Saturday, April 28, 2007

Blog... Blog... Blog...

Pagpasensyahan niyo na muna… Nasa gitna ng kaguluhan ang blog ko. Hindi alam ng blog ko kung saan siya pupunta ngayon. Nagka-amnesia rin siya at hindi niya alam ang kanyang pangalan. Hindi rin niya alam ang kanyang pagkakakilanlan. Kasalukuyan ko siyang hinahanapan ng bagong identity.

Hindi man fresh ang look dahil sa mahigit isang taon ko ng gamit ang layout ko, gusto kong iperme ang pagka-blog ng blog ko sa isang bagay na makukuntento ako.

Mukhang nahahanap ko na ngayon Hindi ko na gustong baguhin ang address ko. Tama na ‘yan. Masyado nang perwisyo sa mga nag-link sa akin kung babaguhin ko pa. Nakakahiya na ngang ipabago, eh. Pang-apat na beses ko nang binago ang blog address ko at promise hindi ko na babaguhin. PROMISE!

Kung may mangyayari mang kakaiba sa akin ay ayun ang nag-transform na ako bilang isang full-time superhero. Este… Baka gumawa lang ako ng bagong blog na tipong ayaw kong gawin dahil masyado na akong busy sa pagiging tagapag-ligtas ko.

Blog Wish List:
New Layout
Drop-down box for Archives and Links
Bagong quotable quote
Maayos ko na ‘to ASAP

Ano pa ba? Uhm… Ayun muna. Sana mag-tino na ang blog ko.

Friday, April 27, 2007

Do not leave your valuables unattended

Sa totoo lang walang konek ang title sa post na ‘to. Tulad lang ‘yan ng pagpangalan sa blog ko. Bakit nga ba “A Traveler’s Soliloquies?” Maliban sa gusto ko laging maalala ang tamang spelling ng salitang “traveler” (Tsk! Mali pa yung una kong spelling) eh hindi rin ako mahilig gumala. Huwag nang basahin ulit. Hindi nga ako mahilig gumala dahil naniniwala akong gastos lang ‘yon pero gusto kong pumunta sa ibang lugar. Watda! Nonsense na ‘to…

Hindi ako isang henyo sa mga lugar. Madali akong mataranta kapag hindi ko na alam ang kinalalagyan ko. Ayokong maligaw kasi may isang kotong officer lang ang manghuhuli sa akin at masusuhulan ng singkwenta pesos. Este! Back to business tayo. Uhm… Pero nangyari talaga sa amin yun nung naligaw kami sa Marikina.

Marunong akong mag-bike at lampa ako sa roller blades. Hanggang bike lang ang powers ko. Dati pinapatakbo ko pa nang super bilis yung bike ko at nagfi-feeling akong isang super hero na lumilipad kasama ang aking bike na DragonBall Z pa ang design. (ET na yata yung scene na yun)

Ang pinakamalayo nang napuntahan ko ay Baguio. Tama! Baguio… Susunod doon ang Zambales na probinsya naman namin. Ayokong pumunta sa Baguio dahil ang haba ng biyahe! Nakahiga lang ako lagi sa sasakyan namin at nagmumuni-muni kung nasan na ba kami. *Pangasinan pa lang? Oh, sige! Manaoag break muna tayo!*

Gusto ko nang magkaroon nang passport. As in, now na! Uhmf… Demanding… Gusto kong pumunta ng ibang bansa sakay sa isang eroplano. *swoosh* Pero takot ako sa airplane kasi baka bumagsak ito tapos itapon na lang ako sa isang isla na ako lang mag-isa tapos gagawa ako ng isang volleyball friend na may pangalang “Wilson.” Wah! Don’t want to think of it! Nakakakilabot. Baka mag-breakdown ako agad kapag nangyari yun.

Serious mode:
Ang sinasabi kong paglalakbay ay ang paglalakbay sa panahon, sa oras, sa time (OK! In-english ko lang). Lahat naman tayo naglalakbay sa oras at mali ka kung ang iniisip mo ay isa akong super genius na gumawa ako ng Time Machine. Ayun lang. Wahahaha!

More serious mode:
*isip isip*

Most serious mode:
Gusto kong maging immortal! MWEHEHEHEHEHE! It’s a lie. (Dapat serious pa rin). Ayoko nga maging immortal. Gusto ko ma-experience ang heaven. Teka… Sa heaven ba makakapaglakbay pa rin ako tulad ng sinasabi kong paglalakbay sa panahon? *swoosh* Parang heaven ang point of destination ko, noh! Parang ang bait ko. Ehem! No effect! Hindi pa rin ako seryoso.

***

Thursday, April 26, 2007

Trabaho kayo d'yan

Ok! Get set. Ready. Go!

Maraming Pinoy ang unemployed at underemployed. Pero sabi nga sa akin, “Maraming trabaho sa Pilipinas. Hindi nga nauubusan ng trabaho kaso nga lang hindi qualified ang applicant kaya hindi sila matanggap.”

Sa bagay… Mag-a-apply ka nga sa call center tapos kung ang English mo naman eh ganito, “Gud apternun.” Eh aba! Rejected ka na raw agad.

Si Lola Cela namin rejected sa isang radio station company dahil sa kanyang… Dandananandanan! HEIGHT! Kapos siya sa height. Less than 5 feet tall siya kaya rejected ang lola ko. Hindi ko ma-gets! Malalaman ba ng tao na ganito ang height ng nagsasalita. No idea nga ako sa height ni Nicole-hiyala at ni Chris-tsuper kahit lagi ko silang naririnig sa radio!

Meron namang company na masnagha-hire lang ng magagandang call center agents. Isa pa ‘to! Parang malalaman kong maganda o gwapo yung kausap ko, ah. Matatanggap ko pa kung naghahanap sila ng pang-model na receptionist. Diskriminasyon na ‘to! Tsk tsk!

Meron ding mga kumpanya na pinag-i-skirt ang applicants. Tsk! Hindi nag-apply si ate dito kasi ayaw niyang mag-palda.

May success story naman tayo rito. May isang kargador turned supervisor ng mga kargador na na-promote ng na-promote hanggang maging president ng kumpanya. Huwaw! Parang ang haba ng kwento, eh noh!

Meron namang baliktad na situation. May classified ad na, “I am looking for a _____ job. Contact me at _____.” Success naman yata siya at nagtext ulit sa Xpress na nagpapasalamat siya kasi nakakuha siya ng trabaho.

Hindi naman ako hustler sa paghahanap ng trabaho. Naku-kwentuhan lang ako at yung iba nakikita ko. Alam kong mahirap maghanap ng trabahong mamahalin ka at trabahong mamahalin mo. Hindi na rin ako nakapag-hanap ng summer job ko. HUHU! Sabi ko pa naman last year makakahanap ako ngayon. Nag-apply naman ako kaso walang trabaho ngayon sa inapplyan ko. Uhm… Basta ganon!

Pwede niyo akong i-hire kahit minimum salary ko! Hehe! Joke lang.

***

PS

Belated Happy Birthday kay Zino! Ü April 24 ang birthday niya.

Saturday, April 21, 2007

Ang araw na nagkulang nang pamasahe ang manlalakbay

Isang gabi at isang umaga. Bago pa man din ako antukin ay biglang sumagi sa aking utak ang araw na nagkulang ako nang pamasahe, ang mga nangyari at ang mga naisip ko.

Kulang ang pamasahe ko. Sa katunayan ay kaunti lang ang hiningi kong pamasahe dahil alam kong wala nang maibibigay sa akin dahil ang isa pang maghahanap ay binigyan ng tiket sa Lufthansa. Kaya ako hanggang jeep lang. Doon ay mayroong stewardess at sa sasakyan ko ay mayroon namang barker.

Pinara ko ang Fx na dumating ngunit hindi ako hinintuan. May dumating na taxi at pinara ko at sabay sakay. Bago pa man malaman ng driver na nakiki-angkas lang ako ay walang anu-ano na pinahinto ko ang sasakyan, bumaba at nagpanggap na walang nangyari. Tinanaw ko ang taxi na aking sinakyan. Nanghihinayang ako. Mabilis naman akong nakahanap ng panibagong sasakyan, ang jeep, pero ang problema ay puno ito. Nakipag-siksikan ako. Ayoko man sa mainit at masikip ay pilit ko pa rin hinanapan ng pwesto ang sarili ko. Tumingin ako sa labas ng sasakyan na aking lulan at tinanaw ang nanlilimahid na anyo ng bagong-lumang kaisipan, parang pagkain na laging nire-reheat. Nakarating na ako sa aking patutunguhan. Hindi na ako nagulat nung nadatnan kong marumi ang lugar na aking pinuntahan dahil inihanda ko na ang aking murang kaisipan sa ganitong kalalang tanawin. Masikip din doon ngunit wala akong magagawa dahil hanggang doon lang ang abot ng aking dalang pamasahe.

Dito sa lugar na ito pilit kong hahanapin ang gusto kong makita. Dito ay mainit, masikip, may ilang lugar na mabaho at may ilang lugar na masangsang. Dito sa lugar na ito ako naitapon ng kakarampot kong pamasahe at dito ko rin isiniksik ang sarili ko. Ngayon ay napag-isip-isip ko na dumarating sa buhay ng tao na ginusto niya ang isang bagay na alam naman niyang ayaw niya. Hindi ko nga malaman kung makakaalis pa ako na nakakabit pa rin sa akin ang aking ulo, kung makakaalis ako ng walang pilay o pasa, kung hindi ba kakapit sa akin ang kahit anong masamang amoy ng lugar na ito, at kung makalalabas ba ako rito na yakap-yakap na ang hinahanap ko.

Samu’t saring tao ang nakita ko. Ang karamihan sa kanila ay iba ang pananalita sa akin ngunit kahit ano pa man ay lubusan kong nawawari ang nais nilang ipakahulugan. Pero ayaw kong matutunan ang kanilang pananalita dahil ito ay mabaho sa hininga. May iilan din na parang nagsasayaw kung kumilos ngunit may iilan na parang nagwawala, ako naman ay nawawala na yata ngunit nagpapanggap na alam ko pa rin kung nasaan ako.

Napapatanong na tuloy ako kung tama bang kakarampot na pamasahe lang ang hiningi ko kung ang kasabay ko ay nakayanang bigyan ng pamasahe sa eroplano. Bakit ako hindi hinintuan ng Fx na pinara ko? Bakit ako bumaba sa taxi na lulan ako? Pero pilit na bumabalik sa akin ang tanong, “Bakit ayon lang ang hiningi kong pamasahe?” Dapat ko pa rin unawain, nauna sa akin ang sumakay sa eroplano at ayon na lamang ang kanyang mapag-pipilian na sasakyan. Pero…pero…bakit ngayon pa naimbento ang kaisipan ng jeep? Bakit sa akin pa natapat ang pagka-uso ng mga amoy ng kabahuan at kasangsangan? Bakit ngayon pa ang kasagkasagan ng kaguluhan? Bakit napaka-init ng panahon ngayon habang may unos? Bakit sa ganito pang panahon sa ganitong pagkakataon? Bakit nawala sa akin ang karapatang manghingi, ang karapatang umasa sa magagandang bagay? Bakit ngayon pa ipanasawalang-bisa ang mga batas na naglalayong ipatupad ang mga karapatan ko? Bakit? Bakit? BAKIT???

Nakapag-usap kami ng sumakay sa eroplano. Nai-kwento niya na naamoy niya ang lugar na pinuntahan ko. Nai-salaysay niya ang mga pangyayari. Nahiya ako ngunit may dapat ba akong ikahiya? Hindi naman ako ang bida sa kwento niya. Pero malaki ang pangamba kong sumunod ang amoy ko sa kahit anong masamang amoy ng lugar na iyon at baka bumaho rin ang hininga ko tulad ng mga hininga ng ilan sa mga tao roon. Ngunit hindi pa rin maiiwasan na may maamoy sa akin dahil nalaman ng ibang tao na nakipag-buno ako sa lugar na iyon. Natatakot akong mangyari sa akin ang pagbabagong iniiwasan at kinatatakutan ko. Pero yung kasama kong iyon ay tumutulong upang panatilihin ang bango ko.

Nakita na niya ang hanap niya, ang tangi na lang na gagawin niya ay tanggalin ito sa pagkakabalot sa gift wrapper. Ako kaya? Tila sa putik pa nakatago ang aking hinahanap at hindi sa ilalim ng Christmas tree.

Biglang lumabas ang karamutan at pagiging makasarili sa puso ko dahil naaawa ako sa sarili ko at kinakawawa ko ang sitwasyon ko. Alam ko naman na mali ang ginagawa ko. Pilit naman akong tumitingin sa paligid ko at hindi lang sa sarili ko, at pilit kong inuunawa ang mga pangyayari kahit ako rin ay lubusang nahihirapan. Minsan hindi na nga ako makahinga. Mahirap pero ganito talaga. Pero nabanaag ko sa mismong sarili ko na hindi naman talaga ganon sukdulang pangit ang lugar na ito, hahanapin ko na lang ang maganda rito at hindi ang kung ano ang wala dahil wala akong mahahanap kung ganon.
***
Ang kwentong aking isinalaysay ay hango sa aking malikot na isipan.

Wednesday, April 18, 2007

Blue print

Sinubukan kong mangarap para sa sarili ko para sa college life ko kaso isang malaking pagkabigo ito. Iba pa rin ang nangarap para sa akin at kasalukuyan akong nabubuhay sa pangarap na hindi ko kailanman unang inangkin.

Anim na araw na lang at eksaktong isang taon na nung unang balewalain ko ang sinasabi kong mga pangarap ko. Isinantabi muna ang aking mga pansariling plano, inihain sa akin ang bagong blue print ng buhay ko. Sayang raw kasi ang grade na nakuha ko sa entrance exam, mataas raw ang grade ko kaya dapat yung premium course sa university na papasukan ko ang kunin ko. Nauto naman ako kaya kinuha ko ang BS Accountancy.

Natapos ang isang buong academic year na pilit kong minamahal ang Accountancy. Pilit kong bine-brainwash ang sarili ko na mahal ko iyon na iyon ang ginusto ko. Sa bagay binigyan nila ako ng kalayaan pumili ng gusto ko kaso pinipilit pa rin nila sa akin kung ano ang gusto nila.

Binalak kong mag-shift ng course pero sinira ko ang una kong plano. Napaka-irrational man nang dahilan ko pero ang nagpabago sa isip ko na huwag na lang mag-shift ay ayaw kong maging irregular student, ayaw ko ng mga mahahabang pagproseso sa papers ko at hindi ko rin alam kung paano ilalagay sa resumé ko ang paglipat ko ng course. Parang sinuntok ang puso ko noong sinabihan ako ni mommy na mag-shift ako sa IT o Computer Science. Isa kasi siya sa nagpilit sa akin, pero ang sabi ko ayaw ko. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako ng mga sandaling iyon.

Hindi lahat ng taong nangangarap may nararating pero kailangang-kailangan mo ng kahit isa mang pangarap para may makamit ka sa buhay mo. Ang pangarap mo ang blue print ng buhay mo. Kailangan may plano kang susundin hindi pwedeng wala.

***

Monday, April 16, 2007

Sa mall

Balak kong umuwi agad nung nagpunta kami ng Sta. Lucia pero hindi nangyari, eh. Naggala pa kami ni ate.

Abenson
Nag-canvass kami ng magagandang TV. Wala lang… Nag-canvass lang kami kahit hindi talaga bibili. Tapos biglang dumiretso si ate si keyboards' area at pinapatugtog sa akin yung “The Entertainer” pero hindi ko naman ginawa. Ayan na. Nagtanong na si ate tungkol sa keyboards tapos nag-uusap na sila. Aba! Si ate biglang naging taga-Libis at isang nagpapatayo ng isang restaurant. Malapit na magdugo ang ilong ko at ubos na rin ang attention span ko. Sinubukan ko na lang tumugtog pero wala akong marinig! Hmf… Naka-touch response pala kasi yung keyboard nila dun.

Roller coaster
Nag-roller coaster kami ni ate tapos nagkuhaan pa kami ng picture habang nasa ride kami. Abnormal nga kami. Mukha kaming mga turistang walang alam sa mundo.

Train
Sumakay kami sa horror train. Napapa-isip nga kami kung nakakatakot na yun ngayon. Dati kasi hindi naman kami natakot. Ayan! Mukha naman atang nakakatakot kasi yung mga naunang sumakay sa amin eh sigawan nang sigawan tapos meron pang naiiyak. Ayan. Turn na namin. Hinihintay ko ng matakot ako. Hintay… Hintay… Hintay… Wala namang nangyari. Yung isang nagbalak manakot sa amin eh sinabihan ko lang ng “Apir tayo” eh nilayasan na ako tapos yung isa naman kukuhaan namin ng picture eh nilayasan din kami. Yung mga kasama namin sa tren parang mapuputulan na ng vocal chords kung maka-sigaw… Nagkakalampagan pa nga, eh. In the end, nagtatawanan lang kami ni ate habang nanghihinayang kasi hindi kami nakakuha ng magandang picture.

Shawarlet… Shawarmalet… Shawarma na lang
Na-miss ko ang shawarma. Mmm… Ang sarap. Bumili kami ni ate pero pero yung mini version lang.

Bicho-bicho
Ang sarap talaga ng confectioner’s sugar kaso ang sakit sa ngipin. Marinig ko lang feeling ko nangingilo na yung pagitan ng mga ngipin ko.

Tinapay
Bumili kami ni ate ng pesto bread at garlic bread. Este, ako lang pala yung bumili ng garlic bread dahil ayaw na ayaw niya ng garlic. Ang sarap pa naman nung garlic bread. Hindi ko naman naramdaman na nakakain na ako ng garlic kahit meron nga akong nakitang garlic sa tinapay ko.

California Maki
Diretso kaming Tokyo Tokyo. Sabi ni ate California Maki raw ang bilin ko so eto naman ako nagpa-uto. Masarap naman kahit yung nalasahan ko lang eh yung kanin at yung mangga… Nadurog pa yung isa nung sinawsaw ko sa Worcestershire sauce. Sinubukan ko rin lagyan ng wasabe kaso hindi ko matiis. Nung dumampi na sa dila ko feeling ko merong karayom na tumusok. Inom agad ako, eh. Ayun. Nabusog naman ako sa kinain ko. First time ko rin mag-chopsticks ng hindi nasa bahay. Ang sarap talaga ng red tea nila. Ü

Cabalen
Sayang yung eat-all-you-can ng merienda sa Cabalen… Php95 per person tapos buffet na ng merienda…masnapili ko pa ang ibang pagkain. Siguro dpat nag-buffet na lang kami… Parang may nakita kasi akong palitaw, eh tapos gusto ko rin kumain nun nung araw nay un.

Sine
Nagyaya si ate manood ng sine pero hindi kami natuloy kasi wala na sa budget namin. Php100-120 ang sine doon at naisip ko pa na manood na lang ng IndiSine sa Galleria kasi mura talaga yun tapos nasuportahan ko pa ang indie films.

Hay!
Umuwi na kami. Inabot na kami ng gabi sa daan ni ate. Pagod na rin kami sa kakaikot. Hindi man lang namin nakita ang Hale na guest sa Sta. Lucia. Nakita naman namin si Faith Cuneta sa BigR Metro East. Wahaha. Wala lang. Gusto ko lang sila makita sa personal.

Tuesday, April 10, 2007

Truth

Truth hurts when you cease accepting it.
Truth is something that always haunts us.
Truth is the simplest reason you can think of.

Our class cards in Marketing are being held by our prof. She scolded us about what had happened. She really got angry when our student instructor still pushed through with the outing to Pansol, Laguna. I was looking straight to her eyes when she was scolding us because I just love the feeling of looking straight to someone’s eyes during those kinds of situations and she looked straight to my eyes also.

I really want to tell what had really happened when she was talking to (or scolding) us (me and Vera) just for the sake of clearing things out. There is no time for lying now and lying was not even in the list of my options.

Vera explained to our prof that that outing is for camaraderie purposes which only involve us and our student instructor. She still got angry. She has every human right in the world to get angry. We lied to her. Okay! I am including myself because my former school taught me a saying, “A member’s mistake is a group mistake.” And we are a group… Our lies just squeezed us in into more tightly packed container that has the higher possibility for great explosions.

Okay… It already happened and we cannot undo what had happened and correct what we did. All we can do now is to patch things up and find the best remedy for that and that is…the truth…the whole truth and nothing but the truth. Blaming one another is a very time-consuming event that should not happen.

We were contacting our student instructor but unfortunately we were not able to talk to him. He must help us get out with this situation for he is also the one who helped us get into this.

Sunday, April 08, 2007

Anatomy of a Game

Kung dumaan ka sa tradisyunal na pagkabata tulad ko malamang na alam mo ang kantang ito…

“Jack en Poy hale-hale hoy sinong matalo siyang unggoy…”

For the record ay wala pa namang napapatunayan na genuine na unggoy siya dahil naglaro siya at natalo sa Jack en Poy.

Siguro dahil sa haba ng kanta eh hindi masyadong ginagamit ang kantang ‘yan… Well… Nung bata kasi ako hindi ako masyadong “in” sa paggamit ng kantang ‘yan… Mas trip namin gamitin ang

“Bato bato pick…”

Ayan! Kahit ata sinong Pilipino na dumaan ang kabataan dito sa Pilipinas alam ang game na ‘yan pati ang rules at mechanics… Mas simple nga naman kasi kantahin at masmabilis ang game…

Ano nga ba ang “Bato bato pick?”

Ito ay:
>Pastime ng mga magboyfriend na nagpapaka-isip bata
>Ang ginagamit upang malaman kung sino ang una sa isang laro
>Gumagamit ng papel, gunting at bato bilang mga simbolo… Minsan nagsasama pa ang mga bata ng pako, ulan, kidlat (na surely ay talo ang lahat ng nabanggit) at kahit anong maisip nila na pwedeng gawin sa mga daliri nila…
>Meron din ditong black magic. Ito yung pandaraya kung saan hinihintay mo munang maunang tumira yung kalaban mo tapos tsaka ka titira ng ikakatalo nung kalaban mo. Uhm… Gets ba? Hindi ako magaling mag-explain, eh
>Karaniwang up to 5 o 10 lang ang labanan dito kasi mahirap nang bilangin kapag masmalaking numero at kung magde-dare kayo na maglaro ng up to 100 eh kailangan mo na ng assistant taga-bilang
>May masmaikling version nito kung saan ang salitang “pick” lang ang gagamitin mo

Hmmm… Bigla lang sumagi sa utak ko na pag-usapan ang larong ito…

Ilang araw na rin kasi kaming nagtatalo ni ate kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan at lagi akong talo kasi “bato bato pick” ang laro namin. Hirap na hirap na akong mag-isip ng teknik para matalo si ate. Minsan nga naisip ko kung sino manalo siya ang maghuhugas kasi siya naman ang laging panalo… Akala ko panahon ko na ‘yon para hindi makapaghugas ng pinagkainan… Pero… For the first time in this year! Ako ang nanalo sa amin! URGH! Lagi na lang… Pero ako na naman ang naghugas ng pinagkainan… Hayst!

Ayon sa aking obserbasyon hindi pa nagbabago ang “bato bato pick.” Isang classic na laro na nga iyon. Galing naman ng nag-imbento nun. Sino kaya siya? At kailan kaya nagsimula ang larong ‘yon? Hmmm???

Tuesday, March 27, 2007

Question and answer...

Psychoanalyze Yourself.
Fill in your answers and then scroll for the meaning behind it. Don't mess up the fun, do the answers first.

1. You are not alone. You are walking in the woods. Who are you walking with?
> My sister

2. You are walking in the woods. You see an animal. What kind of animal is it?
> It is a dog

3. What interaction takes place between you and the animal?
> Nothing… I just look at the dog…

4.You walk deeper in the woods. You enter a clearing with your dream home that looks like...
> Very modern… Very beautiful and artistically made… It’s a three-floor house where I can run freely inside…

5. Is your dream house surrounded by a fence?
> Yes

6.You enter the house. You walk in to the dining room and see..
> Big and grand table with food and drinks… Piyesta na ‘to!

7. You exit the house through the back door. Lying in the grass is a cup. What material is the cup made of?
> Glass... Crystal...

8.What do you do with the cup?
> Look at it… If it’s mine then I would probably pick it up

9.You walk to the edge of the property where you find yourself standing at the edge of a body of water. What type of body of water is it?
> Something smaller than the sea… A lake maybe… I don’t like to build my house on sand as base…

10. How will you cross the water?
> By a liner! Haha! Lake lang, eh! By yacht maybe… Hehe…

What the answers mean:
1. The person who you are walking in the woods with is the most important person in your life.

2. The size of the animal is representative of your perception of the size of your problems in your life.

3. The severity of the interaction you have with the animal is representative of how you deal with your problems.

4. The size of your dream home is representative of the size of your ambition to solve your problems.

5. NO fence is indicative of an open personality. People are welcome at all times.
The presence of a fence indicates a closed personality. You'd prefer people not to drop by unannounced.

6. If your answer did NOT include food, flowers, or people, then you are generally unhappy.

7. The durability of the material with the cup is made of is representative of the perceived durability of your relationship with the person you named in #1.

8. Your disposition of the cup is representative of your attitude toward person in #1.

9. The size of the body of water is representative of the size of your sexual desire.

10. How wet you get in crossing the water is indicative of the relative importance of your sex life.

Monday, March 12, 2007

I get older and older everyday… Today I get…much older…

I am 17 years old now. Goodbye sweet 16…

I wanted to be discreet about my birthday and I even just told few people about it since my college life started.
I have never wanted to celebrate my birthday annually since I get older everyday.
I almost got late this morning… Nah… Our Humanities prof arrives later. I entered our room and was surprised. My classmates greeted me a happy birthday. My eyes became wetter and wetter that I almost cried.

To Jeffrey and Zino… Zino and Jeffrey… And to everyone reading this…
Then I saw, a white candle lighted on the upper-right corner of my supposedly old wooden chair. Well… I thought there’s a wake. It stands together with two cupcakes (I think) and our Marketing module lies above a note. Well… It was a birthday note written on a 6-column journal. I let my eyes wander through our white painted room. I was looking for Vera, Zino or Jep. No one… I saw none of them. I just saw the green translucent envelope of Vera (I think). I cannot believe my eyes. Then, I sat. I saw Zino outside our room. I almost wanted to cry. My eyes were filled with tears that my sight became blurry. I have never expected this from them…from the two of them to be exact. They always pick on me. This is to both of you… I really appreciated what you’ve done. It shows, doesn’t it?

To Vera… To Vhe… And to everyone reading this…
My first sincere embrace was with you (excluding embraces with my mom), Vera. I just like the feeling knowing that you are there. You have given me too much. Thank you… I am really glad I knew you. I can still remember the day I first met you and your big Pooh bag. I can still remember how I liked your name. Oh… I want to express my most earnest appreciation for what you have given me.

To Jeffrey, Vera and Zino… Vera, Zino and Jeffrey… Zino, Jeffrey and Vera…
I love the three of you. You are special to me. I really have had a hard time finding you. I even told my sister that I was finding no friends. Why should I search beside me if what I am searching for is in front of me? I was really wrong. Who could dip his finger into my drink? Who heard my stories twice or even thrice? Who could teach me how to love standing? Who could teach me how to embrace sincerely? Who taught me to love sudoku? Who taught me to look up every conversation? Who helped me understand life more? Who… who… who… The answers are the three of you. Hehe…

Sobrang natuwa talaga ako kanina. Tears of joy yung naranasan ko. Hindi ko na maipaliwanag yung sayang naramdaman ko kanina. Basta. Naging iba talaga yung birthday ko ngayon dahil sa inyo… Ibang-iba talaga, promise… Kahit walang birthday cake, walang birthday song, kahit walang birthday candle, kahit wala pa man ng kung anumang may birthday eh… Masaya talaga ako… Akin na lang yung kandila… Gagamitin ko kapag brown-out sa amin. Hehe! Joks lang…
***
Yey! 1ooth post ko na ito... Mabuhay!

Wednesday, February 28, 2007

Of Rhymes and Poems (and of wrong grammar)

Do you know I rhymed for you?
Delight me that you did, too
Listen to me, listen to me now
I endeavor to tell how things how

Hasty dealings happen did
Goodbyes I have tried to bid
I believed all is a fallacy
Almost believed what I did not see

Awaken one day I knew
That my battle is with you
Everything has been over the air
There been pain and ache I cannot bare

You see what I cannot see
I am me so let me be
My life is then at my discretion
My life is an owned obligation

Time pacified our uproar
In life there is of great more
Let us sort it as an experience
Experience by us and the heavens

I think, to end this talk must be now
There is next time, I believe somehow
This moment I use to seize
These verses I am to cease

Saturday, February 17, 2007

Of Time, Pain and Pleasure

Time is an abstract idea created by men to measure how long they will suffer pain and experience pleasure. It is a murderer for which it planned to kill everything. It is an ally for which it gives space for the existing. There is no much assurance that time will still be there later for the living but there is always eternity for those who lived.

“There is no one who loves pain itself, who seeks after it and wants to have it, simply because it is pain…” – Lorem Ipsum

The idea of pleasure began when the idea of pain started. It all happened in time. Please let me know that there is more to time than being time itself.

***
These are little thoughts from me. I am not very sensible all the time. I can speak nonsense and ambiguity. I, also, want to take this space to thank the people who, at least, made me feel I am sensible even though I am intellectually confusing at times.

PS
I have written this because of much pain I cannot feel and of much pleasure I cannot experience. Well… There is time for everything. Let time take its course into my life.

Wednesday, February 14, 2007

Hearts' Day

Ü
Ok! Today is Hearts’ Day more, better and popularly known as Valentine’s Day.

I was planning to wear my red shirt with the statement, “Intimacy is Dead,” but I might look like very loveless when I do that. Medyo iba ang dating ng araw na ito sa akin… Siguro dahil hindi ako sanay pumasok ng 7:30 am.

Wala naman masyadong espesyal na nangyari ngayong araw. Uhm… Maliban na lang siguro nung pa-lunch time na.

Birthday ni Jep ngayon! Nyihi! Akala ko kakain kami sa Jollibee ayun pala eh sa Chowking. Salo-salo Sets ang kinain namin. Hindi ko alam yung tawag sa mga pagkain… Uhm… Iilan lang yung kaya kong i-identify at ayun ang chickenballs, shanghai rolls, soup, chicharap at syempre ang kanin.

Medyo nahirapan akong kumain kasi yung isa naming ulam eh yung malalaking tipak ng karne. Halos hindi ko na nga nguyain. Kanin na lang nginunguya ko. T_T Naka-braces kasi ako kaya yung meat eh sumasabit sa mga bakal na naka-semento sa ngipin ko.

Wow! Inubos ko ang food ko! As in hanggang taba kinain ko at pati yung soup hinigop ko. Pero wala pa rin ako sa kinain nina Victor at Zino!

Chicharap + Chili sauce + Sweet and sour sauce = Kakaibang lasa
Chicharap + Calamansi + Lettuce + Toyo = Maasim na mukha
Chicharap + Chili sauce + isa pang unknown na sauce + sweet and sour sauce = YIH! Ano yun!

Basta! Weird sila kumain! Nawiwindang ako sa kinakain nila. Hehe! Pero masaya kanina.

Ayan! Pauwi na kami! Si Jep na lang ang kasama ko. Ok! Akala tuloy eh mag-boyfriend at girlfriend kami. Naharang pa kami ng isang flower vendor na pilit kaming binebentahan. Tsk tsk. Basta… ang masasabi ko lang ngayon ay…

Happy Valentine’s Day!
Happy Birthday Jeffrey!

Tuesday, February 13, 2007

Teachers' Day

Today is PUP’s teachers’ day… I believe so…

I do not know if we gave some flowers to our English prof… We were just busy playing word factory at that time.

Ok! Accounting time! Ma’am Pilapil came… I think she was in a red blouse.
She entered the room and sat behind the table. The music started and we began singing. We gave flowers and lots of tokens of appreciation. She cried. We cried. I cried. She said we are going to finish the semester and she’s expecting us to be accountants some day. She said she will live up to 5 – 10 years. She still cried. We still cried. I still cried.

She has breast cancer. Her other breast was removed but the cancer cells spread onto the other one and even affected her bones (as what the other prof has said). I can feel her pain. I can feel her weakening spirit. Her droopy eyes are able to tell the story of her constant struggle for life. T_T

Now I understand why she has a hard time teaching and explaining things to us, why she keeps on saying she’s disabled, and why she keeps on reminding us to pamper her.

I cried when I saw her cry.
I hope she gets those cancer cells off her body.
Hay…
Let’s pray for her and all the other cancer patients in the world.

Monday, February 12, 2007

Having to Like Kids

Having to like children is a matter of loving your childhood.

I do not know why but I can hardly enjoy children’s company. Maybe they think superficially, ask excessively or act intuitively… Or maybe all of the three.

I got very angry this yesterday. Reason? Kids! Kids! Maddening kids to be exact!
I was taking a bath when I heard a glass break. I rushed to see what happened. Ok! A flying bottle of Red Bull hit our window and smashed it into pieces. I looked at the broken window, paused for a second and yelled, “ANO BA KAYO?! NAKAKABASAG NA KAYO, AH!” My aunt, mom and sister went to see and talk to the one who did the throwing.

I rushed to my sister’s room to see who did it. I saw three infuriating kids throwing stones to the house beside ours. That did it! I shouted at them. My hands are shaking, breathing is hard and my chest is hurting.

A kid in pink shirt told me that those irritating kids are hiding. I shouted, “PAKI KO?!” I just thought that there is no way to escape. I rushed to the badminton court where they are. I saw the kids! Those rascals! My eyesight seemed to dim when I did not see the one who told me to kiss his ass. Oh! Add this… He even cursed me… Not verbally… You know… The dirty finger…

Their parents were not there to witness how their children lied in front of me and the other people around. That kid in the white shirt! Kids are not supposed to be liars!!!

My anger cooled off after several minutes. Hay!

Wednesday, January 31, 2007

Incessant Change of the Salient Being

Ok! People change.

You are not them. You are not supposed to be like them. You are supposed to be like you and what you like to be. Live your life at your own pace. Do not hurry but never be too slow.

It took me much effort because of you and me.
You: I am referring to the persons, whoever you are, who made me think poetically.
Me: The best person I have.

Do not judge me solely from what you could only read. I am no poem to be read.

Saturday, January 13, 2007

“Today: You will be 64% lucky and 36% unlucky”

Horoscopes… Fortunetelling… They will tell about your fortune or misfortune.

I enjoy reading Libre’s horoscopes because they are, most of the time, funny… e.g. Maglaba ka na ng damit dahil mawawalan kayo ng tubig mamaya. Some times they are little pieces of advice that you would really like to take seriously. e.g. Ingatan mo ang wallet mo baka madukutan ka.

There’s nothing wrong in reading or hearing them but relying on them is off beam. It’s only YOU that will make your fortune and mishaps.

A fortuneteller told someone that she’s going to live long (up to her 90s I think) but, sadly, few days after that she passed away. May she rest in eternal peace. Another one… A fortuneteller told a girl that her boyfriend loves her more than she does but few weeks/several days after that they broke up and the guy reconciled with his ex-girlfriend. Those fortunetellers are a fake! Nah… Fortunetelling is not a sanctuary of the definite. It is the refuge for those who wants to get off the beaten track. You go to a fortuneteller to hear how lucky you will be this day, this week, this month or this year. It’s such a nice thing to hear how fortunate you will become, isn't it? That's why fortunetellers are existing.

Some believe that your fortune is in your hands… Take that literally. Palm readers take much effort to give meaning to those lines in your hands. What if you don’t have a hand? Or your hand got amputated? Do they also read the palm of your feet? Do they give meaning to those corns on your toes and feet?

Let’s just wait for the first fortuneteller that will tell your LUCK-UNLUCKY PERCENTAGE. Is there already one?

Saturday, January 06, 2007

Making art...

Our Humanities professor told us to create our own work of art. OK! That would pose as a challenge for an artistically perplexed person like me. It has been already half a day that I have been thinking about my assignment and what to draw. Originally, I have decided to use charcoal pencil but that would smudge easily so I dumped that idea and made use of permanent marker.

Subjects started to flood my head but I found it hard to turn them into pictures because I can only feel them and not imagine them. I wanted to draw my everyday life which includes LRT2, jeepneys, roads, books and my sister. Hayst! When I found out that I could never turn them into nice art I tried thinking about what people usually do, what we usually have in common, what we… Wah! It’s so hard…

I tried to draw life and death because I am fascinated with the idea that life is uncertain unlike death. Unfortunately, I failed to draw them. They just remain ideas. Hayst! I even thought of having to pass a blank illustration board.

It’s just this afternoon when I have produced something that really pleased me. I drew outlines of walking people’s feet.



The picture is quite blurred and dark...


I asked my aunt about my drawing and she thinks that it is about different walks of life… Well... WHY NOT?! But it is about traveling. Everyone travels even if you just sit around or lie down. You, together with everyone else, travel in time and in space. I really felt good after I finished my work. At last… At last…

Sunday, December 31, 2006

For the times I have counted and the times that counted

The current year is about to end in a couple of hours and before it happens let me say and share these few things…

I have been able to start a few and end a few
I have found my another cherished few
I tried and I failed a lot
I am making an effort to think wisely
I have regretted many
I am still weird and hard to understand
I have gotten what I have given
I wanted to say “Sorry” and Thank you” but I never did
I wanted to show earnest appreciation but I do not how
I started learning Appreciation 101 and Sorry 101
I have learnt that important things are the ones left unnoticed
I discovered that numbers are only used to count physical things
I changed, am changing and will change


Salamat sa pagiging thoughtful
Salamat sa care na pinakita niyo
Salamat sa happiness na ni-share niyo sa akin
Salamat sa maraming bagay na tinuro niyo sa akin
Salamat sa oras na binigay mo sa pagbisita sa blog ko kahit may ginagawa kang iba
Salamat sa paghintay mo sa akin kahit male-late ka na
Salamat sa pang-aasar kaya ngayon nawawala na yung pagiging pikon ko
Salamat sa pagturo mo sa akin ng Sudoku
Salamat sa pag-offer ng pagkain sa akin
Salamat sa pagpapautang sa akin sa tuwing tinatamad akong magbayad
Salamat sa pagpapalaro sa akin sa cellhphone ninyo
Salamat sa pagpapatext sa akin
Salamat sa pag-upload ng pictures ko/natin sa Friendster
Salamat sa pagtiya-tiyagang binibigay niyo tuwing tinotopak ako
Salamat sa support
Salamat sa effort
Salamat...

Sorry kasi minsan nakakalimutan kong intindihin ka… Kayo…
Sorry kasi hindi kita pinapansin. Natatakot kasi ako.
Sorry kasi hindi mo nalaman ang mga dahilan kung bakit ako ganon
Sorry kasi hindi ko nagawang pasalamatan ka para sa nagawa mo sa akin
Sorry kasi naging mainitin ang ulo ko
Sorry kasi dahil sa akin minsan wala kang magawa
Sorry kasi masungit ako
Sorry kasi hindi ako naging seryoso sa mga bagay na dapat seryosohin
Sorry kasi childish akong mag-isip minsan
Sorry kasi hindi kita mapansin kahit nasa harap lang kita
Sorry kasi binilang ko yung mga ginawa mo para sa akin. Maling-mali ako.
Sorry kasi hindi ako nakapag-sorry sa mga maling nasabi ko
Sorry kasi nabigyan kita ng mga problema
Sorry kasi nabunggo kita sa papag na nakatagilid
Sorry kasi pinaltos ang paa mo sa kakalakad
Sorry kasi lagi na lang ako busy o wala kapag kailangan mo ako
Sorry kasi nai-compare kita sa iba
Sorry kasi minsan nakakalimot ako
Sorry kasi hindi ko napakita kung gaano ka kaimportante sa akin.
Sorry kasi minsan hindi ako maka-appreciate
Sorry kasi wala akong masabi o magawa nung ikaw naman yung nangangailangan
Sorry…

Sa mga bagay na hindi ko na maalala pa… Thank you at sorry...

Monday, December 18, 2006

The UP Adventures: From Oblation Run to The Bomb Threat

Pumunta kaming UP nung Friday (Dec. 15, 2006)… Para manood ng… Dandananandanan! Oblation Run at syempre Lantern Parade!

Nandun kami sa baba ng hagdan ng dadaanan nila… Sa may AS steps ata (Tama ba?). Ayun! Pero mali pala ang inaasahan ng maraming tao dahil galing sila sa isang bagung-bagong van at ayun! They came from behind! Puro pwet lang nakita ko at ng mga kasama ko. OK na ako kahit pwet lang… Yung mga nandun sa pinakagilid ng daanan eh syempre naka-boso… Ahahaha!

Wala na kami masyadong makita at nakita kaya nagpasya na kaming umalis. Umupo kami sa Acad Oval at dun nilapitan ng mga taga-IYF na tudamax ang effort sa pagsasayaw. Ayun… Ang tagal naming umupo sa Acad Oval…

Dumating na ang mga taong-jackstone! May bagong parada! Nandun nga si Astroboy, Spiderman at marami pang iba. Syempre may mala-oble din silang tema. Ehehe! Censored nga si Astroboy eh tapos may mga costume na umiihi habang naglalakad! San ka pa??? Ahaha! At ayun. Todo effort naman kami sa paghintay sa lantern parade na may bomb threat pa nga raw. Tapos umupo ulit kami sa Acad Oval… Upo… Upo… Upo… Hanggang sa maging green na yung mga pwet namin. Ahoho!

Onga pala! Ang mahal ng bilihin dun! Aba! Ang taho na limang piso lang dito eh 10 pesos na dun! At yung kakarampot na nilagang mani eh 20 pesos na! Walang jo yan! Naghirap ako nung araw na yun! Pati yung dirty ice cream dun na 10 pesos eh dito nga five lang yun! (-_-) Ang mahal talaga… Kapag pala pupunta ako dun dapat magpayaman muna ako.

Hay…
Para sa Oble: May susunod pang years… Hehe!
Para sa Lantern Parade: Tsk! Sayang at hindi ka namin napanood!
Para sa mahal na bilihin sa UP: Ang mahal talaga!
Para sa Acad Oval: Masyado kang madamo! Hehe!
Para sa taho, ice cream at nilagang mani vendor: Pwede bang tumawad?