Saturday, December 22, 2007

My Christmas List

My “It’s Me” List

1. I put vinegar in my ham (the popular ham during Christmas).
2. I cut papers and glue them together again.
3. I like crushing pancit canton noodles before cooking them.
4. I do not eat if there is no available water.
5. I do not drink carbonated drinks (except for extreme cases).
6. I usually open the wash room doors using my little fingers (except for door knobs).
7. I close my eyes while walking in our subdivision.
8. I run when I get out of the train just to be the first person to get out of the station.
9. I use pure calamansi juice as a dip for hard boiled egg. Yum… And I would drink the remaining juice afterwards.
10. I usually put my water container in the freezer because I like drinking almost iced water.
11. I seldom use our chopping board when chopping tomatoes.
12. My clocks are usually 25 minutes advanced.
13. I have a hammer with screw driver in my study desk.
14. I talk to myself (sometimes my voice gets too loud that others can hear it).
15. I enjoy sliding down the stairs.


My Dream and Wish List
1. High grades
2. Original 3x3x3 Rubik’s cube and solve it in less than a minute
3. Original 5x5x5 Rubik’s cube and solve it in less than a day (hahaha!)
4. My phone to be fixed
5. Internet connection (again!)
6. Type faster
7. Explain things better
8. See a meteor rain (too bad it’s over)
9. Super high heels… A pair of stilettos maybe… (I hope I can walk while they are on) Hehe!
10. Win a prize
11. Accessories for my keyboard
12. Write Lola Cela a letter
13. Rice cakes, Chocolate cake, Chocolate… In short… Food… Lots of it…
14. New computer mouse
15. Learn to play lawn tennis
16. Be part of the Philippine team (even if I am not sporty)
17. Do a magic trick
18. I want to float in the air… I want to fly too…
19. Have a bike
20. Learn to play Dance Maniax
21. World Peace! Ü

My “I want to go there” List
1. Cabangan, Zambales… It’s my province.
2. Batanes
3. Spratley Islands
4. Puregold Taytay (Hehehe)
5. Star City (I haven’t been there)
6. Around the Philippines (just to make my list shorter)
7. Barcelona and then to Cadiz, Spain
8. London
9. Around the world (just to make my list shorter)
10. Outer space (but not very far from Earth)
11. I also want to go to museums
12. Heaven… (Hahaha! I should be nice starting now… Hehehe…)

***
Christmas is just three days away from the Philippines.
***

Tuesday, December 18, 2007

Traipse

Yesterday… Eight days before Christmas…

It was a sudden decision for my classmates to celebrate our Christmas party at SM Mall of Asia. I do not know what they did there but I was pretty sure that I do not like to go there for some reasons. First, it is too far from our house (or maybe I just think so). Second, I only have a few hundreds to spend… Well, in fact I just have a hundred to spend. Third, I do not want to stress myself by thinking what to buy with my money. The fourth and the gravest reason that I thought of that made me not go there was I just like and I think that I am going to enjoy myself…alone…

I went to Metro East just to stroll around and to bore myself. After much dullness, I decided to head to SM. I spent my more than two/three hours walking around the newly opened mall. I even thought of finding myself a nice dress to buy (in my sweetest dreams) so when we go Christmas shopping (I hope) I will know what to buy. But I was too shy to look at the girly dresses so I just went to the toy and children’s apparel section. I also went to a keyboards’ store and my main agendum is just to touch the keys of the keyboard so that I would still appreciate my old keyboard and to tell myself that mine is still better than those being sold. I was pretending that I am canvassing but I was really not. The worst thing I did there was to embarrass myself by playing Fur Elise. Wah! I forgot the notes to play and my hands were trembling badly. After that, I never passed that store again. I was greatly embarrassed! But at least I discovered that I really have stage fright. Well, after that I have nothing to tell myself but “That was so humiliating! I should have not done that! I hope they don’t remember me!”

I got so tired so I was already thinking where to eat and where I could sit for an hour. Taddah! Fiorgelato was the answer. It was the best place to spend my hour because there was this big big Samsung TV which I can watch on. I did not enjoy the movie being played but I had enjoyed watching on that TV.

I got my first sip of my coffee and it was very hot and I think all of my taste buds just died out. After finishing my coffee I bought a green ice cream in Fiorgelato. I don’t know its name but it is…cool and cool…I mean minty and cold (obviously because it’s ice cream). I was freezing to death after I ate it. (Uhm… What a combination… Coffee and ice cream…) I also bought a choco chip [cookie] which reminded me of Chunkee, and a walnut [bar] which reminded me of a Blackforest cake.
***
I ambled aimlessly but that was very calming for me. I felt so worry-free, so peaceful. It was as if I was walking on my own planet without any nuisance. It was so good.
***…And that was my solitary Christmas party…

Saturday, December 08, 2007

Mga Linyang Hindi ko Nasabi at Masabi...

Minsan may mga bagay na hindi ko lang talaga agad nasasabi o hindi ko lang talaga sinasabi kasi nahihiya ako o gusto ko lang talagang itago. Hmmm... Idagdag na rin natin dun yung secret assumptions ko na ayaw ko lang talagang sabihin kasi gusto kong patunayang tama ako without yung "napahiya" factor...

So, ito yung listahan nang ilan sa mga bagay na hindi ko lang talaga masabi sa taong gusto kong pagsabihan."

"Magdudusa ka."
"Will you just shut up?"
"Wala ka nang masabi, ano?"
"Feeling close ka?"
"Alam ko naman talaga ang sasabihin mo pero sabihin mo pa rin ang sasabihin mo."
"Babalik ka pa ba? Ok lang naman kahit hindi na."
"Masyado ka naman harsh sa akin."
"Ang gentleman naman."
"You will see."
"Ganyan pala ang gusto mo."
"Hindi na natin nakuha yung inaasam nating scholarship."
"Nape-pressure ako. Wah!"
"Miss na kita. Sana magkita ulit tayo. Hahaha!"
"Friends ba tayo?"
"Bakit nakakaramdam ako ng hostility sa'yo?"
"Bakit masyado kang involved sa mga ganyang bagay? Hindi ayan ang nagpapa-ikot sa Earth."
"Tama na!"
"Yuck. You are so gross."
"Liar... You are a liar... A psychopathic liar."
"Sana malaman mo kung gaano kalala yang ugali mo."
"Sorry."
"Thank you."
"Bakit ka ganyan?"
"Pinagbabayad mo pa ako? Samantalang parang dial-up ang connection ng Internet niyo. Hindi ko ng ma-load yung Yahoo!"
"Ang dark naman ng place na 'to. Parang pwede akong kidnap-in sa shop na 'to."
"You will be burned."
"Sinong kinakausap mo? Ako ba?"
"Hindi mo ako kilala."
"Bakit lagi mong sinasabing nagbago na ako?"
"Alam mo ba ang Kokoy Kit?"
"Nakakainis ka."
"Galit ako sa'yo."
"Ikaw yung kwinento ko sa isang post sa blog ko."
"Wala kang pina-prioritize."
"Ang goal mo ba sa buhay ay ipalaganap ang genes mo?"

Yung mga ibang bagay ay hindi ko na masabi kasi talagang hindi ko lang talaga kayang sabihin. Ang gulo, noh. Basta... Ayun...

Saturday, November 17, 2007

Memories

"Store good memories while you are still young."

Memories... Memories... Memories...
Masaya nga naman magkaroon ng mga magagandang alaala... Obvious ba? Kapag bata ka pa ang ginagawa mo ay magagandang memories pero kapag matanda ka na ang ginagawa mo na lang ay alalahanin ang memories na ginawa mo nung bata ka pa. Hindi ko lang kung tamang-tama ako sa mga sinabi ko at mayroon pang mga pwedeng magsabi na ako ay fallacious pero kasi ayun ang naiisip ko.
Ayun. Hindi naman laging magagandang memories ang magkakaroon tayo at ngayong 2nd sem...
Ehem! May mga bangungot na nangyayari sa amin. Inuulit ko... Sa "amin." May dysfunctional sa amin. Uhm... Blind item muna. Hindi pa pwedeng sabihin baka magkaroon ng problema. Next time na lang kapag all is clear, ika nga.
Nakakatulong din sa akin yung blog ko kasi mas natatandaan ko yung mga bagay na nangyari sa akin kapag nilalagay ko sa blog ko kaso ang problema wala na kasi kaming modem kaya halos hindi na rin ako nag-i-Internet. Busy sa school... Ehem... Busy sa school, ha...
Kapag nag-blog din ako ay mayroong sandali na ang mundo ay nagbibigay ng oras sa akin. Pinababayaan muna akong magsalita at tsaka na lang magsasalita. In short, pinagsasalita muna ako. Ang blog ko ang kalahati ng alaala ko. Nandito ang mga bagay na hindi ko minsan sinasabi sa ibang tao at mga bagay na minsan ay hindi ko rin masabi sa mismo kong sarili. Gets? May mga bagay na ayaw mo lang talagang isipin kasi nakakainis. Hay.
Sana magka-Internet na talaga kami. Masyadong malungkot ang buhay kapag malayo ako sa Internet. Ang lagkit pa ng keyboard at mouse kapag sa computer shop lang ako nag-Internet.
Hay!
Ito ang ilan sa mga pangyayari sa buhay ko nung nawala ako. Maraming pictures 'to. Dalawang picture lang yung kinunan ng ibang araw. The rest, ay ngayon nangyari.

-Ako yung nagtatago...
- Ang tagal ni Ma'am kaya sa sahig muna ako.


- Ayan... Syempre ako 'yan.
- Wala lang. No comment lang ako.


- Sa birthday ito ni Claire sa Creamery.
- May daliri, oh!

- Hagdan at mga ilang tao...
- Hagdan pa rin naman...

- Obvious ba! Hagdan pa rin syempre! Galing kasi kaming fifth floor niyan kaya marami 'yan!
- Oh! Ibang lugar na 'yan! Sa tabi na nang Pasig River.

- Madilim lang pero umaga pa 'yan. Nagalit lang ang langit sa kaka-picture namin.

- Mukha akong engot dito.
- Masakit sa mata! Ang liwanag!
- Nag-e-emote lang ako.
- Ang paglalagalag sa gubat...
- Last picture na 'to! Palabas na kami ng gubat nito.
PS
Ang saya ng nang araw na ito. Ayun! Sana maulit ito. Ü

Thursday, October 11, 2007

Debut at mga 18-18 sa debut...

It will be Noekka's debut on Saturday (Oct. 13). I am preparing for it now. Wala pa nga akong regalo tapos kasama pa ako sa 18 gifts. Hay. Buti nga naka-recover ako kaagad dun sa pagkanakaw ng wallet at coin purse ko.

Ngayon... Nagpagupit ako at mukha na naman akong mangkok. Ang ikli pala ng shoulder-length na buhok. Akala ko mahaba pa rin kahit ganon.

Change topic. Nahihirapan akong pumili ng pangregalo. T_T

Mga isang buwan ko na ngang iniisip kung ano yung ireregalo ko at hanggang ngayon ay parang lost pa rin ako kung ano yung ibibigay ko sa kanya.

Sabi sa akin libro na lang ang ibigay ko sa kanya pero ang wish naman ni Noekka ay mp3. Ok... Libro na nga lang... Hehehe...

Maganda raw yung "How To" books... Muntik ko nang i-make up ang mind ko sa pagbili ng "How to understand your man" na libro pero... Uhm... May entity na bumubulong sa akin na huwag na lang raw yun at yung inspirational na book na lang ang ibibigay ko sa kanya. Well... Hindi ko naman talaga alam kung inspirational yung book na yun. Ang cute kasi. Maliban sa colorful yung book ay madaling pang basahin kasi hindi s'ya bombarded with text.

Hay. I am looking forward to that day. Iba pala yung may special participation ka sa debut ng close friend mo. Ang saya talaga.

Hay... Wala pa akong speech kapag ibibigay ko na yung gift ko sa kanya. Ü
Sana makagawa na ako... Yung makabagbag-damdaming speech para maiyak siya... Nyek. Ü

***

Monday, October 01, 2007

Nag-blog ulit ang manlalakbay.

Sa wakas nakapag-blog na rin ulit ako. Hindi na nga ako masyadong magaling mag-type na gamit ang home keys sa tagal kong hindi nakakita ng computer.

***

Intorduction lang yun...

***

Isang buwan...
Sa loob ng isang buwan ay dalawang beses akong nanakawan. Ok... Malas ang unang beses at yung pangalawa ay kaengotan na lang. Well... Uhm... Php300++ ang nawala sa akin in total. Tapos yung unang beses na nawalan ako ay todo iyak pa ako. Dramatic actress nga ang dating ko, eh. Kasi naman... Ang iniiyikan ko ay yung dahilan na hindi ko alam ang dahilan ng pagkawala ng pera ko (pera na nasa wallet). Naghirap talaga ako nung week na yun.

Regrets...
Hindi ko alam kung bakit kagabi habang nagtu-toothrush ako ay biglang nag-flashback sa akin ang mga bagay na ginawa ko at mga hindi ko man lang ginawa. Nakakalungkot. Kasi pinagsisisihan ko yung mga bagay na kaya ko namang gawin pero hindi ko man lang ginawa. Uhm... Tungkol yun sa studies ko. Kaya ko naman mag-aral pero pinili ko na lang manood ng Meteor Garden (kahit ilang ulit ko nang napanood yun). Kaya kong gawin ng maaga ang assignment ko pero pinili ko munang makipagkwentuhan sa ate ko tungkol sa mga bagay na ginawa niya nung araw na yun kahit ang totoo ay alam ko naman talaga ang ginagawa niya sa bahay. Lagi lang naman siya sa bahay, eh.

Love, love and love all around...
Universal topic ba ang love? Tinatanong mo kung may boyfriend o girlfriend na yung kausap mo kung wala ka ng maitanong. Pwede rin naman kung saan siya nakatira at kung ilan sila sa pamilya. Uhm. Pero maliban dun. Hindi kasi ako expressive na tao at hindi ko sinasabi na mahal ko ang isang tao. Yung tipong... Basta!!! Hindi ako expressive at period no erase!

MoDem
Wala pa rin kaming modem hanggang ngayon. Malungkot nga, eh. Gumagastos tuloy ako para makapag-rent ng computer.

***

Na-miss ko ang pag-ba-blog. Ang late-night blog hopping para lang manggulo nang blog nang may blog. Na-miss ko ang pagiging virtual manlalakbay ko sa mundo ng Internet. Na-miss ko ang Internet. Na-miss ko ang Friendster. Na-miss ko ang maraming bagay na nasa Internet maliban na lang sa worms. viruses, Trojans at mga kung anu-ano pa na naninira ng computer. Hay...

***

To be continued ang buhay ni manlalakbay... Abangan na lang ang susunod na kabanata. :D

Wednesday, July 25, 2007

Nitong mga araw

Sabi nga nila minsan ka lang bigyan nang chances... Uhm... Opportunities knock but once.

Impromptu Speaking Contest
Sinali ako ni Victor (kaklase ko) sa impromptu speaking contest. Ito naman ako na si todo kaba. Hindi ko nga maintindihan talaga ang sarili ko kung gusto ko ba talaga o ayaw ko ba dahil sa parang ayaw kong maniwala sa kakayahan ko. Ehem ehem... Hindi ko naman minamaliit ang sarili ko pero feeling ko hindi ako makakapagsalita kapag turn ko na. Muntik na akong um-oo pero umalis pa rin ako sa contest.

G.I. Quiz Bowl
Mahilig ako sa general information. Sayang. Hindi ko kasi alam na meron naman palang quiz bee para sa mga taong nilulunod ang sarili sa pagkahilig sa general information. Ayun. Hindi ako nakasali kasi meron nang ibang kasali para sa team namin. Ang lungkot. Ok... Wala talaga akong chance... Hay...

Pagkayamot
These past few days lagi na lang akong nayayamot. I mean... Masungit. Well... Masungit naman talaga ako pero iba ang level ng kasungitan ko. Hehe... Ewan ko ba... :D

Muni-muni
Napagmumuni-muni na ako nitong mga nakaraang araw. Minsan talaga masarap mag-isip ng mga bagay na hindi ko masyadong iniisip...
> Ayoko nang masyadong magsalita. Magpapaka-tahimik na ako. Uhm... Ok. Ang aking primary intention ay magkaroon ng matahimik na buhay. (ngek)
> Mag-isip. Isipin ang mga bagay na kailangan pagtuunan ng pansin. Tulad ng panggagaya (as in yung malapit na sa pagiging hardcore, ha). Nakakainis 'di ba?
> P agbibigay ng privacy sa ibang tao. Do not invade my private bubble. Ok. Binibigyan ko naman ng privacy ang ibang tao pero minsan yung private bubble ko ay ini-invade na ng ibang tao. Sasabihin ko naman sa'yo ang mga bagay na gusto kong sabihin pati yung mga kailangan kong sabihin. Tsk tsk.
> Undesirables. Hindi ako magaling magtaboy ng tao. Uhm. Ayun... Minsan talaga hindi mo laging magugustuhan ang taong gusto mo. Gets? Na-feel mo na ba 'yon?
> Lowering expectations. Ang hirap kapag ang taas ng expectataions sa'yo at nakaka-hurt naman kung walang nag-e-expect sa'yo nang kahit ano. Basta lower expectations at hayaan mo na lang silang magulat na mali sila ng iniisip dahil talagang magaling ka. Mwehehehe... :D
> Your world is not really my world. Wushu. May sarili akong mundo at ikaw rin ganon. Ok. Minsan masaya akong mapag-isa sa sarili kong mundo. Masaya kayang mag-enjoy nang mag-isa.

Iba pang bagay...
Masayang mag-aral. Nagpupuyat na ako ngayon para makapag-aral ng Accounting. Hindi tulad noon na come what may ang drama ko. Sayang nga naman ang pagkakataon kong mag-aral habang bata. Minsan lang 'to. Masasayang ang buhay ko kung sasayangin ko ang oras ko sa ibang bagay na hindi naman magdudulot ng long-term effects sa akin (yung good effects at special effects lang).

Masayang mag-aral... Mag-aral na tayo. Hehe. Pero hindi pa rin ako yung subsob sa aral. Subsob lang sa libro kapag inaantok na ako. Hehe. Inuunanan ko kasi mga libro ko (hinahigaan na rin pala) kapag natutulog ako.

PS
Ang sarap ng Skyflakes. Kahit kulang na yung pang-tricycle ko bumibili pa rin ako noon. Hehehe. :D

Be happy... (sabi nga ni ate)

Belated happy birthday nga pala kay Vera Christy. Hehe... 71 years old na siya... :D Joke lang. 17 pa lang siya. :D

Monday, July 02, 2007

I am back

Nawala na naman ako. Wala pa rin kasi kaming modem kaya ito naghihirap pa rin ako sa pag-rent sa PC.

***

DEBUT ni Khadija

Actually, dapat bukas pa 'yon pero nag-celebrate na kahapon.

Masaya naman ang kainan. Iniisip nga rin namin na merong pukpok palayok pero hindi nga pala children's party ang pinuntahan namin. OK OK??? Debut. Supposedly, fomal ang gathering.

Ayun. Andun si Khadija (obvious naman kasi siya ang may birthday), Tita Nits (nanay ng debutante), si Lee (ang aming kalaro dati), si Tatang (ang may-ari nang puno ng papaya, si Aling Cely (anak ni Tatang) and many more (hindi niyo naman kasi kilala kung babanggatin ko pa.

Ops

Nandon nga pala si ate.

UHM...

Wala naman akong masyadong ginawa. Tumahimik lang naman ako. Kumain ng lechon, chicken curry, buto na may konting beef, puto, ice cream, crispy pata, menudo and many more.

***

Muli akong nagbalik mula sa aking pagkakaligaw. Muntik ko nang maiwanan ang sarili ko sa kawalan. Muntik ko nang makalimutang may blog nga pala ako. Buti na lang walang barya ang carinderiang kinainan namin kaya nakapag-Internet na naman ako. Buti na lang... Buti na lang hindi pa ako nagpa-barya kay Vera kaya ito ako ngayon nagta-type at nagpapakatamad sa harap ng PC. Ito ako ngayon. Hindi gumagawa ng feasibility study namin, hindi inaasikaso ang assignments sa Accounting, hindi nag-aaral sa Economics at uhm... In short, tamad. OK???

Pahinga muna. Masyado akong napagod sa kakahiga sa kama ko, sa pag-upo sa sofa namin at paghandusay sa sahig ng kwarto ng Tita namin. Ayun. Sige. Back to normal life ulit. Estudyante mode muna ako.

***

Kunware lang yun. Mag-fe-friendster muna ako. Ü Tapos seryosong aral na, ha! (Ü)

Friday, June 15, 2007

Pasukan disasters...

Unang araw ng pasukan namin kahapon at hindi naman masyadong maganda ang mga nangyari. Pero may maganda pa rin...

Una
Nakalimutan ko ang wallet ko sa bahay. Nasa Valley Golf (assuming na alam niyo kung saan ito) na ako nung bumaba ako sa jeep na sinakyan ko. Hindi pa ako nagbabayad non... Obviously, kasi nga wala ang wallet ko. Hindi ako marunong tumawid ng kalsada kaya hindi na ako nag-dare na sumakay ng jeep pabalik sa Singer (assuming "ulit" na alam niyo kung saan ito...basta magkalayo silang dalawa). Ang aking last resort... Ang paglalakad. Actually hindi naman talaga ako naglakad. Tumakbo pala ako. 5:15 am ako umalis ng bahay at 6:00am ako nakarating "uli."

Pangalawa
Sumakay na ako sa LRT2. Nakita kong nandon si Jep at si Ayie (assuming na kilala niyo sila) at sila ay naghihintay sa akin. Ayun. Hindi naman super disaster ang nangyari. Huminto lang naman bigla ang tren at muntik-muntikan lang naman ako/kami tumumba.

Pangatlo
Kumain kami sa university canteen, oh sige canteen na lang for short. Mainit, masikip at malagkit. In short, not my ideal place. Mahal pa pala ang pagkain. Nalagas ang P42 ko para sa large juice, 4 na pirasong shanghai at isang cup ng kanin. Ayoko nang kumain don, ang mahal kasi, eh. Except lang kapag no choice na. (-_-)

Hindi na disaster ang kasunod...
Nilibre ako ni ate sa Worlds of Fun. Nag-gallery shooting kami at proud naman ako dahil naka-2 points naman ako at ang premyo ko ay limang piraso ng Mentos. Ayos na rin kaysa sa wala.

Masaya naman ag first day kahit medyo nakakahiya ang pagka-iwan ko sa wallet ko. Hay!

Update lang... (assuming na interesado kayo sa nangyari sa mga tahimik kong paglalakbay)
= Tinulak ako ni Ayie kahapon. Normal na ulit kami. Hahahaha!
= Binigyan ko si ate ng chocolate at hindi ako nanghingi.
= Nagbabasa na ako ng libro yung "Word Power Made Easy" by Norman Lewis. Nako! Hina-haunt na ako ng etymological roots ng words. My gulay! 'Pag pikit ko sa gabi, imbis na mga tupa ang bilangin ko mga words na ako nakikita ko. Hahay! Pati pala yung "Amityville Horror" binabasa ko na rin. Masaya at madaling intindihin.
= Sira ang modem namin kaya pa-rent-rent muna ako ng pc ngayon.

Saturday, May 05, 2007

Nagagalit ako

Madali akong makalimot kung sino ang may atraso sa akin. Pero iba talaga ‘to, ibang usapan kapag nagalit ako. Minsan ko lang naman i-claim na nagagalit ako. Pilit ko kasing iniintindi o kaya naiinis na lang ako. Hindi ko alam kung bakit sa kaibigan ko pa ako nakaramdam ng ganitong pagkayamot, pagkainis, pagkaasar, pagkamuhi, pagkagalit

Tama. Nagalit nga ako. Hindi ako kuntentong sabihin na naiinis lang ako. Nagagalit ako. Hindi ko siya naintindihan. Ayaw ko siyang intindihin. Kahit gusto ko sa mga paliwanag hindi ngayon ang pagkakataon upang magpaliwanag siya. Ayaw kong tanggapin ang paliwanag niya. Not now…

NAGAGALIT AKO!!!

Nasaktan ako sa ginawa niya.

Ano nga ba kasi ang nangyari?
Nanghingi ako ng papel. Sinabi niya ibibigay niya sa akin pero hindi ko muna kinuha. Tapos may nanghingi ulit sa kanya tapos binigay niya sa iba yung papel na hiningi ko. Wala na. Wala nang papel. Sa harapan ko niya ibinigay yung papel na ‘yon.

Ang babaw ba? Hindi ko rin alam kung bakit ako nakaramdam ng ganoong galit. Hindi ko rin makalimutan yung pangyayari. Pakiramdam ko trinaydor ako. Ang lalim ng naramdaman ko pero ang babaw ng dahilan. Hindi pala mababaw. Simpleng pangako lang yun ng pagbigay ng papel sa akin. Naisip ko tuloy ang salitang priority. Priority. PRIORITY! Nauna ako. Binibigyan ko ng priority ang mga kaibigan ko. PRIORITY! Sana alam mo ang ibig sabihin ng salitang priority pati ang konsepto nito.

NAGAGALIT AKO!!!
Nasaktan din ako.


Fresh pa rin yung galit na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko yung nangyari. Masakit pa rin para sa akin kahit ilang buwan na ang nakalipas.
Hindi ko pa sinasabi na galit ako sa kanya. Ayoko lang. Kaya hanggang ngayon nagagalit pa rin ako.

*ang sama ko*
*pero naglalabas lang ako nang galit*
T_T

Thursday, May 03, 2007

Facts 101

Wala kasi akong magawa habang nandito ako sa bahay kung hindi ang mag-surf nang mag-surf. Para naman gawing makabuluhan ang aking pag-surf magshe-share na lang ako ng kaunting kaalaman.

.:. The human brain is 80 percent water, more watery than our blood.
.:. In ancient China people committed suicide by eating a pound of salt.
.:. Cabbage is 91 percent water.
.:. The caterpillar has more than 2,000 muscles.
.:. The original name for the butterfly was “flutterby.”
.:. Humans are susceptible to a disease called the “laughing sickness.” People stricken with this disease literally laugh themselves to death. The disease is known in one place in the world, among the Kuru tribe of New Guinea.
.:. The color black absorbs heat. White reflects it.
.:. Men laugh longer, more loudly, and more often than women.
.:. A person who is lost in the woods and starving can obtain nourishment by chewing on his shoes. Leather has enough nutritional value to sustain life for a short time.
.:. The sun is 3 million miles closer to the earth during winter than summer.
.:. A thousand tons of meteor dust fall to earth every day.
.:. Clouds fly higher during the day than during the night.
.:. Rubber is one of the ingredients of bubble gum. It is the substance that allows the chewer to blow a bubble.
.:. A horse can sleep standing up.
.:. Up to the age of six or seven months a child can breathe and swallow at the same time. An adult cannot do this. (Try it.)

Source: David Louis. “Fascinating Facts.” Ridge Press/Crown Publishers, Inc.:New York, 1977.

Wednesday, May 02, 2007

Life isn't just another thing

I was still awake at 2 in the morning and I can hardly sleep because I thought I was going to die. And for several days now, I have thought of death and dying.

I even told Ayie, “I am going sleep. I might sleep forever.” I was half-serious that it would happen and half-nervous that it might will.

I put a serrated knife over my wrist thinking to slash it. I covered my head with plastic. I tried to strangle myself. I tried to hold my breath for quite sometime until I feel pain from my chest. When I was a kid, 5 years old or so, I thought of committing a crime so the government will put me in death row. And it was my dumbest idea and I never did it or planned it. But I am not suicidal. I still want to live because I still dream.

I am thinking of how it feels to be dead. I won’t feel hungry anymore. No more sweat. No tears. No peeing. I do not have to cut my nails. No more earwax. No more snot to be pulled. No more counting of days to my next period.

I can’t close my eyes when I tried to sleep. I felt extreme nervousness that I might die when I fell asleep. I felt my heart beating hard. I was afraid that time that I cannot fulfill the things that I have thought of for many years.

I fell asleep. Four hours later I woke up and “I am alive.” YES! I AM ALIVE! I thanked God for that. My life isn’t that almost perfect but it is fine. I still get to eat three times a day or more. I still drink potable water. I get to study. I have a bed. We have a happy dog.

I was born into this world to make others happy, to love, to dream, to make a move and to find the happiness I can’t give to myself. Living is such a brave thing to do. Being brave is facing your fears and finding the strength inside you thought you never have. Life isn’t just another thing.

Saturday, April 28, 2007

Blog... Blog... Blog...

Pagpasensyahan niyo na muna… Nasa gitna ng kaguluhan ang blog ko. Hindi alam ng blog ko kung saan siya pupunta ngayon. Nagka-amnesia rin siya at hindi niya alam ang kanyang pangalan. Hindi rin niya alam ang kanyang pagkakakilanlan. Kasalukuyan ko siyang hinahanapan ng bagong identity.

Hindi man fresh ang look dahil sa mahigit isang taon ko ng gamit ang layout ko, gusto kong iperme ang pagka-blog ng blog ko sa isang bagay na makukuntento ako.

Mukhang nahahanap ko na ngayon Hindi ko na gustong baguhin ang address ko. Tama na ‘yan. Masyado nang perwisyo sa mga nag-link sa akin kung babaguhin ko pa. Nakakahiya na ngang ipabago, eh. Pang-apat na beses ko nang binago ang blog address ko at promise hindi ko na babaguhin. PROMISE!

Kung may mangyayari mang kakaiba sa akin ay ayun ang nag-transform na ako bilang isang full-time superhero. Este… Baka gumawa lang ako ng bagong blog na tipong ayaw kong gawin dahil masyado na akong busy sa pagiging tagapag-ligtas ko.

Blog Wish List:
New Layout
Drop-down box for Archives and Links
Bagong quotable quote
Maayos ko na ‘to ASAP

Ano pa ba? Uhm… Ayun muna. Sana mag-tino na ang blog ko.

Friday, April 27, 2007

Do not leave your valuables unattended

Sa totoo lang walang konek ang title sa post na ‘to. Tulad lang ‘yan ng pagpangalan sa blog ko. Bakit nga ba “A Traveler’s Soliloquies?” Maliban sa gusto ko laging maalala ang tamang spelling ng salitang “traveler” (Tsk! Mali pa yung una kong spelling) eh hindi rin ako mahilig gumala. Huwag nang basahin ulit. Hindi nga ako mahilig gumala dahil naniniwala akong gastos lang ‘yon pero gusto kong pumunta sa ibang lugar. Watda! Nonsense na ‘to…

Hindi ako isang henyo sa mga lugar. Madali akong mataranta kapag hindi ko na alam ang kinalalagyan ko. Ayokong maligaw kasi may isang kotong officer lang ang manghuhuli sa akin at masusuhulan ng singkwenta pesos. Este! Back to business tayo. Uhm… Pero nangyari talaga sa amin yun nung naligaw kami sa Marikina.

Marunong akong mag-bike at lampa ako sa roller blades. Hanggang bike lang ang powers ko. Dati pinapatakbo ko pa nang super bilis yung bike ko at nagfi-feeling akong isang super hero na lumilipad kasama ang aking bike na DragonBall Z pa ang design. (ET na yata yung scene na yun)

Ang pinakamalayo nang napuntahan ko ay Baguio. Tama! Baguio… Susunod doon ang Zambales na probinsya naman namin. Ayokong pumunta sa Baguio dahil ang haba ng biyahe! Nakahiga lang ako lagi sa sasakyan namin at nagmumuni-muni kung nasan na ba kami. *Pangasinan pa lang? Oh, sige! Manaoag break muna tayo!*

Gusto ko nang magkaroon nang passport. As in, now na! Uhmf… Demanding… Gusto kong pumunta ng ibang bansa sakay sa isang eroplano. *swoosh* Pero takot ako sa airplane kasi baka bumagsak ito tapos itapon na lang ako sa isang isla na ako lang mag-isa tapos gagawa ako ng isang volleyball friend na may pangalang “Wilson.” Wah! Don’t want to think of it! Nakakakilabot. Baka mag-breakdown ako agad kapag nangyari yun.

Serious mode:
Ang sinasabi kong paglalakbay ay ang paglalakbay sa panahon, sa oras, sa time (OK! In-english ko lang). Lahat naman tayo naglalakbay sa oras at mali ka kung ang iniisip mo ay isa akong super genius na gumawa ako ng Time Machine. Ayun lang. Wahahaha!

More serious mode:
*isip isip*

Most serious mode:
Gusto kong maging immortal! MWEHEHEHEHEHE! It’s a lie. (Dapat serious pa rin). Ayoko nga maging immortal. Gusto ko ma-experience ang heaven. Teka… Sa heaven ba makakapaglakbay pa rin ako tulad ng sinasabi kong paglalakbay sa panahon? *swoosh* Parang heaven ang point of destination ko, noh! Parang ang bait ko. Ehem! No effect! Hindi pa rin ako seryoso.

***

Thursday, April 26, 2007

Trabaho kayo d'yan

Ok! Get set. Ready. Go!

Maraming Pinoy ang unemployed at underemployed. Pero sabi nga sa akin, “Maraming trabaho sa Pilipinas. Hindi nga nauubusan ng trabaho kaso nga lang hindi qualified ang applicant kaya hindi sila matanggap.”

Sa bagay… Mag-a-apply ka nga sa call center tapos kung ang English mo naman eh ganito, “Gud apternun.” Eh aba! Rejected ka na raw agad.

Si Lola Cela namin rejected sa isang radio station company dahil sa kanyang… Dandananandanan! HEIGHT! Kapos siya sa height. Less than 5 feet tall siya kaya rejected ang lola ko. Hindi ko ma-gets! Malalaman ba ng tao na ganito ang height ng nagsasalita. No idea nga ako sa height ni Nicole-hiyala at ni Chris-tsuper kahit lagi ko silang naririnig sa radio!

Meron namang company na masnagha-hire lang ng magagandang call center agents. Isa pa ‘to! Parang malalaman kong maganda o gwapo yung kausap ko, ah. Matatanggap ko pa kung naghahanap sila ng pang-model na receptionist. Diskriminasyon na ‘to! Tsk tsk!

Meron ding mga kumpanya na pinag-i-skirt ang applicants. Tsk! Hindi nag-apply si ate dito kasi ayaw niyang mag-palda.

May success story naman tayo rito. May isang kargador turned supervisor ng mga kargador na na-promote ng na-promote hanggang maging president ng kumpanya. Huwaw! Parang ang haba ng kwento, eh noh!

Meron namang baliktad na situation. May classified ad na, “I am looking for a _____ job. Contact me at _____.” Success naman yata siya at nagtext ulit sa Xpress na nagpapasalamat siya kasi nakakuha siya ng trabaho.

Hindi naman ako hustler sa paghahanap ng trabaho. Naku-kwentuhan lang ako at yung iba nakikita ko. Alam kong mahirap maghanap ng trabahong mamahalin ka at trabahong mamahalin mo. Hindi na rin ako nakapag-hanap ng summer job ko. HUHU! Sabi ko pa naman last year makakahanap ako ngayon. Nag-apply naman ako kaso walang trabaho ngayon sa inapplyan ko. Uhm… Basta ganon!

Pwede niyo akong i-hire kahit minimum salary ko! Hehe! Joke lang.

***

PS

Belated Happy Birthday kay Zino! Ü April 24 ang birthday niya.

Saturday, April 21, 2007

Ang araw na nagkulang nang pamasahe ang manlalakbay

Isang gabi at isang umaga. Bago pa man din ako antukin ay biglang sumagi sa aking utak ang araw na nagkulang ako nang pamasahe, ang mga nangyari at ang mga naisip ko.

Kulang ang pamasahe ko. Sa katunayan ay kaunti lang ang hiningi kong pamasahe dahil alam kong wala nang maibibigay sa akin dahil ang isa pang maghahanap ay binigyan ng tiket sa Lufthansa. Kaya ako hanggang jeep lang. Doon ay mayroong stewardess at sa sasakyan ko ay mayroon namang barker.

Pinara ko ang Fx na dumating ngunit hindi ako hinintuan. May dumating na taxi at pinara ko at sabay sakay. Bago pa man malaman ng driver na nakiki-angkas lang ako ay walang anu-ano na pinahinto ko ang sasakyan, bumaba at nagpanggap na walang nangyari. Tinanaw ko ang taxi na aking sinakyan. Nanghihinayang ako. Mabilis naman akong nakahanap ng panibagong sasakyan, ang jeep, pero ang problema ay puno ito. Nakipag-siksikan ako. Ayoko man sa mainit at masikip ay pilit ko pa rin hinanapan ng pwesto ang sarili ko. Tumingin ako sa labas ng sasakyan na aking lulan at tinanaw ang nanlilimahid na anyo ng bagong-lumang kaisipan, parang pagkain na laging nire-reheat. Nakarating na ako sa aking patutunguhan. Hindi na ako nagulat nung nadatnan kong marumi ang lugar na aking pinuntahan dahil inihanda ko na ang aking murang kaisipan sa ganitong kalalang tanawin. Masikip din doon ngunit wala akong magagawa dahil hanggang doon lang ang abot ng aking dalang pamasahe.

Dito sa lugar na ito pilit kong hahanapin ang gusto kong makita. Dito ay mainit, masikip, may ilang lugar na mabaho at may ilang lugar na masangsang. Dito sa lugar na ito ako naitapon ng kakarampot kong pamasahe at dito ko rin isiniksik ang sarili ko. Ngayon ay napag-isip-isip ko na dumarating sa buhay ng tao na ginusto niya ang isang bagay na alam naman niyang ayaw niya. Hindi ko nga malaman kung makakaalis pa ako na nakakabit pa rin sa akin ang aking ulo, kung makakaalis ako ng walang pilay o pasa, kung hindi ba kakapit sa akin ang kahit anong masamang amoy ng lugar na ito, at kung makalalabas ba ako rito na yakap-yakap na ang hinahanap ko.

Samu’t saring tao ang nakita ko. Ang karamihan sa kanila ay iba ang pananalita sa akin ngunit kahit ano pa man ay lubusan kong nawawari ang nais nilang ipakahulugan. Pero ayaw kong matutunan ang kanilang pananalita dahil ito ay mabaho sa hininga. May iilan din na parang nagsasayaw kung kumilos ngunit may iilan na parang nagwawala, ako naman ay nawawala na yata ngunit nagpapanggap na alam ko pa rin kung nasaan ako.

Napapatanong na tuloy ako kung tama bang kakarampot na pamasahe lang ang hiningi ko kung ang kasabay ko ay nakayanang bigyan ng pamasahe sa eroplano. Bakit ako hindi hinintuan ng Fx na pinara ko? Bakit ako bumaba sa taxi na lulan ako? Pero pilit na bumabalik sa akin ang tanong, “Bakit ayon lang ang hiningi kong pamasahe?” Dapat ko pa rin unawain, nauna sa akin ang sumakay sa eroplano at ayon na lamang ang kanyang mapag-pipilian na sasakyan. Pero…pero…bakit ngayon pa naimbento ang kaisipan ng jeep? Bakit sa akin pa natapat ang pagka-uso ng mga amoy ng kabahuan at kasangsangan? Bakit ngayon pa ang kasagkasagan ng kaguluhan? Bakit napaka-init ng panahon ngayon habang may unos? Bakit sa ganito pang panahon sa ganitong pagkakataon? Bakit nawala sa akin ang karapatang manghingi, ang karapatang umasa sa magagandang bagay? Bakit ngayon pa ipanasawalang-bisa ang mga batas na naglalayong ipatupad ang mga karapatan ko? Bakit? Bakit? BAKIT???

Nakapag-usap kami ng sumakay sa eroplano. Nai-kwento niya na naamoy niya ang lugar na pinuntahan ko. Nai-salaysay niya ang mga pangyayari. Nahiya ako ngunit may dapat ba akong ikahiya? Hindi naman ako ang bida sa kwento niya. Pero malaki ang pangamba kong sumunod ang amoy ko sa kahit anong masamang amoy ng lugar na iyon at baka bumaho rin ang hininga ko tulad ng mga hininga ng ilan sa mga tao roon. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na may maamoy sa akin dahil nalaman ng ibang tao na nakipag-buno ako sa lugar na iyon. Natatakot akong mangyari sa akin ang pagbabagong iniiwasan at kinatatakutan ko. Pero yung kasama kong iyon ay tumutulong upang panatilihin ang bango ko.

Nakita na niya ang hanap niya, ang tangi na lang na gagawin niya ay tanggalin ito sa pagkakabalot sa gift wrapper. Ako kaya? Tila sa putik pa nakatago ang aking hinahanap at hindi sa ilalim ng Christmas tree.

Biglang lumabas ang karamutan at pagiging makasarili sa puso ko dahil naaawa ako sa sarili ko at kinakawawa ko ang sitwasyon ko. Alam ko naman na mali ang ginagawa ko. Pilit naman akong tumitingin sa paligid ko at hindi lang sa sarili ko, at pilit kong inuunawa ang mga pangyayari kahit ako rin ay lubusang nahihirapan. Minsan hindi na nga ako makahinga. Mahirap pero ganito talaga. Pero nabanaag ko sa mismong sarili ko na hindi naman talaga ganon sukdulang pangit ang lugar na ito, hahanapin ko na lang ang maganda rito at hindi ang kung ano ang wala dahil wala akong mahahanap kung ganon.
***
Ang kwentong aking isinalaysay ay hango sa aking malikot na isipan.

Wednesday, April 18, 2007

Blue print

Sinubukan kong mangarap para sa sarili ko para sa college life ko kaso isang malaking pagkabigo ito. Iba pa rin ang nangarap para sa akin at kasalukuyan akong nabubuhay sa pangarap na hindi ko kailanman unang inangkin.

Anim na araw na lang at eksaktong isang taon na nung unang balewalain ko ang sinasabi kong mga pangarap ko. Isinantabi muna ang aking mga pansariling plano, inihain sa akin ang bagong blue print ng buhay ko. Sayang raw kasi ang grade na nakuha ko sa entrance exam, mataas raw ang grade ko kaya dapat yung premium course sa university na papasukan ko ang kunin ko. Nauto naman ako kaya kinuha ko ang BS Accountancy.

Natapos ang isang buong academic year na pilit kong minamahal ang Accountancy. Pilit kong bine-brainwash ang sarili ko na mahal ko iyon na iyon ang ginusto ko. Sa bagay binigyan nila ako ng kalayaan pumili ng gusto ko kaso pinipilit pa rin nila sa akin kung ano ang gusto nila.

Binalak kong mag-shift ng course pero sinira ko ang una kong plano. Napaka-irrational man nang dahilan ko pero ang nagpabago sa isip ko na huwag na lang mag-shift ay ayaw kong maging irregular student, ayaw ko ng mga mahahabang pagproseso sa papers ko at hindi ko rin alam kung paano ilalagay sa resumé ko ang paglipat ko ng course. Parang sinuntok ang puso ko noong sinabihan ako ni mommy na mag-shift ako sa IT o Computer Science. Isa kasi siya sa nagpilit sa akin, pero ang sabi ko ayaw ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako ng mga sandaling iyon.

Hindi lahat ng taong nangangarap may nararating pero kailangang-kailangan mo ng kahit isa mang pangarap para may makamit ka sa buhay mo. Ang pangarap mo ang blue print ng buhay mo. Kailangan may plano kang susundin hindi pwedeng wala.

***

Monday, April 16, 2007

Sa mall

Balak kong umuwi agad nung nagpunta kami ng Sta. Lucia pero hindi nangyari, eh. Naggala pa kami ni ate.

Abenson
Nag-canvass kami ng magagandang TV. Wala lang… Nag-canvass lang kami kahit hindi talaga bibili. Tapos biglang dumiretso si ate si keyboards' area at pinapatugtog sa akin yung “The Entertainer” pero hindi ko naman ginawa. Ayan na. Nagtanong na si ate tungkol sa keyboards tapos nag-uusap na sila. Aba! Si ate biglang naging taga-Libis at isang nagpapatayo ng isang restaurant. Malapit na magdugo ang ilong ko at ubos na rin ang attention span ko. Sinubukan ko na lang tumugtog pero wala akong marinig! Hmf… Naka-touch response pala kasi yung keyboard nila dun.

Roller coaster
Nag-roller coaster kami ni ate tapos nagkuhaan pa kami ng picture habang nasa ride kami. Abnormal nga kami. Mukha kaming mga turistang walang alam sa mundo.

Train
Sumakay kami sa horror train. Napapa-isip nga kami kung nakakatakot na yun ngayon. Dati kasi hindi naman kami natakot. Ayan! Mukha naman atang nakakatakot kasi yung mga naunang sumakay sa amin eh sigawan nang sigawan tapos meron pang naiiyak. Ayan. Turn na namin. Hinihintay ko ng matakot ako. Hintay… Hintay… Hintay… Wala namang nangyari. Yung isang nagbalak manakot sa amin eh sinabihan ko lang ng “Apir tayo” eh nilayasan na ako tapos yung isa naman kukuhaan namin ng picture eh nilayasan din kami. Yung mga kasama namin sa tren parang mapuputulan na ng vocal chords kung maka-sigaw… Nagkakalampagan pa nga, eh. In the end, nagtatawanan lang kami ni ate habang nanghihinayang kasi hindi kami nakakuha ng magandang picture.

Shawarlet… Shawarmalet… Shawarma na lang
Na-miss ko ang shawarma. Mmm… Ang sarap. Bumili kami ni ate pero pero yung mini version lang.

Bicho-bicho
Ang sarap talaga ng confectioner’s sugar kaso ang sakit sa ngipin. Marinig ko lang feeling ko nangingilo na yung pagitan ng mga ngipin ko.

Tinapay
Bumili kami ni ate ng pesto bread at garlic bread. Este, ako lang pala yung bumili ng garlic bread dahil ayaw na ayaw niya ng garlic. Ang sarap pa naman nung garlic bread. Hindi ko naman naramdaman na nakakain na ako ng garlic kahit meron nga akong nakitang garlic sa tinapay ko.

California Maki
Diretso kaming Tokyo Tokyo. Sabi ni ate California Maki raw ang bilin ko so eto naman ako nagpa-uto. Masarap naman kahit yung nalasahan ko lang eh yung kanin at yung mangga… Nadurog pa yung isa nung sinawsaw ko sa Worcestershire sauce. Sinubukan ko rin lagyan ng wasabe kaso hindi ko matiis. Nung dumampi na sa dila ko feeling ko merong karayom na tumusok. Inom agad ako, eh. Ayun. Nabusog naman ako sa kinain ko. First time ko rin mag-chopsticks ng hindi nasa bahay. Ang sarap talaga ng red tea nila. Ü

Cabalen
Sayang yung eat-all-you-can ng merienda sa Cabalen… Php95 per person tapos buffet na ng merienda…masnapili ko pa ang ibang pagkain. Siguro dpat nag-buffet na lang kami… Parang may nakita kasi akong palitaw, eh tapos gusto ko rin kumain nun nung araw nay un.

Sine
Nagyaya si ate manood ng sine pero hindi kami natuloy kasi wala na sa budget namin. Php100-120 ang sine doon at naisip ko pa na manood na lang ng IndiSine sa Galleria kasi mura talaga yun tapos nasuportahan ko pa ang indie films.

Hay!
Umuwi na kami. Inabot na kami ng gabi sa daan ni ate. Pagod na rin kami sa kakaikot. Hindi man lang namin nakita ang Hale na guest sa Sta. Lucia. Nakita naman namin si Faith Cuneta sa BigR Metro East. Wahaha. Wala lang. Gusto ko lang sila makita sa personal.

Tuesday, April 10, 2007

Truth

Truth hurts when you cease accepting it.
Truth is something that always haunts us.
Truth is the simplest reason you can think of.

Our class cards in Marketing are being held by our prof. She scolded us about what had happened. She really got angry when our student instructor still pushed through with the outing to Pansol, Laguna. I was looking straight to her eyes when she was scolding us because I just love the feeling of looking straight to someone’s eyes during those kinds of situations and she looked straight to my eyes also.

I really want to tell what had really happened when she was talking to (or scolding) us (me and Vera) just for the sake of clearing things out. There is no time for lying now and lying was not even in the list of my options.

Vera explained to our prof that that outing is for camaraderie purposes which only involve us and our student instructor. She still got angry. She has every human right in the world to get angry. We lied to her. Okay! I am including myself because my former school taught me a saying, “A member’s mistake is a group mistake.” And we are a group… Our lies just squeezed us in into more tightly packed container that has the higher possibility for great explosions.

Okay… It already happened and we cannot undo what had happened and correct what we did. All we can do now is to patch things up and find the best remedy for that and that is…the truth…the whole truth and nothing but the truth. Blaming one another is a very time-consuming event that should not happen.

We were contacting our student instructor but unfortunately we were not able to talk to him. He must help us get out with this situation for he is also the one who helped us get into this.

Sunday, April 08, 2007

Anatomy of a Game

Kung dumaan ka sa tradisyunal na pagkabata tulad ko malamang na alam mo ang kantang ito…

“Jack en Poy hale-hale hoy sinong matalo siyang unggoy…”

For the record ay wala pa namang napapatunayan na genuine na unggoy siya dahil naglaro siya at natalo sa Jack en Poy.

Siguro dahil sa haba ng kanta eh hindi masyadong ginagamit ang kantang ‘yan… Well… Nung bata kasi ako hindi ako masyadong “in” sa paggamit ng kantang ‘yan… Mas trip namin gamitin ang

“Bato bato pick…”

Ayan! Kahit ata sinong Pilipino na dumaan ang kabataan dito sa Pilipinas alam ang game na ‘yan pati ang rules at mechanics… Mas simple nga naman kasi kantahin at masmabilis ang game…

Ano nga ba ang “Bato bato pick?”

Ito ay:
>Pastime ng mga magboyfriend na nagpapaka-isip bata
>Ang ginagamit upang malaman kung sino ang una sa isang laro
>Gumagamit ng papel, gunting at bato bilang mga simbolo… Minsan nagsasama pa ang mga bata ng pako, ulan, kidlat (na surely ay talo ang lahat ng nabanggit) at kahit anong maisip nila na pwedeng gawin sa mga daliri nila…
>Meron din ditong black magic. Ito yung pandaraya kung saan hinihintay mo munang maunang tumira yung kalaban mo tapos tsaka ka titira ng ikakatalo nung kalaban mo. Uhm… Gets ba? Hindi ako magaling mag-explain, eh
>Karaniwang up to 5 o 10 lang ang labanan dito kasi mahirap nang bilangin kapag masmalaking numero at kung magde-dare kayo na maglaro ng up to 100 eh kailangan mo na ng assistant taga-bilang
>May masmaikling version nito kung saan ang salitang “pick” lang ang gagamitin mo

Hmmm… Bigla lang sumagi sa utak ko na pag-usapan ang larong ito…

Ilang araw na rin kasi kaming nagtatalo ni ate kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan at lagi akong talo kasi “bato bato pick” ang laro namin. Hirap na hirap na akong mag-isip ng teknik para matalo si ate. Minsan nga naisip ko kung sino manalo siya ang maghuhugas kasi siya naman ang laging panalo… Akala ko panahon ko na ‘yon para hindi makapaghugas ng pinagkainan… Pero… For the first time in this year! Ako ang nanalo sa amin! URGH! Lagi na lang… Pero ako na naman ang naghugas ng pinagkainan… Hayst!

Ayon sa aking obserbasyon hindi pa nagbabago ang “bato bato pick.” Isang classic na laro na nga iyon. Galing naman ng nag-imbento nun. Sino kaya siya? At kailan kaya nagsimula ang larong ‘yon? Hmmm???

Tuesday, March 27, 2007

Question and answer...

Psychoanalyze Yourself.
Fill in your answers and then scroll for the meaning behind it. Don't mess up the fun, do the answers first.

1. You are not alone. You are walking in the woods. Who are you walking with?
> My sister

2. You are walking in the woods. You see an animal. What kind of animal is it?
> It is a dog

3. What interaction takes place between you and the animal?
> Nothing… I just look at the dog…

4.You walk deeper in the woods. You enter a clearing with your dream home that looks like...
> Very modern… Very beautiful and artistically made… It’s a three-floor house where I can run freely inside…

5. Is your dream house surrounded by a fence?
> Yes

6.You enter the house. You walk in to the dining room and see..
> Big and grand table with food and drinks… Piyesta na ‘to!

7. You exit the house through the back door. Lying in the grass is a cup. What material is the cup made of?
> Glass... Crystal...

8.What do you do with the cup?
> Look at it… If it’s mine then I would probably pick it up

9.You walk to the edge of the property where you find yourself standing at the edge of a body of water. What type of body of water is it?
> Something smaller than the sea… A lake maybe… I don’t like to build my house on sand as base…

10. How will you cross the water?
> By a liner! Haha! Lake lang, eh! By yacht maybe… Hehe…

What the answers mean:
1. The person who you are walking in the woods with is the most important person in your life.

2. The size of the animal is representative of your perception of the size of your problems in your life.

3. The severity of the interaction you have with the animal is representative of how you deal with your problems.

4. The size of your dream home is representative of the size of your ambition to solve your problems.

5. NO fence is indicative of an open personality. People are welcome at all times.
The presence of a fence indicates a closed personality. You'd prefer people not to drop by unannounced.

6. If your answer did NOT include food, flowers, or people, then you are generally unhappy.

7. The durability of the material with the cup is made of is representative of the perceived durability of your relationship with the person you named in #1.

8. Your disposition of the cup is representative of your attitude toward person in #1.

9. The size of the body of water is representative of the size of your sexual desire.

10. How wet you get in crossing the water is indicative of the relative importance of your sex life.

Monday, March 12, 2007

I get older and older everyday… Today I get…much older…

I am 17 years old now. Goodbye sweet 16…

I wanted to be discreet about my birthday and I even just told few people about it since my college life started.
I have never wanted to celebrate my birthday annually since I get older everyday.
I almost got late this morning… Nah… Our Humanities prof arrives later. I entered our room and was surprised. My classmates greeted me a happy birthday. My eyes became wetter and wetter that I almost cried.

To Jeffrey and Zino… Zino and Jeffrey… And to everyone reading this…
Then I saw, a white candle lighted on the upper-right corner of my supposedly old wooden chair. Well… I thought there’s a wake. It stands together with two cupcakes (I think) and our Marketing module lies above a note. Well… It was a birthday note written on a 6-column journal. I let my eyes wander through our white painted room. I was looking for Vera, Zino or Jep. No one… I saw none of them. I just saw the green translucent envelope of Vera (I think). I cannot believe my eyes. Then, I sat. I saw Zino outside our room. I almost wanted to cry. My eyes were filled with tears that my sight became blurry. I have never expected this from them…from the two of them to be exact. They always pick on me. This is to both of you… I really appreciated what you’ve done. It shows, doesn’t it?

To Vera… To Vhe… And to everyone reading this…
My first sincere embrace was with you (excluding embraces with my mom), Vera. I just like the feeling knowing that you are there. You have given me too much. Thank you… I am really glad I knew you. I can still remember the day I first met you and your big Pooh bag. I can still remember how I liked your name. Oh… I want to express my most earnest appreciation for what you have given me.

To Jeffrey, Vera and Zino… Vera, Zino and Jeffrey… Zino, Jeffrey and Vera…
I love the three of you. You are special to me. I really have had a hard time finding you. I even told my sister that I was finding no friends. Why should I search beside me if what I am searching for is in front of me? I was really wrong. Who could dip his finger into my drink? Who heard my stories twice or even thrice? Who could teach me how to love standing? Who could teach me how to embrace sincerely? Who taught me to love sudoku? Who taught me to look up every conversation? Who helped me understand life more? Who… who… who… The answers are the three of you. Hehe…

Sobrang natuwa talaga ako kanina. Tears of joy yung naranasan ko. Hindi ko na maipaliwanag yung sayang naramdaman ko kanina. Basta. Naging iba talaga yung birthday ko ngayon dahil sa inyo… Ibang-iba talaga, promise… Kahit walang birthday cake, walang birthday song, kahit walang birthday candle, kahit wala pa man ng kung anumang may birthday eh… Masaya talaga ako… Akin na lang yung kandila… Gagamitin ko kapag brown-out sa amin. Hehe! Joks lang…
***
Yey! 1ooth post ko na ito... Mabuhay!

Wednesday, February 28, 2007

Of Rhymes and Poems (and of wrong grammar)

Do you know I rhymed for you?
Delight me that you did, too
Listen to me, listen to me now
I endeavor to tell how things how

Hasty dealings happen did
Goodbyes I have tried to bid
I believed all is a fallacy
Almost believed what I did not see

Awaken one day I knew
That my battle is with you
Everything has been over the air
There been pain and ache I cannot bare

You see what I cannot see
I am me so let me be
My life is then at my discretion
My life is an owned obligation

Time pacified our uproar
In life there is of great more
Let us sort it as an experience
Experience by us and the heavens

I think, to end this talk must be now
There is next time, I believe somehow
This moment I use to seize
These verses I am to cease

Saturday, February 17, 2007

Of Time, Pain and Pleasure

Time is an abstract idea created by men to measure how long they will suffer pain and experience pleasure. It is a murderer for which it planned to kill everything. It is an ally for which it gives space for the existing. There is no much assurance that time will still be there later for the living but there is always eternity for those who lived.

“There is no one who loves pain itself, who seeks after it and wants to have it, simply because it is pain…” – Lorem Ipsum

The idea of pleasure began when the idea of pain started. It all happened in time. Please let me know that there is more to time than being time itself.

***
These are little thoughts from me. I am not very sensible all the time. I can speak nonsense and ambiguity. I, also, want to take this space to thank the people who, at least, made me feel I am sensible even though I am intellectually confusing at times.

PS
I have written this because of much pain I cannot feel and of much pleasure I cannot experience. Well… There is time for everything. Let time take its course into my life.

Wednesday, February 14, 2007

Hearts' Day

Ü
Ok! Today is Hearts’ Day more, better and popularly known as Valentine’s Day.

I was planning to wear my red shirt with the statement, “Intimacy is Dead,” but I might look like very loveless when I do that. Medyo iba ang dating ng araw na ito sa akin… Siguro dahil hindi ako sanay pumasok ng 7:30 am.

Wala naman masyadong espesyal na nangyari ngayong araw. Uhm… Maliban na lang siguro nung pa-lunch time na.

Birthday ni Jep ngayon! Nyihi! Akala ko kakain kami sa Jollibee ayun pala eh sa Chowking. Salo-salo Sets ang kinain namin. Hindi ko alam yung tawag sa mga pagkain… Uhm… Iilan lang yung kaya kong i-identify at ayun ang chickenballs, shanghai rolls, soup, chicharap at syempre ang kanin.

Medyo nahirapan akong kumain kasi yung isa naming ulam eh yung malalaking tipak ng karne. Halos hindi ko na nga nguyain. Kanin na lang nginunguya ko. T_T Naka-braces kasi ako kaya yung meat eh sumasabit sa mga bakal na naka-semento sa ngipin ko.

Wow! Inubos ko ang food ko! As in hanggang taba kinain ko at pati yung soup hinigop ko. Pero wala pa rin ako sa kinain nina Victor at Zino!

Chicharap + Chili sauce + Sweet and sour sauce = Kakaibang lasa
Chicharap + Calamansi + Lettuce + Toyo = Maasim na mukha
Chicharap + Chili sauce + isa pang unknown na sauce + sweet and sour sauce = YIH! Ano yun!

Basta! Weird sila kumain! Nawiwindang ako sa kinakain nila. Hehe! Pero masaya kanina.

Ayan! Pauwi na kami! Si Jep na lang ang kasama ko. Ok! Akala tuloy eh mag-boyfriend at girlfriend kami. Naharang pa kami ng isang flower vendor na pilit kaming binebentahan. Tsk tsk. Basta… ang masasabi ko lang ngayon ay…

Happy Valentine’s Day!
Happy Birthday Jeffrey!

Tuesday, February 13, 2007

Teachers' Day

Today is PUP’s teachers’ day… I believe so…

I do not know if we gave some flowers to our English prof… We were just busy playing word factory at that time.

Ok! Accounting time! Ma’am Pilapil came… I think she was in a red blouse.
She entered the room and sat behind the table. The music started and we began singing. We gave flowers and lots of tokens of appreciation. She cried. We cried. I cried. She said we are going to finish the semester and she’s expecting us to be accountants some day. She said she will live up to 5 – 10 years. She still cried. We still cried. I still cried.

She has breast cancer. Her other breast was removed but the cancer cells spread onto the other one and even affected her bones (as what the other prof has said). I can feel her pain. I can feel her weakening spirit. Her droopy eyes are able to tell the story of her constant struggle for life. T_T

Now I understand why she has a hard time teaching and explaining things to us, why she keeps on saying she’s disabled, and why she keeps on reminding us to pamper her.

I cried when I saw her cry.
I hope she gets those cancer cells off her body.
Hay…
Let’s pray for her and all the other cancer patients in the world.

Monday, February 12, 2007

Having to Like Kids

Having to like children is a matter of loving your childhood.

I do not know why but I can hardly enjoy children’s company. Maybe they think superficially, ask excessively or act intuitively… Or maybe all of the three.

I got very angry this yesterday. Reason? Kids! Kids! Maddening kids to be exact!
I was taking a bath when I heard a glass break. I rushed to see what happened. Ok! A flying bottle of Red Bull hit our window and smashed it into pieces. I looked at the broken window, paused for a second and yelled, “ANO BA KAYO?! NAKAKABASAG NA KAYO, AH!” My aunt, mom and sister went to see and talk to the one who did the throwing.

I rushed to my sister’s room to see who did it. I saw three infuriating kids throwing stones to the house beside ours. That did it! I shouted at them. My hands are shaking, breathing is hard and my chest is hurting.

A kid in pink shirt told me that those irritating kids are hiding. I shouted, “PAKI KO?!” I just thought that there is no way to escape. I rushed to the badminton court where they are. I saw the kids! Those rascals! My eyesight seemed to dim when I did not see the one who told me to kiss his ass. Oh! Add this… He even cursed me… Not verbally… You know… The dirty finger…

Their parents were not there to witness how their children lied in front of me and the other people around. That kid in the white shirt! Kids are not supposed to be liars!!!

My anger cooled off after several minutes. Hay!

Wednesday, January 31, 2007

Incessant Change of the Salient Being

Ok! People change.

You are not them. You are not supposed to be like them. You are supposed to be like you and what you like to be. Live your life at your own pace. Do not hurry but never be too slow.

It took me much effort because of you and me.
You: I am referring to the persons, whoever you are, who made me think poetically.
Me: The best person I have.

Do not judge me solely from what you could only read. I am no poem to be read.

Saturday, January 13, 2007

“Today: You will be 64% lucky and 36% unlucky”

Horoscopes… Fortunetelling… They will tell about your fortune or misfortune.

I enjoy reading Libre’s horoscopes because they are, most of the time, funny… e.g. Maglaba ka na ng damit dahil mawawalan kayo ng tubig mamaya. Some times they are little pieces of advice that you would really like to take seriously. e.g. Ingatan mo ang wallet mo baka madukutan ka.

There’s nothing wrong in reading or hearing them but relying on them is off beam. It’s only YOU that will make your fortune and mishaps.

A fortuneteller told someone that she’s going to live long (up to her 90s I think) but, sadly, few days after that she passed away. May she rest in eternal peace. Another one… A fortuneteller told a girl that her boyfriend loves her more than she does but few weeks/several days after that they broke up and the guy reconciled with his ex-girlfriend. Those fortunetellers are a fake! Nah… Fortunetelling is not a sanctuary of the definite. It is the refuge for those who wants to get off the beaten track. You go to a fortuneteller to hear how lucky you will be this day, this week, this month or this year. It’s such a nice thing to hear how fortunate you will become, isn't it? That's why fortunetellers are existing.

Some believe that your fortune is in your hands… Take that literally. Palm readers take much effort to give meaning to those lines in your hands. What if you don’t have a hand? Or your hand got amputated? Do they also read the palm of your feet? Do they give meaning to those corns on your toes and feet?

Let’s just wait for the first fortuneteller that will tell your LUCK-UNLUCKY PERCENTAGE. Is there already one?

Saturday, January 06, 2007

Making art...

Our Humanities professor told us to create our own work of art. OK! That would pose as a challenge for an artistically perplexed person like me. It has been already half a day that I have been thinking about my assignment and what to draw. Originally, I have decided to use charcoal pencil but that would smudge easily so I dumped that idea and made use of permanent marker.

Subjects started to flood my head but I found it hard to turn them into pictures because I can only feel them and not imagine them. I wanted to draw my everyday life which includes LRT2, jeepneys, roads, books and my sister. Hayst! When I found out that I could never turn them into nice art I tried thinking about what people usually do, what we usually have in common, what we… Wah! It’s so hard…

I tried to draw life and death because I am fascinated with the idea that life is uncertain unlike death. Unfortunately, I failed to draw them. They just remain ideas. Hayst! I even thought of having to pass a blank illustration board.

It’s just this afternoon when I have produced something that really pleased me. I drew outlines of walking people’s feet.



The picture is quite blurred and dark...


I asked my aunt about my drawing and she thinks that it is about different walks of life… Well... WHY NOT?! But it is about traveling. Everyone travels even if you just sit around or lie down. You, together with everyone else, travel in time and in space. I really felt good after I finished my work. At last… At last…