Monday, December 21, 2009

That stare… It made me stop for awhile. I knew there was something to be said but was better left unsaid. I do not know the exact words but it felt like pain, anguish or some sort of distrust. It was cold but there is some kind of warmth hidden beneath it. There was some sort of ambivalence. It struck me. It struck me really hard.

I faltered. The feeling was intense, very intense. I felt guilty. I am sorry.
Lason. May lason sa aking dugo
Ah, pinapatay at pinapatay na ako nito
Ngunit dahil dito, may nabuhay pa na isang ako
Ako, isang ako na hindi ko pa tanto kung sino

Kamatayan. Nakikita ko ang aking naging kamatayan
Masakit, sobrang sakit ngunit hindi ko napigilan
Ang kaganapan nito ay hindi ko man lang nalaman
Marahil ako ay nabulag ng damdaming mapanlinlang

Tama. Ang mundo ay sadyang puno nang kasinungalingan
Ikaw ang siyang hahanap at gagawa ng iyong katotohanan
Alin at alin pa sa mundong ito ang maganda at totoo
Kung ang lahat ay nasira na malupit na mga tao?

Tuesday, December 15, 2009

Sino?

Nahihirapan akong sabihin na kilala ko na ang isang tao ng lubusan dahil lagi kong iniisip na kahit gaano ko na siya nakasama ay may isang parte sa kanya na hindi ko pa nakikita. Minsan natutuwa ako kapag may mga pagkakataon na parang may rediscovery sa mga taong kilala ko.

Ang tao... Natural sa tao ang self-preservation. Minsan ginagawa nating ilihim ang isang bahagi ng ating mga sarili sa ibang tao o kahit sa mismong mga kakilala natin para maiwasan natin ang ilang bagay na tinuturing nating threat sa ating mga sarili. Minsan pa nga ay napaglilihiman natin ang ating mga sarili sa kung sino nga ba talaga ang tunay na tayo dahil minsan ayaw natin aminin sa ating mga sarili ang ilang bagay tungkol sa atin.


Muni-muni

Kaligayahan.

Isa ba itong ngiti o isang tawa? O ang mainit na yakap sa iyo ng isang tao? Ito ba yung marahang pagsikat ng araw sa silangan? O ang madamdamin nitong paglubog sa kanluran o, para sa ibang tao, sa Manila Bay? Ito ba yung paghuni ng ibon sa gitna ng maruming siyudad o ang masayang paglangoy ng mga bata sa gitna ng nangingitim na baha? O ang kanilang kawalang-malay sa karahasan at kaguluhan?

Nakikita ba ito o sadya itong ginawa upang maramdaman lang para tayo ang gumawa ng larawan nito sa ating mga isipan?

Bakit nga ba gusto nating maging masaya? Dahil masarap sa pakiramdam? Bakit may mga taong pinipili pa rin maging malungkot? Masarap pa rin ba sa pakiramdam ang paminsan-minsang kalungkutan? Bakit hindi natin maiwasan ang kalungkutan pero kaya natin iwasan ang kaligayahan?

Paano ko ba malalaman na ang isang magandang bagay na nararanasan ko ay nakakapagpasaya sa akin? Sino ang mas nakakaalam kung ano ang kaligayan? Ang puso ba o ang isip? Bakit kayang mangatwiran ng isipan at kaya lang makaramdam ng puso? Sa pisikal na aspeto, manhid nga ang utak sa sakit.

Madali bang maging masaya? O masmadali ang maging malungkot?

Tuesday, November 03, 2009

Sensitive

Paulit-ulit kong binasa yung previous post ko...at may naisip lang ako...

Sensitive pala ako... Hindi ko lang pinapakita at hindi ko lang sinasabi...

PS
Sa mga nagtetext sa akin na feeling niyo sinusungitan ko kayo at feeling niyo galit ako... Lagi kayong nagkakamali... Ganon lang talaga ako magtext.

F R I E N D S

I am not perfect. I screw up sometimes or maybe more often than that. I know I am weird...atypical may be fitter.

Hay... Ang hirap nang ganito... Hindi nila ako kinakausap kasi hindi ako sumama sa kanila sa Batangas. May dahilan naman ako hindi lang dahil sa thesis na yan. At isa pa, kung sasama naman talaga ako...sana nagdala ako ng gamit papuntang school. Ang hirap mag-explain lalo na kapag may iba na silang naiisip. Feeling ko kasi nagpapalusot na lang ako. Feeling ko sinasabi ko na lang yung mga bagay na yun para mag-defend nang sarili ko at hindi dahil sa gusto kong maging malinaw ang lahat.

Kalokohan.
Feeling ko pinapalala ko lang lalo ang sitwasyon. Hindi ako nagsasalita. Hindi nila ako kinakausap at hindi ko rin sila kinakausap. May part sa akin na parang ayaw ko nang ipaalam sa kanila yung dahilan ng hindi ko pagsama.

Iyak.
Naiinis ako tuwing umiiyak ako...maliban sa namamaga yung mga mata ko, feeling ko unnecessary talaga ang pag-iyak. Pero iyakin talaga ako, eh. Minsan nga naiisip kong OA na ako kapag umiyak pa ako.

Masakit.
Alam kong may possibility na magalit sila sa akin...pero hindi ko inasahan na masyadong negative ang reaction nila sa ginawa ko. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanila nang hindi umiiyak na hindi ako sasama sa kanila.

Excitement.
Excited pa naman akong sumama nun. Gustung-gusto ko talaga sumama. Nag-iipon na nga ako ng gamit ko for that kasi gusto ko talaga. Pero... Naiinis ako! Hindi ko matanggap sa sarili kong hindi nila ako inintindi/naintindihan. Alam kong may karapatan silang magalit sa akin pero naisip ko hindi naman todo-todo kasi nga siguro kahit papaano susubukan nilang hintayin yung pagkakataon na magkausap kami ulit. Sinabihan ko na siya nun na hindi lang naman ayun ang dahilan ko. Nagkamali pala ako sa inisip ko. Maling-mali yata ako. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon. In denial pa ako.

Isa pa...

Bossy.
Alam kong nagiging bossy ako over my groupmates. Actually, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila yung ine-expect kong gawa nila. Sinubukan kong makiusap, walang nangyari. Sinabihan pa ako na wag daw akong makiusap, mag-utos daw ako. Sinubukan kong maging bossy, ganon pa rin. Hindi ko alam. At please lang...wag mo na ulit sasabihin sa akin na ipakita ko sa'yo yung part na ginawa ko... Nakaka-hurt ka... Kaya nga pinapasa ko na sa inyo lahat ng pwede ko namang gawin kasi feeling ko kahit gumawa ako, maiisip mo pa ring wala akong ginawa.

Misunderstood.
Ang hirap pag hindi ka nila naiintindihan...at mas mahirap kapag hinahayaan mong hindi ka nila maintindihan. Nagkamali pala ako ng sabi sa sarili ko. Hindi naman ako ganon ka-irrational tulad ng iniisip ko. May dahilan sa mga ginawa ko.

May dahilan ako...hindi niyo lang alam kung ano...

Isa pa...next time na hindi ako magsasabi sa inyo...gusto ko lang malaman niyo na kaya hindi ako nagsasabi kasi hindi ko pa kayang pagtawanan ang sarili ko at yung mga problema ko... I hate extreme emotions. At kung sakaling hindi niyo ito malaman/mabasa...someday...I will let you understand...

Sunday, September 06, 2009

Random

Blog blog blog

Sabi ni Jeff, binasa raw nila yung blog ko. Halos hindi na nga toh updated dahil sa wala pa rin kaming Internet connection sa bahay. Nakakalimutan ko na rin mag-blog minsan. Pero at least, binigyan nila ng oras ang blog ko. Hehe. Ü

Travel Mart

Napunta kami ni ate kahapon sa Travel Mart sa Megamall. Kung may prize nga lang yung may pinakamaraming flyers na kinuha, siguro panalo na kami. Ang saya din kasi ang daming free. May ballpen, notepad, playing cards, posters at maraming pagkain. Hehe. Lagi nga akong bumabalik sa booth ng Cotabato para kumuha nung food nila dun. Tapos buti na lang kahit medyo late na, may natira pa ring suman para sa amin na galing Antipolo. Hehe. Mukha lang talaga akong pagkain kahapon. Kasi ba naman, sobrang busy ni ate sa paghahanap ng gusto niyang hanapin. Eh ako wala naman talaga akong gagawin dun kundi sundan siya kung saan siya pupunta. Nakikita ko tuloy lahat ng libreng pagkain at pati yung mga "Drop a card, Win a Prize."

Anyways, salamat sa free food at hindi namin naramdaman na hindi pala kami nag-lunch.

Hay... Gusto kong makapunta sa maraming places... Pero ayaw kong mag-travel, napapagod kasi ako. Uhm... Magulo...

Weird

May mga bagay na biglang darating na hindi talaga expected. Ang weird niya talaga kahapon. Hindi ko siya maintindihan. Kung may gusto siyang sabihin, sana hindi niya ako i-text, sabihin niya personally. Basta...nabigla lang talaga ako kahapon.

Truth and Lies

Minsan hindi ko na alam kung alin ang totoo sa mga naririnig ko. Hindi kasi consistent. Ang hirap tuloy maniwala minsan.

Uncertainty

Bigla akong naging certain sa isang bagay na iniisip kong lagi akong uncertain. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nangyari na lang yung mga bagay na dapat mangyari.

Blank

Wala akong maisip na matino. Yung ipo-post ko sana nasa computer pa rin namin (na nasira yung monitor kaninang umaga). Hindi ko man lang na-save sa USB ko.

***

Ang ginaw. Parang nakatapat sa akin yung aircon nung shop...

Sunday, May 31, 2009

All of a sudden

Suddenly, I don't care.
Suddenly, everything doesn't mean anything.
Suddenly, all has changed.

I don't know what happened but everything seemed to pass in front of me and made me realize that this is not what I actually want or what will make me happy. Maybe I was just engulfed by that idea. Indeed, I loved the idea but the reality of it seems too much for me.

This is not me anymore. I have changed radically that hearing myself think seems there is this another person living inside of me. Or maybe I was just too busy looking at my old self. I don't know if the person I am today is the person I want to be. I feel lost. I thought I can find myself in a span of 2 months. I want to start over but I do not know what to do. I feel more indifferent towards many things. I have classified myself as silently suffering because of unidentifiable reasons. I want some of my old self back...the person who shrugs of her problems after quite a while, dedicated, the one who silently loves and cares...I want the good things back. I want to stop being unsure. I want to be honest to myself. Every day is like a battle with myself. Every thing seems to be wrong. I want to escape. I want to hear myself speak up. I want to be on a top of a mountain, scream my heart out and cry. I want to be with myself.

No one knows why I am acting like the way I do for the past few months. No one dared to ask and I did not dare to tell them. I just kept my silence and my silence is killing me.

I want to be happy.

***
Every plan has a goal to meet and when the goal has been met the plan has to end.

[Mission accomplished]

sorry

...ang drama ko...
Hehe. Ü

Sunday, May 10, 2009

Yum yum

Kahapon magka-usap kami ni Abo. Tapos nililista ko sa kanya yung mga pagkain na natutuwa ako kapag kinakain ko...

Ang mga gusto kong kinakain:
*Lumpia na gawa sa bahay: ground pork at ground carrots lang yung filling
*Fettucine Alfredo sa Pizza Hut (wala na akong ibang nabilan nito maliban sa Pizza Hut)
*Carbonara na gawa ko lang
*Tiramisu na sarili kong recipe ulit: manipis lang yung layer ng condensed milk at cream
*Spaghetti sa bahay namin
*Kanin: basta yung hindi dikit-dikit na kanin
*Suman ng Antipolo; tsaka carioca, puto, kasoy at mangga ng Zambales; pati yung triangle na kakanin na color dark brown ng Cainta
*Egg pie at buko pie
*Garlic bread, tsaka yung bread sa Le Coeur de France na di ko alam yung name, pandesal, pretzel sa Auntie Anne's na cinnamon flavor
*Tasty at Cheez Whiz tapos tinoast hanggang slightly sunog yung Cheez Whiz
*Purefoods Honeycured Bacon, hotdog/cheesedog, longganisa na binibili ni mommy sa officemate niya
*Pizza na yung toppings: cheese, pepperoni, bacon
*Hard boiled egg (yung white lang) na sinabawan ng pure calamansi juice, itlog na maalat (yung white lang ulit)
*Lucky Me Pancit Canton (yung green), Pancit Malabon
*Sausage dun sa binilihan namin na di ko alam ang pangalan
*Frozen Jelly Ace
*Buko meat, button mushroom
*Watermelon, kamatis, Fuji apple, Suha ng Davao...fruits na hindi masyadong maasim... Hehe
*Chicken isaw/BBQ
*Hershey's Chocolate (yung sundae din), Chocnut, Kream stix, Stick-O, Cloud-9
*Ice cream: Brownie Fudge Ala Mode Ü
*Pusit, hipon
*Coleslaw
...ang dami na... Nakakagutom... Ü

Drinks:
*Tubig...ice cold
*Orange Juice: Zest-O
*Chocolate drink: Milo (kapag ako magtitimpla) o kaya Chuckie kapag ready-to-drink
*Green Mango Shake (asim)
*Watermelon Shake
*Banana Shake

Thursday, May 07, 2009

Buhay Summer (na maulan)

Walang masyadong nangyayari sa buhay ko ngayong summer. Paggising ko sa umaga, kakain lang ako tapos magco-computer. Lunch tapos computer pa rin. Dinner tapos computer pa rin ulit. [Note: Naliligo pa naman ako tsaka nagtu-toothbrush] Close na close na nga kami ng computer namin dahil magkapiling kami halos buong araw. Daig ko pa ang nag-oopisina na eight hours lang magbababad sa harap ng computer. Kasi ako...mga 10 hours ang inaabot ko kapag medyo tinatamad pa ako.

Wala na akong social life. Hindi ko na nga nakakausap ang friends ko at matagal ko na rin silang hindi nakikita. Buong araw man akong online sa YM wala naman akong ka-chat. Boring ang buhay ko. Isang malaking routine. May pailang-ilang pagbabago nga lang.

1. Tinuruan ako ng former classmate ko, who is working at PSE, nang...hindi ko sure kung ano yung tinuro niya sa akin basta may natutunan naman ako.
2. Pinabibili ako sa tindahan ni Aling OP nang Chikito, Boy Bawang, Lumpia (yung junkfood), Happy, Cloud9 tsaka kung ano pang maisipan.
3. Paminsan-minsang pagsagot sa mga tawag dito sa bahay.
4. Paminsan-minsang pagbasa sa text messages sa akin (na normally galing Globe).
5. ... ... Wala na akong maisip...

Hindi naman kasi ako gala kaya hindi ako lumalabas ng bahay. Wala naman akong OJT ngayon, part-time job o summer job. Napaka-useless ng existence ko ngayon. Dadalaw naman ako sa Manila uulan-ulan pa...na kapag bumaha daig pa ang Black Sea. Ayaw ko pa naman sa Manila kapag bumabaha. Dati kasi habang nasa baby seat (yung pambatang upuan sa tric) ako, nag-waves yung baha at nabasa ang pwet ko. Tapos nung pauwi na ako, nag-fx ako kahit amoy imburnal ako.

Gusto ko sanang gumala. Actually, gusto kong pumunta sa Intramuros at maglakad-lakad doon. Gusto kong mahawakan ang Intramuros (literally). Gusto kong pumunta sa museum. Hay. Kaso hindi ko magawa.

Wednesday, May 06, 2009

Mga hindi ko masabi pero gusto kong sabihin

May ilang bagay na lagi kong iniisip na sabihin pero hindi ko masabi.

Mga matagal ko nang gustong sabihin:

*Kung may gusto kang malaman, edi ako ang tanungin mo.
*Kailan ka matututo? Hindi talaga kita kayang turuan.
*Suko ako sa'yo. Nakakapagod ka na.
*Sawa na ako dyan. Next topic!
*Ang yabang mo. Kung gagawa ka ng kwento, yung medyo realistic naman.
*Maniwala ako sa'yo?!
*Daydreamer. San mo nakuha yang idea na yan?
*Feeling mo na naman ikaw yun.
*I have my own life.
*Bakit ganyan ka makahawak? Let go of me.
*Bakit kailangan sabihin sa'yo lahat ng kailangan mong gawin?
*Hindi uubra yang ginagawa mo forever.
*Bakit ako ganito sa'yo?
*Bakit ka ganyan?
*Natatakot ako sa ginagawa mo.
*Wala kang mahahanap na tulad ko. [wahehehe]
*Nanghihinayang at nalulungkot pa rin ako.
*I hate you.

*etc...marami pa, eh. Ayan muna. Hehe! Masyadong nag-o-overflow yung emotions at baka kung ano pa masabi ko. Ü

Thursday, April 23, 2009

*lalala*

Such a big platter but just a little dish…not enough to satiate my appetite. Is it a joke? It isn’t funny. You make yourself pitiful.

I’m done. If I can’t teach you or if you just can't learn anything then I think you should find some better person. I thought I can make you realize something but I was wrong. Maybe I was too easy for you. But if you ever think that you need me again then I might reconsider but you don’t have anything as an assurance.

I’m tired. Can you just stop? Why do you always think I’m involved or must be involved? Why do you always have to ask me? It makes me sick. I’m having too much of it and it doesn’t give me anything good.

Enough. Some things are good to some degree but beyond that is too much. Can we talk about it some other time? I think I’m having too much of it. I want a break. It’s kind of boring sometimes but I know it interests you.

You are funny. Don’t act like a kid because you are not.

I’m not waiting.

I’m glad you’re there and I’m way gladder I’m here. Ü Haha!

“If you understand what you are doing then you are not learning anything.”

Thursday, April 16, 2009

Personality Quiz: The Result

Your view on yourself:
Other people find you very interesting, but you are really hiding your true self. Your friends love you because you are a good listener. They'll probably still love you if you learn to be yourself with them.

The type of girlfriend/boyfriend you are looking for:
You are not looking merely for a girl/boyfriend - you are looking for your life partner. Perhaps you should be more open-minded about who you spend time with. The person you are looking for might hide their charm under their exterior.

Your readiness to commit to a relationship:
You prefer to get to know a person very well before deciding whether you will commit to the relationship.

The seriousness of your love:
You like to flirt and behave seductively. The opposite sex finds this very attractive, and that's why you'll always have admirers hanging off your arms. But how serious are you about choosing someone to be in a relationship with?

Your views on education:
You may not like to study but you have many practical ideas. You listen to your own instincts and tend to follow your heart, so you will probably end up with an unusual job.

The right job for you:
You have many goals and want to achieve as much as you can. The jobs you enjoy are those that let you burn off your considerable excess energy.

How do you view success:
You are afraid of failure and scared to have a go at the career you would like to have in case you don't succeed. Don't give up when you haven't yet even started! Be courageous.

What are you most afraid of:
You are concerned about your image and the way others see you. This means that you try very hard to be accepted by other people. It's time for you to believe in who you are, not what you wear.

Who is your true self:
You are mature, reasonable, honest and give good advice. People ask for your comments on all sorts of different issues. Sometimes you might find yourself in a dilemma when trapped with a problem, which your heart rather than your head needs to solve.

***
It was quite accurate. It shocked me.
***

Took the quiz at: http://www.quizbox.com/personality/test82.aspx

Thursday, April 02, 2009

Perplexed. Puzzled. Confused.

Mahirap makipag-argue sa sarili dahil isa lang ang viewpoint mo.

Mahirap tanungin ang sarili lalo na kapag hindi mo rin alam ang sagot.

Mahirap umintindi mag-isa kapag wala kang alam at wala kang malaman.

Di ba?

***

Bakit ganun? Bakit ganito? So unexpected. So untimely.

***

Salamat sa counter ko...

Monday, March 30, 2009

Things to do

Things to do:
* Hindi ko na siya papakialaman
* Magiging normal na lang ulit ako
* Kung ano siya sa akin, ganon din siya
* Do everything slowly
* Bawal mang-bigla
* Explain
* Apologize
* Say thanks
* Fix what has been broken
* Be a friend
* See what’s going to happen

One question is puzzling me for the longest time. “Am I right? That it is me so far.”

Hindi ko kayang gawin lahat yan. Pero alam kong, may dapat akong gawin.

***

I hope better things start here.

I think I have spelled Life a little bit wrong this time.

Wednesday, March 18, 2009

Black and White

Ang tingin ko naman unintentional naman yung mga nagawa mo. Ok na nga sa akin yung mga yun. Ok? Huwag ka na lang makulit. Ü Hehe. Kung hindi mo na alam kung paano ako kausapin... Toink... Alam mo kaya. Kung pano lang dati edi ganun pa rin. Pero...kahit pano nga may nag-iba pa rin. Ayun. Mabait ka naman talaga eh. Abnormal lang talaga ako mag-isip minsan. Nasa akin lang talaga ang problema minsan. Ayun. Huwag mo nang isipin yung mga bagay na yun. Kalimutan na natin. Basta ang importante yung ngayon at kung anong meron bukas. Oh! Ang drama nun. Ü Basta ayaw ko lang maging ibang tao ka.

Salamat nga pala at pinagpa-pasensyahan mo ang tantrums ko at occasional mood swings ko. Sorry rin at ikaw ang laging biktima. Ü Ang bait mo kasi kaya ang sarap mong awayin. Hehe. Ü Parang ang maldita ko tuloy. Haha!

***

I really want you to feel better about it and I think I'm sucking at it.

Ang baduy ko... Kadiri. Haha! Ü

Monday, February 23, 2009

This is how I feel...

Hurt / Naiinis…
* Nung sinabi mo sa akin mo iku-kwento yung “latak” (ito yung term mo) ng gusto mong i-kwento. Sana naman better term ang ginamit mo. Na-feel ko lang na I don’t belong in your life.
* Iniiwan mo kami kapag tumatawid… Hello?! Gusto ko lang malaman kung kasama mo ba kami.
* Tinalikuran mo ako nung may sasabihin pa ako sa’yo.
* Mag-oopen up na sa’yo kung bakit ako naiinis tapos parang wala ka namang pakialam. Sinasabi mo pang ‘wag na lang kasi nga hindi nga ako nagsasabi… Er! Sasabihin na nga, eh. You made me feel disregarded.
* Sa hostile mong pakikipag-usap sa akin. Pinaramdam mong walang kwenta yung sasabihin ko.
* Nakakalimutan mo ako kapag may ibang tao na. Sometimes you make me feel left out.
* Wala kang effort. Kahit sabihin mong friends lang tayo, mag-effort ka naman as a friend. Walang initiative.
* Tinulugan mo ako sa phone… Tinatawanan ko lang yun pero na-hurt ako talaga dun. Napahiya ako, alam mo ba yun?
* Tinawanan mo ako nung akala ko about us yung sinasabi mo pero hindi pala… Ang lakas pa ng tawa mo nun, ah. Napahiya mo ako.
* May tinanong ako pero hindi mo ako sinagot… To think na magka-usap tayo seconds before nun.

Isa pa… Sana you mean what you say. Hindi ko alam kung kailan ako maniniwala dahil iba yung ginagawa mo sa sinasabi mo.

Sometimes… I hate how you make me feel…you make me feel bad…

Ayaw kong magaya tayo sa nangyari sa amin. Hindi ako madaling mag-open up lalo na kapag feelings ang involved. Takot? Nahihiya? Hindi ko alam kung ano basta mahirap lang. Kaya sana malaman mo na effort talaga sa akin ang magsabi kung bakit at kung ano.

Saturday, February 07, 2009

With and Without a Toilet

With and Without a Toilet

There are things that you know but will still shock you…just like the first time…

I was walking on an unpopular but populous street in Manila when this kid sprouted from the ground. She was trying to pull up her pants and walked as if nothing happened. I wouldn’t be in a shock if she was just fixing her pants’ fit. Then… I looked down and saw her pee on the floor which is roughly three feet away from 7/11’s door, few inches away from me and all of the people passing by. Did she pee on the sidewalk? I was shocked because she did.

It wasn’t my first time to see such sight. It wasn’t my second also. It was the nth time…too many to count.

An earlier sighting happened in Recto. My friends and I were walking there, the part near Recto station, UE’s side (just described if ever you know it), when suddenly an old lady pushed down her pants and sat down beside the sidewalk. My friends and I just smiled at each other wondering what she’s going to do…pee or poo. Even if you don’t see such scene you would still suspect that the street is a big open public toilet because it smells like stale urine

One of the most unforgettable toilet things is the literally public toilet. It isn’t public as public…but public enough to be seen by everyone. The feeling was quite…terrifying. There is no room, only two walls where the first one is behind you (I think it’s a house’s wall) and the second one is as high as the toilet bowl which is useless. In front of you is the 2’x3’ window to a living room and around you is…everyone. I didn’t pee there even if I think my gallbladder was going to burst.

It’s not just pee, there’s also some poo.

This just happened earlier this day. I was in school then. I went to our comfort room, which normally smells rancid, and checked the cubicles…I entered the one with the continuous flush, it’s not technology…it’s just broken. I just ignored the scent of the fresh poo and just continued with my thing. It really stinked and the smell sticked to my nose. But I can’t see any trace on the bowl. The bowl was clean but the floor wasn’t. The poo was on the floor. Was it really the poo I have been searching for? It was… I can’t believe myself that I was seeing a poo on the floor and what is more unbelievable is that the poo is behind the bowl, it even looked liked virgin from any human intervention. I do not know why I panicked…maybe because of the fact that I saw a poo behind the bowl. I think the smell gets worse when you see the real thing.

Wednesday, February 04, 2009

February

February na. Hindi man lang ako nakapag-blog ng January dahil hanggang ngayon sira pa rin yung monitor namin.

May ibang feel talaga kapag February. Hindi ko maintindihan. Tulad nang Pasko na maraming ilaw sa daan, kapag February parang may imaginary hearts akong nakikita na lumilipad. Nandyan na naman ang flowers and chocolates...flowers ba? Nung grade 5 pa ako huling naka-receive at friend ko pa ang nagbigay.

Lagi naman akong may ka-date kapag February 14...lagi kong ka-date ang sarili ko. Lagi akong mag-isang umuuwi na lagi naman akong mukhang haggard tapos karamihan ng makikita ko eh may hang over pa ng kilig moments nung binigyan sila ng kung ano ng kung sino. Ay ewan. Hindi naman ako bitter dahil sa isang normal na araw lang sa akin ang Feb 14. Nothing special maliban sa birthday yun ni Jeff.

Hay ewan. Bakit ba tuwing February kailangan kong mag-blog ng ganito? Para tuloy akong bitter. Hehehe...

PS (para kay Vhe)
Di bale nang isa lang ang character sa love life mo. Ano nga naman? Kung masaya ka naman... Ayun.

...may nagbago ba sa mga sinabi ko sa tinext ko sa'yo? Hehehe.

...tulad ng mga nakaraang taon...hanggang ngayon single pa rin ako. So what? Hahaha! Ü

...basta hindi ako bitter...parang lang. Hahaha...