-apat na beses ko nang binago ang blog address ko at promise hindi ko na babaguhin. PROMISE!
Kung may mangyayari mang kakaiba sa akin ay ayun ang nag-transform na ako bilang isang full-time superhero. Este… Baka gumawa lang ako ng bagong blog na tipong ayaw kong gawin dahil masyado na akong busy sa pagiging tagapag-ligtas ko.
Blog Wish List:
New Layout
Drop-down box for Archives and Links
Bagong quotable quote
Maayos ko na ‘to ASAP
Ano pa ba? Uhm… Ayun muna. Sana mag-tino na ang blog ko.
Friday, April 27, 2007
Do not leave your valuables unattended
Hindi ako isang henyo sa mga lugar. Madali akong mataranta kapag hindi ko na alam ang kinalalagyan ko. Ayokong maligaw kasi may isang kotong officer lang ang manghuhuli sa akin at masusuhulan ng singkwenta pesos. Este! Back to business tayo. Uhm… Pero nangyari talaga sa amin yun nung naligaw kami sa Marikina.
Marunong akong mag-bike at lampa ako sa roller blades. Hanggang bike lang ang powers ko. Dati pinapatakbo ko pa nang super bilis yung bike ko at nagfi-feeling akong isang super hero na lumilipad kasama ang aking bike na DragonBall Z pa ang design. (ET na yata yung scene na yun)
Ang pinakamalayo nang napuntahan ko ay Baguio. Tama! Baguio… Susunod doon ang Zambales na probinsya naman namin. Ayokong pumunta sa Baguio dahil ang haba ng biyahe! Nakahiga lang ako lagi sa sasakyan namin at nagmumuni-muni kung nasan na ba kami. *Pangasinan pa lang? Oh, sige! Manaoag break muna tayo!*
Gusto ko nang magkaroon nang passport. As in, now na! Uhmf… Demanding… Gusto kong pumunta ng ibang bansa sakay sa isang eroplano. *swoosh* Pero takot ako sa airplane kasi baka bumagsak ito tapos itapon na lang ako sa isang isla na ako lang mag-isa tapos gagawa ako ng isang volleyball friend na may pangalang “Wilson.” Wah! Don’t want to think of it! Nakakakilabot. Baka mag-breakdown ako agad kapag nangyari yun.
Serious mode:
Ang sinasabi kong paglalakbay ay ang paglalakbay sa panahon, sa oras, sa time (OK! In-english ko lang). Lahat naman tayo naglalakbay sa oras at mali ka kung ang iniisip mo ay isa akong super genius na gumawa ako ng Time Machine. Ayun lang. Wahahaha!
More serious mode:
*isip isip*
Most serious mode:
Gusto kong maging immortal! MWEHEHEHEHEHE! It’s a lie. (Dapat serious pa rin). Ayoko nga maging immortal. Gusto ko ma-experience ang heaven. Teka… Sa heaven ba makakapaglakbay pa rin ako tulad ng sinasabi kong paglalakbay sa panahon? *swoosh* Parang heaven ang point of destination ko, noh! Parang ang bait ko. Ehem! No effect! Hindi pa rin ako seryoso.
***
Thursday, April 26, 2007
Trabaho kayo d'yan
Ok! Get set. Ready. Go!
Maraming Pinoy ang unemployed at underemployed. Pero sabi nga sa akin, “Maraming trabaho sa Pilipinas. Hindi nga nauubusan ng trabaho kaso nga lang hindi qualified ang applicant kaya hindi sila matanggap.”
Sa bagay… Mag-a-apply ka nga sa call center tapos kung ang English mo naman eh ganito, “Gud apternun.” Eh aba! Rejected ka na raw agad.
Si Lola Cela namin rejected sa isang radio station company dahil sa kanyang… Dandananandanan! HEIGHT! Kapos siya sa height. Less than 5 feet tall siya kaya rejected ang lola ko. Hindi ko ma-gets! Malalaman ba ng tao na ganito ang height ng nagsasalita. No idea nga ako sa height ni Nicole-hiyala at ni Chris-tsuper kahit lagi ko silang naririnig sa radio!
Meron namang company na masnagha-hire lang ng magagandang call center agents. Isa pa ‘to! Parang malalaman kong maganda o gwapo yung kausap ko, ah. Matatanggap ko pa kung naghahanap sila ng pang-model na receptionist. Diskriminasyon na ‘to! Tsk tsk!
Meron ding mga kumpanya na pinag-i-skirt ang applicants. Tsk! Hindi nag-apply si ate dito kasi ayaw niyang mag-palda.
May success story naman tayo rito. May isang kargador turned supervisor ng mga kargador na na-promote ng na-promote hanggang maging president ng kumpanya. Huwaw! Parang ang haba ng kwento, eh noh!
Meron namang baliktad na situation. May classified ad na, “I am looking for a _____ job. Contact me at _____.” Success naman yata siya at nagtext ulit sa Xpress na nagpapasalamat siya kasi nakakuha siya ng trabaho.
Hindi naman ako hustler sa paghahanap ng trabaho. Naku-kwentuhan lang ako at yung iba nakikita ko. Alam kong mahirap maghanap ng trabahong mamahalin ka at trabahong mamahalin mo. Hindi na rin ako nakapag-hanap ng summer job ko. HUHU! Sabi ko pa naman last year makakahanap ako ngayon. Nag-apply naman ako kaso walang trabaho ngayon sa inapplyan ko. Uhm… Basta ganon!
Pwede niyo akong i-hire kahit minimum salary ko! Hehe! Joke lang.
***
PS
Belated Happy Birthday kay Zino! Ü April 24 ang birthday niya.
Saturday, April 21, 2007
Ang araw na nagkulang nang pamasahe ang manlalakbay
Kulang ang pamasahe ko. Sa katunayan ay kaunti lang ang hiningi kong pamasahe dahil alam kong wala nang maibibigay sa akin dahil ang isa pang maghahanap ay binigyan ng tiket sa Lufthansa. Kaya ako hanggang jeep lang. Doon ay mayroong stewardess at sa sasakyan ko ay mayroon namang barker.
Pinara ko ang Fx na dumating ngunit hindi ako hinintuan. May dumating na taxi at pinara ko at sabay sakay. Bago pa man malaman ng driver na nakiki-angkas lang ako ay walang anu-ano na pinahinto ko ang sasakyan, bumaba at nagpanggap na walang nangyari. Tinanaw ko ang taxi na aking sinakyan. Nanghihinayang ako. Mabilis naman akong nakahanap ng panibagong sasakyan, ang jeep, pero ang problema ay puno ito. Nakipag-siksikan ako. Ayoko man sa mainit at masikip ay pilit ko pa rin hinanapan ng pwesto ang sarili ko. Tumingin ako sa labas ng sasakyan na aking lulan at tinanaw ang nanlilimahid na anyo ng bagong-lumang kaisipan, parang pagkain na laging nire-reheat. Nakarating na ako sa aking patutunguhan. Hindi na ako nagulat nung nadatnan kong marumi ang lugar na aking pinuntahan dahil inihanda ko na ang aking murang kaisipan sa ganitong kalalang tanawin. Masikip din doon ngunit wala akong magagawa dahil hanggang doon lang ang abot ng aking dalang pamasahe.
Dito sa lugar na ito pilit kong hahanapin ang gusto kong makita. Dito ay mainit, masikip, may ilang lugar na mabaho at may ilang lugar na masangsang. Dito sa lugar na ito ako naitapon ng kakarampot kong pamasahe at dito ko rin isiniksik ang sarili ko. Ngayon ay napag-isip-isip ko na dumarating sa buhay ng tao na ginusto niya ang isang bagay na alam naman niyang ayaw niya. Hindi ko nga malaman kung makakaalis pa ako na nakakabit pa rin sa akin ang aking ulo, kung makakaalis ako ng walang pilay o pasa, kung hindi ba kakapit sa akin ang kahit anong masamang amoy ng lugar na ito, at kung makalalabas ba ako rito na yakap-yakap na ang hinahanap ko.
Samu’t saring tao ang nakita ko. Ang karamihan sa kanila ay iba ang pananalita sa akin ngunit kahit ano pa man ay lubusan kong nawawari ang nais nilang ipakahulugan. Pero ayaw kong matutunan ang kanilang pananalita dahil ito ay mabaho sa hininga. May iilan din na parang nagsasayaw kung kumilos ngunit may iilan na parang nagwawala, ako naman ay nawawala na yata ngunit nagpapanggap na alam ko pa rin kung nasaan ako.
Napapatanong na tuloy ako kung tama bang kakarampot na pamasahe lang ang hiningi ko kung ang kasabay ko ay nakayanang bigyan ng pamasahe sa eroplano. Bakit ako hindi hinintuan ng Fx na pinara ko? Bakit ako bumaba sa taxi na lulan ako? Pero pilit na bumabalik sa akin ang tanong, “Bakit ayon lang ang hiningi kong pamasahe?” Dapat ko pa rin unawain, nauna sa akin ang sumakay sa eroplano at ayon na lamang ang kanyang mapag-pipilian na sasakyan. Pero…pero…bakit ngayon pa naimbento ang kaisipan ng jeep? Bakit sa akin pa natapat ang pagka-uso ng mga amoy ng kabahuan at kasangsangan? Bakit ngayon pa ang kasagkasagan ng kaguluhan? Bakit napaka-init ng panahon ngayon habang may unos? Bakit sa ganito pang panahon sa ganitong pagkakataon? Bakit nawala sa akin ang karapatang manghingi, ang karapatang umasa sa magagandang bagay? Bakit ngayon pa ipanasawalang-bisa ang mga batas na naglalayong ipatupad ang mga karapatan ko? Bakit? Bakit? BAKIT???
Nakapag-usap kami ng sumakay sa eroplano. Nai-kwento niya na naamoy niya ang lugar na pinuntahan ko. Nai-salaysay niya ang mga pangyayari. Nahiya ako ngunit may dapat ba akong ikahiya? Hindi naman ako ang bida sa kwento niya. Pero malaki ang pangamba kong sumunod ang amoy ko sa kahit anong masamang amoy ng lugar na iyon at baka bumaho rin ang hininga ko tulad ng mga hininga ng ilan sa mga tao roon. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na may maamoy sa akin dahil nalaman ng ibang tao na nakipag-buno ako sa lugar na iyon. Natatakot akong mangyari sa akin ang pagbabagong iniiwasan at kinatatakutan ko. Pero yung kasama kong iyon ay tumutulong upang panatilihin ang bango ko.
Nakita na niya ang hanap niya, ang tangi na lang na gagawin niya ay tanggalin ito sa pagkakabalot sa gift wrapper. Ako kaya? Tila sa putik pa nakatago ang aking hinahanap at hindi sa ilalim ng Christmas tree.
Biglang lumabas ang karamutan at pagiging makasarili sa puso ko dahil naaawa ako sa sarili ko at kinakawawa ko ang sitwasyon ko. Alam ko naman na mali ang ginagawa ko. Pilit naman akong tumitingin sa paligid ko at hindi lang sa sarili ko, at pilit kong inuunawa ang mga pangyayari kahit ako rin ay lubusang nahihirapan. Minsan hindi na nga ako makahinga. Mahirap pero ganito talaga. Pero nabanaag ko sa mismong sarili ko na hindi naman talaga ganon sukdulang pangit ang lugar na ito, hahanapin ko na lang ang maganda rito at hindi ang kung ano ang wala dahil wala akong mahahanap kung ganon.
***
Ang kwentong aking isinalaysay ay hango sa aking malikot na isipan.
Wednesday, April 18, 2007
Blue print
Anim na araw na lang at eksaktong isang taon na nung unang balewalain ko ang sinasabi kong mga pangarap ko. Isinantabi muna ang aking mga pansariling plano, inihain sa akin ang bagong blue print ng buhay ko. Sayang raw kasi ang grade na nakuha ko sa entrance exam, mataas raw ang grade ko kaya dapat yung premium course sa university na papasukan ko ang kunin ko. Nauto naman ako kaya kinuha ko ang BS Accountancy.
Natapos ang isang buong academic year na pilit kong minamahal ang Accountancy. Pilit kong bine-brainwash ang sarili ko na mahal ko iyon na iyon ang ginusto ko. Sa bagay binigyan nila ako ng kalayaan pumili ng gusto ko kaso pinipilit pa rin nila sa akin kung ano ang gusto nila.
Binalak kong mag-shift ng course pero sinira ko ang una kong plano. Napaka-irrational man nang dahilan ko pero ang nagpabago sa isip ko na huwag na lang mag-shift ay ayaw kong maging irregular student, ayaw ko ng mga mahahabang pagproseso sa papers ko at hindi ko rin alam kung paano ilalagay sa resumé ko ang paglipat ko ng course. Parang sinuntok ang puso ko noong sinabihan ako ni mommy na mag-shift ako sa IT o Computer Science. Isa kasi siya sa nagpilit sa akin, pero ang sabi ko ayaw ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako ng mga sandaling iyon.
Hindi lahat ng taong nangangarap may nararating pero kailangang-kailangan mo ng kahit isa mang pangarap para may makamit ka sa buhay mo. Ang pangarap mo ang blue print ng buhay mo. Kailangan may plano kang susundin hindi pwedeng wala.
***


















