Sunday, December 31, 2006

For the times I have counted and the times that counted

The current year is about to end in a couple of hours and before it happens let me say and share these few things…

I have been able to start a few and end a few
I have found my another cherished few
I tried and I failed a lot
I am making an effort to think wisely
I have regretted many
I am still weird and hard to understand
I have gotten what I have given
I wanted to say “Sorry” and Thank you” but I never did
I wanted to show earnest appreciation but I do not how
I started learning Appreciation 101 and Sorry 101
I have learnt that important things are the ones left unnoticed
I discovered that numbers are only used to count physical things
I changed, am changing and will change


Salamat sa pagiging thoughtful
Salamat sa care na pinakita niyo
Salamat sa happiness na ni-share niyo sa akin
Salamat sa maraming bagay na tinuro niyo sa akin
Salamat sa oras na binigay mo sa pagbisita sa blog ko kahit may ginagawa kang iba
Salamat sa paghintay mo sa akin kahit male-late ka na
Salamat sa pang-aasar kaya ngayon nawawala na yung pagiging pikon ko
Salamat sa pagturo mo sa akin ng Sudoku
Salamat sa pag-offer ng pagkain sa akin
Salamat sa pagpapautang sa akin sa tuwing tinatamad akong magbayad
Salamat sa pagpapalaro sa akin sa cellhphone ninyo
Salamat sa pagpapatext sa akin
Salamat sa pag-upload ng pictures ko/natin sa Friendster
Salamat sa pagtiya-tiyagang binibigay niyo tuwing tinotopak ako
Salamat sa support
Salamat sa effort
Salamat...

Sorry kasi minsan nakakalimutan kong intindihin ka… Kayo…
Sorry kasi hindi kita pinapansin. Natatakot kasi ako.
Sorry kasi hindi mo nalaman ang mga dahilan kung bakit ako ganon
Sorry kasi hindi ko nagawang pasalamatan ka para sa nagawa mo sa akin
Sorry kasi naging mainitin ang ulo ko
Sorry kasi dahil sa akin minsan wala kang magawa
Sorry kasi masungit ako
Sorry kasi hindi ako naging seryoso sa mga bagay na dapat seryosohin
Sorry kasi childish akong mag-isip minsan
Sorry kasi hindi kita mapansin kahit nasa harap lang kita
Sorry kasi binilang ko yung mga ginawa mo para sa akin. Maling-mali ako.
Sorry kasi hindi ako nakapag-sorry sa mga maling nasabi ko
Sorry kasi nabigyan kita ng mga problema
Sorry kasi nabunggo kita sa papag na nakatagilid
Sorry kasi pinaltos ang paa mo sa kakalakad
Sorry kasi lagi na lang ako busy o wala kapag kailangan mo ako
Sorry kasi nai-compare kita sa iba
Sorry kasi minsan nakakalimot ako
Sorry kasi hindi ko napakita kung gaano ka kaimportante sa akin.
Sorry kasi minsan hindi ako maka-appreciate
Sorry kasi wala akong masabi o magawa nung ikaw naman yung nangangailangan
Sorry…

Sa mga bagay na hindi ko na maalala pa… Thank you at sorry...

Monday, December 18, 2006

The UP Adventures: From Oblation Run to The Bomb Threat

Pumunta kaming UP nung Friday (Dec. 15, 2006)… Para manood ng… Dandananandanan! Oblation Run at syempre Lantern Parade!

Nandun kami sa baba ng hagdan ng dadaanan nila… Sa may AS steps ata (Tama ba?). Ayun! Pero mali pala ang inaasahan ng maraming tao dahil galing sila sa isang bagung-bagong van at ayun! They came from behind! Puro pwet lang nakita ko at ng mga kasama ko. OK na ako kahit pwet lang… Yung mga nandun sa pinakagilid ng daanan eh syempre naka-boso… Ahahaha!

Wala na kami masyadong makita at nakita kaya nagpasya na kaming umalis. Umupo kami sa Acad Oval at dun nilapitan ng mga taga-IYF na tudamax ang effort sa pagsasayaw. Ayun… Ang tagal naming umupo sa Acad Oval…

Dumating na ang mga taong-jackstone! May bagong parada! Nandun nga si Astroboy, Spiderman at marami pang iba. Syempre may mala-oble din silang tema. Ehehe! Censored nga si Astroboy eh tapos may mga costume na umiihi habang naglalakad! San ka pa??? Ahaha! At ayun. Todo effort naman kami sa paghintay sa lantern parade na may bomb threat pa nga raw. Tapos umupo ulit kami sa Acad Oval… Upo… Upo… Upo… Hanggang sa maging green na yung mga pwet namin. Ahoho!

Onga pala! Ang mahal ng bilihin dun! Aba! Ang taho na limang piso lang dito eh 10 pesos na dun! At yung kakarampot na nilagang mani eh 20 pesos na! Walang jo yan! Naghirap ako nung araw na yun! Pati yung dirty ice cream dun na 10 pesos eh dito nga five lang yun! (-_-) Ang mahal talaga… Kapag pala pupunta ako dun dapat magpayaman muna ako.

Hay…
Para sa Oble: May susunod pang years… Hehe!
Para sa Lantern Parade: Tsk! Sayang at hindi ka namin napanood!
Para sa mahal na bilihin sa UP: Ang mahal talaga!
Para sa Acad Oval: Masyado kang madamo! Hehe!
Para sa taho, ice cream at nilagang mani vendor: Pwede bang tumawad?

Wednesday, December 13, 2006

Wala munang bopis, libreng dyaryo, crosswords, sudoku...

Ayan… Bakasyon na rin sa wakas. Maraming estudyanteng tulad ko ang naghihintay niyan. Pero masaya nga ba ako dahil bakasyon na?

Uhm… May hang-over pa ako ng pagpasok.
Wala akong raket ngayon.
Walang pasok, walang baon.
Wala rin akong maiipon at hindi na muna ako makakakain ng bopis na puro sili sa carinderiang katapat ng carinderia ni Manang Luchie. Hay…
Wala munang hinatayan sa platform sa Santolan.
Wala munang Xpress at Libre.
Wala munang crosswords at sudoku.
Wala munang attendance sa CR na laging masikip, mainit at mapanghi. At laging baha!
Wala munang akyatan blues hanggang fifth floor…
Wala munang… Hay! Routine na nga ata talaga ang buhay ko. Araw-araw kong ginagawa yun, eh. Hindi ko talaga alam kung masaya ba ako dahil bakasyon na.

Hay… Buhay estudyante nga naman. Mga two weeks din kaming walang pasok. o_O Ahoho! Matagal-tagal pero tambak sa gawain…

Nga pala!
12 days na lang before Christmas!
Advance Merry Christmas!
Ang aga talaga ng bakasyon namin!
o_O

My thought for the day:
"Hindi ako naging ako nung mga panahon na akala ko ako ay ako." –Ako

Monday, December 04, 2006

Great Expectations

For these past few days I have been thinking about myself, my so-called endowments and my soon-to-be discovered talents. I have never been like this since my sister won a prize in an essay-writing contest and since her article got published in a column of Libre. For several times I have thought that maybe there’s an open door for me in the field of writing but for several times, too, that I have thought that its door is close with the big red detour sign leading me to somewhere else.

They’re expecting too much from me. My mom is proud about her talent in writing good business correspondence and my sister is a blooming free-lance writer. Are they expecting me to be a good writer also? Or are they expecting me to be someone who simply stands out from the crowd?

I have never discovered myself fully. My so-called talents never bore any award for me. Maybe it is also due to my tendency to be idle when I do not like what I am doing or maybe it is due to I do not want to exert much effort to notice my hidden talents. I have never set my goals high. I just dream high. It’s such a big difference.

I have told myself that I can barely have what I want but a saying always pops in my head and that is, “There are two tragedies in life: not getting what you want and getting it.”

I do not know when I will be turning into ashes so I want to have an achievement by now. Currently, I am failing to help myself. When will I not? I am tired of being like this.

Wednesday, November 29, 2006

I love you... I love you... I love you...

Hindi ako sanay na sabihan ng “I love you…”

I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you… I love you…
Hmmm… Wah! Hindi effective… May pagka-windang effect pa rin talaga… Bakit ko nga ba ito sinasabi? Nabasa ko kasi sa isang blog ang “Luvshu. Mwah.” Ahem! Hindi naman sa assuming ako, ha! Ako yung sinasabihan! Pero hindi someone special ang nagsabi. Pero special pa rin! Pano yun? Uhm… Hindi yung someone showbiz… Friend ko siya! Ayun!

Ilang tao na rin ang nagsabi sa akin ng “I love you.” Pero hindi lahat English! Yung iba kasi Filipino… Uhm… Yung “Mahal kita.”

Nandyan si Noka, si *toot*, si *toot the second*, sarili ko… Basta! Many to mention… Sana nga many… Hoho!

Minsan talaga kinikilabutan ako kapag sinasabihan ako ng ganon. What’s the problem with me?!

Lumaki naman ako sa mundong may pagmamahalan.

(o_o) Naiinis ako. O_o Sasabihan ka ng ganon pero wala namang ginagawa. O kaya sasabihan ka tapos biglang mawawala… O kaya naman kahit simpleng kumusta eh hindi magawa. Pero taken na BUSY nga kasi siya. T_T Oh, ‘di ba! Kaloka! Pero that’s life. Naman! LAHAT NG PROBLEMA EH KONEKTADO SA “THAT IS LIFE!”

Pero hindi ata normal yung ugali ko! Tulong…

Medyo matipid lang talaga ako sa pagsabi nun. Minsan nahihiya akong sabihin kasi may windang effect din sa kanila yun. Hindi sila sanay na marinig sa akin yun. May pagka-sungit effect kasi ako.

Wednesday, November 22, 2006

Sosyalerang ewan

Kausap ko yung 2 kong kaklase kahapon. Yung isa nagbibigay ng beauty tips sa akin tapos yung naman eh nakikipag-usap sa akin tungkol sa love life (hindi love life ko) at kung anu-ano pa.

Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ko lang ng pantalon, t-shirt at rubber shoes/sandals. Simpleng-simple lang talaga ako. Hindi naman kasi ako yung tipo ng todo japorms. Tinatanong din nila kung marunong ba akong mag-ayos ng sarili ko. Well… It shows… Hindi ko talaga hobby ang magsuklay at ang palitadahan ng pulbo ang muka ko. Parang lagi akong dinadaanan ng Super Typhoon eh. Ü Uy! Teka muna! Nag-ayos na pala ako nung grad ball namin! Oh, ‘di ba?!

Mukha raw akong soyalerang ewan. What’s sosyalerang ewan? Do you mean it’s the pa-sosyal pero hindi really sosyal? Oh, my goshy! Ahem! Nagbagong anyo ata ako. Hindi naman ako pasosyal. Mukha raw akong nage-fx pero sa katunayan hanggang jeep lang ang kaya ng budget ko. May nagsabi pa nga sa akin ng ganito eh… Ehem ehem…

“Sa tingin ko mayaman ka. Hindi mo naman makikita sa pananamit yun, eh.”

Nyay! Compliment ba yun o insult? Mukha ba akong gusgusing bata?
Dahil ba sa kulay ng balat kaya ko? Dahil ba sa mga piraso ng bakal na nakasemento sa mga ngipin ko? Dahil ba sa bag na gamit ko sa school kahit napunit-punit na ‘yon? Bakit ganon ang tingin nila sa akin?!?! Well… Well… Well… Hindi po ako mayaman at higit sa lahat hindi ako sosyalerang ewan. Hindi nga ako magaling gumamit ng fork and knife sa restaurants! Solid ako sa spoon and fork! Hindi nga finesse ang pagkilos ko, eh!

Hay… (-_-)

Monday, November 20, 2006

I can’t believe that my eyes were teary before we went home. It was due to some uncontrollable variables in the environment.

Yesterday I was narrating an event. I was very serious when the person I was talking to suddenly said something about being funny. My vision seemed to dim. I felt so much frustration.

I really have a hard time expressing myself through words because I am rhetorically perplexed. My vocabulary seems to narrow every time I want to say something and things always get jumbled in my head.

And I just continued chatting with him/her.

It’s a tough task for me to express my emotions and they just end up tightly packed in my chest… Maybe that’s why I can hardly breathe every time I get angry. To every one who’s involved in this entry and to anyone who thinks they are involved… Just read the following…

Please try to understand me.
I can hardly conform with some of your ideas. Give me time...
I may not be really expressive but I am sensitive enough to know what’s happening.
Stop thinking that I am always happy. I do smile a lot but that does not mean that everything is in their place.
I became like this, partly, because there are people who don’t take me seriously.
It may be a text away but it is not enough to show how I really feel. Stop making me feel that everything’s funny every time I am burdened with these kinds of stuffs!
I have had hurt many people. I am human. I err. I fail. I am sorry.
Not everything is here. Well… As what I have said... I have problems with expressing myself through words. Words are weak in containing man's desires and emotions.

I can’t believe I almost cried for you.

How divine is it to forgive?

“Life does not cease to be funny when one cries and it does not cease to be serious when one laughs.”

Friday, November 03, 2006

Ang Musical na LRT2 at ang First Day

52 days before Christmas… Nov. 3 yun! Ngayon yun! At ngayon din ang first day ng 2nd sem namin. Gamit ko pa yung leather kong backpack na medyo dyahe dalin dahil matigas!

Akala ko eh nananaginip ulit ako. Aba! Musical na ngayon ang LRT2! Umaasenso! Dati kasi yung akala kong music sa loob ng tren eh galing lang pala sa isang pasaherong nagsa-sound trip. Christmas songs na yung pinapatugtog syempre.

Ayan! School na kami! Yehey! Konti lang yung tao siguro dahil medyo alanganin nga naman na ngayon ang first day ng klase at may kumakalat na mga balita na sa Nov. 6 pa ang totoong start ng klase.

Ayun! Inindyan kami ng profs. Yung prof lang namin sa Accounting yung dumating! Huhu! Ang galing niya talagang manakot! Mahirap i-explain, eh! Ganito pa nga yung pagkakaintindi ko sa mga sinabi niya,

“Tres na ang pinakamataas kong binibigay. Hindi ako mahilig magturo kaya dapat kayong mag-aral. Marami rin akong ipapagawa sa inyo kaya kailangan niyo ng at least isang pad ng 6-column worksheet. At magdudugo ang mga utak niyo sa puro computations na ipapagawa ko. Mahilig din ako sa penalties.”

(-_-)
Dos ang kailangan namin! Pambihira naman. At take note… “At least” isang pad ng 6-column worksheet yun, ah.

Ayun. Dahil sa inindyan kami ng profs namin eh lumayas na rin kami. Nasa bakasyon pa ata yung iba, eh. At syempre LRT2 ulit! Aba… Musical pa rin at kahit sa mismong platform eh may music na rin. Ahihihi… Pagkatapos kaya ng Pasko meron pa ring ganon?

Wednesday, November 01, 2006

Childhood

Tumawag sa akin kagabi ang isang childhood friend. Medyo may pagkamalabo sa akin ang kwento ng childhood ko.

Malambing na boses ang unang bumungad sa akin. Hindi siya nagpakilala at nagpapahula pa kung sino siya. Aba! Hindi naman ako manghuhula pero alam kong siya si Kadija hindi ko lang sinabi.

Hindi ko matandaan kung close ba kami nung mga bata palang kami. Binalitaan din niya ako sa whereabouts ng dati naming mga kalaro. (o_o) My gulay! Hanggang pangalan na lang ang alam ko! Hindi ko rin matandaan ang edad nila!

Kumustahan at balitaan ang maikling pag-uusap namin. Medyo na-excite din akong maka-usap siya kasi syempre! Naging parte rin siya ng slightly forgotten childhood ko. First year Economics student siya sa UST. Uhm… Baka makita niyo rin siya sa Starstruck4. Sumali raw siya roon! Tapos… Baka nagkikita na pala kami sa LRT2 tapos hindi ko alam. Basta ang alam ko kulot siya and she’s 5’6” tall. Whoooh!!! 5’1” ata ako, eh. Ang tangkad niya! (-_-)

Tinatanong rin niya kung ano hitsura ko. Nako po! Speechless ako! Ang sinabi ko lang, “Ito maliit pa rin pero masmatangkad ako kay ate!” Hehe! Talagang binida ko yung height ko, noh!

Ayun. Nagyaya siya na magkita naman kami minsan. Sa piyesta raw o kaya sa debut niya. Ü Nako… Nasha-shy ako. Ahehehe! Pero gusto kong pumunta, ah!

Tuesday, October 31, 2006

Check-op

Linggo nun. Kakagaling lang namin sa ortho para papalitan yung wire ng braces ko na naputol. Magtetext sana ako ngunit biglang… *TOOT* Check operator sevices… Huwat! May 20 pesos pa akong extra load! Hindi ko man nagamit. (o_o)

Ilan sa mga naipong messages sa inbox ko ay ang mga sumusunod:
“They say things don’t happen accidentally. If they are bound to happen they surely will. You’re not just an accident, I was meant to know you for a reason.” >Aw. Ü

“Everyday I soak myself with reasons to forget them. Everyday I lie. Everyday I try to find strength to get me through... And yet everyday I die...” >Paki-explain… (?_?)

Syempre kung may seryoso may joke din. No offense to Chinese…
New born Chinese names:
Born secretly: Tina Go
Born swindled: Lino Co
Born alternately: Sally Tan
Born accused: Macy Sy
Born honest: Uma Ming
Born dark: Andy Lim
Born fat: Lucky Chan
Born fatter: Bob Uy
Born evil: Daemon Yu
Born flirt: Alan Dy
Born smelly: Kelly Kay Lee
Born different: Eva Yan
Born incomplete: Cole Ang
Born sick: Hatch Cheng
Born cute: Eddy Mi

Meron din talagang... Uhmm… Basta maganda kaya speechless ako.
“There are two greatest days in your life… The day you were born and the day you discover why.”

Meron ding mga panloloko at akala ko ay seryoso talaga.
“If you have deposits in Pan-Asia, Banco De Oro and Cocobank withdraw it ASAP! Rumors say they’re in trouble and will soon merge to become Pan-De-Coco!”

Syempre. Andyan din yung about love.
“One day a girl asked her boyfriend, “Ilan na ang minahal mo?” The boy was confused. He then looked back at the girl and said, “Bakit ilan ka ba?””

“It is really very sad to let go someone you loved with your whole being… But sometimes letting go is the bet way out and the most sensible thing to do… Love conquers all but not everybody wins the battle. Conceding does not mean you’re weak but it shows that you’re brave enough to face reality.” >Yung last line sana dito yung ise-send ko, eh! Tapos bigla na akong check-op.

At hinding-hindi mawawala ang quotable quotes from movies… Yung isa ‘di ko alam kung san galing.
“People will adore and love you for all the things you’ve done for them, but will hate you for a single mistake. That’s the irony of life.” – Uncle Ben, Spiderman

“You know you’re in love when you can’t fall asleep because reality is finally better than your dreams.” – Dr. Seuss

Hindi rin mawawala ang Erap Jokes. >Pero hindi na ito na-trap sa inbox ko. Share lang.
Erap calling
Erap: Miss. Gusto kong malaman kung gaano katagal ang biyahe mula sa Pilipinas papuntang San Francisco
Telephone Operator: Just a minute, sir.
Erap: Ok. Thank you. (At binaba na ang phone)


At syempre. Hindi mawawala ang text ng ever-loyal kong textmate.
“Your Account Balance as of 10/31/2006 10:02:07 is 0.00
You also have 0 remaining free texts.”

Saturday, October 28, 2006

Enrolment

Tapos na rin ang enrolment para sa second sem. Tapos na nga ba? Ay hindi pa pala. Isa ako sa mga naunang nakatapos. Yung iba eh magpapakahirap pa. Hay… Kawawa naman sila.

Hay! Wala namang nangyari nung first day of enrolment namin. Ayun. Nasayang ang ilang oras ng buhay namin kahihintay. Muntik pa kaming mapalusong ni Jep sa maitim na baha. Buti na lang nandyan ang pedicab para iligtas kami mula sa paglusong.

Ano nga bang meron nung second day? Hindi ko masyadong maalala. Basta nag-Chowking kami. Umuwi ulit kami ng maaga. At… At last nadama ko rin ang 25 pesos na binayad ko para sa dyaryo ng College namin. Nakakuha na rin ako ng kopya. Ang P.E. pa pala namin ay social dance. Hala! Nag-tango na kami nung 4th year high school at hindi naging madali ang mga pangyayari.

Third day… Sa wakas! Nakabayad na rin ako. Naupuan pa nga kami ng mga nakapila sa validation! Nakaupo kasi yung pila ng sa cashier tapos yung sa validation nakatayo. Hay! Napipe pa kami ni Jeda.

Nasa loob na ako nun pero wala akong ibabayad. Tapos pinalabas pa kami tapos pinapasok ulit. Ayun! Nakuha ko na yung enrolment slip ko kaya makakapagbayad na ako. Dumating ang isang kaklase namin. Mukha na siyang haggard kaya nagprisinta akong ibayad siya. Tapos dumating na ang kontra bida. Dandananandanan! Tinatanong yung pangalan ko tapos pinagsisigawan pa ako. Kesyo lalaki raw yung ibabayad ko at masyado raw akong mabait. Hindi niya alam may sungay ako!

Kukunin daw ako agad ni Lord. Sabi ko naman eh dadalawin ko siya. Marami raw talaga bumabastos sa kanya at nasama na ako sa black list niya. (-_-) Sina Froilan, Hyde, Hazel, Gibson and many more na yung naglakad ng validation ng OR ko at ng registration card ko. Take note, ha! Abot hanggang 4th floor ang pila sa validation. Thank goodness natapos ako kahapon kahit gabi na ako nakauwi!

Monday, October 23, 2006

Alay-lakad

Breast cancer... Ang alam ko pati lalake eh tinatamaan nito. Isa ito sa major causes of death lalo na sa mga kababaihan. (-_-) Aw.

Nag-alay-lakad kami kahapon sa Mall of Asia… Uhm… Walk for a cause yun. Fund raising. I have had a scarce idea about the event. Basta ang alam ko kailangan kong pumunta doon, mag-register at maglakad. Period! Kanina ko nga lang nalaman na 3 km pala ang nilakad namin.

Sa jeep pa lang may 2 nang taga-PUP. Uhm… Tapos kasabay rin namin sila pagsakay ng bus. Ahehehe… Field trip nga ang naging dating. Puro kami PUPians sa bus! Tibak pa ata yung nakatabi ko. Hindi ko lang alam kung oo nga.

Buti na lang nakita ko yung mga kaklase ko at ayun. Nag-start na ang program pero tyan-pababa lang ni Regine Tolentino ang nakita ko. (-_-) Ayun… Lakad lakad. Nag-shortcut kami ni Vera. Dun kami dumaan sa may bagong tambak na lupa. At syempre! Lumubog ang mga paa namin pero hindi yung eksaheradong pagkalubog.

Isang baso lang ng Milo yung nadama ko sa freebies na ibibigay sa amin. Lasa pang paper cup. (-_-)

Syempre andun na kami kaya naghintay na kami sa pagbukas ng mall. Bankrupt nga ako, eh! Nagpagawa kasi ako ng keypad ng cellphone ko. Yehey! Hindi na ako gagamit ng letter Z kapalit ng letter S!

Hindi ko alam kung nakatulong nga ba talaga ako sa ginawang fund raising. Hay. Hindi ko alam kung anong naging silbi ng pangalan at pirma ko sa kapirasong papel na sinulatan ko. Sana nga nakatulong yung pagpirma at paglakad ko. Kasi ayun lang kaya kong i-contribute.

Friday, October 20, 2006

Sa may LRT2

Lagi akong sumasakay sa LRT2 at hindi maipagkakaila na naging parte na iyon ng buhay estudyante ko. Aba! Syempre ayun ang gamit ko para mabilis ang biyahe ko.

Recruiter
Dinadama ko ang malamig na simoy ng hangin ng umaga at dahan-dahan akong naglalakad pababa ng overpass. May isang lumapit sa akin at pinagtatanong ako. Medyo hesitant akong sumagot, puro oo, hindi at tawa lang ang binibigay ko sa kanya. Tapos bago kami maghiwalay sinabi niya ang pakay niya sa akin… At ayun ang i-recruit ako bilang staff sa Jollibee.

Siopao
Anim kaming magkakasama noon. Standing ovation ang drama namin. Yung isa naming kasama eh busy sa kakaaral kami naman kwentuhan. At biglang… Dandananandanan! Huminto ang tren! At ayun! Napaatras yung kasama naming nag-aaral at nakaapak siya ng plastic na kulay red and white na stripes. Tapos *boog*! Kala namin styro yung naapakan niya ngunit dalawang plastic pala ng siopao.

Platform
Ilang araw bago tumangay ng bubong si Milenyo eh naranasan na naming ang pre-hagupit niya. Ang tindi! Umuulan sa mismong platform ng LRT! Ayun. Basa kami. Parang ang laki-laki naman kasi ng payong ko, eh! Kahit nga butas yun eh lagi ko namang dala! Ü

Speechless
Palabas na kami noon at pinasok ko na yung ticket ko after ipasok ng sinusundan ko yung ticket niya. Aba! May dalang sako yung sinusundan ko. Dumaan siya at dumaan ang sako niya. Nung turn ko na eh hindi na ako makalabas! Help! Ayun. Buti hindi na ako ininterrogate nung lumabas ako sa gate sa gilid. Whew! Hindi na nga ako nakapagsalita nun, eh! Nagulat ako sa mga pangyayari.


Safety Handrails
Dahil nga laging standing ovation ang drama namin kailangan namin humawak sa sinasabi nilang safety handrails. Naman! Ang lagkit ng mga poles na yun, ‘no! ‘Pag bibitiw ka na eh parang dumikit na yung buong palad mo. (-_-)


Ilang kwento pa lang ito mula sa first sem ko sa first year ng college life ko. Ayan lang ang tanda ko, eh. Ü

Thursday, October 19, 2006

Class Card Adventures

Ayan! Sembreak na… Makakapagpahinga na muna ang mga estudyante… Ay. Hindi pa pala. Kailangan pa namin kunin ang aming class cards mula sa aming mga Prof.

Nagpunta kami kahapon sa PUP. Kasabay ko uli si Jep at 7am palang ay nandun na agad kami. Excited daw kasi siyang pumunta ng maaga. Tuwang-tuwa naman kami sa pagsagot ng Sudoku at ng crossword. At kamuntik pa kaming lumagpas ng Pureza dahil sa sobrang pag-enjoy kahit mala-sardinas ang sitwasyon namin sa loob ng tren.

Punta agad kami ng HQ (Headquarters) ng ROTC at doon umupo, nagpakasaya at nagsagot ng crossword puzzle. Aba! Syempre hindi kami nag-iisa. May mga gigantic bangaw kaming kasama. (-_-) Sobrang gigantic talaga na maa-identify mo na yung parts ng body nila kahit walang microscope.

Sa wakas! Nagkita rin kami ni Vera at kasama niya si Alvin. Galing silang 6th floor at nalaman kong nag-elevator sila. Tama! Akala ko walang elevator sa amin pero nagkakamali pala ako. Kaso kapag gagamitin eh parang bibigay dahil sobrang luma na. Kailangan mo pa ng piso para mapindot yung up-down buttons. At kapag gipit ang ilang estudyante eh kinukuha nila yung pisong nakasiksik doon. Ayon iyon sa aking sources, ha!

Hindi pa namin mahanap yung faculty ng Profs namin. (-_-) Bawal kasing magtanong. May nakapaskil na botice sa may pinto na nagsasabing,

“Ang inyong mga guro ay abala kung kayat huwag silang istorbohin sa pamamagitang ng ‘pagtatanong.’ Kung wala ang inyong hinahanap eh di wala siya.” >>> Basta parang ganito…

Nakakatakot rin sa South Wing. Parang pang-horror ang dating eh. Kahit umaga eh mangangatog tuhod mo dahil kakaiba ang ambience doon.

Ang tagal ng class cards sa ROTC. Hindi ko na mahintay si Jep kaya umuna na ako. May lakad pa kasi ako, eh.

PS
Akala mo ba maaksyon at ma-drama ang naging araw ko kahapon?
Uhm... Yung mga bangaw na siguro yun!

Sunday, October 08, 2006

Epekto ng kaunting usok at pagiging absent-minded

May departmental exam uli kami sa Accounting. Yehey! Finals na namin yun! Huling exam for first sem!

Nagkandaligaw-ligaw pa ako sa kakahanap sa room ko! Tapos habang naglalakad sa corridor eh parang may nakita akong salamin na nakadikit sa pader. Naintriga ako kaya tiningnan ko. Ay! Bakit hindi ko nakita yung sarili ko? Butas pala yun sa dingding. Tagusan ang view nga magkabilang sections!

Grabe ang exam room namin! Parang nawala sa sibilisasyon! Hindi nga conducive, eh! Walang kuryente, walang electric fan at pinapausukan pa kami! May nagsusunog ata ng dahon sa ground floor. At dahil doon napuno din ng usok ang utak ko. Eh may ubo nga rin pala ako ngayon. Yung ubo ko yung nakakahiyang ubo! Yung unstoppable! Gaya nga ng sa Pringles, “Once I cough, I cannot stop.” Ü Nakakatakot din buksan yung switch ng ilaw kasi hindi mo alam baka ikaw yung umilaw dahil nakuryente ka. Yung isang switch ata sa electric fan eh parang dumi na lang na nakadikit sa dingding. Ay! Kahit pala may switch wala din naman palang fans. (-_-)

Tapos sobrang broadcasted ang feelings ng proctor namin. Inis na inis daw siya. Hindi ko na alam kung bakit. Nayamot din siya sa amin nung napansin niyang madilim yung kwarto namin. Naglakas loob siyang buksan yung ilaw. Hehe… Hindi effective! Kung saan-saan na rin siya naghanap ng switch. Pati sa kasuluk-sulukan ng pinto eh nagtingin siya.

Yung assistant naman ng proctor namin eh cellphone naman ang pinagkakaabalahan kaya kahit todo text yung isa kong ka-room eh deadma silang dalawa.

Sige uwi na kami. Bibili naman si Jep ng CD ng Hale sa Sta. Lucia. Ayos! Mall uli! Hehe! Aba! Totoo nga atang napasukan ng usok ang utak ko. Pumila ako sa pila ng lalaki! Wahahahaha!!! Nagulantang na lang ako kung bakit yung mag-iinspect na guard ay lalaki at hindi babae! Kaya ayun. Kunwari walang nangyari kaya lipat agad ako ng pila. (o_o)

Pag-uwi ko pa sa bahay eh natinga lang ako sa kinain kong Chicken Curry! Inubusan nila ako ng pagkain… Huhu! Buti na lang may nakain pa akong hopia na lasang piyaya.

Monday, October 02, 2006

Ang Pagiging Single... *bow*

Ayan… Pangalawang post ko na ito tungkol sa pagiging single ko. Ike-kwento ko lang yung experiences ko ngayong araw…

“Ganyan talaga kapag NBSB (No Boyfriend Since Birth)… Maraming nili-link sa’yo.”

Showbiz ba ito?!

May (mga) kaklase ako na ang tingin yata ay may namamagitang relasyon (as in yung tipong more than friends na relasyon) sa amin ng isa kong friend. (-_-) Hay nako! Gulay! Ewan ko ba… Lagi lang naman kami magkasama pero hindi kami… Ok? Friends lang… (Wow! Ang showbiz ko na!)

Bumili kami kanina ni Friend ng inumin mula sa canteen sa ground floor at pagbalik sa room ay…

“Oh! *name ni Friend* may Bebe ka na may Gretch ka pa! Hindi ka na makuntento kay Gretch!”

HALA! Hindi ko na pinansin. Gutom ako eh! Sige kain na lang ako ng Tokyo San na pabaon sa akin.

Umuwi na kami dahil ininjan naman kami ng mga prof namin. AY! Foundation Day nga pala ng PUP kaya todo celebrate sila. Inamag na kami sa kakahintay, ah!

Sabay na naman kami ni Friend umuwi. Taga-Angono siya at dumadaan naman yung jeep na papuntang Angono sa lugar namin kaya isang jeep na lang yung sinakyan namin. Sa tabi kami ng driver umupo. Siya yung unang pumasok at dahil d’yan obligado ako na isara ang pinto sa tabi ko. TEKA! Hindi ako sibilisado! Hindi ko masara! (-_-) Tinulungan niya ako. Ayan! Sumasama na pala ang utak ni manong driver! Ehem! Ehem!

Nagbayad na agad ako dahil ayoko ng hawakan yung barya at mag-aamoy barya yung kamay ko. Binigay ko kay Friend yung bayad ko at inabot niya kay manong driver at sinabi kung saan ako bababa. Tapos kinuha na rin niya yung pamasahe niya at nagbayad siya.

“Oh! Magkagalit ba kayo? Bakit hindi iisa yung bayad niyo?”

HALA! Showbiz din pala si manong driver!

Hay! Hindi naman porket laging magkasama ang isang babae at isang lalake ay may more-than-friends relationship na sila… (-_-) Okie?

Sunday, October 01, 2006

Isang Tipak ng Kanin

Isang araw nang late ang delivery ng bigas namin kaya no choice kami kung hindi bumili sa suking tindahan sa may kanto namin.

Unang saing
Akala ko sumobra lang ang lagay ng tubig kaya parang naging lugaw ang kanin namin. May natira-tira pang kaunting tubig.
Kakainin ko na… Tinrato ko nalang na sabaw yung natirang tubig…


Pangalawang Saing
Aba! Panglugaw nga ata yung nabiling bigas!
Parang nag-swimming yung dahon ng pandan na nilagay sa kanin. (-_-) May tubig na naman kasi pero masmatindi na ngayon! Isang tipak ng kanin ang naging resulta! Hindi mo na ma-identify yung bawat butil ng kanin sa sobrang pagkakadikit nila.
Kapag tumigas ng kaunti pwede ng clay na puti. Wahahaha!!! Pwedeng-pwede kang mag-molde ng star o kaya bola o kahit anong gusto mong shape.



Hay! Buti na lang sa hapunan iba na yung bigas na gagamitin namin. Dumating na kasi yung magde-deliver. Yehey!

Thursday, September 21, 2006

Pulutan

Hindi ako tomador, lasengga/lasenggera, manginginom, alcoholic o kung anuman ang tawag mo roon.

Karaniwan na rin kasi na may nag-iinuman sa may amin at yung pulutan nila ay karaniwang kami ang nag-iihaw. Tama! Wala na sa listahan ang mga katulad ng mani at sisig dahil hindi naman iyon iniihaw.

Siguro ay mapapatawad at mapapalagpas mo pa kung ang pulutan nila ay Tilapia. … ??? Nakakapagtaka nga eh. Ang pulutan nila ay Bangus. Eh matinik ang bangus. Tapos syempre ang tipikal na setting ng inuman eh tuwing gabi. Wow! Challenge ang ganong klaseng inuman.

Ano na lamang ang kanilang pag-uusapan?

“Pare, teka, natinik ako.”
“Kumusta na nga pala kayo? Masyado akong busy sa paghihimay kanina eh.”
“Gusto ko yung bandang buntot.”
“Pare, subukan mo itong ulo, masarap ‘to!”

Ay gulay! Lasing-lasing ka na nagtitinik ka pa ng bangus na pulutan niyo. (-_-) Para sa akin… Hindi ganon kagandang ideya ang bangus bilang pulutan.

Thursday, September 14, 2006

Kung minamalas ka nga naman oh...

Masama ang araw ko nung Tuesday. Isang bagsakan ang kamalasan sa akin at ang pinuntirya ay ang pera ko at ang aking prepaid load.

May katext ako nung Tuesday ng umaga at dahil hindi naman siya agad nagre-reply eh tinago ko muna yung phone ko sa bag ko. Parang may kakaiba at parang may nag-uudyok sa akin na tingnan yung phone ko. ABA! May tawag.

“Bakit ka tumawag?”
“Ikaw nga yung tumawag eh.”

HUWAT?! Ako?! Cancelled agad ang call. Gr! Ako pala ang tumawag, hindi naka-lock ang keypad ko. Pasaway na phone ‘yan! Mula 21 pesos eh naging 14.50 na lang ang load ko. Kulang na para sa one-day unli. Huhu!

Nasa abangan na ako ng jeep. Puro Crossing at JRC. Nasan ka na Cubao? Ay meron pala pero puno. Sige takbo ako sa kabilang hintayan. Wala pa rin. Naaatat na akong makasakay dahil may naghihintay sa akin sa LRT. Pinatulan ko yung FX (dahil FX ang unang dumating) kahit wala akong pera. Slow mo nga ang takbo namin, ang bagal… Kung nag-jeep lang ako eh 11 lang ang bayad ko (minsan 12 kapag masungit ang driver). Pero ngayon eh 30 pesos ang biglang naging katapat ng mabagal na biyahe at de aircon na sasakyan. HAY! Mas mahal pa papunta! Kapag pauwi, same route, eh 25 pesos lang! Hindi na ako nakipagtalo kay manong driver.

Naiinis talaga ako nung Tuesday. Speechless ako. Ayaw kong magsalita. Tulala. Lumipad at naglaho ang pera ko. Buti na lang hindi sila nagalit sa akin. Buti hindi ako pinagalitan ni Ayie. … ??? Lagi nga pala siyang asar sa akin.

At dahil sa pangyayaring iyon eh kailangan kong magtipid sa aking lunch. Isa pa pala! Nakakain pa ako ng bato na kasama sa kanin. Nilunok ko na nga lang eh at sabay sigaw ng Darna! Joke lang.

Isa pa pala… Kaya ngayon lang ang post na ito dahil sa ayaw mag-load ng pages. Gr! Mga tatlong araw ko lang naman ng pinipilit na i-post ito. Ang malas naman oh!

Friday, September 08, 2006

How will you call this?

I greeted a former schoolmate and energetically said “Hello!” Oh, don’t forget that I waved at her… We have an impersonal relationship; we don’t talk to one another.

LRT2 is a staple transportation for me and many other travelers. Usually, I see former schoolmates there and there is some sort of force that obliges me to greet them and I would normally find myself saying hello, flashing a smile or raising my eyebrows like any other typical Filipinos. But when we were still in the same school we would normally snob each other. So, is it hypocrisy?

*sigh*

My point is why is it just now that we would greet each other?
How will you call that? Mmm… Is it good or bad?

Wednesday, September 06, 2006

Have you heard about the Happiness Equation?

Smart guys do smart things. Imagine… They even formulated an equation to measure the intensity of happiness you get from a certain thing.
I really never pondered on how happy I am. Have you ever wanted to know the figures that will tell how happy you are?

I can get pleasure from simple things which others may tag as boring.
As I, together with Jep, was walking I saw the big red National Bookstore sign in one of the corners of Centerpoint and remembered something. I told Jep that I really had fun when we stayed at National Bookstore to waste some time. How happy was I that time? Mmm…

“Mahirap pasiyahin ang mga taong mabababaw.”
“Bakit?”
“Kasi mahirap gawin yung mga mabababaw na bagay.”

Who agrees with him?

Sinabi pa nga sa akin ni Ayie (pronunciation: ayi) na masarap basahin sa loob ng bookstore yung librong gusto mo tapos babalik-balikan mo na lang hanggang matapos mo. Ulit! Gaano kaya siya kasaya kapag ginagawa niya iyon? (PS: Si Ayie ay kaibigan ni Jep)

Ang pagiging masaya ba ng tao ay maipapahayag sa pamamagitan ng mga numero na may kaakibat na unit of measure?

Sunday, September 03, 2006

The Guilt of Spending

I do not like to spend money because I feel guilt afterwards except when I buy foods.

Going to Centerpoint was not in my plan last Friday (Sept. 1). Jep just asked me to go with him because he wants to see Keirstine dance. I pretended not to have money. I just watch them as they enjoy. Luckily, Vera invites me to play a sort of basketball game so I get to enjoy a little bit. Another lucky instance was when Virge (pronunciation: verj) treated me to a game which I call “Catch the Bouncing Balls.” I think I did catch at least 10. I got several chances to play four kinds of games…for free… Thanks guys!

I spent a little after the whole day. I played, slightly danced, raced, watched and was amazed.

I was going home and I rode an FX to get a time to relax… (That’s what I thought, it’s hot inside!) I was looking at the grasses which burgeoned from the sand and I was pondering.

It was fun.
Spending a little to enjoy a part of your day is not bad after all. Ü

Thursday, August 31, 2006

No Boyfriend since Birth (NBSB)

Just like my sister, I never had a boyfriend (yet).

I was with a guy friend in a bookstore. I was busy searching for something when he handed me a book entitled, “No Boyfriend since Birth.” Ok!

I need to secure myself financially before having one. Who agrees with me? (o_o) I am just 16 years old. There are lots of years to come (maybe). I am just a freshman in college. I am just starting to build my future.

One of my closest friends has a boyfriend, two of my college friends have, one of my college friends has a suitor, one of them (again) has an ex-boyfriend and me??? Never mind…

Does one really have to have a boyfriend? Is it a part of society’s standards? It has been 16 years of blissful life being like this(?) I am happy with my friends and I lead a normal life.

*sigh*

Who’s like me, my sister and many other girls out there?


A thought from our professor in Sociology:

“Hindi mo lang pwedeng basta-basta magustuhan ang isang tao dahil sa physical feature niya, tulad ng magandang ilong. Ano ‘yon kapag nagpakasal kayo tapos wala na kayong makain, maisasaing niyo ba yung ilong niya? Hindi!” – Herrero

Wednesday, August 30, 2006

A Student's Life

Sitting in an age-old wooden chair of our University, beside the wooden jalousies, near the painted door, far from the working ceiling fan, under the fluorescent lamp and while suffering from the morning warmth… I knew this day would be a routine.

I would normally take a jeep going to Cubao and alight at the foot of the overpass, buy a 14 peso single-journey ticket going to Pureza and insert it in a machine with a green luminous check, take the escalator and find the least crowded area. Balancing inside the train is quite hard so I need to hold onto the sticky poles of the train. Katipunan, Anonas, Araneta Center-Cubao, Betty Go-Belmonte, Gilmore, J. Ruiz, V. Mapa and at last Pureza. I opt to use the stairs when going down from the platform because it is faster than using the crowded escalator. Then I would take a tricycle going to the main campus.

I would hang my ID on my neck to show it to the guards and then take it off when I pass them, take the stairs near the dome, and stop at 4th floor’s wash room. I would then find myself walking in a red floor and looking at the room numbers and when I finally arrive at our room I seize a moment to think on where I will sit.

Some chairs are moist, some have distorted frames, some with wide desks, some with carvings, some with… Each chair is distinctive. The blackboard is not black, it’s green and it has brown border. Posted on its left are the map of 5th floor and the Vision statement of our College. On its both sides are the doors. I never inspected if the pot of the withered plant is still behind the left door. There is only one electric fan that hangs on our white ceiling, it’s on the right side of our room. Our room is a study area for lots of students from different sections and as far as I know we are the main occupants of our room.

Our classes would normally start late, take our lunch in/on time and be dismissed in/on time. Then I would go home together with my two block mates.

Saturday, August 26, 2006

And she was Abegail †…

I refused to put this in my blog for some reasons... And now, I gathered enough strength…

It was last Tuesday (August 22) when we knew about our classmate’s death. We thought that it was a joke, a bad joke. Five text messages and a call confirmed it that she died because of Dengue*. She even took our Departmental Exam in Accounting last Sunday (August 20). Some of my block mates saw her and she looked very weak. She was obviously frail for a couple of days but I thought it was due to stress or the like.

They say that she even primed to go to class because she prepared her uniform. Her mother did not know about her actual situation because she told her that all she needed was Biogesic, Neozep and Strepsils.

Some of my block mates went to the morgue (I think) to see her for the last time. She was not yet put in a casket due to financial constraint. They were able to collect P5000 (I think).

She even told one of our block mates that, “May taning na ang buhay ko.”
She’s nice and beautiful… I felt her dedication to learn…

Let us pray for Abegail †… May she rest perpetually in the comforts of our Creator…



*Erratum
Posted: September 1, 2006 (Friday)
Her death was due to some sort of heart disease and not Dengue...

Monday, August 21, 2006

Siya si Jose

May naging kaklase ako nung nursery at kinder sa Little Jewels Christian School (LJCS) na nagngangalang Jose Tolentino. May glaucoma siya at hirap na hirap makakita. Mga siguro 16 o 17 years old na siya ngayon at 12 to 13 years na kaming hindi nagkikita at nagkakausap. Ayun yung mga panahon na wala pa kaming pakialam sa mundo kasi bata pa kami noon (4-5 years old pa lang kami noon).

Wala na akong maalala sa kanya kundi nung graduation namin. Medyo blurry ang vision ko nung graduation pero ang alam ko hinihila niya ako papunta sa upuan namin.

Sinubukan ko na rin siya hanapin sa Friendster kaso bigo ako. Tulad nga ng lagi kong sinasabi, maraming Jose Tolentino sa mundo. Kung anu-ano na rin ang naisip ko, baka tuluyan na siyang nabulag dahil sa sakit niya (sana ‘wag naman) o baka naman hindi niya lang naisipan mag-Friendster.

Gusto ko lang magkaroon ng update tungkol sa kanya.

Saturday, August 19, 2006

Saan ba nilalagay ang eye shadow?

May sidewalk sale ang BigR sa may amin kaya pupunta kami. Napagdesisyunan namin ni ate na mag-mall. Sabi naman nung lagi kong kasabay, na si Jep, na gusto niyang makita si ate. Eto naman ako at binalita ko kay ate at sinabihang mag-ayos siya…

Dumating na ang araw na iyon. Nagkataon na uuwi agad si Jep at hindi na sasabay sa akin… Ay mali… Hindi na ako makakasabay sa kanya… Mali pa rin pala… Hindi na muna kami magkakasabay…

>> Fast forward >>

Pauwi na kami nang… Napatingin ako sa mga mata ni ate.

“Bakit may glitters? Pamilyar ang make-up na ‘yan ha!” -> naisip ko lang…

Ayun pala todo ayos si ate. Nagmake-up siya kahit hindi siya marunong. Naglagay siya ng eye shadow (ata) sa mata niya pero sabug-sabog yung glitters. Yung lepistik (ay lipstick pala) eh hindi na effective pero sabi niya naglagay siya… Hehehe!!!

Wednesday, August 16, 2006

Iris

by Goo Goo Dolls



And I'd give up forever to touch you
'Cause I know that you feel me somehow
You're the closest to heaven that I'll ever be
And I don't want to go home right now
And all I can taste is this moment
And all I can breathe is your life
'Cause sooner or later it's over
I just don't want to miss you tonight

And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am

And you can't fight the tears that ain't coming
Or the moment of truth in your lies
When everything feels like the movies
And you bleed just to know you're alive

Saturday, August 12, 2006

Nangungulangot ka 'di ba?

Tama ang iyong nabasa... Lahat ng tao ay kailangan mangulangot para guminhawa ang paghinga... Booger... Snot... Kulangot... Bogart... Ano mang tawag mo sa duming nakasabit sa ilong mo ay may mahalagang mensaheng gustong iparating sa iyo...

"Mariin ba ang pagtutol mo sa pangungulangot ng kaklase mo?

E di, may cultural essence ka... (biruin mo iyon)"

Tulad ng ibang kulangot, nakadikit ang poster na iyon sa pader. Nakatutuwa nga eh. Natulala ako sa harap ng poster. Hindi ko inaasahan ang poster na iyon kasi ang mga sikat na poster sa amin eh yung mga tungkol sa pag-oust sa pangulo ng Pilipinas kaya medyo stand-out ang poster na iyon sa lahat.

Medyo tine-take for granted natin ang activity nating ito... Hay... Pero biruin mo iyon... Mula sa Miss Universe, mga pangulo, mga kilalang personalidad at mga simpleng tao ay ginagawa ang activity na ito... Hehehe... Ü

Saturday, July 22, 2006

"The best things in life are free..."

Kaunti lamang sa mga tao ang palalagpasin ang pagkakataon na magkaroon ng bagay na galing sa libre. Sa bagay... Ako nga nung pumasok sa isang mall may dalawang crew ng dalawang kainan ang nag-aabot sa akin ng papel. Yung isa yung lisatahan ng mga mabibili mo sa kainang 'yon at yung isa naman eh parang discount coupons... Syempre inisnob ko yung isa at kinuha ko yung coupons...

Laman ako ng LRT2 tuwing umaga o kaya naman kapag uwian namin. Pansin ko lang tuwing umaga ay sangkatutak kumuha ng dyaryo yung ibang mga tao. Yung iba nga isang dakot o kung ano na yung kayang hawakan ng kamay nila. Ako naman eh hindi ko masyadong sinasamantala kaya hanggang dalawa lang yung kinukuha ko (minsan isa lang).

Isang kapansing-pansing title ang nakaprint sa isang dyaryo: "Libreng sakay sa MRT"... Ok... Ako rin eh nahuli yung attention ko kaya binasa ko yung column... Yung iba naman hanggang title lang kaya nagdiwang agad. Nanghinayang sila nung nalamang pang-disabled lang 'yon.

Basta nga naman walang bayad go lang nang go. Ü

Wednesday, June 21, 2006

Biyaheng Litu-lito

Unang araw ko na bumiyahe mag-isa ay nung Monday... Ang galing... Nakarating ako sa school na mag-isa at nakauwi rin na mag-isa. Hindi ko nga inakala na makakauwi ako ng mag-isa kasi medyo lampa ako pagdating sa pakikipag-agawan ng sasakyan.

Nasa Santolan Station na ako ng LRT2 at ang daming tao. Rush hour kasi yung uwian ko kapag Monday kaya inaasahan ko na standing ovation na naman ako sa LRT at mala-sardinas na ang sitwasyon sa jeep.

Pagkatapos kong ma-brain freeze sa ininom kong gulaman ay lumarga na ako upang makauwi.

Bangungot ata ito. Hindi ko alam ang gagawin ko. Puro papuntang Santa Lucia at Robinson ang biyahe ng jeep kung meron mang iba ay Cogeo iyon. Sa wakas! Bago ako lamunin ng kinatatayuan ko ay may Tikling na! Pero puno.

Sumakay ako sa FX na biyaheng Angono pero napababa ako. Mali ang sinakyan ko! Muntik na akong mapunta ng Floodway. Whew. Mga 4:30 pm ako nasa Santolan Station at yung layo ng biyahe sa amin ay 30 minutes na lang pero nakarating ako sa amin ng 7:00 pm. Nakauwi na rin ako... Yehey!

PS
May nagtanong pa sa akin na dalawang estudayente kung ano raw yung pinipilahan ko at kung dadaan raw ba yun sa Valley Golf. Galing nga eh kasi nasagot ko sila ng tama pero aaminin ko na litung-lito ako sa sarili ko nung araw na iyon. Sana nakarating sila sa paroroonan nila.

Saturday, May 27, 2006

Gusto lang pala ni Manong ng pang-merienda...

Nahuli kami sa may Marikina dahil sa counter flowing. Medyo naguguluhan ako sa nangyayari kasi hindi naman kami tineketan. Tapos lagi lang binabanggit ni Manong na nag-violate kami ng rule. Hay… Ayon pala gusto niya lang ng lagay… Suhol… Bribe… Magkano? 50 Pesos… Pang-merienda raw... Ayos na siya doon at pinalagpas na kami na parang tinuruan lang kung saan pupunta. Hay…

Tuesday, May 16, 2006

Paano ba didikit ang upuan sa pwet mo?

Siguro mga 9 o 10 oras kaming umupo at naghihintay.

Hindi ko naimagine ang sarili kong naghintay ng ganoon katagal at guess what… Naka-upo kami. Aaammm… Kasi masakit sa pwet.

Tanaw na tanaw mo ang puno ng eucalyptus (daw) sa labas ng building. Ang puno ay sumasayaw sa himig ng hangin. Ang ganda nga eh. Ang sarap ng hangin. Nagtaka ako kung paano nagkaroon ng sariwang hangin sa isang lugar na may daanan ng tren, bus, trak, dyip at iba pa. Pati tao parang tambutso kasi bumubuga ng usok. Tanging ang tribike lang ang friendly sa hangin. Siguro maliban na lang kung may nilabas na himala ang driver.

Balita ko rin nga pala nag-enrol ang isa kong kaibigan sa isang kilalang unibersidad (sobrang kilala iyon na magtanggal ka lang ng isang word sa unibersidad na pinapasukan ko ay ayun na ‘yon… Blind item?) At kinwento ko kay Zino (pagbigkas = zay-no) aka batchmate turned classmate.

A: Sabi ng kaibigan ko nung nag-enrol siya sa ***** 7 am to 3 pm ang enrolment nila.
Z: (Tingin sa relo…) *toot* malalagpasan natin ‘yon…
A: Hahaha!!!

Akala ko kasama ko na ang kinauupuan ko pagtayo ko. Sa kabutihang palad, hindi naman.

Saturday, May 13, 2006

Acid Rain = Umuulan ng Basura?


---> Epekto ng acid rain... Kaya alagaan ang kapaligiran.

Tag-ulan na naman at may mga nakikita na naman akong mga batang naliligo sa ulan. Sila yung mga kapit-bahay namin at yung iba galing doon sa kabilang ibayo pa.

Syempre noong bata ako naliligo rin ako sa ulan at nangingisda pa kami dati sa baha sa may amin pero wala kaming nahuhuling isda. Masakit pa ang patak ng tubig ulan sa likuran ko kasi bata pa ako noon at maliit pa (kahit hanggang ngayon).

Naalala ko tuloy kasi lagi akong napapagalitan kapag naliligo sa tubig ulan. Marumi raw ‘yon, parang Acid Rain. Wahahaha… Dahil sa makipot kong pag-iisip noong bata at ang alam kong madumi noon ay ang basura e di inakala kong...

…umuulan ng basura kapag may acid rain. WOOH!!! Hahahahaha!!!

Noong high school na ako nalinawan kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng Acid Rain

Friday, May 12, 2006

Gay Lingo... Keri mo ba itets?

May nag-send sa akin nang message. Ang laman ng message ay ang sumusunod.

KUNG NAG GAY LANGUAGE sana sila GMA at GARCI, e di walang SCAM!
GMA: hallo gracia!
GARCI: plangush mother! Na chenilyn de kimberlyn ko na po yong mga chuva ek ek!
GMA: bonggacious! eh yong mga chenes chenes, carry na ba?
GARCI: Winnie santos mama, wiz na wori eclavou na ever! Na ch0rva na!
GMA: ang tarush! malditah ka talagah. Eh di windra na2man watashi!?
GARCI: anufi ate…
GMA: oshah babush na… ra2mpa pa ang lola.

Aaaa----no raw? Hindi ko nagets…

Thursday, May 11, 2006

Gaano karami ang earwax sa tainga mo? Pang-Guinness na ba?


Ano kaya kung mag-break o mag-set ako ng panibagong world record? Hahaha… Ano naman kaya yun?

Nung 1st year kami dati sabi nung isa kong kaklase magtatala siya ng panibagong record sa Guinness World Records na may pinaka maraming ear wax sa loob ng tainga niya. Nyaks! Ayaw ko naman ng ganon… Ano kaya? “Corniest Person?” Hhmm… Masyado atang brutal iyon para sa akin…

*Picture from www.livemarketing.no

Tuesday, May 09, 2006

Ano ang burol? Ano ang pagkakaintindi mo sa salitang ito?

Burol – ang paglalagak ng katawan ng namatay (Tama ba?).

Para pa sa mas malawak na pag-bi-bigay ng kahulugan sa burol…

- Maraming sugal na nagaganap dito tulad ng tong-its, sakla, bingo,
at color game.
- Maliban sa mga nabanggit maaari ka ring makakita ng mga taong seryosong nagche-chess at nag-i-scrabble.
- Ang iba naman ay nandito para sa mga pagkain na libreng pinapamigay, syempre pati may juice. Kung maluwag ang budget ng namatayan ay may sopas at pansit pa itong ihahanda. Kung hindi naman, ay makuntento na lang sa mani at kornik.


*Ito ay ayon lamang sa aking mga naoobserbahan.

Monday, May 08, 2006

Parang kambal na magkaboses pa

May mga tumatawag dito sa amin at syempre ang iba doon ay tawag para sa ate ko. Minsan ako ang nakakasagot at minsan… Hehehe… Iku-kwento ko…

Ako: Hello?
Caller: Oh, Geralyn!!!
Ako: Hindi ito si Geralyn, teka tatawagin ko s’ya
*Ito yung pinaka common sa lahat.

Ako: Hello?
Caller: Kumusta ka na? Oh, naka-enrol ka na ba?
Ako: Aahmm… Opo… (akala ko kasi ako)
Caller: Kumusta na inaanak ko?
Ako: (Ha? Eh ako yung inaanak mo eh!) Ayos lang po.
Caller: Naka-enrol na ba siya?
Ako: Opo…
*Natapos ang pag-uusap namin na akala niya ako si ate. Hindi ako nakaimik kasi ang bilis niya magsalita.

Ako: Good afternoon!
Caller: Hello. Pwede po kay Zsheraldine? (Sino siya? Walang Zsheraldine, sa amin, Geralyn lang)
Ako: Teka lang… (after few seconds)
: Hello?
Caller: Oh! Zsheraldine! Naistorbo ba kita? (with matching pacute na boses)
Ako: Ah… Hindi ito si Geralyn. Tulog siya eh.

Ako: Good evening
Caller: Pwede po kay Ate Gretchen?
Ako: Oh, bakit?
Caller: Ikaw na po ba ‘yan ma’am? (tinatawag niya akong ma’am kasi CAT officer nila ako dati)
Ako: Oh? Bakit nga?
Caller: Teka naguguluhan ako. Ma’am?
*Tapos niloko-loko ko na siya kasi nakakatawa siya.

Saturday, May 06, 2006

Yung parang dikya

Hindi ko maalala ang ginagawa ko noong napatingin ako sa kalangitan. Aking napansin ang kulay dilaw na bagay na lumilipad, nagulat ako at napatingin uli… Isa pala iyong saranggola na mukhang dikya.

Hindi ako marunong magpalipad ng saranggola. Siguro dahil ito sa lugar na tinitirhan namin na puro kable ng kuryente ang bubungad sa saranggola mong nais sumakay sa malakas na hangin. Hehe… Ilang saranggola na rin ang natepok at nabuhol sa mga kable ng kuryente dito. Hindi ko rin natutunan kung paano gumawa ng bula gamit ang gumamela. Hindi ko rin kayang gumawa ng himig gamit ang dahon. Hay… Marami akong hindi natutunan noong ako ay bata.
Napa-isip ako tungkol sa kabataan ko.
Noong lumipat kami dito sa kasalukuyan tinitirhan namin medyo hindi na ako nakikipag-salamuha sa mga kapwa bata ko. Hindi na ako nakikipag-karerahan sa bisikleta(dahil wala na rin akong bisikleta noon), wala na akong kalarong nanghuhuli ng butiki, wala ng role-playing sa gitna ng kalye, hindi na umaakyat sa puno ng makopa, hindi na nakakapaglambitin sa dyip at hindi na ginagawang slide ang bench ni Tatang. Mas naging interesado ako sa pagdidilig ng orchids ni Tutu kesa sa pakikipaglaro. Masarap maging bata pero nakalimutan ko ito noong lumipat kami rito. Nakukuntento na ako sa pakikipaglaro sa sarili ko, sa ate ko at sa mga alaga naming aso. Hay… Iba talaga ‘pag bata…

Friday, May 05, 2006

Ayan kasi!!!

Habang nagmumuni-muni sa harap ng computer bigla ko na lamang nakita uli ang bote ng lotion. Wow! Lotion! At last may lotion at hindi baby oil ang gagamitin ko. Okay! Masosolb din ako.

Pagkakuha ko sa bote ay kakaiba ang bigat nito. Binuksan ko na ang bote ng lotion at may konting residue ng natuyot na ewan. Binuhos ko na sa aking palad at mga daliri pero may kakaibang lapot ang nasabing lotion. O sige! Pahid dito. Kuskos doon… Wow… Ano itong kakaibang feeling na ito? Parang sobrang lagkit ata at parang kakaiba itong matuyo.

AYOS! Napeyk ako ng pambihirang glue ni ate. Bakit kasi iyon nasa bote ng lotion kung may sarili naman itong dispenser?

Pagka-uwi ni ate ay tinanong ko siya. Tama… Panlinlang niya iyon sa mga taong gumagamit ng pampaganda niya na hindi nagpapaalam.

*Para hindi magaya sa akin, amuyin muna at suriing mabuti ang iyong gagamitin. Oo nga pala, huwag makialam ng hindi sa’yo upang hindi mapahamak. Ayos lang din ang baby oil kung walang lotion. Ü

Tuesday, April 25, 2006

Dito ba talaga ako?

Nagulantang ako sa mga pangyayari. Hindi ko nagustuhan ang accountancy noong inaral namin ito nung 2nd year. Ngayon… College na ako at ang binabagsak kong subject noon ang siyang magiging kurso ko. Nasa main building na kami, lumagpas na kami sa 4th floor kung saan pipila ang mga estudyanteng kukuha ng Business Administration. Dapat andoon ako pero nilagpasan ko iyon para umakyat pa ng isang floor para sa BS Accountancy.

Pangalawang batch kami sa uupo. Ang saya! Masarap umupo pagkatapos mong gawin lahat ng klaseng pagpapasaya sa sarili mo para hindi ka mainip habang nakatayo at naghihintay. May biglang binanggit ang lalakeng nasa harapan ko. “Nasa BSA kayo. Tama ba?” Hindi ko alam kung ano yung kursong kinuha ko kaya hindi ako makaimik. Tingin na lang ako sa papel na hawak ko kung BSA nga ang tawag sa kursong kukunin ko.

Katuparan na ng mga pangarap ng mga kasama ko. Musika sa tainga nila na aprubado na sila bilang estudyante sa BSA. Gusto nilang maging CPA at ako naman gusto kong magka-background sa accounting. Pero sana hindi lang iyon. Inisip ko ngang tumayo sa kinauupuan ko para magtungo sa 4th floor pero wala akong lakas. Hanggang plano lang iyon.

Nasa labas ako ng Dean’s Office at napaisip-isip kung dito ba talaga ako tutungo. Nagbigay na ng welcoming remarks ang dean. Sabi niya malamang gusto namin ang accountancy, yung mga kasama ko natutuwa pero ako natatakot. Nang palabas na kami, parang gusto kong umiyak nang nakita ko ang isang babae na nagsusulat sa isang ledger.

Hindi lang puro sa accounting ang subjects namin… Nagulat ako na may Law. Ok! Nako… Napaisip-isip ako tungkol sa ITR at suffrage(konek?). Ilan lang iyon sa mga nalalaman ko tungkol sa batas maliban sa kung paano iha-handle ang flag, bawal mag-jaywalking, no littering, no loading and unloading, post no bill, don’t block the driveway, barya lang sa umaga at bawal umihi rito.

Sige… Ayus lang iyan… Ganyan lang talaga ang buhay, kailangang sakyan.

“Ok! Papuntang BSA! BSA! BSA! Sakay na!”
“Saan nga ba ako? Sige dito na. Dadaan naman sa BA.”
“Aalis na! Aalis na!”
“Pamasahe po?”
“Kahit magkano basta ‘wag lang bababa sa ochenta y cinco.”
“Magkano ba pera ko dito? Mabilang nga.”

Saturday, April 22, 2006

Earth Day


It's Earh Day today! Lagi nating alagaan ang kapaligiran kahit hindi naimbento ang Earth Day... Ok?

Friday, April 21, 2006

"Panic Room"

Babalikan ko sana ang Certificate of Good Moral character also known as Good Manners and Right Conduct (sabi ni Abo ‘yon). Paalis na ako noon nang may naabutan akong kumakatok mula sa loob ng CR. Weird… Nung sinubukan kong buksan ayaw kahit yung college student na nakasalubong ko sumubok rin pero ayaw talaga. Humingi na kami ng tulong mula kay Super Kuya pero sabi niya bakit daw namin bubuksan iyon eh CR nga ‘yon. Okies… Ngayon natatawa na ang mga taong nandoon dahil sa nakulong naming Guidance Counselor. Wahehehe!!! Ayun lang… Natatawa nga ako pauwi eh. Sinira na ata nila yung door knob kasi nga eh palpakin na.

Thursday, April 20, 2006

Andito ka pa ba?

Minsan ba ay sumagi na sa utak mo ang tumalon sa isang gusali o tulay? Balutin ng plastic ang iyong ulo? Ibitin ang iyong sarili? Magpasagasa? Bakit kaya mas madaling tapusin ang buhay kaysa ipagpatuloy ito? Ilang segundo o minuto lang ay wala ka na sa mundong ito at kasama ka na sa kinakatakutan ng mga bata. Kung magastos ang pagpapa-sunog sa malamig na bangkay o pagpapalibing ay hindi rin biro ang gastos ng nabubuhay.

Mabuti pa ang mga dahon dahil pilit kumakapit hanggang sila ay mabulok o pitasin. Ikaw at ikaw pa rin ang magbibigay katuturan sa buhay mo at magbibigay ng katwiran upang patuloy na maglakad. Parang telebisyon, kapag nasisira at nawawalan ng kulay ay pwedeng mong daanin sa kaunting pukpok.

Basta… Huwag mong ililibing ang sarili mo at hintayin mo ang panahon ang gumawa nito para sa iyo.

Wednesday, April 19, 2006

What are the colors of the olden times?

When I was watching an old movie, I wondered if the colors during the olden times are black, white and brown only. Then a few decades ago colors appeared but they are dull. It was just now when they appeared to be more radiant. Well, I was still a kid when I thought of that.

Tuesday, April 18, 2006

The Colloquial Mind

Instead of... You/They say...

Electricity - Meralco
Toothpaste - Colgate
Detergent - Tide
Photocopy - Xerox
Slippers - Beachwalk/Alpombra
Rubber Shoes - Spartan/Tennis
Golf Balls - Spalding
Refrigerator - Frigidaire
Sticky Tape - Scotch Tape
Permanent Marker - Pentel Pen
Liquid Eraser - White Out/Pritt
T-shirt - Hang Ten
Pencil - Mongol
Person not from a province - Taga-Maynila
Condensed Milk - Milk Maid
Cream (Fruit Salad) - Nestle
Noodles - Lucky Me/Payless
Hair Spray - Spraynet
Soap - Safeguard
Ice Cream - Magnolia
Thread (Cross-stitch) - DMC
Jeans - Levi’s
Pizza - Shakey’s/Pizza Hut
Water - NaWaSA
Paint - Boysen
Nail Polish - Coronia
Menthol Rub - Vicks
Ointment (Insect Bite) - Katinko
Soft drinks - Coke
Plastic Container - Tupperware
Coffee - Nescafe
Peanuts - Growers
Chewing Gum - Juicy Fruit
LPG - Shellane

You may have heard them once. These words are just inevitable because they are part of the colloquial world.

Monday, April 17, 2006

Kambal ba kami?

My sister<--- --->Me



I can’t help it… I want to blog this now…

First Incident
We were on our way home (I was with my sis)… We were talking about some thing when the tricycle driver suddenly butted in…

Magkapatid ba kayo? Magkamukha kasi kayo.

I am not the type of person who will answer a stranger’s question so my initial reaction was, “Opo… Hehe… (shrugged shoulders and smiled)…” Do we have a similar phenotype??? No!!! We just laughed about it.

Second Incident (The Last and the shocking)

My sister invited me to go to the barbeque-han in the street corner. Wahehehe… We met an old man… When I was about to pass him he suddenly questioned me, “Kambal ba kayo?” ??? I was shocked for a moment and I said “Hindi po.”

Ganoon na ba kami magkamukha??? Ito ang pictures namin… Left siya at right ako…

Being Them

HaLLer GuyzZ!! MustAh na p0h ke0? Et0h n nMn p0h aq naNgunGulit. La p0h kc gWa s hawz eh. Ang inEht nge0n, SumMer n tLga. cGe GuyzZ tiLL nXt tym n lng… Bye! MuaHhHugZz!

~Syempre hindi ako ganyan kahit sa text… Hindi ko afford ang alternating uppercase and lowercase letters… Mmm… Kuha ko lang ‘yang mga yan sa mga nagtetext sa akin. Ganyan sila… Hindi ko kaya ang ganyan… Ewan ko ba… Iba lang talaga siguro ako. Corny kasi ako. Tinray ko lang maging sila pero mahirap pala kasi hindi ako ganon. Siguro kailangan ko ng matinding ensayo para matuto ako ng ganyang lenggwahe.

Sunday, April 16, 2006

Celebrating the Day I was Born

Wuhu!!! Hindi ko birthday ngayon pero naalala ko lang. Mga grade 4/5 na ako nung namulat ako na ayaw ko palang i-celebrate ang birthday ko. Nung grade 3 nga ako ang regalo sa akin ng friends and classmates ko ay payong na malaki, yung kasya yung ilang katao, pati ilang wirdong gamit. Sa ganoong pagkakataon ko nasilayan ang ka-cornyhan ng birthday ko pero sa totoo nung una ay natuwa ako kasi marami akong gifts…
Ay onga pala… Dati ‘pag nag-ce-celebrate kami ng birthday namin nung kinder kami ay pinuputungan kami ng karton na korona. Usually pink iyon at excited pa akong makakuha ng ganoon.

Saturday, April 15, 2006

Not Once

He was delivering his speech to everyone in the auditorium and he was just in front of me. At first, every thing seemed so funny. He started it with, “There was once a poor boy…” His voice was very casual and quite funny. He was reading, I think, a story about some one. He stated it very comically that some laughed (yung iba pumalakpak pa) at the “Wawa Incident” aka “Ang Araw na Nasaksak Siya.” Some of the parts that I could remember… Not in order po ito…

“He wanted to belong in the top 10 of his class but he could not because his grades were 79 to 81… When he graduated grade school he got an award and it was ‘Best in Computer.’ He stopped going to school…but he decided to re-enter.”

One of my seatmates was asking if it was him. Sabi ko, “Yata, parang siya.” Behind my mind, I know it was him because there was an incident where he told us that he is going to share the story of his life at halata naman na siya iyon.

“He tried to commit suicide, not once…”

He always says that he will commit suicide. I thought they were all a joke but they were not. Please… Don’t…

He’s our batch valedictorian, received several awards which I cannot remember anymore because they are too many.
He really inspired me and his speech almost made me cry… Thanks Daro… Andito lang kami… /PaDaNo…/

Friday, April 14, 2006

I forgot the block in which I live

I went to the post office to look for my letter from UST. The mailman asked for my address. I answered,
“Lot 19 Block… Block 2 po ata o Block 3.” He was surprised. Hehe… He said there’s no lot 19 in block 2, it is only in block 3. Oh, Ok. Next time I’ll bring an ID with me. Har! Right after I got home, I quickly searched for my ID to know our mailing address. Tama si manong, block 3 kami. Why did I forget it? Mental “block?”

PS
When I will leave the post office, manong told me to come back the day after it and bring some merienda. Woohoo… But I did not… Do I have to?

Thursday, April 13, 2006

Crispy Kangkong

When we were in Shopwise Antipolo we’ve passed by a lady who kept on saying, “Free Taste, Ma’am/Sir, Crispy Kangkong po with *** Mayonnaise.” I ignored her but one of my friends grabbed one. I felt some hunger in my stomach so I tugged Cc with me and got some crispy kangkong. It is indeed crispy and delicious. Well... It tasted like flour. I wanted to take another one but I got shy. Hehe…

I wonder… What will be the taste of peanut butter added to mayonnaise?

Anong gusto mong maging?

Maybe every Filipino on earth heard that question. It is as popular as “One plus one?” Why would they ask a child about his/her dreams? Hindi pa naman ganoon ka-established ang kanilang gusto sa buhay pero malay ko pa rin. I wanted to be a lawyer and the president of the Philippines. Waha! Nice dreams but as of now I would like to be a successful person in any career that I will pursue.

Top 5 Dreams of children
Actor/Actress
Doctor
Lawyer
Veterinarian
Their father’s/mother’s career
*Note: I have no basis for here. Not in order yan… Onga pala… Kung bakit Filipino lang yung tinukoy ko sa 1st sentence… Ewan ko lang kung sikat din yan sa ibang bansa.

Now, every time some one will ask me about my dream my safest answer will be, “I want to be successful.”

Wednesday, April 12, 2006

Black and White

We don't have a photo editor in our computer. Har... So I asked Lourdz to edit my picture. Wahehe... Nang-utos pa... She was kind to do so. I am very grateful because she did that for me... Syempre naintriga siya kung para saan. Sa Rice Bowl Journals sabi ko.

Salamat Lourdz!
Ewan ko ba. Gusto ko siguro malaman ng mundo ang existence ko.

http://ricebowljournals.com/

Summer Job

I tried to apply for a summer job and my target is the municipal hall of Taytay. Unfortunately, I was too late to submit my resumé. Mmm… Abo (my aunt) told me to apply in a fast-food chain but I am very afraid to take the orders of the customers. I am just too slow for that job.
I even heard that one of my classmates works as an encoder. Har… Maybe I’ll fit for that job since I like to type. Hehe… It is in Ortigas. I like to have a summer job.
Next year… I’ll have a bull’s-eye.

Vacation

For the past 9 years of my life, I’ve thought that vacation is the least educational and the most sinful part of my life… I was wrong… I’ve learned a few things…

Stress can cause menstruation.
I can already determine how stressed I am.
Too much thinking can cause nosebleed.
Wrong spelling, miss one turn.

Vacation is educational.

Oh, Aling OP!

Si Aling OP ang may-ari ng favorite na sari-sari store ko at unfortunately ang tindahan niya ay mag-sasara na… Huhu… Siya ang may pinaka malapit na tindahan sa amin kaya madaling puntahan.

Si Aling OP ang source ng chismis sa amin. Hay… Andyan pa naman siya pero yung tindahan niya wala na. Huhu… Oh, Aling OP...
“Where does the time go?”
I heard that line from a song. Where does it go? I am really confused about time. Do we live simultaneously with the past and the future?

Monday, April 10, 2006

Officers na sila

Bigayan ng posisyon nung Saturday para sa CAT/RCY officers (kasabay na rin ang bigayan ng cards). Naka-receive ako ng text message na nakalagay…

,mam, 1st bn s2 po nakuha ko! --- basta parang ganyan

Yehey! Masaya ako para sa kanya kasi matino ang papalit sa akin. Ü Magaling nga siya para sa nakuhang posisyon na iyon. Parang bagay sa kanya yung mas mataas pa pero okay na rin. Isang common trait namin eh yung laging magulo ang buhok. Hehe… Ü

Congratulations sa mga CAT officers! Galingan niyo sana at i-enjoy niyo para masaya.
Dun sa isa pang nag-aspire ng 1BN S2… Galingan mo pa rin… Ü

Siya nga pala siya si Lourdz. Ako yung nasa kaliwa at siya yung nasa kanan (sa picture). After CAT Graduation yang pic na yan (March 27, 2006).

In Beverly

May over-night ang grupo namin pero hindi nakasama si Pamela at si Cyrisse.

Sa Beverly Hills (ata) kami nag-over-night… Sa rest house nina Noekka. Walang telepono, walang cable at nanganganib ang tubig pero happy naman.

Si Cc (sisi) o ang kapatid ni Noekka ang laging nagluluto para sa amin. Galing nga eh. Taga-saing at taga-urong naman kami ng pinagkainan. Hindi kami makaramdam ng gutom (ewan ko lang). Puro kain kasi kami doon, laro ng badminton, nood ng pelikula kain na naman at mag-saing. Ü

Ang exercise namin ay mag-badminton. Nag-race to 100 nga kami. Yung panalo hindi mag-uurong.Wuhu! Panalo ang team namin ni Ches, Daro at ako. Talo naman sina Cc, Mineng at Noekka. Ayun yung araw ng nawalan kami ng tubig at hatinggabi na nag-toothbrush at nag-ayos ng sarili. Wawang Cheska… Hehe…

Bago kami umalis manganganak na ang caretaker ng bahay, si Ate Sabel. Hay…

Mamang mag-pa-popcorn

Habang naglalakad kami ni ate nakakita kami nang nagtitinda ng popcorn, yung nilalako na may kulay at karaniwang makunat na kasi exposed sa hangin. Yung nasa utak ko na ipapabili ko kay ate ay yung plain o kaya cheese pero ang binili niya ay yung kulay pink. Sige ok na rin. Naghahanap na siya nang isusukli nang buksan niya ang pink niya ring drawer. Ta-dah! Puro limang piso, piso at isang twenty peso bill. Hindi pa ata aabot sa 100 yung kita niya kapag hindi pa kami bumili. Hindi niya na rin siguro maayos yung cart niya dahil sa liit ng kinikita niya. Nagbadya pa ngang tumumba nung sasandok na siya ng popcorn.

Ang hirap naman ng ganun. Buhay nga naman.

Monday, April 03, 2006

Chuva

Nagsimula ang lahat sa puno ng Narra.
Ayaw ko kasing sundin si ate. Sabi niya kasi sa akin na huwag daw akong gumawa ng entry tungkol sa Narra. Ayan, nahampas pa ako ng sinturon. Kompitensya raw iyon sa blog.

Speaking of blog. Sabi ko sa kanya isama naman niya ako sa blog reads niya kasi binura na niya ako roon. “Cannot find server” na raw kasi ‘pag kini-click niya. Hehe… Binago ko kasi yung address eh. Nahihirapan akong tandaan at banggitin.
Tinanong niya kung ano yung lumang address ng blog ko. Sabi ko, Living and … Chuva…
Bigla niyang sinabi ang salitang

“Chuvaners”

Ano ba ang salitang “chuvaners?” Kamag-anak ba nito ang salitang “chuva?”

Ang Puno ng Narra

Ngayon ko lang nalaman na mabango ang bulaklak ng Narra.
Marami-rami rin yung puno ng Narra sa amin (mga 3-4 ata). Tapos naaamoy pa rin hanggang sa amin. Mmm… Ang bango.

Friday, March 31, 2006

...

We have cobwebs in the four corners of our classroom. We have a fossilized cockroach in our wall. A side of our classroom cries every time it rains. The bookshelf is a total mess. The blackboard is a message board for those who lost their things. The room is not properly cleaned. The air conditioning unit produces more water than cooled air. There are a lot of things you could tell about our room. Well, that’s the room of 4-S.
You’ll find some of us eating, sending text messages, chatting with his/her friends and sleeping. We give our teachers new names like JuZa, PetiCap, JuFran and Dolphin. We learnt how to value time and that you could prepare your things in less than a minute. We fight. We love to take pictures of ourselves. There are a lot of things that you could tell about us. Well, that’s 4-S.
Sa unang pagkakataon may sinend sa aking letter pero nainis talaga ako nung may nauna pang magbasa kesa sa akin. Hindi man siya nagpaalam.

Tumawa lang siya kasi akala niya sa kanya. (magbasa nga) Nakakairita talaga. Ang daming letters sa cabinet ko pero kahit isa dun wala akong pinakealaman kasi hindi sa akin naka-address. All I want to say is:

“Hindi sa’yo iyon. May mga mata ka naman kaya magbasa ka nga! Nakakainis. Sa akin pinadala yung letter. Ang panget pa ng pag-open sa letter. Disrespect yun! Hindi mo man naisip na kawalang-modo yun. Nakakainis.”

Medyo mahaba ito...

June – Pasukan blues! Hindi kagandahan ang classroom, aircon at chairs… Uuuhhh… Nabawasan lang kami ng isang kaklase. Pumunta na kasi siya sa London.

August – Retreat! Pumunta kaming Baguio tapos may sakit pa ako. First time kong maranasan ang mahilo. Dumoble ang paningin ko.

September – Marami akong nakilala. Mga 3… Ü Marami na rin yun… Yung isa ay CO… College Fair kasi namin noon at kailangan nilang manghuli ng mga estudyante para sa Jail booth, para magka-merits at para kumita ang CAT. Ayun, nalaman kong nawala ang index card niya kaya sabi ko ‘pag hindi pa niya nakita papahuli uli ako. Yung 2 ay kapwa ko officers. Nandoon kami sa lungga ng mga COs habang nagpapahinga sila sa panghuhuli. Ligtas ka sa Jail booth ‘pag nandon ka, kung may manghuhuli hindi sapilitan kasi yung mga nandon pagod na rin. Asaran kaming tatlo doon. Ü Masaya, pero ngayon hanggang batian na lang kami… Ewan… Nagkakahiyaan na ata kaming 4.

October – Family Rosary Crusade aka FRC. Nag-novena kami for 9 days tapos procession. Dito rin naganap ang general assembly ng mga paganong college students sa amin. Hehe… Ü

November – Nagkaroon nang silbi ang mga agiw sa amin. Ü Tapos na ang sem break. Hehe. At isang buwan na lang Pasko na. Ay, onga pala nag-field trip kami. Outing ata ang better term. Nagpunta kami ng Island Cove tapos hindi ako nagswimming kasi dagdag lang yun sa mga dalahin ko. Naging instant photographer din ako.

December – Alitan kung ano ang gagawin sa Christmas Party. Akala ko walang food, akala ko failure pero isang malaking KAMALIAN ang inisip ko. Maraming food at naging matino ang party namin kahit walang sounds, games at kung anu-ano pa. Yung sounds namin galing sa kabilang room na kung magpatugtog eh parang mauubusan ng kuryente. (All smiles pa ang classmates ko sa picture. Sayang wala ako sa picture, busy ata ako sa pagkuha ng pagkain diyan eh. Ayan ang Christmas Party ng 4-S)

January – Pirmahan ng clearance para sa COs. Pinaka mahirap ko na atang pinagawa yung song interpretation. Bakit? Kasi mag so-song interpretation ako sa Filipino namin ng mag-isa. Kumukuha lang ng ilang moves mula sa kanila. Meron pa pala, army dozen. Ü Isa lang naman yung gumawa noon pero hindi ko napirmahan/pinirmahan yung clearance niya. Sportd fest din pala namin. Yihee…

February – Habang naglalakad sa lobby ay naiisip ko ito, “Wala bang day-off and OD? Valentine’s Day naman eh.” Punung-puno ang post namin ni Athena ng mga lalakeng naghihintay sa kanilang iniirog. Tapos pinalipat ako ng post at dahil sa wala akong magawa binabati ko ang mga nagdaraan ng “Happy Hearts’ Day.”
– Pinalipat ako ng post at nagpababa ng mga estudyante. Bumaba ako sa 4th floor at doon ko nakita ang taong nakilala ko nung College Fair namin. Ayun, nagkahiyaan pero nagbatian naman kami. Ang tahimik namin. Wala kaming masabi sa isa’t-isa. Sana ininterview ko pala siya.

March – *Aida* plays. Graduation na (sa CAT at yung academic graduation). Yung academic graduation namin hindi masyadong emotional, hindi tulad ng iniisip ko. Nauna pa ngang umiyak yung CO na nagbabantay dun kanina. Medyo nakakatawa pa nga yung ibang mga litratong nilagay sa video presentation… Hehe…

It has been a beautiful life…

Thursday, March 30, 2006


Hindi ako yung tipo ng tao na magbibigay ng pangalan sa grupo ng kaibigan ko.
January noon at si Noekka ay wala sigurong magawa sa buhay niya.

Ang PaDaNoGreChe ay nabuo.

Pero kulang, kasi wala si Mineng at si Cy. Kaya dinugtong na lang.. Ang produkto ay ang…

PaDaNoGreCheMinCy (Pamela, Daryll, Noekka, Gretchen, Cheska, Miñezka and Cyrisse)

Somehow, it helped me to define my circle of friends. Syempre hindi lang sila ang friends ko sa school may iba rin pero sila ang kabungguang balikat ko at kakwentuhan.
Masaya ako kapag kasama ko sila.

Sorry sa mga kamalditahan ko at salamat sa pagiging mabuting niyong kaibigan.

Wednesday, March 29, 2006

Sa...

*Grava Land – lugar kung saan may batu-bato na tinatawag na grava/graba. Ngayon, puro lupa na rito at may ilang patay na damo. Dito naglalaro ang mga pinagpalang estudyante ng soccer.
*Grotto – nasa grava land ito at pinamumugaran ang fountain nito ng sangkatutak na butete na akala ng grade school students ay isda.
*Oval – dito ginagawa ang flag ceremonies. May parang hollow blocks na ewan na deadly para sa mga heeled na sapatos lalo sa mga sapatos na stiletto. May sand storms dito.
*Bagong Canteen – ang canteen na magaganda ang tables at mabibigat ang chairs. Ang exhaust fans ay pwede na ring tratuhin bilang electric fans. May better facilities dito.
*Lumang Canteen – nasa ibaba ng St. Dominic Building. Mainit kapag maraming tao.
*Gym (St. Catherine Audi-Gym) – dito dinadaos ang activities na maraming tao ang kasali. Libre lang ata ang renta sa Gym.
*Audi (Mo. Francisca Hall) – de aircon ang lugar na ito, parang oven ‘pag di bukas ang aircon. Mahal ang renta sa lugar na ito.
*Swimming Pool – tirahan dati ito ng mga palaka at ngayon ay languyan na ng mga tao. Maaamoy ang chlorine sa layong 15-20 meters (kung malakas ang pang-amoy mo). Kalimitang walang tubig ang kada cubicle na banyo pero yung banyong pang-maramihan laging meron kasi konektado agad sa tanke ng tubig. May renta ang kada gamit sa pool at hindi ko alam kung magkano.
*Chapel (Holy Rosary Chapel) – may dalawang malalaking chandeliers dito at color yellow ang ilaw. Hindi masarap umupo kasi maliit lang ang mismong uupuan mo. Pang nine na tao ang pews dito kapag medium sized kayong uupo.
*SATL (Subject Area Team Leader) – pwedeng tao o pwede ring lugar. Ang SATL ay mas nirerefer bilang isang kwarto kung saan namumugad ang mga SATL.
*YLL (Year Level Leader) – parang SATL din, pwedeng tao o lugar pero mas kilala ito bilang opisina ng mga gurong namumuno sa buong year level. Ü
*Prefect (Prefect of Discipline) – lugar lang ito. Hindi naman namin tinatawag na Prefect yung prefect of discipline namin.
*Pub (Publications Office) – dito ang lungga ng members ng Writers’ Guild lalung-lalo na ang editors.
*Guidance (Guidance Counselors’ Office) –seclude ang area na ito.
*San Lo (San Lorenzo Hall) – isa ito sa mga pinaka kilalang lugar sa amin kasi dito ang karaniwang meeting place ng mga tao. Kapag mainit, dito mo makikita ang mga tao na nakaupo, ‘pag umuulan dito mo matatagpuan ang mga taong naghihintay.
* Cashier, Registrar’s at Finance Office – Hindi ko alam ang pinagkaiba-iba ng mga ito kaya pinagsama-sama ko na. Basta ang alam ko lahat yan ay opisina kung saan ka magbabayad ng mga bayarin.
*Lobby – tapat lang ito ng nabanggit na mga opisina. Madulas ang tiles dito (mirrorized daw). Nakakadulas kaya beware, maganda ang lugar na ito kasi nirenovate.
*IMC (Integrated Media Center) – hiraman ng kung anu-anong gamit na pang-media at lugar kung saan ka pwedeng manood. Libre lang ang renta dito (yung mismong lugar), may LCD Projector ka na, may computer na at may aircon ka pa! Wait there’s more! May malambot pang mga upuan. Conducive for sleeping nga eh.
*St. Catherine (St. Catherine Building) – ang building na may stained glass. Magaganda rin ang chairs dito pero sa grade school na lang ata yun. Ito yung building na nasunog nung 2002 ata. Akala ko nga wala na ako papasukan na school noon eh.
*St. Dominic (St. Dominic Building) – ang lumang building. Nandito ang room namin. Ito yung building na maraming koneksyon at maraming gates. Konektado ito sa Chapel at sa St. Catherine Building (hehe… marami na yun).
*Lib[layb] (Library o Integrated Learning Center) – may Internet dito. Pugad ng mga taong walang magawa kundi magpa-aircon at mag-Internet. May matitino rin dito.
*Integrated, Biology at Physics Lab/Laboratory – hindi ko masyadong alam ang pagkakaiba-iba nila. Hindi ko sigurado kung ito na lahat yung lab sa amin.
*Faculty – maraming faculties sa amin. May left at may right. Bahala ka ng hanapin kung saan ang table ng teacher na hinahanap mo. Yung nasa kanan nandoon ang CL, TLE, AP at MAPEH teachers (ata). Yung nasa kaliwa nandoon ang mga hindi ko nabanggit. Hehe… Yung teachers ng major subjects ata sa kaliwang faculty.
*CR (Comfort Room) – hindi namin sila tinatawag na wash room, powder room o kung ano mang room. Basta CR pwede na sa amin. Lungga ng mga taong gustong magpaganda at magpagwapo.
*Principal/Principal’s (Principal’s Office) – kaunti lang ang mga batang pumupunta dito. Para sa akin dreaded ang lugar na iyon. Karaniwang pumupunta rito ang mga may salang malala o seniors na nangangailangan ng credentials.
*Cyber (Cyber Siena) – ang computer shop ng mga estudyanteng hapit, walang magawa, nakikinood o nagpapa-aircon lang. Mahal ang renta ng pc dito. Kailangan ng cyber chits para makapag-rent pero pwede mo ring idahilan na sarado ang Finace Office kaya hindi ka nakapagpapalit. Ü
*In between – sa harap lang ng San Lo. Pwedeng meeting place, sikat na lugar ito para sa weekday formation ng CAT-I Unit at RCY Division (officers).

Tuesday, March 28, 2006

It is nothing until...

"A bell is no bell until you ring it.
A song is no song until you sing it.
The love in your heart was not put there to stay.
Love is no love until you give it away."

Friday, March 03, 2006

No Wounds and Lethargy

Hehe… It made me laugh for some time. I just do not know what’s wrong about it. Maybe it is the effect of cramming for several days.

She literally translated “Walang Sugat (a title of a literary work)” to “No Wounds.”
How did I discover it?
I was searching for an answer in an analogy item. The answer should be a famous work of a writer. I do not know what came to her mind. Hehe… Her answer: “Walang Sugat/No Wounds.” I never thought that the answer would circulate our room. We were laughing about it. Hehe…

Another effect of cramming is “Lethargy”
Maybe we’re all lethargic by that time.
We were asked to make a clue about the meaning of ‘Lethargy.” I know the word but I was not able to recall what it is. Hmmm… Think…
My classmate called her friend and asked its meaning.

She said:
J*: R* ano ba ang lethargy?
R*: Ewan ko.
J*: Sabi kasi ni E* “Lethargy is after letter f. Parang ewan.”
R*: Oo! Tama yun. Pwede yun.

Natawa na lang ako at natawa rin yung mga naka-gets…
*Note: Lahat ng mga kinwento ko ay sagot ng mga nasa top 10 or top 5 sa buong batch namin.

Wednesday, March 01, 2006

Yehey!

Ngarag... Yan... My hardwork finally paid off… Exempted ako sa finals namin sa Visual Basic. Yehey…

*Just sharing my happy moments…

Friday, February 24, 2006

It

I never felt it. I never saw it. The loss of it made my face bruised, my eyes cry, and my heart angry. It made me seek revenge and seeking revenge is not a refuge when it is there. I did no desperate move to find it because I had accepted its loss.

Ahas pala.

“Abo ano yon?”
“Ahas.”

In some places, there are lots of snakes living where the people are and, maybe in our case, we live where the snakes do.

There were several snakes caught in our subdivision and the latest is from our house. The snake is still small and I even thought that it could only be a big worm, like in the Cordilleras. It was not the first snake that we caught wandering in our house. The first one was small and amazingly fast. In short, it looked like a fast worm.

Confirmed! It’s a snake. We even drew lots of conclusions about the black thing attached on its body. My sister even insisted to return the snake. She said that it is a symbol of life and abundance. She even added that its parents might seek revenge for the loss of their offspring. In the end, we returned it from its home.

Panicking almost everyday

I just got irritated due to the recurrent panicking of this person. I had it all when my Visual Basic Program got slightly jammed when she placed her elbow on my keyboard. Visual Basic cannot read the codes because of the elbow-on-keyboard incident. Connect? I don’t know. I just got full.

One day.
She was copying the codes I typed. Suddenly,
“ANO TO?!?!?! BAKIT AYAW? PANO ‘TO? (panicking)” --> on run time yung VB
I got very annoyed and still pretended to care.
“Ano bang meron?”
“Ito oh. Error. Bakit ba ganito? Pano ‘to? (still panicking)”
“Ewan (in an unsympathetic manner).”
After that, I continued with my work. I was so occupied with what I was doing, she still asked those questions but I did not mind her. Good. My other seatmate attended to her needs and helped her figure out the problem.
Naisip ko tuloy, “Bakit kaya ibang tao pa yung naghanap nung problema dun sa program na ginagawa niya?”
*I fear that she will be next to me during our VB exams. She asks lots of questions and panics very easily. Argh...

Better safe than sorry

Ayan… Pumunta kami sa bahay ng kaklase namin kasi gagawa kami ng thesis. Gabi na nung nakauwi kami. Isa lang ang kasabay ko. Ngayon, umaasa siya sa akin kung paano kami uuwi. Sumakay na kami sa jeep pero medyo kakaiba ang setting sa loob ng jeep.

Isang grupo ng lalake ang andun. Nagkukwentuhan. Yung isa lumayo sa kasama niya pero patuloy pa rin sa pakikipag-usap sa kanila. No choice at umupo kami sa pagitan nila. Yung isa naman biglang nagsabi na. “Oh, napagitnaan na.” Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit niya sinabi yun pero lumakas ang kaba ko. Maraming dala yung kasama ko, notebook, cell phone na mamahalin at pera. Ang naisip ko lang baka mawala yung thesis namin, ayun lang valuable na dala ko eh.

G-chen: Dondon… Dondon…
Dondon: Oh?
G-chen: Baba na tayo.
Dondon: Sige. Ano?
G-chen: Sige. Baba.
: Kakaiba sa loob. Kakaiba yung feeling ko. Parang may masama silang balak.
Dondon: Onga eh. Kaya inipit ko yung gamit ko.
G-chen: Wala bang nawala sa’yo?
Dondon: Wala.

Pareho pala kami ng iniisip. Bago kami bumaba tiningnan ko sa mata yung mga lalakeng kasabay namin at nakatingin rin pala siya sa akin. Tiningnan ko yung loob ng jeep. May katabi yung driver, yung isa nilang kasama sa may entrance/exit ng jeep. Lumakas na talaga ang kaba ko noon habang nakikita ko yung mga lalakeng nasa loob. Ganito yung setting ng isang hold-up-an na kinwento sa akin. Natakot ako kaya tinuloy ko na ang balak ko at ayun nga bumaba na kami. Better safe than sorry.

Monday, February 20, 2006

"Gusto ko pong maging artista."

Sabi nga sa isang test sa amin, ang tao natutong mangarap pagkatapos ipanganak. Nung Feb. 14 may vocation talk sa amin at tinanong kung ano pangarap namin sa buhay.

Pangarap ko noon eh maging abogado, pati nga ata maging presidente ng Pilipinas inisip ko na rin. Yung mga nag-talk nagtanung-tanong. Syempre may lumabas na gustong maging artista at kung anu-ano pa. Well, ako naman ngayon napaisip… Hmmm… Ano nga ba? Ang gusto ko talaga maging mayaman tapos plano ko rin na mag-donate sa charity at hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin kung sa nag-aalaga sa matanda o sa bata.. Both na lang kaya?.
Napag-isip-isip ko lang. Ang pangarap ko siguro ang mamatay ng mayaman (at masaya). Ewan ko lang. Iba-iba naman yata gustong kong mangyari sa buhay ko. Ika nga nila: “Time will tell.” ???

"Alam niyo po bang ... ?"

“It’s better to hear the painful truth, than to hear the sweet lies.”

Onga naman. The truth hurts! Minsan kasi ayaw nating tanggapin kaya masakit ang dating.

Kinausap ko yung aminadong nagsinungaling sa amin/akin. Medyo ayaw ko na siyang kausapin kasi ayaw ko nang makarinig pa ng kahit ano kasi hindi ko sigurado kung nagsasabi siyang ng totoo. Kanina, naglakas loob akong ipaalala sa kanya, sabi niya kasi sasabihin niya ang totoo pag banding March na, bigo naman ako kasi hindi niya naalala. Ewan ko lang kung hindi niya talaga naalala. Hindi ko na tuloy alam kung ano yung papaniwalaan ko sa mga sinasabi niya at ipinapakita niya. Basta ang alam ko ay ito ang sinabi niya: “Alam niyo po bang isa akong malaking sinungaling, mapag-panggap at duwag?” Akala ko niloloko niya ako pero nag-iba ang pakikitungo ko sa kanya after noon.

Monday, January 30, 2006

Student Teacher

“Kamukha niya si Roxy sa Mr. Bean na cartoon series.”
“Ay oo nga! HAHAHAHA!”

Nagalit si Ms. Roxy (fictitious name) sa amin kasi medyo hindi namin siya sinusunod. Medyo pasaway talaga ang klase namin at kailangan mong matutunang maki-ride para tumino kami sa klase. Dumating na ang CL teacher namin, the discussion was smooth kasi marunong maki-ride yung teacher namin. Ü Si Ms. Roxy naman walang ka-imik-imik sa sulok.

2nd day with Ms. Roxy
May discussion. Natutunan niya na rin kung pano sumakay sa amin. E di naging matino ang discussion. Pero syempre hindi siya nakaligtas sa mga classmates.

“Can you imagine … ?” Mmm… “I can’t…” Hehe… Paborito niya ata itong sabihin.

Medyo nagkainitan kami dahil sa dolphins. Nakakaawa nga naman ang dolphins na hinuhuli at kinakatay pero ginagawa pa sa illegal na paraan. Tinutulad pa niya ang tao sa dolphins. Ehem… Mammals nga ang dolphin at ang tao pero iba tayo sa kanila. Gusto pa niya ata ng spot the difference eh.

Maybe she’s a vegetarian. Siguro hindi siya kumakain ng baboy o kaya baka. Ayaw niya ata sa mammals na pwede at legal na kainin.

3rd day: hindi na siya dumating

Ms. Dolphin

Ms. Dolphin a.k.a. teacher namin sa A.P. IV. Medyo mapanghinala siya at bastos in many ways. Hindi siya marunong makinig sa sinasabi ng students. Tapos hindi ata siya nagbabasa ng libro.

Favorite expressions niya ang:
Okay (more than a hundred times niya to nasasabi sa isang discussion)
Soooo (mga 2 seconds niya to sinasabi)
Aaaand oothers (may kakaiba sa kanya pag sinasabi niya to)

Mapanghinala:
“Nako ha, baka kung ano na ginawa ninyo.” – late kasi yung mag-on kong classmates kasi pumunta sila sa principal’s office.
“Bakit mo chine-checkan yung papel niya?” – hawak kasi ni girl yung test paper ni boy.
“Sino yung may pointer (aka LASER) dyan? Baka naman pag nakatalikod ang teacher eh tinututok niyo sa kanila.” – kasi sa hindi sinasadyang pagkakataon napindot yung pointer aka LASER tapos tumama sa screen para sa projector.

Bionic ears:
“Uy gagamitin, gagamitin.” – pabulong lang to sinabi pero narinig niya. Nang-confiscate kasi siya ng earphones eh.
“Nakakainis talaga tong si ******* (secret ang name eh)!” – akala ko maririnig niya ako, ang lakas kasi ng boses ko nung sinabi ko yun eh. Ibig sabihin minsan lang siya may bionic ears.
Yung tingin ng iba kong classmates mukha siyang dolphin kaya naging Ms. Dolphin. Mala-walis tingting din yung plantsado niyang buhok. Malaki ang mata at nakakatawa ang facial expressions. Mabagal niya talaga sinasabi yung fave expressions niya. Minsan nga tina-tally namin kung gano niya na karami nabanggit yung mga yun. Medyo kawawa lang siya kasi hindi niya alam na siya na pala yung tinitira nung classmates ko pero nakikitawa pa siya. Hay. Isa lang ang sure ako, “She never earned most of my classmates’ respect.”

Wednesday, January 25, 2006

Kwento tungkol sa kwento

May quiz kami kanina. Gawa raw kami ng sequel ng El Filibusterismo. Ang title ng akin ay “Nacion.” Hindi ko alam kung bakit pero ayun ang naisip ko, meron pang “Ang Huling Pagsibol ng Damong Ligaw.”

Kung mababasa mo ang kwento mas magulo ang plot ko kaysa sa panahon ng Kastila.

Tinapos ko ang story sa sunog. Wala akong maisip. Muntik ko pang isunod yung istorya sa isang series sa TV. Hehe… May cook tapos nilason yung isang opisyal. Hehe… Wala talaga akong maisip. Magulo ang istorya at iniisip ko ang magiging reaksyon ng magbabasa noon. Baka mapa-kamot ng ulo.

Hmmm...

CO (cadet officer) o RCY (Red Cross Youth)? Alin nga ba? Naka-lista na ako sa COLT at binalak kong mag-quit para maging RCY. Nahiya ako sa battalion commander kaya itinuloy ko ang pag-c-CO ko. Masaya ako sa pagiging CO. Iba ang pakiramdam. Yung ibang classmates kong nag-quit sa COLT na nag-RCY ay naging CO uli. Mataas ang posisyon nila. Yung isa 2nd Battalion Commander at yung isa 3rd Battalion Ex-o.

It was a decision to make. Sinabi rin ng kapatid ko na pina-aga ko lang ang training. I still continued. Inisip ko na lang, “At least tapos na nung 3rd year pa lang ako.”

Ito ang gusto kong sabihin.
“Hindi ako nahirapan. Hindi ako nahihirapan sa isang bagay na gusto ko. Nag-enjoy ako. Natuwa ako kahit may ilang pagkakataon na ako ang naging source ng katuwaan at ka-ewanan. Naglakad ako sa bayan namin dahil parade noon. Nag-ipon ng pera para sa gala naming libo ang halaga. Nag-shine ng brass na gamit. Napatakbo. Halos tumalsik ang sword. Sumakit ang balikat. Nag-suot ng hindi nilabhang gala. Tumayo sa arawan. Kinulayang ang rifle ng permanent marker para gumanda. Nagtatali ng buhok kahit basa pa. Pumapasok tuwing Sabado. Gabi na umuwi tuwing Martes. Sumigaw. Nag-rap. Kumanta. Nag-dasal. Kinabahan. Naghanap. Masaya ako. Ito kasi ang desisyon ko at pinanindigan ko ito. Masaya ako sa ginawa ko. Natagalan ko ang isang taon ng hamon at ngayon ako naman ang mang-hahamon.”

*Habang tina-type ko ito nangingilid ang luha ko. Bumalik ang alaala. Hinalungkat ko ang iba sa utak ko.
“Pano na lang kung nag-quit ako. Wala sanang ganitong klase ng alaala. Ayaw ko. Iba ito. Minahal ko ito. Kahit ‘di ako masyadong nag-re-review para sa exams ginawa ko naman ang kaya ko para sa COLT. Salamat sa facial reaction na iyon at dahil doon hindi ako nag-quit.”

Major

Time warp
March 2005 (graduation of 4th year batch 2004-2005)
“Pwede bang tumalikod, ang sakit na nang paa ko.”
“Pwede siguro.”
“Pero tingnan mo sila, walang gumagalaw sa kanila.” Pero tumalikod pa rin ako.

“Nakalimutan na ata nila tayo. Isang oras na tayo dito.”

“Anong posisyon mo?”
“Uy, si Blaine Deputy!”
“Anong posisyon mo?”
“Basta.”
“Ako kaya? Hindi ako magiging Lieutenant Colonel baka Major ako o First Lieutenant.”
“Cruz? O, eto”
“Major? Yes! Major! 1st battalion S2? Uhhh… Sige ayus na ito kesa naman sa iba pa at least parehong posisyon ibang battalion nga lang.”

Iba’t ibang emosyon ang makikita mo, naglabasan na ang graduates, officers na kami, I rendered my last salute, may umiiyak, may natutuwa, may hindi mo alam kung ano ang emosyon, may ibang gusto nang umuwi. Ako naman sa excitement balut-balot pa rin ako ng maroon naming gala. Take note: “Complete uniform” ako nung umalis ako sa school at pagdating sa bahay ganon pa rin. My happiness mixed with some dismay. May na-achieve ako. Hindi masyadong achievement ang grade school graduation ko. Masaya ako dahil sa pag-akyat ko sa punong hindi ko kilala ay may masarap na prutas akong napitas.

Kweno tungkol sa pagiging late

I belong to the CAT I-Unit. I have never imagined myself wearing a green uniform and a sword hanging beside. Hehe…

Time warp…
January 2005

“Ma’am, permission to join the group ma’am”
“Kolektahin ang clearance nila.” At hiniwalay sa ibang clearance.

I reported late in our formation because I tried to complete my clearance. Pinaulit sa akin yung Army Dozen a.ka. exercise. I was late and I knew it but I continued to recite the Army Dozen. The memory was quite fresh, I can even feel the heat of the sun, the frustration, the feeling of the last element in the platoon and sadness. Naaalala ko pa yung tumatakbo ako, tumatakbo ang segundo, naglalakad ang minuto, gumagapang ang oras at kumakaripas ang panahon. I was defeated by something insubstantial. Time and will are very powerful. Hindi ko naman sinisisi ang oras kasi kasalanan ko naman talaga, I can’t do anything and I can’t resist the thought of achieving something. I did but I still lost in the end. Hindi ako nanisi. One hundred and one percent (101%) alam ko ang ginagawa ko at ang maidudulot ng ginagawa ko.
*Wala akong sinisi kahit ang nagtanong sa akin hindi ko sinisisi. May natutunan naman ako. Time is not gold. Mas mahalaga pa ito sa lahat ng mineral at batong makikita mo.

Tic-tac-tic. Dismissal time.

Common na maririnig sa class namin ‘pag dismissal na:
Ano assignment?
Tapos ka na sa lecture? (pag oo ang sagot…)
Pahiram naman, pa-over night ha.
Pasama naman, punta lang ako sa [lugar].
Nakita mo ba si [pangalan]?
Nasan po si Ma’am/Sir [pangalan]?
Ba-bye.
Maputi? (nagpupulbos kasi)
Hahahahaha!!! (mga tawa ng taong tuwang-tuwa sa pinag-uusapan)

When asked, “What’s your favorite subject?” Ang sagot ng iba ay break. Mas masaya pa rin para sa iba ang uwian kasi wala ng susunod na subject, bukas naman. Iba pa rin ang ambience na meron ang dismissal sa klase namin.
Ang puntahan ng mga estudyante sa class namin ang San Lorenzo Hall. Ayus. Doon mo makikita ang mga magka-klase na gustong magpa-gabi, naghihintay, nakatunganga, nagpapalipas ng oras, kumakain, naglalaro, at marami pang iba.

Iba pa rin talaga ang dismissal time.

Friendship

Kasama ang ilan kong classmates, nakipag-usap kami sa isang cadet sa COLT (ambush interview ata iyon). Ang usapan namin napunta sa kung saan-saan. May biglang nabanggit.

“Wala po kasing respeto yung mga kaibigan ko sa akin.”

Hindi ko alam kung natanong ko sa kanya kung friends ba talaga sila o hindi. FRIENDS ba sila? Hindi ata. Respeto ang isa sa cornerstones ng isang magandang relasyon.

Nagtanong naman siya. “Nagawa niyo na po bang mag-sakripisyo para sa kaibigan niyo?”

Ako ang unang pinasagot. Umoo ako at nagdugtong na, “Halos hindi ako natulog matapos lang yung pabor sa akin eh at kahit gutom na ako naghihintay pa rin ako para sa kanya.” Yung pabor? May maganda naman siyang rason para gawin ko iyon at alam ko ang sitwasyon nang magloko ang pc niyo sa bahay.

Having friends is like building a house. You should choose the right materials and start building together.