That stare… It made me stop for awhile. I knew there was something to be said but was better left unsaid. I do not know the exact words but it felt like pain, anguish or some sort of distrust. It was cold but there is some kind of warmth hidden beneath it. There was some sort of ambivalence. It struck me. It struck me really hard.
I faltered. The feeling was intense, very intense. I felt guilty. I am sorry.
Monday, December 21, 2009
Lason. May lason sa aking dugo
Ah, pinapatay at pinapatay na ako nito
Ngunit dahil dito, may nabuhay pa na isang ako
Ako, isang ako na hindi ko pa tanto kung sino
Kamatayan. Nakikita ko ang aking naging kamatayan
Masakit, sobrang sakit ngunit hindi ko napigilan
Ang kaganapan nito ay hindi ko man lang nalaman
Marahil ako ay nabulag ng damdaming mapanlinlang
Tama. Ang mundo ay sadyang puno nang kasinungalingan
Ikaw ang siyang hahanap at gagawa ng iyong katotohanan
Alin at alin pa sa mundong ito ang maganda at totoo
Kung ang lahat ay nasira na malupit na mga tao?
Ah, pinapatay at pinapatay na ako nito
Ngunit dahil dito, may nabuhay pa na isang ako
Ako, isang ako na hindi ko pa tanto kung sino
Kamatayan. Nakikita ko ang aking naging kamatayan
Masakit, sobrang sakit ngunit hindi ko napigilan
Ang kaganapan nito ay hindi ko man lang nalaman
Marahil ako ay nabulag ng damdaming mapanlinlang
Tama. Ang mundo ay sadyang puno nang kasinungalingan
Ikaw ang siyang hahanap at gagawa ng iyong katotohanan
Alin at alin pa sa mundong ito ang maganda at totoo
Kung ang lahat ay nasira na malupit na mga tao?
Tuesday, December 15, 2009
Sino?
Nahihirapan akong sabihin na kilala ko na ang isang tao ng lubusan dahil lagi kong iniisip na kahit gaano ko na siya nakasama ay may isang parte sa kanya na hindi ko pa nakikita. Minsan natutuwa ako kapag may mga pagkakataon na parang may rediscovery sa mga taong kilala ko.
Ang tao... Natural sa tao ang self-preservation. Minsan ginagawa nating ilihim ang isang bahagi ng ating mga sarili sa ibang tao o kahit sa mismong mga kakilala natin para maiwasan natin ang ilang bagay na tinuturing nating threat sa ating mga sarili. Minsan pa nga ay napaglilihiman natin ang ating mga sarili sa kung sino nga ba talaga ang tunay na tayo dahil minsan ayaw natin aminin sa ating mga sarili ang ilang bagay tungkol sa atin.
Muni-muni
Kaligayahan.
Isa ba itong ngiti o isang tawa? O ang mainit na yakap sa iyo ng isang tao? Ito ba yung marahang pagsikat ng araw sa silangan? O ang madamdamin nitong paglubog sa kanluran o, para sa ibang tao, sa Manila Bay? Ito ba yung paghuni ng ibon sa gitna ng maruming siyudad o ang masayang paglangoy ng mga bata sa gitna ng nangingitim na baha? O ang kanilang kawalang-malay sa karahasan at kaguluhan?
Nakikita ba ito o sadya itong ginawa upang maramdaman lang para tayo ang gumawa ng larawan nito sa ating mga isipan?
Bakit nga ba gusto nating maging masaya? Dahil masarap sa pakiramdam? Bakit may mga taong pinipili pa rin maging malungkot? Masarap pa rin ba sa pakiramdam ang paminsan-minsang kalungkutan? Bakit hindi natin maiwasan ang kalungkutan pero kaya natin iwasan ang kaligayahan?
Paano ko ba malalaman na ang isang magandang bagay na nararanasan ko ay nakakapagpasaya sa akin? Sino ang mas nakakaalam kung ano ang kaligayan? Ang puso ba o ang isip? Bakit kayang mangatwiran ng isipan at kaya lang makaramdam ng puso? Sa pisikal na aspeto, manhid nga ang utak sa sakit.
Madali bang maging masaya? O masmadali ang maging malungkot?
Subscribe to:
Posts (Atom)