Sunday, December 14, 2008

Breaking, Telling, Living, Anything

Internet

Nakasira ulit ako ng gamit. Nasira ko yung computer monitor namin, binago ko kasi yung resolution at, ayun, ayaw na niyang bumukas. Nakasira na rin ako ng monitor sa isang comp shop nung binago ko rin yung resolution, kinabahan ako nun. Ayun. Hindi tuloy ako makapag-Internet. At isa pang nasira. Yung phone namin na isa sa mga natitirang connection ko sa outside world. Di bale, nandyan pa naman ang tv eh.

Bows and Arrows

Hindi ko alam kung mali na sinabi ko yun o mali talaga yung sinabi ko. Iba kasi yung sitwasyon namin(?) Hindi ko alam. May hindi ako nalalaman. Naguguluhan ako. Siguro dapat ginawa ko na lang yun sa ibang paraan. Ano kayang naramdaman niya? Iniisip ko kung anong naging reaksyon ng mukha niya.

Feelings

Minsan kahit simple things lang yung gawin sa'yo, malaking impact na. O minsan kababawan lang talaga. Ü

"Ako n'ang magdadala."

Hehehe! Pati yung kinumusta ako...hindi ko kasi inaasahan yun eh. Naghihintay lang ako ng text nun at natuwa naman ako sa nabasa ko. Nagulat lang din ako kasi siya yung unang nagtext, normally ako yung nauuna.

Serious

May mga pagkakataong gusto mong seryosohin ko at meron ding mga pagkakataon na gusto mo binibiro ka lang talaga. Ganyan. Ayan nga. Para kasi siyang seryoso pero pilit kong sinasabi sa sarili ko na binibiro lang niya ako. At ayun, kinausap niya ako at sabi niya "Joke lang." Hay... I'm relieved.

Books

Kailangan ko nang mag-seryoso sa buhay ko. Aral mode. Ayun. Busy-busyhan.

Pasko

Yes... Malapit na ang Pasko... Ang panahon ng panandaliang pagyaman, ng paggastos, ng pagtaba, ng biglang pagbait at kung anu-ano pa. Ito rin yung panahon na todo decorate ang mga tao, todo sale at todo sa lights ang mga lugar. Hindi ko alam kung bakit biglang nagmo-morph ang mga tao at ang mga lugar tuwing Pasko. Kung bakit nagbabati bigla ang mga magkaka-away. Hay. Buti na lang may Pasko at may pwede tayong idahilan. Excited na ako sa Pasko, dahil tuwing Pasko...mas positive ang mga bagay-bagay... Iba talaga ang Pasko. Iba pa rin ang Pasko.