Wednesday, February 27, 2008

Bakit kaya?

Isang umaga, approximately more than 2 years ago, ay may nakita akong isang batang gusgusin (yung batang marumi talagang tingnan). Dinaanan lang siya ng paningin ko tapos bigla kong naituon ang atensyon ko sa kanya nang maglabas siya ng camera phone tapos nagtume-text siya sa daan (medyo bago-bagong model yun ng Nokia, hindi ko lang alam ang unit). Sosyal na gusgusing bata yun, ah.

Naisip ko tuloy ang phone ko noon. Naka-5210 pa ako noon tapos medyo tunaw-tunaw na yung rubber casing nun. Kahabag-habag na cellphone.

Isang araw, tinanong ko ang sarili ko…

“Mahirap na nga ako pero bakit kaya kung sino pa yung masmahirap kaysa sa akin sila pa yung may maluluhong gamit?”

Nagkakamali lang ba ako sa kung sino yung sinasabi kong masmahirap pa kaysa sa akin? Masyado ba akong kuripot? Ano nga ba talaga?

*end of post*
*hindi ko talaga maintindihan kung bakit, eh*

Tuesday, February 26, 2008

Getting Married

Ikakasal na ang pinsan kong lalake na ka-age lang ni ate. Mga 22-23 years old pa lang siya at ang kanyang soon-to-be-wife ay mag-24 years old yata.

Nagulat talaga ako. Hindi ako makapaniwalang ikakasal na siya agad samantalang si ate nga kahit maligawan hindi pa naeexperience.

Tinitingnan ko nga yung magiging bagong pinsan ko at naghahanap ako ng emosyon sa mukha niya. Gusto ko kasing malaman kung nakakaramdam ba siya ng wedding jitters. Gusto kong malaman kung ano ang feeling niya at ang magiging status niya ay married na at mapapalitan na ang apelyido niya. Gusto ko rin malaman kung ano ang feeling at lalaki na ang family tree ng pamilya niya.

Napa-isip tuloy ako kung kailan ikakasal si ate. Hindi ko nga ma-imagine na may nanliligaw o may boyfriend si ate…lalo na ang ma-imagine ko na may asawa siya. Nagpustahan nga kami na bibigyan ko siya ng P100 kada manliligaw niya. Tagal pa nga, eh. Ten months to go pa bago mag-expire ang kasunduan namin. Hay nako. Kaya kapag may nanligaw kay ate super i-i-screen ko. Nako nako ha. Hindi lang dahil sa pustahan namin pero nandon kasi yung ayaw kong less sa expectations niya at expectations ko yung magiging future boyfriend niya. Hahay.

Kapag napapag-usapan talaga ang kasalan at tinatanong ako tungkol doon ang malimit kong sagot ay wala pa nga akong boyfriend. Uhm… Dahil sa mga tanong na ganon hindi ko naiiwasan na isipin din ang araw na ikakasal ako (nakakakilabot). Parang ayaw ko ngang mag-boyfriend kasi parang ayaw kong ikasal. Ok na ako sa feeling na may nanliligaw sa akin pero yung sagutin ko… Masmatinding usapan ‘yon. Ano ba ‘yan?! Ang bata-bata ko pa at iniisip ko na ‘yon. Bata pa nga ba talaga ako?

Sino kaya ang unang ikakasal sa friends ko? Na-e-excite tuloy ako sa kung anong pwedeng mangyari. I can’t wait! Hehehe…

Ang kasalan day ay isang araw lang. Ang mahalagang part ay yung paghandaan ng ikakasal yung days after nung wedding day. Dapat din may investments na rin ang mag-asawa para meron silang masasandalan if ever. Grabe. Dala yata ‘to ng kakabasa ko ng “Rich Dad, Poor Dad.”


*9 days before March 6, 2008*
*wedding day*

Sunday, February 24, 2008

Trabaho ng pera at pagtatrabaho para sa pera

Ilang beses na akong binayaran ni ate para gawin yung pag-encode ng Purchse Orders (POs), receipts at liters ng gasolinang nabenta. Nung una medyo ok-ok pa ako kasi ang konti lang ng ginawa ko. Ngayon, nalaman ko na ang dahilan kung bakit siya willing magbayad sa akin para gawin ang lahat ng yun…boring kasi. Sinulat mo na nga sa notebook, ita-type mo pa ulit sa pc.

Naduduling na nga ako sa numbers na ine-encode ko pero dapat kong gawin yun… Sabi nga ng prof namin sa Accounting, “Masmabuti nang may receivables ka kaysa saw ala.”

Nung una, ayaw ko talagang tanggapin yung request ni ate na mag-encode ng mga 20 na Pos pero ng naisip ko si Ma’am Ocampo bigla na lang akong napa-oo.

40 pesos lang ang bayad sa akin ni ate sa akin. Small-time na small-time talaga ang dating ko. Dati ang konti nang in-encode ko pero 80 pesos ang bayad sa akin. Hay! Akala ko 20++ POs lang yung pinapagawa sa akin pero nung nakita ko… Watda! Mga 45 POs pala ang kailangan kong gawin. Nangangahulugang 89 “cents” kada PO ang presyo ng labor ko. WAAAAH! Nakakainis kaya. T.T

Nagbabalak din akong kumuha ng summer job para makapag-ipon ng pera para makabili ako ng cellphone at nang shares of stock sa isang kompanya (I’m thinking about it). Nawasak kasi ang cellphone ko since nung nag-suicide siya (nahulog lang naman sa double deck). Yung tugkol sa shares… Aba naman! Syempre dapat yung pera ko ang nagtatrabaho sa akin. Dapat pera ang alipin ng tao at hindi alipin ng pera ang tao. Ilan lang ‘to sa mga bagay na tinuturo sa librong binabasa ko, “Rich Dad, Poor Dad” by Robert T. Kiyosaki. Try niyong basahin. Php350 yata ‘to sa National Bookstore.

Sana maging totoo na magkaroon na ako ng summer job. Hay! Kaso ayaw ko naman sa field, gusto ko sa opisina lang ako at nag-iisip ng mabuting-mabuti kung anong makabuluhang bagay ang pwede kong i-share sa sambayanang Pilipino.

Thursday, February 21, 2008

Totoo ba?

Mahirap talagang ibigay ang buong tiwala mo sa isang tao. Mahirap din i-gain ang tiwala… Pero bakit kaya may mga tao pa ring sinisira ang tiwalang binibigay sa kanila, lalung-lalo na ng mga kaibigan nila?

Nagulat talaga ako nang may biglang sumulpot na issue, na may mga gamit na hindi sa’yo ang inaangkin mo. Hindi ko naisip kailanman na kaya mong gawin ‘yon. Gusto kong malaman kung ano ang totoo. Pero kapag inaalam namin ang totoo tsaka naman nito itinuturo ang isang tao at iyon ay ikaw.

Wala na.

Naiilang na tuloy akong lumapit sa’yo. Naguluhan tuloy ako kung naging kaibigan ka nga ba talaga namin. Bakit mo ‘to ginagawa? Bakit mo ‘yon ginawa?

Hindi ko talaga alam ang gagawin ko at naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Naaawa ako.
Naiinis ako.

Hindi mo dapat ginawa ‘yon. Hindi ko alam kung sakit mo ba ‘yan o talagang nasa wasto kang pag-iisip nang ginagawa mo yun. Babalik lang sa’yo ang lahat nang ginagawa mo. Sinisira mo ang sarili mo.

Magsabi ka nang totoo. Tama nga ba? Kung ganon man... Ano ang kwento ng mga lihim mo?

Thursday, February 14, 2008

The Singles Awareness Day

Singles! Ito ang ating araw. Ito ang araw upang mag-isip-isip sa pagiging single. Ngayon ding araw na ito mas naiisip ng mga single na single sila…este…kami pala…

Mas maraming bulaklak sa lansangan ngayon. Mas marami rin akong nakikitang lovers na sweet na sweet sa isa’t isa… O baka naman nagiging sensitive lang ako kasi Valentine’s nga ngayon.

Hindi pa rin naglalaho ang powers ng Blue Magic at hiwaga nang mga rosas. Nandyan pa rin naman ang charms nang stuffed toy. Hindi pa rin nakakaumay ang sweetness ng chocolates. Alive na alive pa rin ang mga makukulay na karton na maskilala sa tawag na greeting cards. Ikaw na hindi single o nililigawan… Anong natanggap mo? Ikaw na nagbigay, bakit naman ayan ang binigay mo?

Kung bibigyan ako ang gusto ko ay isang dosenang white tulips. Yung tulips, ayaw kong nakabalot sa plastic. Dapat environment-friendly kaya pwede nang nakabalot sa papel ang flowers. Mababaw lang naman ako kaya pwede na rin sa akin ang Skittles o kaya Hershey’s. Matutuwa rin ako kung yung sour candies sa Candy Corner yung ibibigay sa akin. Ayos kapag may dispenser yung candy. Ayaw ko nang stuffed toy kasi magastos maglaba nang isang bungkos nang bulak, mahirap pang magpatuyo. Ayaw ko nang lobo. Never na never ang mga lovo! Mahirap bumiyahe, ah. Lalo na at nag-co-commute lang ako. Gusto ko rin nang cellphone. Ay hindi, joke lang! Hahaha! Demanding na ako. Hehehe! Pero ma-a-appreciate ko na ang kahit simple gesture lang. Take note: “MA-A-APPRECIATE ko na…” Nagbabagong buhay na ako ngayon at nagpapakabait na ako. Okie! Mabait na ako…(minsan)

Single ako, ikaw ba?

Hindi naman malungkot maging single. Sabi pa ni ate ay “miserable fact” daw ang pagiging single. Pero para sa akin hindi. Hindi ko lang din naman maipaliwanag kung bakit masayang maging single kasi pilit ko na lang sinasabi sa sarili ko na wala namang something special kung buhay na buhay ang love life mo ngayong mismong araw na ito.

Malungkot ka???

Ano naman kung wala kang love life ngayon? Ano naman kung heartbroken ka? Ano naman kung single ka at wala mang something special sa Valentine’s mo? Hindi ka nag-iisa. Hindi ako heartbroken, kaya hindi ko alam ang nafi-feel mo pero single din ako. (O baka “It’s complicated” ang status mo) Hindi naman katapusan nang mundo. Hindi naman bubuka ang lupa at kakainin ka nang buhay kung malungkot ang araw mo na ito. Parang wala nang bukas, ah. Ganyan talaga ang nakakasukang katotohanan sa buhay. May mga bagay na mahirap intindihin at minsan ayaw ipaintindi sa’yo pero hindi naman diyan titigil ang buhay. Kailangan mong humanap nang ligaya sa kabila nang kalungkutan mo. Naiinis ka na nga sa kung anong wala ka eh ayun pa yung pilit mong hinahanap. Hindi ko gets ang sinasabi ko. Basta, ito ang klaro, “Just look at the better side of the picture.”

Hay!

Literal na malamig ang araw na ito sa akin. Malamig kasi ang simoy nang hangin. Bukas summer na! Hahaha! Wala lang. Maiba lang ang usapan.

Basta… Iisipin ko na lang na masaya ako. Nyihee!

***
Magulo na ang susunod na part
***
Sa pagpasok ko kanina ay natuwa naman ako. Pumasok ako sa room nang todo smile kahit walang dahilan. Wala nga ba? O baka naman natutuwa ako kasi nagkatotoo yung kahibangang iniisip ko? Haha!

Well, pag-uwi naman namin kanina ay may na-discover ako. Hahaha! Natuwa naman ako sa mumunting discovery ko. Hahay! Wala lang. Kahibangan lang itong mga ito. Natutuwa ako, eh. Hahaha! Ü

Tuesday, February 05, 2008

Different Things

Phone Calls
Fifteen minutes lang daw ang pinakamahabang pakikipag-usap ni Virge sa phone at kanina ang record-breaking call na ginawa niya. Mga more than one hour kaming nag-usap, to the extent na super sakit na ng ears ko ay hindi ko pa talaga mabitawan yung phone at pilit ko pa ngang dinidikit sa ears ko para marinig ko si Virge. Medyo paulit-ulit ang usapan namin pero natuwa naman ako kasi napatunayan ko na si Virge concerned talaga sa welfare ng friends niya.

Bomber
May lalakeng biglang nagsalita sa loob ng tren. Kung ano sinasabi niya at may tungkol pa sa pagiging makasalanan, sa kamatayan and many more. In fact, natakot talaga ako ng husto noon pati si Jeff ay same feeling pala. Nag-decide kaming bumaba sa V.Mapa (galing kami ng Pureza noon). May takot factor kasi sa kanya. Iniisip ni Jeff na bomber siya. Then, sa Cubao may dalawang lalaki akong tinitingnan. Hindi dahil sa crush ko sila, dahil kasi sila yung kasama namin sa unang tren na sinakyan namin (doon sa may lalaking biglang nagsalita). Nagka-ngitian kami at parang sa mga ngiting iyon ay nasabi namin na, “Bumaba rin pala kayo! Hahahaha!”

Words
Words are powerful. It can make you or destroy you. Hmmm… Ang gusto ko lang naman sabihin ay… “Stop. Look. Listen. Tumigil ka na sa attitude mong ‘yan. Tingnan mo ang paligid mo at marami nang naiinis sa pangit mong ugali. Pakinggan mo ang sarili mo at i-assess mo kung ano ang labis sa’yo.”

Stupidity
Nagalit ako kanina. As in, nagalit talaga. Ang babaw ko talaga. Pagkatapos nang galit ko ay feeling ko ang engot-engot ko at nagalit ako. Napaka-irrational nga talaga nang galit ko noon. Ang stupid ko talaga kanina. Haha! Dapat ‘di na ako nagalit. Nagsisisi tuloy ako.

This is for someone
Ayaw kong maawa sa’yo dahil baka ayaw mong kaawaan ka. Pero awa talaga ang nararamdam ko. Natatakot din kami para sa’yo. Natatakot ako dahil baka hindi mo alam kung nasaan ka na nailagay nang sarili mo. Sorry. I just do not understand you fully and you do not understand me either. Ayaw kong lumala ang sitwasyong kinalulugaran mo. Hindi ko nga lang alam kung ano ang dapat kong gawin…kung ano ang dapat naming gawin.