Wednesday, July 25, 2007

Nitong mga araw

Sabi nga nila minsan ka lang bigyan nang chances... Uhm... Opportunities knock but once.

Impromptu Speaking Contest
Sinali ako ni Victor (kaklase ko) sa impromptu speaking contest. Ito naman ako na si todo kaba. Hindi ko nga maintindihan talaga ang sarili ko kung gusto ko ba talaga o ayaw ko ba dahil sa parang ayaw kong maniwala sa kakayahan ko. Ehem ehem... Hindi ko naman minamaliit ang sarili ko pero feeling ko hindi ako makakapagsalita kapag turn ko na. Muntik na akong um-oo pero umalis pa rin ako sa contest.

G.I. Quiz Bowl
Mahilig ako sa general information. Sayang. Hindi ko kasi alam na meron naman palang quiz bee para sa mga taong nilulunod ang sarili sa pagkahilig sa general information. Ayun. Hindi ako nakasali kasi meron nang ibang kasali para sa team namin. Ang lungkot. Ok... Wala talaga akong chance... Hay...

Pagkayamot
These past few days lagi na lang akong nayayamot. I mean... Masungit. Well... Masungit naman talaga ako pero iba ang level ng kasungitan ko. Hehe... Ewan ko ba... :D

Muni-muni
Napagmumuni-muni na ako nitong mga nakaraang araw. Minsan talaga masarap mag-isip ng mga bagay na hindi ko masyadong iniisip...
> Ayoko nang masyadong magsalita. Magpapaka-tahimik na ako. Uhm... Ok. Ang aking primary intention ay magkaroon ng matahimik na buhay. (ngek)
> Mag-isip. Isipin ang mga bagay na kailangan pagtuunan ng pansin. Tulad ng panggagaya (as in yung malapit na sa pagiging hardcore, ha). Nakakainis 'di ba?
> P agbibigay ng privacy sa ibang tao. Do not invade my private bubble. Ok. Binibigyan ko naman ng privacy ang ibang tao pero minsan yung private bubble ko ay ini-invade na ng ibang tao. Sasabihin ko naman sa'yo ang mga bagay na gusto kong sabihin pati yung mga kailangan kong sabihin. Tsk tsk.
> Undesirables. Hindi ako magaling magtaboy ng tao. Uhm. Ayun... Minsan talaga hindi mo laging magugustuhan ang taong gusto mo. Gets? Na-feel mo na ba 'yon?
> Lowering expectations. Ang hirap kapag ang taas ng expectataions sa'yo at nakaka-hurt naman kung walang nag-e-expect sa'yo nang kahit ano. Basta lower expectations at hayaan mo na lang silang magulat na mali sila ng iniisip dahil talagang magaling ka. Mwehehehe... :D
> Your world is not really my world. Wushu. May sarili akong mundo at ikaw rin ganon. Ok. Minsan masaya akong mapag-isa sa sarili kong mundo. Masaya kayang mag-enjoy nang mag-isa.

Iba pang bagay...
Masayang mag-aral. Nagpupuyat na ako ngayon para makapag-aral ng Accounting. Hindi tulad noon na come what may ang drama ko. Sayang nga naman ang pagkakataon kong mag-aral habang bata. Minsan lang 'to. Masasayang ang buhay ko kung sasayangin ko ang oras ko sa ibang bagay na hindi naman magdudulot ng long-term effects sa akin (yung good effects at special effects lang).

Masayang mag-aral... Mag-aral na tayo. Hehe. Pero hindi pa rin ako yung subsob sa aral. Subsob lang sa libro kapag inaantok na ako. Hehe. Inuunanan ko kasi mga libro ko (hinahigaan na rin pala) kapag natutulog ako.

PS
Ang sarap ng Skyflakes. Kahit kulang na yung pang-tricycle ko bumibili pa rin ako noon. Hehehe. :D

Be happy... (sabi nga ni ate)

Belated happy birthday nga pala kay Vera Christy. Hehe... 71 years old na siya... :D Joke lang. 17 pa lang siya. :D

Monday, July 02, 2007

I am back

Nawala na naman ako. Wala pa rin kasi kaming modem kaya ito naghihirap pa rin ako sa pag-rent sa PC.

***

DEBUT ni Khadija

Actually, dapat bukas pa 'yon pero nag-celebrate na kahapon.

Masaya naman ang kainan. Iniisip nga rin namin na merong pukpok palayok pero hindi nga pala children's party ang pinuntahan namin. OK OK??? Debut. Supposedly, fomal ang gathering.

Ayun. Andun si Khadija (obvious naman kasi siya ang may birthday), Tita Nits (nanay ng debutante), si Lee (ang aming kalaro dati), si Tatang (ang may-ari nang puno ng papaya, si Aling Cely (anak ni Tatang) and many more (hindi niyo naman kasi kilala kung babanggatin ko pa.

Ops

Nandon nga pala si ate.

UHM...

Wala naman akong masyadong ginawa. Tumahimik lang naman ako. Kumain ng lechon, chicken curry, buto na may konting beef, puto, ice cream, crispy pata, menudo and many more.

***

Muli akong nagbalik mula sa aking pagkakaligaw. Muntik ko nang maiwanan ang sarili ko sa kawalan. Muntik ko nang makalimutang may blog nga pala ako. Buti na lang walang barya ang carinderiang kinainan namin kaya nakapag-Internet na naman ako. Buti na lang... Buti na lang hindi pa ako nagpa-barya kay Vera kaya ito ako ngayon nagta-type at nagpapakatamad sa harap ng PC. Ito ako ngayon. Hindi gumagawa ng feasibility study namin, hindi inaasikaso ang assignments sa Accounting, hindi nag-aaral sa Economics at uhm... In short, tamad. OK???

Pahinga muna. Masyado akong napagod sa kakahiga sa kama ko, sa pag-upo sa sofa namin at paghandusay sa sahig ng kwarto ng Tita namin. Ayun. Sige. Back to normal life ulit. Estudyante mode muna ako.

***

Kunware lang yun. Mag-fe-friendster muna ako. Ü Tapos seryosong aral na, ha! (Ü)